LOGINChapter 7
Cathryn POV Mag dadalawang linggo na ng ikasal kaming dalawa. Hinayaan na nya akong matulog sa kwarto at doon naman sya sa sala Hanggang ngayon hindi pa rin kami magkasundong dalawa. Isang malakas na katok ang narinig ko mula sa labas ng kwarto. Ayaw ko syang pagbuksan dahil pipilitin nya akong sumama sa kanya. Ayaw kung sumama sa kanya. Mas gusto kong manatili nalang sa bahay kesa sumama sa kaniya. Tinatamad akong bumangon dahil hindi naging maganda ang tulog ko kagabi dahil boung gabi kong iniyakan si Ate Roxanne dahil namimiss ko na sya. isang linggo ko na syang hindi nakikita kaya ganito nalang ang pagdadalamhati ko. "Cathryn! Buksan mo nga ang pinto.!" Inis na sabi ni Mark sa labas ng Pinto. Kaya napilitan akong buksan yun. "Bakit kaba nang iisturbo ng tulog!" Reklamo kong sabi nang buksan ko na ang pinto. "Bakit ba hindi ka gumising ng maaga? Alamo namang may lakad tayo?" "Ayaw kong sumama sayo, mag isa kanalang pumunta doon. . Gusto ko pang matulog." Pagmamaktol kong sabi na parang bata. "Don't act like a child! Hindi kana bata Cathryn! " "I know hindi na ako bata. Eh anong magagawa ko kung isip bata parin ang pag iisip at kinikilos ko. " Inis kong sabi kay Mark. "Okey Fine! Hahayaan ko ang pagiging isip bata mo. Pero ito lang ang sasabihin ko sayo wag mo akong ipapahiya sa harap ng maraming tao. Hindi lang ako ang mapapahiya kundi ang Lolo mo. Kilalang negosyanti ang lolo mo at ganon din ako at ayaw kung pag usapan ng maraming tao na ang asawa ko immature at isip bata.. naiintindihan mo?" Galit nya sabi saakin. "Palibhasa ni spoiled ka ng Ate mo!" Pahabol pa nyang sabi Nagulat ako sa mga binitawan nyang mga salita, ang hindi ko nagustuhan ay ang pagdamay nya kay Ate Roxanne. Oo ni spoiled nga ako ni Ate pero hindi sya nagkulang sa pag alaga saakin. Hindi ko magawang magpakita ng galit dahil totoo ang mga sinabi nyang pang iinsulto saakin. "Mag ayos kana! Baka malate pa tayo sa lakad natin." "Sinabi kong ayaw kung sumama sayo!" Inis kong sabi "Kailangan mong sumama sa ayaw at sa gusto mo. Dahil inaasahan nilang makakarating tayo sa party na iyon at ganon din ang lolo mo inaasahan nyang darating tayo. " Inis akong bumalik sa kwarto at malakas na isinara ang pinto. Nakakainis gusto kung sumigaw sa galit. Akala ko magagawa kona ang gusto ko pero mas lalo lang akong nakulong sa isang impernong pamumuhay kasama ang lalaking yun. Napilitan na akong sumama sa kanya papuntang Cebu dahil grand opening ng bagong branch ng companya nila sa Cebu. Kaya kailangan na naming sumakay ng Eruplano. Nasa loob na kami ng eruplano hindi kami nag iimikang dalawa dahil sa naiinis kami pariho sa isa't isa. Naglagay ng panakip sa mata si Mark mukhang matutulog sya. At dahil kagigising ko lang wala akong balak matulog. Nasa ere na kami tulog na tulog si Mark habang naka eye masks at may sout na air phone sa magkabilang tinga. Inis akong napatingin sa kanya pati sa pagtulog nya ang yabang na ng dating nya naka cross arms pa. Piktusan ko kaya sya para tuloyan nang hindi magising habang buhay pero pinigilan ko nalang ang sarili ko Pero bigla akong napatitig sa mukha nya, makinis ang mukha nya, matangos ang ilong nya at ang mga labi nya mitso mapula pula. Bigla kong naalala ang gabing hinalikan nya ako kaya lalong nadagdagan ang pagka inis ko sa lalaking ito. Ang sarap ng tulog nya hu! Bigla akong natawa sa naisip ko. Hinalukat ko ang bag ko at kinuha ang lipstick ko. Nilagyan ko ng lipstick ang labi nya pero bigla syang gumalaw kaya ayon pati sa mukha nya nalagyan ko na rin ng lipstick. Gusto kung tumawa pero pinigilan ko baka magising sya. Dahan dahan akong humakbang para malagpasan si Mark na tahimik na natutulog. Pumunta mona ako sa comfort Room para doon tumawa. Tawa ako ng tawa sa ginawa ko pero alam ko na na pagagalitan nya ako pag nalaman nya ang ginawa ko. Hindi nagtagal ay bumalik na ko sa upoan ko mahimbing paring natutulog si Mark. Naramdaman ko nalang na dumampi ang ulo nya sa balikat ko, himbing na himbing parin sya sa mga oras na iyon hindi nya siguro namalayan ang pagkakaunan nya sa balikat ko. Kung titingnan kaming dalawa parang napaka close namin sa isa't isa pero ang totoo ayaw namin sa isa't isa. Hindi ako mahilig sa mga ganitong romantic na pangyayari kaya ang ginawa ko iniusog ko ang ulo nya ayaw kong dumidikit sya saakin. Pero ayon na naman ang ulo nya nakaunan na naman sa balikat ko. Gusto ko syang piktusan sa ulo pero hindi ko magawa dahil ang daming tao sa eruplano kaya hinayaan ko nalang. Nagulat nalang ako ng may nagsalita sa Speaker na malapit na daw ang destination namin kaya ihanda na raw namin ang aming mga sarili para sa pag landing. Napatingin nalang ako kay Mark ng ibaling na nya ang ulo nya sa dating posisyon , naramdam nya siguro na nakaunan sya sa balikat ko kaya inayos nya ang sarili nya sa pagkakaupo. Maya't maya naramdaman kong tumayo sya sa kinauupoan nya mukhang pupunta sya sa CR. Sinundan ko sya ng tingin kita kong tumawa ang stewardes na nakasalubong ni Mark. Natawa din ako dahil sa reaction ng stewardes. Hinanda kona ang sarili ko sa sermon ni Mark. Pagbalik nya ay bigla akong nataranta, nagkunwari akong nagbabasa ng magazen na nakalagay doon . Nagkunwari akong walang nangyari. Pasimpli akong tumingin sa kanya nakatingin sya sa akin na umaapoy sa galit. Ngumiti lang ako sa kanya at nag sign of peace. "Peace! " "Wag mo akong ginagalit! Hindi ako natutuwa sa ginawa mo. " Inis nyang sabi. "Ano kasi namumutla yung labi mo kaya nilagyan ko ng lipstick para di ka magmukhang maputla." Pagsisinungaling kong sabi Kita ko ang pagbuntong hininga nya mukhang pinipigilan nya ang sarili nya. Umayos nalang ako ng opo. Hinayaan ko na syang mam*tay sa inis. Alam kung nagtitimpi na sya ng galit. Wag nya akong kakalabanin dahil masama akong kaaway. . To be continue.“Sa Gitna ng Katotohanan Cathryn_POV Hindi ako makagalaw. Parang nakapako ang mga paa ko sa buhangin habang paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang sinabi ng babae. Engaged na rin kami noon. May anak sana kami. Pakiramdam ko may kung anong matulis na bagay ang unti-unting tumutusok sa dibdib ko. “Cathryn, please… makinig ka muna,” pakiusap ni Mark. Pero paano ako makikinig kung parang nabingi ako sa sakit? “Hindi mo sinabi sa akin,” nanginginig kong sabi. “Bakit?” Tahimik siya. At ang katahimikan niyang iyon ang mas masakit kaysa anumang sagot. Sumingit si Selena, nakahalukipkip at tila nanonood lang ng palabas. “Hindi niya sinabi dahil alam niyang masasaktan ka,” malamig niyang sabi. “Pero hindi ibig sabihin na hindi totoo.” Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi lang ako ang nasasaktan. May batang nadadamay. “Umalis ka dito, Selena,” mariing sabi ni Mark. “Wala ka nang karapatan sa buhay ko.” Ngumiti siya. Isang ngiting puno ng lihim. “Sigurado ka?” At bago pa ako maka
“Sa Ilalim ng Mga Bituin” Cathryn_POV Tahimik ang gabi. Tanging tunog ng alon mula sa private resort ang maririnig. Nakaupo ako sa balcony, yakap ang teddy bear na ibinigay ni Mark noong gabing nag-propose siya sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Kasama ko siya. Masaya kami. At higit sa lahat… Magkakaanak na kami. Hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti. “Baby, sana maging mabait ka tulad ng daddy mo,” bulong ko. “Sinisiraan mo pa yata ako.” Napatalon ako sa gulat. Nasa likod ko si Mark, naka-fold ang mga braso habang nakangiti. “Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko. “Matagal na. Ang sweet mo pala kapag kausap mo si baby,” sagot niya sabay lapit. Umupo siya sa tabi ko at hinila ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako mula sa likuran, eksaktong katulad ng ginawa niya noong unang gabi namin dito. “Hindi ka pa rin ba makatulog?” tanong niya. Umiling ako. “Masaya lang ako. Parang hindi totoo.” Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. “Totoo ‘to, Ca
