Share

Chapter Four

Author: ajixaya
last update publish date: 2026-04-08 11:05:53

Chapter Four

Ang umaga sa mansyon ng mga Zaviere ay nagsisimula bago pa man sumikat ang araw. Ang hamog sa malawak na garden ay hindi pa natutuyo nang marinig ko na ang malakas na pagtunog ng alarm ni Klea. Bawat kalamnan sa katawan ko ay sumasakit, isang malupit na paalala ng ilang oras na paglilinis sa library at ang tensyong muntik nang bumasag sa aking katinuan sa ilalim ng mesa ni Alexander.

“Rosita, dalian mo! Ang aga ng gising ni Mayor ngayon. Gusto niyang malinis ang pool area bago siya mag-breakfast,” hila sa akin ni Klea habang nagmamadaling isuot ang kaniyang apron.

Humarap ako sa maliit na salamin sa aming kwarto. Agad kong napansin ang bahagyang pamumula sa aking braso, bakas ng mahigpit na pagkakahawak ni Alexander kagabi nang itulak niya ako sa pader. Mabilis kong ibinaba ang manggas ng aking asul na uniporme. Hindi ito pwedeng makita ng iba.

“Ayos ka lang? Bakit parang namumutla ka?” usisa ni Klea habang tinitingnan ako.

“P-puyat lang, Klea. Ang daming alikabok sa library, inabot ako ng madaling-araw,” pagsisinungaling ko. Kinuha ko ang aking mga gamit sa paglilinis at sumunod sa kaniya palabas.

Pagdating namin sa pool area, sinalubong kami ng malamig na simoy ng hangin. Habang nag-aayos ako ng mga gamit, lumapit ang bagong hardinero na si Lando. Matikas ito, moreno, at laging may bitbit na biro.

“O, Rosita, aga natin ah? Baka naman pati ’yang mga rosas ko ay kuskusin mo na sa sobrang sipag mo,” biro ni Lando habang may hawak na gunting para sa mga halaman.

Natawa ako nang mahina. “Kailangan, Lando. Baka masibak tayo kapag may nakitang tuyong dahon ang Mayor niyo.”

“Sus, sa ganda mong ’yan? Baka gawin ka pa niyang reyna ng mansyong ito,” banat niya sabay kindat.

“Sira! Magtrabaho ka na nga doon,” sagot ko habang nakangiti. Masarap din palang makakita ng normal na tao rito, ’yung hindi parang rebulto kung tumitig.

Hindi ko alam, sa itaas na balcony, kanina pa nakatayo si Alexander. Hawak niya ang isang tasa ng kape, ang kaniyang mga mata ay tila nagniningas habang pinapanood ang bawat tawa at ngiti ko kay Lando. Ang kaniyang panga ay nakatigas, at ang kaniyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa railings.

“Rosita!” tawag sa akin ni Manang Ising mula sa loob. “Dalhan mo ng sariwang tuwalya ang Mayor sa balcony. Ngayon na.”

Paakyat sa second floor, ramdam ko ang bawat tibok ng puso ko. Pagdating ko sa balcony, ang amoy ng sandalwood at mamahaling kape ay agad na sumakop sa aking pandama.

“Ang tuwalya niyo po, Mayor,” sabi ko habang iniaabot sa kaniya ito.

Inasahan kong hindi niya ako papansinin, pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. Ang kaniyang pagkakahawak ay hindi marahas, pero puno ng awtoridad na hindi mo pwedeng takasan.

“What were you talking about with the gardener?” ang boses niya ay mababa, tila ba isang babala na nagmumula sa kailaliman ng kaniyang lalamunan.

“Nagbibiruan lamang ho kami, Mayor,” sagot ko, pilit na iniiwas ang aking paningin.

“You’re here to work, Rosita. Not to entertain the staff,” mariin niyang sabi. Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko, sapat na para mapaiktad ako nang bahagya sa hapdi ng kaniyang marka kagabi.

Mabilis niyang itinaas ang aking manggas. Nanigas siya nang makita ang kaniyang sariling gawa, isang pasang unti-unti nang nagiging kulay ube sa aking maputing balat. Sa isang sandali, nawala ang bagsik sa kaniyang mga mata, napalitan ito ng isang madilim at mapanganib na titig.

“Sino ang gumawa nito?” tanong niya, ang boses ay naging paos.

“Kayo po, Mayor. Kagabi,” matapang kong sagot. “Kaya kung maaari po, bitawan niyo ako. Baka may makakita sa atin.”

