登入Narinig ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa pananabik sa simula ng aking laro. Tumayo ako mula sa sofa, inayos ang aking nagusot na polo, at hinarap ang katulong."Kumusta ang lagnat niya? May ipinagbago ba mula kagabi?" tanong ko habang naglalakad patungo sa lababo ng aking study room para maghilamos."Bumaba na po ang kanyang temperatura, Boss. Medyo nanghihina pa po siya, pero gising na ang kanyang isip at nagtatanong kung nasaan siya," sagot ng katulong. "Mukhang hindi po niya matandaan na kayo ang may dala sa kanya kagabi.""Sige. Maghanda kayo ng almusal para sa aming dalawa sa veranda. Ipaakyat mo rin ang isang tasa ng mainit na kape sa silid niya ngayon din," utos ko bago siya tuluyang pinalabas.Matapos maghilamos at mag-ayos ng kaunti, naglakad ako palabas ng aking study room at tinahak ang malawak na pasilyo patungo sa aking master’s bedroom. Ang bawat hakbang ko sa sementadong sahig ay tila may kasamang bigat. Ito na ang sandali. A
Habang nakatingin ako sa madilim na kawalan sa labas ng bintana, unti-unting nabubuo ang isang plano sa aking isip. Hindi ko pwedeng hayaan na basta na lamang umalis si Gia sa mansyong ito kapag bumaba na ang kanyang lagnat. Hindi dahil sa nagmamagandang-loob ako, kundi dahil siya ang pinakamagandang baraha na dumaas sa aking mga kamay para pabagsakin ang mga De Vera.Kailangan kong mag-isip ng paraan para manatili sa tabi ko ang babaeng ito. Isang kasunduan na hindi niya matatanggihan."Ano ang mas matimbang sa isang ibong ikinukulong?" bulong ko sa aking sarili habang pinapaikot ang natitirang yelo sa aking baso. "Proteksyon at kalayaan."Kapag nagising siya, iaalok ko sa kanya ang aking pangalan at ang aking teritoryo. Sasabihin ko sa kanya na poprotektahan ko siya laban sa kahit kanino—laban sa kanyang mga magulang na nagbenta sa kanya, at lalong-lalo na laban sa baliw na si Anthony De Vera. Walang sinumang galamay ng mga De Vera ang makatatapik sa kahit isang hibla ng kanyang buh
"Cris... Cris, salamat naman at sinagot mo," bungad ni Aila, gumaralgal ang kanyang boses na tila ba naiiyak, ngunit alam ko na ang bawat tono ng kanyang pagpapanggap. "Kailangan ko ng tulong mo, please... Kailangan ko ng pera ngayon. Kulang ang pambayad ko sa upa ng condo, at pinapalayas na ako ng landlord kung hindi ko mababayaran ang balanse ko bukas."Isang tuyong ngisi ang sumilay sa aking mga labi. Pera. Walang "Kumusta ka?", walang "Patawarin mo ako," at walang bakas ng pagsisisi. Ang ibinungad niya sa lalaking naghanda ng buong mansyon at mamahaling wardrobe para sa kanya ay ang pagiging mukhang pera pa rin niya."Wala akong pakialam," malamig at walang kagaling-galing kong sagot. Ang bawat salita ko ay parang yelo sa tindi ng kawalan ng emosyon."Cris, naman! Huwag mo namang gawin sa akin 'to!" biglang nagdrama ang babae sa kabilang linya, naririnig ko ang pekeng pagsinghot niya na tila ba labis siyang nasasaktan. "Nasaan na ang mga pangako mo sa akin? Di ba nangako ka noon?
