首頁 / Romance / Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+) / Leila 5: Love Team sa Kasal

分享

Leila 5: Love Team sa Kasal

作者: ExDealers
last update publish date: 2026-06-24 12:05:37

Malas.

Kamalas-malasan.

Dahil ang isinigaw ng host ay—

"Si Miss Santan!"

Biglang sumabog ang venue sa sigawan at palakpakan.

Parang nanalo ako sa isang beauty pageant.

O mas malala pa roon.

Parang bigla akong binigyan ng love team nang wala man lang konsultasyon.

"Bagay sila ni Mr. Hotdog!"

"Team Hotdog at Santan!"

"Isang masarap kagatin, isang masarap sips*pin noon!"

"Hoy, childhood memories!"

Halos magkandatumba ang mga tao sa kakatawa.

Ang iba ay pumapalakpak.

Ang iba ay sumisipol.

Ang iba n
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節
評論 (3)
goodnovel comment avatar
Eileen Puson
napaluha ako sa katatawa nito
goodnovel comment avatar
Pretty Novie Cruz
haha may bagong loveteam kakilig Ang sarap magbasa
goodnovel comment avatar
Dani Kuys Flores
Ano kaya past netong dalawa haha puro pasalit cguro si boy k girl haha
查看全部評論

最新章節

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 14: Ang kasunduan

    "Hindi ka na niyon babalikan," nakangising sabi pa ni Ephraim habang nakasandal sa kanyang upuan. Para siyang isang taong siguradong-sigurado sa kanyang sinasabi, at bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa siya sa sitwasyon."At bakit mo naman nasabi 'yan?" nangunot ang noo ko at tiningnan ko siya nang masama. Sa totoo lang, naiinis ako sa lakas ng loob niyang magsalita na parang kilalang-kilala niya si Fonze."Gusto mo bang makipagpustahan sa akin?" hamon niya habang itinataas-baba ang kanyang mga kilay. Puno ng kumpiyansa sa sarili ang kanyang boses, na lalong nagpa-init ng ulo ko."Bakit ko naman gagawin 'yan? Ano namang pakialam ko sa pakikipagpustahan mo?" naiinis kong sabi sabay tusok nang mariin sa pagkain ko. Gusto ko lang namang kumain nang tahimik, pero heto siya, nanggugulo na naman."Ganito kasi 'yan... Kapag bumalik siya rito, pangako, hindi na kita aabalahin pa kahit kailan. Hahayaan na kita sa buhay mo," panimula niya, sabay lapit nang kaunti sa akin upang mas maging mapang-

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 13: Kontrabida

    Habang maganda ang usapan namin ni Fonze, biglang nagbago ang ihip ng hangin. Isang pamilyar na boses ang narinig ko, at bago pa man ako makalingon, may isang lalaki nang pumasok sa pagitan namin."Kumain ka muna, Leila. Kanina ka pa rito, hindi ka pa kumakain," seryosong sabi ni Ephraim habang nauupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Parang wala siyang nakikitang ibang tao dahil hindi niya man lang nilingon o pinansin si Fonze na katabi ko lang.Napairap ako sa kanya dahil sa biglaang pagsulpot niya. Gusto ko sana siyang tarayan, kaya lang, nang tingnan ko ang plato na dala niya, napalunok ako. May dala siyang mga pagkain na paborito ko at talagang nakakatakam ang hitsura nito."Kumain ka na nito, Leila," sabi pa ni Ephraim habang inilalapit sa akin ang plato. Hindi pa rin niya nililingon ang isa pa naming kasama sa mesa, pero halatang-halata sa tono ng boses niya na nagpaparinig siya. "Kumain ka na ngayon, dahil 'yang mga pagkaing 'yan ay naubos na sa lagayan doon sa buffet. Ang mga na

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 12: Future with stranger

    Habang nag-uusap kaming dalawa sa sulok ng wedding hall, unti-unti kong nalaman ang kanyang buong pinagmulan. Ikinuwento niya na galing siya sa isang napakayamang pamilya. Pero sa likod ng karangyaan ng kanilang angkan, may madilim na katotohanan—marami silang magkakamag-anak na nag-aagawan at nag-aaway para lang sa mamanahing kayamanan.Dahil ayaw ni Fonze ng ganoong klaseng gulo, gumawa siya ng sarili niyang diskarte. Nagtayo siya ng sarili niyang kompanya at negosyo sa construction upang hindi na umasa sa anumang mamanahin mula sa kanyang mga magulang. Habang nakikinig ako sa kanya, hindi ko mapigilang humanga. Kahit may kayabangan siya, may paninindigan siya sa buhay at talagang kahanga-hanga ang kanyang sipag."Sayang nga eh. Sana talaga sumali ako doon sa laro kanina kung alam ko lang na ikaw ang mananalo," nakangiti niyang sabi habang umiiling-iling pa na tila nanghihinayang. "Kung sumali ako, siguradong ako ang makakakuha ng premyo at ako ang makakasama mo sa biyahe.""Ang yab

