ログインMuling naging seryoso at pormal ang anyo ng mukha ni Jeremiah, tila ba ipinapaalala sa akin na wala na kaming oras para sa mahabang kulitan. Tumingin siya sa kanyang relo bago muling humarap sa akin upang ibigay ang huling instruksyon."Ayusin mo na agad ang mga gamit mo, Ephraim. Huwag ka nang mag-aksaya ng bawat minuto," seryoso niyang bilin. "Ipapasundo kita sa sasakyan ng resort mamaya, pagkalipas ng eksaktong dalawang oras upang mabilis kang makarating sa airport."Tumango ako nang bahagya habang mabigat ang aking puso. Habang pinapanood ko si Jeremiah na tumatalikod upang iwanan kaming dalawa ni Leila para makapag-empake, alam ko na ang natitirang dalawang oras na ito ang magiging pinakamabilis ngunit pinakamahalagang sandali bago ko harapin ang katotohanang naghihintay sa akin sa Pilipinas.Mabilis naming inayos ni Leila ang aking mga gamit. Tahimik lang siya habang tinutulungan akong magtupi ng mga damit, ngunit ramdam ko ang bigat sa bawat kilos niya. Nang matapos kami, ba
"Ephraim! Buksan mo ito!"Isang pamilyar na boses ang sumunod sa malalakas na katok. Tinig iyon ng pinsan kong si Jeremiah.Agad akong lumayo nang bahagya kay Leila, binigyan ko siya ng isang mabilis na tingin na nagsasabing maghintay lang siya, saka ako mabilis na naglakad patungo sa pinto ng villa. Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang aking pinsan. Medyo malamig at pormal ang kanyang anyo—na siyang literal at nakasanayan na naming hitsura niya araw-araw. Subalit sa pagkakataong ito, ang bahagya niyang suplado at seryosong tingin ay nabahiran ng isang napakatinding pag-aalala na bihirang-bihira kong makita sa kanya."Nabasa mo ba ang mga balita o ang mga messages sa phone mo?" diretsahang tanong niya sa akin, hindi na nag-abalang bumati pa."Alin? Aling balita?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya. "Tumawag si Mommy kanina, pero alam mo naman 'yun, madalas siyang mag-panic para lang mapauwi ako.""Hindi ito laro, Ephraim. Si Tito Isaiah, nasa ospital ngayon," seryosong
"Kailan ka ba uuwi?" galit na may halong pagmamakaawa at naluluhang boses ng aking ina ang agad na sumalubong sa akin mula sa kabilang linya. "Nasa ospital ang tatay mo ngayon, Ephraim! Iwanan mo na ang kung ano mang kalokohan ang ginagawa mo riyan at umuwi ka na!""Ha? Anong nangyari kay Daddy?" tanong ko. Awtomatikong dinalaw ng matinding pag-aalala ang aking mukha at boses, kahit pilit ko itong itinatalo. "Bakit siya dinala sa ospital?""Sumakit ang dibdib niya kaninang madaling-araw, at ayon sa doktor, mahina na talaga ang puso niya. Ano pa ba ang ginagawa mo riyan sa Maldives, Ephraim? Naaatim mo talagang magpakasaya at magbakasyon habang naghihirap at nag-aagaw-buhay ang pamilya mo rito?" Ang bawat salita ni Mommy ay parang mga palaso na direktang isinasaksak sa aking konsensya."Sandali lang, Ma... magpaliwanag muna kayo," mahinahon ngunit may diing sabi ko.Bahagya akong napalingon sa direksyon ni Leila. Kasalukuyan siyang nagtutuyo at nagsasalansan ng mga plato sa dishrack ma
Huminga ako nang malalim at lalong inilapit ang mukha ko sa kanya, sapat para magkadikit ang aming mga ilong. "Hmm... wala naman. Gusto ko lang sana ng isang kiss galing sa iyo... isa lang talaga... kahit mabilisang smack lang, sapat na sa akin para sa buong araw."Agad na umirap si Leila sa akin, iyong paborito niyang irap na pamatay pero punong-puno ng lambing."Hmp! Lagi mo namang sinasabi 'yan, eh. Isang kiss lang daw, smack lang," bara niya sa akin sabay pitik nang mahina sa aking ilong. "Tapos ang ending naman palagi, halos ubusan mo na ako ng hininga sa tindi ng paghalik mo. Parang hindi ka CEO, parang palagi kang nauubusan ng supply."Natawa ako nang malakas sa kanyang sinabi dahil alam kong tama siya. Kapag dumidikit na kasi ang labi ko sa kanya, nawawala ang kontrol ko. "Epekto lang 'yan ng matagal na pangungulila, Leila ko. Kaya dapat ay masanay ka na.""Sira ulo," natatawa niyang sagot, pero nakita ko ang paglambot ng kanyang mga mata. " magpakabait ka muna bago ka humingi