"Isang baliw na may hawak na baril at pera," bulong ko."Eksakto. At para makuha ang premyo, gumawa ng hakbang ang mga magulang ni Anthony. Sina Ronnie at Dina De Vera ay kilalang mga loan shark sa mga casino. Ginamit nila ang lason na ito para ipitin sina Geraldo at Letizia—ang mga magulang naman ni Gia. Nilunod nila sa utang sa sugal ang mga Geronimo, binangkarote ang kanilang kabuhayan, at nang wala nang mairason ang mga magulang ni Gia, doon hiningi ng mga De Vera ang kabayaran: ang kamay ng kanilang anak upang matupad ang kahilingan ng anak nilang ad*k na maging asawa si Gia. Sa Biyernes... sa Biyernes na sana ang kasal."Napatitig ako sa larawan ni Gia sa aking mesa. Ang magandang mukha na nakikita ko sa mga sikat na pelikula ay naging biktima lamang ng kasakiman ng sarili niyang mga magulang at ng pagkabaliw ng isang De Vera."Kaya ba nawala siya sa sirkulasyon kamakailan?" tanong ko."Oo, Boss. Maraming proyektong nabinbin si Gia dahil hindi siya makatakas sa kontrol ng kanyan
Pumatak ang ala-una ng madaling araw, ngunit ang bagyo sa labas ng aking mansyon ay tila walang balak huminahon. Ang malakas na buhos ng ulan at ang kulog na humahagupit sa mga salaming bintana ay nagbibigay ng kakaibang panginginig sa paligid.Sa loob ng aking malawak na study room, nakabalot ang lugar sa isang madilim ngunit eleganteng atmospera. Ang tanging maririnig lamang ay ang mahinang lagitik ng apoy mula sa pandekorasyong fireplace at ang swabe, mabagal na tugtog ng jazz na nagmumula sa umiikot na plaka sa gilid.Humigop ako ng kaunting whiskey mula sa aking baso, hinahayaan ang mainit at gumagapang nitong lasa na gumuhit sa aking lalamunan habang nakatingin sa kadiliman ng ulan sa labas.Sa kabilang dulo ng aking mabigat na mahogany desk, tahimik na nakaupo ang isang lalaking may suot na basang trench coat. Si Javier. Siya ang aking pinakapinagkakatiwalang imbestigador sa underground—ang taong kayang maghukay ng kahit anong lihim, kahit gaano pa ito kalalim ibaon ng mga pina
Nilingon ko ang rearview mirror. Katahimikan na ang naghahari sa likod ng sasakyan, maliban sa mahina at tila nahihirapang paghinga ni Gia. Sa tindi ng pagod, takot, at lamig mula sa basang damit, tuluyan nang nakatulog ang babae sa sahig ng aking sasakyan. Nakakubli pa rin ang kanyang katawan sa kadiliman, tila isang ligaw na pusa na sumuko na sa laban matapos ang mahabang pagtakbo.Ilang checkpoint pa ang aming dinaanan habang tinatahak ang kahabaan ng highway patungong Maynila. Sa bawat hinto, ganoon pa rin ang eksena—mga tauhan ni Anthony na kasabwat ang ilang lokal na awtoridad, nag-aabang ng babaeng may suot na pulang damit. At sa bawat pagkakataon, sapat na ang marinig nila ang aking pangalan at makita ang aking ID upang mabilis na magsitabi at mag-alis ng mga harang sa daan. Walang sinuman sa kanila ang nangahas na mag-usisa sa loob ng kotse ko.Subalit habang papalapit kami sa siyudad, napagtanto ko ang isang malaking problema. Hindi ko siya pwedeng ibaba lang sa kung saang
“Ang lalaking iyan po kasi,” malambing ngunit punong-puno ng paninira na saad ni Veronica habang nakaturo kay Jeremiah, “ay karelasyon din ni Chantal.”Tahimik ang buong bulwagan habang nakikinig sa kanya.Halatang sinusubukan niyang iligtas ang sarili sa pamamagitan ng pagbaliktad ng sitwasyon.“A
“CHANTAL!” Malakas ang tinig ni Jansen habang sinasalubong niya ako sa pasilyo ng aking opisina, “saan ka galing? Pumunta ako sa bahay niyo kanina, sabi ng katulong, hindi ka daw doon natulog!”Medyo nainis ako. Siya pa talaga ang may karapatang tanungin ako ng ganito, gayung siya ang nakalimot sa
Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yu
POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus