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 11: Isang Engineer

    "And you are?" nangunot ang aking noo nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko.Hindi ko napigilang tingnan siya mula ulo hanggang paa. Maayos naman ang kanyang pananamit, nakasuot ng mamahaling polo na bumabagay sa kanyang tindig, at may hitsura rin naman. Kaya lang, may kung ano sa kanyang mukha na tila ba bilib na bilib siya sa kanyang sarili."I'm Fonze Ludwig..." nakangiti niyang sabi. Kitang-kita ang kumikinang niyang mga ngipin, saka siya naglahad ng kamay sa akin para makipagkilala.Hindi ko iyon inabot. Nanatili lang akong nakaupo at tiningnan ko lang ang kamay niya, pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko sa kanyang mga mata. Napansin kong parang napahiya nang kaunti ang lalaki. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay at napakamot na lang sa kanyang ulo, sabay ayos ng kanyang buhok. Pero sa halip na umalis, lalo pa siyang ngumiti nang malawak."I saw you kanina habang nasa game kayo, and I found you interesting. Leila, right? By the way, isa akong engineer... na-share

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 10: Sana All

    "Ah..." napatango si Chantal habang nakikinig sa aking kuwento. Bakas sa kanyang mukha ang pag-unawa. "May karapatan ka naman palang magalit ng ganoon, Leila. Kung ako ang nasa kalagayan mo, baka mas matindi pa ang maging reaksyon ko.""Oo nga, Leila," pagsang-ayon naman ni Eli na nakaupo sa tabi namin. Umiling-iling pa siya na tila naiinis din. "Loko talaga itong si Ephraim. Hindi niya man lang iniisip ang mararamdaman mo bago siya gumawa ng mga ganyang bagay."Bumuntong- hininga ako at naramdaman ko na naman ang pamilyar na kirot sa aking dibdib. "Naiinis ako, dahil nga sa lahat ng pinagdaanan ng mama ko noon. Bata pa lang ako, nakita ko na kung gaano siya nasaktan at nahirapan dahil sa ginawa ng papa ko. Ayokong magaya sa kanya. Alam niyo naman 'di ba? Iniiwasan mo na nga na mapunta sa isang lalaking ganoon ang ugali, tapos ang unang lalaki na minahal mo sana, ay katulad pa rin pala ng papa mo."Natahimik ang dalawa kong kaibigan. Alam nilang sensitibong paksa sa akin ang aking pam

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 9: Halik ng Aso

    "Leila!" Malakas na tawag ni Ephraim sa akin.Nagkunwari akong hindi ko siya nakita. At lalong nagkunwari akong hindi ko siya narinig. Ayokong isipin niyang kaya niya akong paikutin sa kanyang palad. Na kaya niyang paglaruan ang isang tulad ko.Malaki ang campus namin. Halos kasinglaki ng isang buong barangay. Kaya sa loob ng halos dalawang taon, naging madali para sa akin ang umiwas sa kanya.Pero graduation day namin noon.At graduation day naman nila kinabukasan.Hindi ko inaasahang pupunta pa siya sa venue para hanapin ako."Leila! Wait!" Mas malakas ang sigaw niya sa pagkakataong iyon.Mas binilisan ko ang paglalakad.Lumiko ako sa isang hallway.Pero naroon pa rin siya.Sumunod.Humabol.At kahit nakihalo na ako sa dagsa ng mga estudyante at magulang, nahanap pa rin niya ako.Parang may radar siya at mabilis siyang nakasunod sa akin.Nang sa wakas ay maabutan niya ako, mabilis niyang hinawakan ang aking braso."Ephraim, bitawan mo ako!"Pero imbes na sumunod, hinila niya ako p

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 33: Kasalanan mo!

    "Sino yun? anong nangyari?" tanong ni Jansen kay Veronica. Halata ang bahagyang pagpapanic sa mukha ng babae."A-Ang SUMMIT.. nagcancel sila ng meeting ngayon." nauutal na sagot ni Veronica."Ano? bakit daw?" naguguluhang tanong ni Jansen, na parang naluging intsik."Ang babaeng yan!" itinuro ako

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 32: Tagapagligtas?

    Pumasok si Jansen sa loob ng building. Lahat kami ay nakatingin sa kanya.Noon, kapag nakikita ko siya, nagniningning ang aking mga mata. Para akong nakakakita ng diamonds. Subalit ngayon, tanging pagkasuya na lang ang aking nararamdaman."Jansen, mabuti at narito ka na!" agad na sumalubong si Vero

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 30: Ano ang tipo ng mga babae?

    "ANO na kayang ginagawa ni Chantal ngayon?" hindi ako mapakali habang palakad lakad ako sa loob ng aking opisina. Hinihimas ko ang baba ko na tinutubuan na ng kaunting bigote.Kaninang naghiwalay kami, at ihatid nila ako dito kasama ng driver, magmemessage daw siya kaagad sa akin.Ngunit hanggang n

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 27: Pagkatapos ng drama..

    Nakatingin ako sa pinto, kung saan lumabas si Lucille kasama ang mga tauhan ng hotel.Nakakaawa siya sa aking paningin. Nagmahal lang naman siya ng totoo, subalit sa huli, ang kanyang pag asa ay naagaw ng iba.Ganoon din ako noon kay Jansen. Umasa.. nagmahal.. binalewala.Gaano ba kasakit sa isang

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status