Ilang araw din akong nakahiga at nagpahinga sa loob ng villa, at sa wakas, sa ikapitong araw namin dito sa Maldives, ay ganap na akong magaling. Wala na ang lagnat ko, magaan na ang aking pakiramdam, at bumalik na ang dati kong lakas.Sa totoo lang, nahihiya ako ng bahagya kay Leila dahil sa halip na ako ang mag-alaga sa kanya sa bakasyong ito, siya ang naging nars ko sa nakalipas na mga araw. Subalit kung lilingunin ko ang nangyari, pakiramdam ko ay isang malaking biyaya pa rin sa akin ang pagkakaroon ko ng sakit. Bakit? Dahil sa loob ng mga araw na iyon, gabi-gabi ko siyang nakakatabing matulog at araw-araw ko siyang nahahalikan nang may pahintulot niya. Para bang, kahit hindi na ako gumaling noon, basta ba ganito siya kalapit at katabi ko siya palagi, okay na okay na iyon sa akin. Sobrang sulit ang lagnat ko.Kasalukuyang nasa maliit na kusina ng aming villa si Leila ng mga oras na iyon. Dahil mainit ang panahon at pribado naman ang aming pwesto, nakasuot lang siya ng isang simplen
Huminga ako nang napakalalim habang nararamdaman muli ang bahagyang pananakit ng aking puso. Walong taon na rito ang nakalipas mula noong araw na iyon, ngunit hanggang ngayon, sariwa pa rin sa aking alaala ang malakas at masakit na sampal na ibinigay niya sa akin bago siya tuluyang naglakad palayo at hindi na muling nagpakita sa akin. Ang sampal na iyon ay hindi lang tumama sa aking pisngi; tumama iyon sa aking pride at nag-iwan ng matinding sugat ng pagsisisi sa aking konsensya.Nakakaramdam ako ng matinding inis, galit, at hiya sa aking sarili sa tuwing maaalala ko ang nangyaring iyon. Kung naging mas matalino lang sana ako noon, kung naging mas sensitibo lang ako sa nararamdaman niya, hindi sana kami nagkasakitang dalawa at hindi sana kami nag-aksaya ng walong taon na magkahiwalay at nangungulila sa isa't isa. Ang laki kong gago noon dahil sa halip na protektahan ko ang babaeng mahal ko, ako pa ang naging dahilan ng pag-iyak niya.Ngunit ang nakaraan ay nakaraan na. Hindi ko na ito
“Wow… at pumasok na rin sa wakas! Mukhang nangayayat ka ah… ano ’yan? Kakabembang?” matinis na boses iyon ni Geraldine.Wow ha. Good morning din sa’yo.Hindi na ako lumingon agad. Baka kasi mapatulan ko. At kapag pinatulan ko, baka hindi lang salita ang masabi ko—baka pati stapler maibato ko.“Haya
“Hoooy! Anong nangyayari rito?!”Biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok si Elizza, halatang hinahabol ang hininga. Bahagyang nag-echo ang boses niya sa loob ng silid, dahilan upang maputol ang kung anumang binabalak ni Jeremiah.Napaatras siya sa gulat, ako naman ay natigilan, sabay bah
POV: JansenMalala na talaga ang ginagawa ni Chantal.Habang nakatayo ako sa gilid ng hospital bed, hindi ko maiwasang magdilim ang paningin ko sa nakikita. Nanginginig ang mga daliri ko, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa galit o sa kaba.Paano niya nagawang bungiin ang ngipin at baliin ang ilong
Iniabot sa akin ni Lolo George ang isang kahong gawa sa kahoy. Agad kong napansin ang kakaibang disenyo nito—mga ukit na tila may kwento, bawat guhit ay parang may pinanggalingang panahon. Mukha itong antigong-antigo, pero lalo itong gumaganda habang tinititigan.Kasunod noon, iniabot din niya sa a







![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)