Special Chapter 1 “Ang Simula ng Habambuhay” Cathryn_POV Hindi ko akalain na ang bakasyong iyon ay magbibigay sa amin ni Mark ng bagong simula. Mula sa proposal niya sa ferris wheel hanggang sa gabing muling nangako siya sa akin sa ilalim ng makukulay na paputok—lahat ng iyon ay parang panaginip. Isang panaginip na hindi ko gustong magising. Pagkatapos ng ilang araw, nagpasya kaming tuparin ang matagal na naming napag-usapan. Ang muling pagtayo sa harap ng altar. Hindi lang basta renewal of vows. Kundi isang bagong simula. Isang pangako na pipiliin namin ang isa’t isa araw-araw. Sa araw ng kasal, maaga akong nagising. Nasa isang napakagandang garden venue ginanap ang seremonya. Puro puting bulaklak ang nakapalibot. May mga ilaw na nakasabit sa mga puno. Parang isang fairytale. Habang inaayusan ako, hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng pinagdaanan namin ni Mark. Ang sakit. Ang selos. Ang pagkakamali. Ang pagpapatawad. At ang muling pagmamahalan. “Ang ganda mo, Cathr
Chapter 31 Cathryn_POV Nagising nalang ako ng biglang gumalaw sa higaan si Mark. Ramdam ko yun dahil nakayakap sya mula sa likuran ko. Dahan kung minulat ang mata ko. Umaga na pala. Ramdam kong hinigpitan ni Mark ang pagkakayakap saakin. Mukhang gising na din sya. "Good morning!" Bulong nya saakin na nakangiti. "Good morning!" Sagot ko sa kanya. Naiilang ako dahil hindi ako sanay sa ganito. Kahit may nangyari saamin kagabi hindi ko parin maalis sa sarili ko na makaramdam ng hiya sa kanya. Sariwa parin kasi saakin ang nangyari kagabi. Nauna na syang bumangon saakin sa kama at pumasok na sa banyo. Samantalang ako nakahiga parin sa kama at hindi makapaniwala na umamin ako sa kanya kagabi . Pero nasabi ko na ang nararamdaman ko sa kanya. . Hindi ko na iyon mababawi. . Bakit ko naman babawiin ang sinabi ko. Totoo naman ang sinabi ko na nahulog ang loob ko sa kanya. At mahal ko sya. Matagal na kaming nagsasama ni Mark. Kaya malamang mahuhulog ang loob namin sa isat i
Chapter 30 Mark_POV Late na akong dumating sa bahay... Dahil niyaya ako ni Nathan na maki pag inuman mona sa Bar. Kailangan ko din yun para mawala ang kaba ko. Dahil sigurado akong maiilang ako kay Cathryn mamaya. Pagkapasok ko sa bahay naamoy ko ang mabangong niluto ni Cathryn. Sumilip ako sa kusina nakahain na ng pagkain pero wala doon sa kusina si Cathryn.. Malamang nasa kwarto sya. Pagkapasok ko sa kwarto. Wala din doon si Cathryn. Kumatok ako sa Banyo wala din sya doon. Saan kaya sya nagpunta? Naisip kong tawagan sya. May naririnig akong nagriring. Napatingin ako sa gawi ng Kabenit. Nakita ko doon ang mga damit n Cathryn na nakakalat kasama ang cellphone nya. Pinulot ko yung cellphone nya at ni call end ko na ang tawag. Siguro may pinuntahan lang sya at sa sobrang pagmamadali nya naiwan nya ang cellphone nya. Pinatong kona sa desk yung cellphone ni Cathryn. yung mga nakakalat na damit ay pinulot ko din at nilagay ko na sa lagayan ng mga lalabhan. Naupo
Chapter 29Cathryn POVNagising ako na ramdam ko parin ang yakap ni Mark. Naalala ko ang nangyari kagabe. Biglang namula ang pisngi ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Himbing na himbing ang pagkakatulog nya. Dahan dahan akong bumangon sa kama. Ayaw kung magising sya. Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo napansin kung tulog parin si Mark. Kaya nag ayos na ako at bumaba na sa sala. Kita kong nasa hapag kainan na si Lolo. At diko inaasahan na maagang darating sina Ate Roxanne at Kuya Nathan. "Good morning!" Nakangiting bati saakin ni Ate. Napangiti ako at nyakap ko si Ate ng mahigpit. "Good morning ate." Sabi ko sa kanya. "Good morning din kuya Nathan" bate ko din kay Kuya Nathan"Good morning din" sagot nya saakin na nakangiti saakin. Masaya ako dahil lagi ko nang makakasama si Ate Roxanne. Parang ayaw konang bitawan si ate sa pagkakayakap ko sa kanya."Tama na nga yang pagyakap mo sa Ate mo!" Sabe ni Lolo."Hayaan mo na sya Lolo... Miss lang ako ng kap







