INICIAR SESIÓNWala akong nagawa kundi umiling habang natatawa dahil halos mag-iisang oras na yata kami rito para lang makuha ang baboy na yan. Ramdam ko na ang pagod ni Viscenzo sa tagaktak ng pawis niya pero tila mas ginaganahan pa siya ngayon. His eyes are full of determination as he focused on catching that one pig who had been testing his patience. “Sinabi ko na kasi sayong huwag ka nang pumunta rito.” Umiling siya. “I need to ask for your parents’ blessing.” Nakatutok siya sa panonood ngayon. Sandali siyang tumigil para i-distract ang baboy. Mahihirapan siya kapag nasa kaniya ang atensyon nito dahil makakaiwas na naman. Ilang minuto ang nakalipas ay umalis si Viscenzo sa pagkakasandal sa bakod. Kumakain na ang baboy at hindi napansin ang dahan-dahan niyang paglapit. Para tuloy akong nanonood ng suspense movie na live. Tahimik ang mga tao, akala mo nakalimutang huminga habang pinanonood si Viscenzo. Ilang hakbang na lang ang layo niya. Ilang saglit pa ay tuluyan niya nang nahuli ang babo
Wala akong nagawa nang isarado nito ang pinto. Tiyak akong hindi niya ako papayagang lumabas hangga't hindi nasusunod ang gusto niya. Ilang minuto akong nanatili sa loob, ilang saglit pa, tuluyan akong lumabas dala ang tatlong PT na puro negative ang resulta. Inabot ko iyon sa kaniya na naghihintay. "Are you now satisfied?" She sighed in relief as she looked at the lines. I'm confident that I wasn't pregnant because I haven't had that 'thing' with men yet. Siya lang kasi itong OA, kung ano-ano na ang iniisip. "Are you still mad?" Kumapit ako sa braso niya para lambingin siya. Strikta man siya ay mabilis namang lumambot ang puso nito pagdating sakin. Dinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. Umupo ito sa silyang gawa sa kahoy, hindi makatingin sa akin nang diretso. She's still mad, I can feel it. "Sigurado ka bang gusto mong magpakasal?" I smiled as I sat beside her and squeezed her hand. Pansin ko ang ilang hibla ng kaniyang buhok na pumuputi na, unti-unti n
I was twisting my fingers together with a shaky breath, unable to stop fidgeting. When Viscenzo noticed, he gently took my hand in his, stilling the nervous movement.I shouldn't be fidgeting, yet I can't help it."I'm sorry if everything happened too suddenly, Tita," he said calmly. "We were only waiting for the right time. The media has been relentless, we didn't want to drag you into any trouble.""That's why we came here personally, to speak with you face-to-face," dagdag pa ni Mr. Ferratero."Uunahan ko na kayo." Malamig na tinignan ni Mama ang lolo ni Viscenzo. I'd seen her strict before but never this serious. "Hindi niyo naman siguro binlockmail ng pera ang anak ko para pakasalan ang apo niyo, hindi ba?" agad na namilog ang mata ko sa narinig.What does she think of me, someone who can buy with money?"Hindi namin kailangan ng pera. Kung iyan ang iniisip niyo sa anak ko, patawad pero hindi ako papayag sa kasal. Pinalaki ko nang maayos si Mavi hindi para bastusin lang ng mga ta
I pressed my lips together and let out a heavy sigh. Tingin ko hindi ko na mababago ang desisyon nila, sana lang pagtapos ng araw ay maging maayos ang lahat. Tignan ko lang kung ganiyan pa rin ang sasabihin niya kapag nagkita sila. Ilang oras lang ang nakalipas nang tuluyan kaming makarating kaya lalo akong kinakabahan. Matapos kasi ang anim na taong pagtatrabaho sa Manila, ngayon ko na lang ulit sila makikita. Inalalayan ako ni Viscenzo pababa ng sasakyan. Medyo malayo ito sa bahay kaya kailangan pa naming lakarin. Sa bukid malayo sa mga bahay-bahay kasi kami bumaba. Marami nang nagbago nang ilibot ko ang tingin. Ramdam ko ang lahat ng mga matang nakamasid sa amin papasok sa isang baryo, lahat ng narito ay nagtataka. Hindi mawala ang mga bulungan at sari-saring chismis na hindi ko na pinansin. Takaw atensyon naman kasi talaga kung biglang may magla-landing na chopper dito. Isama mo pa ’tong maglolo na akala mo may selebrasyong pupuntahan kung maka-formal attire, idagdag pa an
Muli niyang sinuot ang singsing na ibinigay niya sa akin, iyong singsing na binalik ko sa kaniya noong unang araw akong pumunta rito. “I’m asking for a permission to hold your hand because I thought you might feel awkward.” I let out a bitter laugh. “Why would I? Are you my celebrity crush to make me feel awkward? You’re asking as if this is not the first time we hold hands.” Ako na mismo ang kumuha ng kamay niya para hatakin siya, pero ito na naman ang taksil kong puso na hindi matigil sa pagtibok nang mabilis. Ano bang problema? Doktor ako pero sarili ko mismo ay hindi ko maintindihan kung may kondisyon ako o sakit. Maging ang pisngi ko ay nag-iinit. Tingin ko kailangan ko na rin talagang magpakonsulta. Pinagsawalang bahala ko ang nararamdaman at hinila siya papasok sa loob ng mansyon, pero hindi gumalaw si Viel sa kinatatayuan. Muli ko siyang binalingan. “Ano na naman?” “You like someone?” Malamig ang boses niyang tanong, nakasalubong pa ang mga kilay. “Lahat nam
Nanatili akong nakaupo at naghihintay dahil siya na lang daw ang mamimili ng mga tuxedo na susukatin. Na-trauma ata sa ginawa ko. I bit my lower lip, trying to stifle a victorious laugh. Minutes passed, Viscenzo finally came out to the fitting area. He’s wearing a black tuxedo but not the same as he wore earlier. Sakto na ito sa kaniya at bagay na bagay tignan. Ano pa bang bago? Kahit ano naman yata ang ipasuot sa taong ’to ay babagay. Pasuotin mo man ng basahan o simpleng damit. “How’s it?” Tanong niya nang mataman lang akong nakatingin. “Maganda naman, but I can’t figure out what’s missing. Parang may kulang.” “Anong kulang?” Malamig ko siyang tinignan. “Hindi ko nga maisip, ’di ba?” Muli siyang napabuntong-hininga bago umalis para magpalit. Paglabas, iba na ang kulay ng tuxedo na kaniyang suot. “Bakit kulay gray? Ikaw ba ang ring bearer sa kasal?” The side of his lips curved in annoyance but he remained silent as he came back to change for the nth time.







