تسجيل الدخول"Kuya Jeremiah, kailangan ko ng tulong mo!" inis kong sabi, habang nanggigigil ako kakapindot sa aking cellphone.Wala na akong ibang mapagpipilian. Nanginginig ang buong katawan ko habang nakahawak sa manibela ng kotse, gamit ang isang kamay para idikit ang cellphone sa tainga ko. Si Jeremiah na lang ang pag-asa ko. Kailangan kong malaman kung nasaan ang kapatid niya.Kailangan niyang malaman ang katotohanan. Hindi pwedeng masira lang nang ganoon kadali ang lahat ng pinaghirapan ko! Isang buwan akong nagpalatigo at humarap sa parusa kay Jeremiah para lang pumayag siyang makalapit muli ako kay Eli. Tiniis ko ang lahat ng sakit. Tapos ngayon, dahil lang sa mga walang-hiya kong dating kaibigan, mababalewala ang lahat? Maglalaho na lang na parang bula si Eli?"Hindi! Hindi ako papayag!" sigaw ko sa loob ng kotse.Ang ring ng phone ay tumunog... At muling tumunog... Hanggang sa namatay ang tawag.Ramdam ko ang malamig na pawis na pumatak mula sa aking noo. Mas lalong bumilis ang tibok ng
"Sir, ipinasarado po ang bar na ito, kahapon lang."Isang guard ang biglang humarang sa harap ko. Nanigas ako sa aking tatayuan habang nakatingin sa paligid. May mga dilaw na cordon o police tape na nakatali sa mga poste, nakabakod sa mismong pintuan ng Bar."Bakit? Anong nangyari?" Naguguluhan kong tanong, pero ang totoo, may kakaibang kaba na namumuo sa tiyan ko. Kahapon lang, bukas pa ang lugar na ito. Dito ako mismo nagpunta kahapon para makipagkita sa kanila. Ngayon, sarado na at may guwardiya pa? Biglaan naman yata. Hindi normal ang ganito."Marami daw pong ilegal na gawain sa loob, sir, at kulang daw po sa permit," sagot ng guard habang patingin-tingin din sa paligid."Nasaan ang may-ari? Si Marcus Ordaneta? Nasaan siya?!" Medyo tumaas ang boses ko. Nararamdaman ko na ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ito dahil sa pagod, kundi dahil sa takot. Takot na baka may hindi magandang nangyari na hindi ko alam."Ah, nasa ospital po sila ngayon, sir. Si Mr. Marcus pati 'yung mga
"Hindi po pumasok si Dok..."Parang bombang sumabog sa tainga ko ang sinabi ng guard pagkarating ko sa ospital. "Noong umalis po siya kahapon na parang galit, hindi na po siya bumalik.""Kahapon? Umalis siyang... parang galit?"Naulit ko ang tanong niya dahil biglang umikot ang paningin ko. Ang puso ko ay nagsimulang tumibok nang napakabilis at napakalakas, parang lalabas sa dibdib ko. Ramdam ko ang lamig na gumagapang sa buong katawan ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa susunod na sasabihin ng guard."Opo. Naka-body suit po siya, at sumakay sa big bike ni Mr. Smith. Hindi po siya nagsasalita. Mukhang bad trip po talaga..." naiiling na sagot ng lalaki sa akin.Hindi ako makahinga nang maayos. Nanginginig ang mga kamay ko kaya mabilis ko itong isiniksik sa bulsa ko para hindi mapansin ng guard."Nitong nakalipas na buwan po kasi," patuloy niya, "madalas niya kasama ang asawa ng kapatid niya. Tapos po, lagi sila sa gym. Noon, kapag may umaaway kay Doktora Delgado, tahimik lang siya. Per
"Para sa bagong simula ng ating barkada at para sa iyong tagumpay!" sigaw muli ni Marcus, sabay salo sa aking baso upang muling lagyan ito ng alak.Hindi ko alam na sa likod ng mga ngiting iyon, may madilim silang plano. Habang pinaliligiran nila ako ng mga matatamis na salita at mga pekeng papuri, unti-unti na pala nila akong itinutulak patungo sa isang malaking bitag na matagal na nilang inihanda para sa akin. Ang kanilang mga paumanhin ay isa lamang palang palabas upang makuha muli ang aking tiwala at mapababa ang aking depensa upang maisakatuparan ang kanilang maitim na balak.At ngayon, nagising ako rito sa aking silid na walang kaalam-alam kung ano ang eksaktong nangyari matapos kong maubos ang huling baso ng alak na ibinigay nila. Ang huling alaala ko na lamang ay ang tawa ni Marcus habang tinatapik ang aking likod, at ang biglang pagdilim ng aking paningin. Ano ang ginawa nila sa akin habang ako ay walang malay? Ano ang binalak ng mga hayop na iyon?Habang pilit kong inaayos a
POV: LionelPakiramdam ko, pagod na pagod ako. Ang aking katawang lupa ay parang may mabigat na bagay na nakadagan kaya hindi ko maigalaw nang maayos ang aking mga kamay at paa. Ang bigat ng aking ulo, at tila umiikot ang buong paligid kahit nakapikit ako. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata upang tignan ang aking kinaroroonan. Sumalubong sa akin ang pamilyar na tanawin. Asul ang pintura ng kisame, at kumbinasyon ng light blue at gray naman ang pader ng silid na aking nagisnan.Nasa sarili ko ba akong silid? Paano nangyari iyon? Paano ako nakauwi rito sa bahay?Sinubukan kong alalahanin ang mga huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Ayon sa huli kong natatandaan, inihatid ko sa ospital si Eli. Pagkatapos ko siyang maihatid nang ligtas sa kanyang tungkulin, nagtungo agad ako sa aking opisina para asikasuhin ang ilang mga mahahalagang papeles. Subalit, habang nasa daan ako, nakatanggap ako ng isang tawag mula kay Marcus. Nakiusap siya nang husto. Nakiusap ang aking mga dating
Tiningnan ko ang mga babae na nakasiksik sa sofa na ngayon ay umiiyak na rin sa takot. Nanginginig ang kanilang buong katawan habang nakatingin sa akin na tila nakakita ng isang halimaw."Huwag kayong kikilos kung ayaw ninyong maranasan ang ginawa ko sa tatlong ito," malamig kong babala sa kanila. Ang boses ko ay walang buhay, parang galing sa ilalim ng lupa, na mas lalong nagpatakot sa kanila. Agad silang tumango nang mabilis at nagtakip ng kanilang mga mukha, pilit na nagtatago sa sulok ng sofa.Humarap ako kay Marcus na nanginginig at dumu-dugo ang mukha sa sahig. Walang awa kong itinapak ang aking mabigat na sapatos sa kanyang dibdib, na nagpaimpit ng isang malakas na daing mula sa kanya. Dinagdagan ko pa ang diin nito hanggang sa marinig ko ang kakaibang tunog ng kanyang mga buto."Huwag kang aalis diyan, Marcus. Magtutuos pa tayo pagkatapos ko sa loob. Subukan mong tumakas at sisiguraduhin kong hindi ka na muling makakalakad," banta ko sa kanya bago ko siya iniwan.Nilagpasan ko







