LOGINDahan-dahang napatingin ang dalawa sa likuran ko, saka sila nagkatinginan bago nagbigay ng alanganing ngiti. Para bang may biglang nagbago sa hangin—isang presensyang kinatatakutan nila. Ilang segundo pa, saka nila ako binitawan."Ah, sir… kinukumusta lang po namin si Chantal. Baka may sakit pa siya…" nakangiting sabi ni Geraldine. Marahan niya akong hinawakan sa balikat, ngunit may bahagyang pisil doon—isang babala. 'Huwag kang magsalita.'"Oo nga, sir," dagdag ni Winona, pilit ding ngumiti. "Matagal kasi siya sa loob, nag-aalala lang kami."Humigpit ang aking kamao. 'Talaga? Ngayon nag-aalala kayo?'Tahimik lang na nakatingin si Jeremiah sa kanilang dalawa. Walang emosyon ang mukha niya, ngunit ramdam ang bigat ng kanyang presensya. Maya-maya, bumaling ang tingin niya sa akin at unti-unting lumapit."Totoo ba ang sinasabi nila, Miss Gray?" malamig ngunit diretso niyang tanong.Napalunok ako. Ito na ang pagkakataon ko. Akala nila mahina ako. Akala nila tatahimik na lang ako. Maghinta
“Malapit na… konting-konti na lang…” mahina kong bulong habang pilit na kinokontrol ang kaba sa dibdib ko. Hindi ako tumanggi. Humawak lang ako sa laylayan ng aking palda, saka pumikit.“Sir, may sakit daw si Chantal?” biglang tanong ni Lucille habang papasok sa loob.Bigla akong nagmulat. Timing na timing.“Sir, may lamok!” bigla kong sigaw, sabay sampal ng malakas sa pisngi ni Jeremiah.Pak!Saglit na natahimik ang paligid.Agad akong nagkunwari, kunot-noo na hinahanap ang kung anong lumilipad. “Nasaan na ‘yun? Kanina pa ‘yun paikot-ikot…”“May lamok?” nagtatakang tanong ni Lucille, napatingin din sa paligid. “Wala naman akong nakikita…”Nanigas si Jeremiah. Kita ko ang bahagyang paggalaw ng panga niya—parang pinipigilan ang sarili.Nakokonsensiya ako. Ramdam ko ang init ng pisngi niyang tinamaan ko. Pero wala na akong choice.“Lucille…” malamig niyang tawag.“P-po, sir?”“Ibabawas ko sa sweldo mo ang pagpapabaya mo sa opisina,” diretso niyang sabi. “Bakit nagkaroon ng lamok dito?”
Martes na ako nakapasok sa opisina. Pagdating ko pa lang, agad kong napansin ang kakaibang eksena—mono block na upuan ang gamit nina Geraldine at Winona, kapalit ng dati nilang swivel chair. Bakit kaya?“Ano’ng nangyayari?” tanong ko kay Rodolf habang inilalapag ko ang bag ko sa mesa. "Bakit ganyan ang upuan nila?"Napakamot siya sa ulo. “Kahapon kasi, nagreklamo sila na sira na raw yung swivel chair nila. Kinuha ng maintenance, tapos pinalitan muna ng mono block.”“Ha?” napataas ang kilay ko. Mga baliw talaga. Bago pa ang swivel chair nila ah.“Ang akala kasi nila,” dagdag niya habang nakangisi, “mapapalitan din sila ng upuan na gaya ng sa’yo.”Hindi ko napigilan ang sarili ko—napatawa ako. “Grabe, hanggang upuan pinagtitripan nila.”“Hindi pa yun ang pinaka-issue,” sabat ni Marie habang papalapit sa amin. “Kahapon, tinangka nilang kunin yung upuan mo.”“Talaga?” gulat kong tanong.“Oo! Pero sakto, dumating si Mr. Harisson. Pinagbantaan sila na huwag gagalawin ang gamit mo.”“Talaga
Nahihiya talaga akong ibuka ang aking mga hita. Kahit pa nakita na niya ito ng ilang beses, natatakot ako na baka muli na naman siyang mawala sa sarili niya."Gusto mo bang tawagin ko ang mga katulong para sila ang gumawa nito sayo?" tanong niya sa akin. "Baka mas gusto mong sila ang gumawa nito kaysa sa sarili mong asawa?"Parang mas nakakahiya yun.Makikita nila na bumusa ang pechay ko. Ano na lang iisipin nila?Na gumamit ako ng kahoy para mapaligaya ang aking sarili? Na napakalaki pala ng "junjun" ng asawa ko?Huminga ako ng malalim, saka bahagya kong ibinuka ang aking mga hita.Nakita ko ang medyo gulat na mukha ni Jeremiah, subalit agad iyong bumalik sa dati. Inumpisahan na niyang gamutin ang aking hiwa ng ointment na nasa cotton buds.Malamig iyon, subalit sa tuwing dadampi iyon sa may pinakabutas kung saan mas ramdam ko ang sakit, napapaigtad ako dahil sa hapdi."Masakit ba?" tanong niya na bahagya pang hinihipan ang aking "nene."Medyo namumula ako, nag iwas ako ng tingin sak
Dahan-dahan niya akong sinusubuan ng lugaw. Mainit-init pa iyon, at tama lang ang timpla—hindi maalat, hindi rin matabang. Nakakagaan sa pakiramdam. Para bang bawat subo ay unti-unting nagpapawi ng sakit at pagod na nararamdaman ko.Tahimik lang kami.Matapos niya akong tulungang makain at mapainom, marahan niyang pinunasan ang aking labi gamit ang napkin.“Salamat…” mahina kong sabi.Bahagya lamang siyang tumango, walang gaanong emosyon sa mukha. Ngunit may kakaibang pag-iingat sa bawat galaw niya—isang bagay na hindi ko madalas makita mula sa kanya.Napansin niya ang dextrose sa aking kamay.Wala na itong laman.Marahan niyang hinawakan ang aking kamay.“Aalisin ko na ito. Tinuruan na ako ni Elizza kung paano.”“Elizza?” agad kong ulit, hindi maitago ang bahagyang pagsimangot.Ibig sabihin… narito rin siya?Hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng babaeng iyon, parang may kung anong sumisikip sa dibdib ko.“Nilagnat ka kasi kahapon,” paliwanag
POV: ChantalIsang nakakasilaw na liwanag ang pilit na pumipigil sa aking muling pagdilat. Mabigat ang aking mga talukap, at tila may kung anong humihila sa akin pabalik sa dilim. Ngunit unti-unti kong nilabanan iyon, hanggang sa tuluyan kong maimulat ang aking mga mata.Agad kong naramdaman ang kirot na kumalat sa buo kong katawan.Nanigas ako sa higaan. Para akong na- stroke.Amoy ospital ang paligid—malinis, malamig, at may halong kemikal na hindi ko maipaliwanag. Ngunit nang tuluyan kong malinawan ang aking paningin, napagtanto kong wala ako sa isang tipikal na silid-ospital.Naroon ako sa isang napakagandang kwarto.Tahimik. Maaliwalas. Puno ng liwanag na sumisilip mula sa mga kurtinang bahagyang tinatangay ng hangin.Pamilyar. Ang silid na ito ay parang kilala ko kung saan matatagpuan.Napakabilis ng tibok ng puso ko.Dahan-dahan akong napatingin sa aking paligid—sa mga kurtina, sa disenyo ng dingding, sa mga muwebles na tila ba matagal ko nang kilala.“...Hindi maaari…”Mahina