Isang madilim na tingin ang ibinigay niya sa akin bago dahan-dahang hinaplos ng kaniyang hinlalaki ang pasa. Ang lamig ng kaniyang balat ay nagdulot ng kuryenteng hindi ko dapat nararamdaman. “Then let this be a reminder, Rosita. You belong to no one else in this house but me. Understood?”

Bago pa ako makasagot, isang matalim na boses ang bumasag sa katahimikan.

“Alexander. Is this how you spend your mornings? Touching the help?”

Isang matandang babae na nakasuot ng isang mamahaling black dress at puno ng mga perlas sa leeg ang pumasok. Ang kaniyang mukha ay kasing tigas ng marmol, at ang kaniyang mga mata ay tila ba kayang tunawin ang sinumang haharang sa kaniya.

Si Donya Estela Zaviere.

Mabilis na binitawan ni Alexander ang braso ko at tumayo nang tuwid, muling ibinabalik ang maskara ng isang kagalang-galang na lider. “Mother. I didn’t know you were arriving this early.”

“I can see that,” sagot ng Donya, ang tingin ay agad na dumapo sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na tila ba isa akong dumi sa kaniyang kagalang-galang na sahig. “And who is this child? Bakit parang masyadong malapit ang distansya niyo sa isa’t isa?”

“She’s new, Mother. Just doing her job,” simpleng sagot ni Alexander, ang boses ay wala nang bakas ng init kanina.

“New? She looks more like a liability,” anang Donya habang lumalapit sa akin. Hinawakan niya ang aking panga gamit ang kaniyang mga daliring may suot na naglalakihang diyamante. Ang kaniyang hawak ay malamig at masakit. “Listen to me, girl. In this house, perfection is the minimum requirement. Any distraction is immediately discarded.”

“Naiintindihan ko po, Ma’am,” sagot ko, pilit na pinapanatili ang respeto kahit na gusto ko nang lumayo.

“Good. Dahil mukhang marami kang kailangang matutunan tungkol sa disiplina,” nakangising sabi ni Donya Estela. Inalis niya ang kaniyang kamay sa aking panga at hinarap ang kaniyang anak. “Alexander, you have a reputation to protect. The elections are coming. Hindi mo pwedeng hayaang ang isang hamak na katulong ang maging dahilan ng iyong pagbagsak.”

Hinarap muli ng Donya ang kaniyang paningin sa akin. “Iwanan mo ang pool area. Ang grand staircase ay kailangang linisin. Ayaw ko ng anumang kemikal o machine. I want it scrubbed by hand, inch by inch, until I can see my face on the marble. Do it before the dinner with the Governor tonight.”

Nanlaki ang mga mata ko. Ang grand staircase ay mahigit limampung baitang ng purong marmol. Ang linisin iyon "by hand" nang walang tulong ng mga makabagong gamit ay isang parusang tila ba gustong ubusin ang aking lakas.

Tumingin ako kay Alexander, nagbabakasaling makakahanap ng kaunting proteksyon. Pero nanatili siyang nakatayo doon, blangko ang mukha, tila ba hindi niya ako nakilala.

“You heard my mother, Rosita. Go,” sabi ni Alexander. Ang kaniyang boses ay naging kasing lamig muli ng yelo.

Bitbit ang aking mga gamit, tumalikod ako. Habang pababa ako ng hagdan, narinig ko ang huling babala ni Donya Estela.

“The more beautiful they are, Alexander, the more dangerous they become. Make sure you don't forget that.”

Lumuhod ako sa unang baitang ng hagdan. Bawat kuskos ko sa malamig na marmol ay tila ba isang pagtatanggal din ng aking dangal. Pero imbes na maiyak, hinigpitan ko ang hawak sa basahan. Alam ko sa sandaling iyon, ang laban na ito ay hindi lang tungkol sa paglilinis, ito ay tungkol sa kung paano ako mananatiling buo sa gitna ng isang pamilyang kayang pumatay gamit ang kanilang mga salita at kapangyarihan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Under the Mayor's Command   Chapter Eighty-Eight

    Chapter Eighty-EightMag-isa ako sa penthouse nang hapon na iyon. Lumabas ako sa malawak na balkonahe, bitbit ang isang maliit na sketchpad na binili ko noong isang araw nang mag-ikot ako sa lugar nang walang bantay. Totoo ang sinabi ni Alexander—malaya akong nakakalabas ngayon nang walang anino ni Vito o ng kahit sinong tauhan na nakabuntot sa aking mga hakbang. Isang malaking hakbang iyon para sa aming dalawa, isang bagay na unt-unting nagpaparamdam sa akin na ako ay muling nabubuhay bilang isang totoong tao, hindi bilang isang magandang palamuti sa kaniyang koleksyon.Umupo ako sa upuang yari sa rattan at pinagmasdan ang langit. Kulay kahel, lila, at rosas ang abot-tanaw habang unt-unting nilalamon ng gabi ang mga naglalakihang skyscraper ng lungsod. Dahan-dahang dinala ng aking mga daliri ang lapis sa papel. Sa halip na ang mga modernong gusali o ang siksikang mga kalsada ang aking iguhit, ang aking kamay ay tila may sariling isip na pilit bumabalik sa isang mundong payak ngunit p

  • Under the Mayor's Command   Chapter Eighty-Seven

    Chapter Eighty-SevenAng mga sumunod na linggo ay naging isang tahimik na serye ng mga pagbabago. Hindi naging madali ang bawat araw, dahil ang mga lumang gawi ay tila mga multong madalas pa ring sumilip sa aming mga kilos. May mga gabi pa rin na nagigising si Alexander na tila hinahanap ako sa dilim, ang kaniyang mga kamay ay mabilis na humahawak sa aking baywang upang siguraduhing hindi ako tumakas habang siya ay natutulog. Ngunit sa tuwing madaramas niya ang aking marahang paggising at ang marahan kong pag-tapik sa kaniyang kamay, dahan-dahan ding lumuluwag ang kaniyang kapit, pinalis ng marahang buntong-hininga ng relief.Isang umaga, habang naghahanda siya para sa isang mahalagang board meeting, pumasok ako sa kaniyang walk-in closet. Nakatayo siya sa harap ng malaking salamin, sinusubukang ayusin ang kaniyang kurbata, ngunit halatang lumilipad ang kaniyang isip."Let me," mahina kong sabi, lumapit ako at dahan-dahang kinuha ang silk na tela mula sa kaniyang mga daliri.Napatigil

  • Under the Mayor's Command   Chapter Eighty-Six

    Chapter Eighty-SixDahan-dahan kong naramdaman ang pagbaba ng kaniyang mga palad patungo sa aking likod, marahang hinahaplos ang bawat bahagi ng aking gulugod na tila ba binibilang niya ang bawat buto, sinisiguradong narito nga ako sa kaniyang piling. Ang kaniyang halik ay nanatiling mabagal, banayad, at may dalang lalim na unt-unting nagpapabura sa ingay ng labas ng mundo. Walang nagmamadali. Sa unang pagkakataon, hinayaan ni Alexander na ang oras ang sumunod sa amin, hindi ang kaniyang mga utos.Nang ihiwalay niya ang kaniyang mga labi, hindi siya lumayo. Nanatiling magkadikit ang aming mga ilong, at ang kaniyang malalalim na paghinga ay dumarampi sa aking mukha."I missed you, Rosita," pabulong niyang pag-amin, ang kaniyang boses ay may dalang gasgas ng emosyong matagal niyang itinago sa ilalim ng kaniyang pagiging bilyonaryo. "More than I care to admit. The penthouse was freezing without you. Every room felt like an empty tomb.""Kasalanan mo rin naman," mahina kong sagot, may bah

  • Under the Mayor's Command   Chapter Eighty-Five

    Chapter Eighty-FiveNanatili kaming ganoon sa loob ng ilang minutong walang ingay. Ang aking ulo ay nakasandal sa kaniyang matigas ngunit tila lumalambot na balikat, habang ang kaniyang kamay ay hindi tumitigil sa marahang paghagod sa aking likod. Sa bawat paghinga niya, nararamdaman ko ang pag-naas ng kaniyang dibdib, isang ritmo na unt-unting nagpapatid sa tensyong natitira sa aking katawan. Ang penthouse na ito, na madalas kong tingnan bilang isang malawak na bartolina ng aking kaluluwa, ay tila nagbago ng pakiramdam ngayong umaga. Hindi na ito kasing lamig ng dati."You're overthinking again, Rosita," pabulong na basag ni Alexander sa katahimikan. Ang kaniyang Ingles ay hindi na katulad kahapon na tila ba bawat salita ay may dalang patalim; ngayon, ang kaniyang boses ay may pamilyar na lalim na nag-aanyaya ng kapayapaan. "I can hear your mind racing from here.""Paano ko hindi iisipin ang lahat, Alexander?" dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo upang tingnan siya, ang aking mga

  • Under the Mayor's Command   Chapter Eighty-Four

    Chapter Eighty-FourHindi ko alam kung ilang oras ang lumipas habang nananatili kaming nakakulong sa silid na iyon. Ang marahas na bagyo ng kaniyang pagnanasa ay dahan-dahang humupa, na nag-iwan ng isang mabigat, mainit, at tahimik na gabi sa pagitan naming dalawa. Ang mabibilis na hampas ng kaniyang dibdib kanina ay napalitan ng malalalim at pantay na paghinga. Nakahiga pa rin siya sa itaas ko, ngunit ang kaniyang bigat ay hindi na tulad ng kanina na tila ba gusto akong gumuho; ngayon, ang kaniyang katawan ay nakadantay sa akin sa paraang tila ba natatakot siyang bigla akong maglaho kapag lumayo siya nang bahagya.Ipinatong niya ang kaniyang mukha sa aking leeg, ang kaniyang maiinit na labi ay nakadikit sa aking balat nang walang galaw. Ang kaniyang dalawang kamay, na kanina ay mahigpit na nakahawak sa aking mga pulso, ay dahan-dahan nang bumaba at ngayon ay nakapulupot sa aking baywang, marahang humihigpit sa bawat sandali na magpapakita ako ng kaunting paggalaw."Alexander..." mahi

  • Under the Mayor's Command   Chapter Eighty-Three

    Chapter Eighty-ThreeIpinatong niya ako sa malambot at naglalakihang kama na nakabalot sa madilim na sutla. Ang lamig ng tela sa aking likod ay mabilis na napawi ng kaniyang bigat nang muli siyang sumunod sa itaas ko, nakatukod ang kaniyang dalawang siko sa magkabilang gilid ng aking ulo. Ang kaniyang suit jacket ay nakalapag na ngayon sa sahig, at ang kaniyang puting polo ay may ilang butones nang nakabukas, sapat para makita ko ang mabilis na pagbaba at pagtaas ng kaniyang dibdib.Nakatitig siya sa akin sa dilim ng silid, ang tanging liwanag ay ang nagmumula sa mga ilaw ng lungsod sa labas ng malaking bintana."You look so small in this bed, Rosita," pabulong niyang saad, ang kaniyang boses ay mas naging paos at mababa. "Like a doll I left behind, only to find out someone else tried to play with it.""Hindi ako laruan, Alexander," sagot ko, pilit na pinapanatili ang tatag ng aking tinig kahit na ang kaniyang malapit na presensya ay nagpapakaba nang matindi sa aking puso. "At walang

  • Under the Mayor's Command   Chapter Seventy

    Chapter SeventyAng ingay ng elisi ng helicopter ay tila ba nagiging bahagi na ng bawat hininga ko, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ang takot sa mga attackers ang nagpapabigat sa dibdib ko. Ito ay ang katotohanang babalik kami sa Maynila—pabalik sa mundo ng dugo, sa mundo ng mga aninong laging

  • Under the Mayor's Command   Chapter Sixty-Nine

    Chapter Sixty-NineTatlong buwan.Tatlong buwang lumipas na ang tanging mundo ko ay ang puting tanawin ng Alps at ang nag-aalab na presensya ni Alexander Zaviere. Sa loob ng mga panahong iyon, unt-unting nabaon sa limot ang ingay ng mundo, ang gulo sa Maynila, at ang takot na hatid ni Senator Monte

  • Under the Mayor's Command   Chapter Sixty-Six

    Chapter Sixty-SixAng bawat araw sa loob ng villa sa Alps ay tila ba isang mahabang panaginip na walang gisingan. Ang puting tanawin sa labas ng dambuhalang salamin ay nananatiling walang kibo, isang malawak na disyerto ng yelo na nagpapaalala sa akin kung gaano ako kalayo sa lahat ng bagay na dati

  • Under the Mayor's Command   Chapter Fifty-Seven

    Chapter Fifty-SevenHindi natapos ang ma yon sa simpleng paghalik. Habang dahan-dahang sumisilip ang liwanag ng umaga sa makapal na fog ng bundok, hindi pa rin ako hinahayaan ni Alexander na makawala. Binuhat niya ako palabas ng kwarto, suot lamang ang isang manipis na silk robe na halos wala nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status