Home / Romance / Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+) / Leila 7: Request ng buntis

Share

Leila 7: Request ng buntis

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-06-25 00:42:26

Matapos ang walang sawang tuksohan, kulitan, at halos isang daang litrato na parang prenup shoot, sa wakas ay natapos din ang programa.

Napabuntong-hininga ako. Salamat naman.

Pakiramdam ko ay isang buong taon akong pinaglaruan ng host kahit wala pang isang oras ang lumipas.

Hawak ko pa rin ang bouquet na mula kay Eli habang naglalakad ako papunta kay Chantal.

Paglapit ko pa lang, alam ko nang tatawanan niya ako.

At tama nga ako. Halos mangiyak-ngiyak siya sa kakatawa.

"G*ga ka talaga!" inis k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 7: Request ng buntis

    Matapos ang walang sawang tuksohan, kulitan, at halos isang daang litrato na parang prenup shoot, sa wakas ay natapos din ang programa.Napabuntong-hininga ako. Salamat naman.Pakiramdam ko ay isang buong taon akong pinaglaruan ng host kahit wala pang isang oras ang lumipas.Hawak ko pa rin ang bouquet na mula kay Eli habang naglalakad ako papunta kay Chantal.Paglapit ko pa lang, alam ko nang tatawanan niya ako.At tama nga ako. Halos mangiyak-ngiyak siya sa kakatawa."G*ga ka talaga!" inis kong sabi habang pinipisil ang kanyang braso."Ako agad?" natatawa niyang sagot. "Hindi ko naman alam na may history pala kayo ni Ephraim!""Hmp!" Napairap ako. "Matagal na iyon. College pa kami noon. At para malinaw, hindi naging kami.""Pero parang kung umasta siya, may naging kayo.""Wala ngang naging kami.""Muntik?""Muntik.""Ayon naman pala!" Mas lalong natawa si Chantal. "Naku, alam ko na iyang ganyang kwento. Yung 'muntik' na sinasabi ninyo, kadalasan mas matindi pa sa naging relasyon."

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 6: Ang bonggang premyo

    "Attorney, hindi ba si Sir Ephraim ang tipo mo?" nakangiting tanong ng host."Hindi." Mabilis ang sagot ko. Bakit naman ako magsisinungaling? Huh! wala siyang pag asa sa akin! "Walang kahit isang katangian niya ang tipo ko."Biglang umingay ang buong venue."Ayyy!""Defense agad!""Objection sustained!"May ilan pang napahampas sa mesa sa kakatawa.Akala ng karamihan ay nakikipagbiruan lang ako.Pero ang totoo?May laman ang sinabi ko. Hindi talaga siya ang tipo ko. Kaya noon pa man, kinalimutan ko na ang nararamdaman ko sa kanya.Hindi ko gusto ang mga lalaking masyadong friendly sa lahat ng babae.Hindi ko gusto ang mga lalaking parang may fan club saan man magpunta.At higit sa lahat...Ayoko ng katulad ng tatay ko. Ayoko ng mahilig sa babae. Bilang miyembro ng isang broken family, iyon ang pinakahuling bagay na ayaw kong mangyari sa akin, ang masaktan ako.Napatingin ako kay Ephraim. Nakangiti pa rin siya. Pero sa unang pagkakataon ngayong gabi, may kakaiba sa ngiti niya. Nakaanga

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 5: Love Team sa Kasal

    Malas.Kamalas-malasan.Dahil ang isinigaw ng host ay—"Si Miss Santan!"Biglang sumabog ang venue sa sigawan at palakpakan.Parang nanalo ako sa isang beauty pageant.O mas malala pa roon.Parang bigla akong binigyan ng love team nang wala man lang konsultasyon."Bagay sila ni Mr. Hotdog!""Team Hotdog at Santan!""Isang masarap kagatin, isang masarap sips*pin noon!""Hoy, childhood memories!"Halos magkandatumba ang mga tao sa kakatawa.Ang iba ay pumapalakpak.Ang iba ay sumisipol.Ang iba naman ay tila masyadong invested sa love story na sila lang ang gumagawa. Parang mga langgam na nawalan ng direksyon at sabay-sabay na nagkagulo.Napailing na lamang ako. Hindi ko naman gustong sirain ang saya ng reception. Kaya ngumiti na lang ako.Sanay naman akong magsalita sa harap ng maraming tao dahil sa trabaho ko. Pero iba ang kaba kapag ikaw ang pinagtitripan ng buong venue."Ito na po ang ating winner, si Miss Santan!" sigaw ng host. "Ngayon naman, nasaan na si Mr. Hotdog?"Agad na itin

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 4: Miss Santan Juice

    Katulad ng naunang laro, sa lakas ng palakpakan muling pagbabatayan ang magiging panalo.Nakakainis talaga.Hindi ko kailanman nagustuhan ang mga ganitong kaartehan sa mga kasal. Iyong tipong kailangan mong tumayo sa harap ng maraming tao habang pinagtitripan ka ng host at pinapanood ng lahat.Kung tutuusin, wala naman talaga akong balak sumali. Pero wala na akong magagawa.Napasubo na ako.At ang may kasalanan?Si Chantal.Napalingon ako sa direksyon niya at agad ko siyang nakita kasama si Jeremiah.Pareho silang nakangiti. Masayang masaya.Hindi.Mali.Pareho silang nakangising parang mga kontrabidang nagtagumpay sa kanilang masamang plano.Pumapalakpak pa ang dalawa.Todo suporta.Todo sigaw.Parang hindi nila ako kaibigan kundi isang contestant sa noontime show.Nang magtagpo ang aming mga mata, kumaway pa si Chantal sa akin. Hindi niya alam na magkakilala kami ni Ephraim, at kinaiinisan ko ang lalaking iyon ng husto. Ayoko pa naman sa mga palikero."Go, Leila!"Nginitian ko siya

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 3: Kung ikaw ay isang bulaklak

    "At ngayon..." sigaw ng host habang pinupunasan ang luha sa kakatawa, "oras na para piliin ang mananalo!"Naghiyawan ang buong venue. Ang sampung kalalakihan ay pumila sa harapan na para bang mga kandidato sa isang beauty pageant."Mga bisita, simple lang ang judging natin! Kapag tinawag ko ang pangalan ng bet ninyo, palakpakan ninyo nang malakas!"Agad na umalingawngaw ang sigawan. May mga nagsimulang mang-asar sa kanilang mga kaibigan. May ilan pang nagsisigawang parang nasa concert."Unahin natin si Dok Papaitan!"Pumalakpak ang crowd.Malakas.Pero hindi ganoon kalakas."Si Sir Bicol Express!"Mas lumakas ang palakpakan."Si Dok Ginisang Ampalaya!"May sumigaw pa ng "Mahal kita, Dok!"Lalo namang nagtawanan ang lahat.Isa-isa silang tinawag.At nang marating ng host si Ephraim, parang may sumabog na bomba sa venue."At para kay Sir Hotdog!"BOOOOOM!Palakpakan.Tilian.Sigawan.May ilang babae pang tumayo sa kanilang upuan."Single pa yan!""Sa akin na yan!""Anakan mo naman ako!"

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   Leila 2: Hotdog, masarap isubo!

    "Tinatawagan po ang lahat ng kalalakihan na magtungo sa unahan!"Malakas at masiglang anunsyo ng host."Iyon lang pong mga binata! Inuulit ko, mga binata! Hindi binabinata, hindi binata noon pero may tatlo nang anak ngayon, hindi rin iyong nakikipaghiwalay pa lang. Ang kailangan namin ay iyong mga tunay na walang sabit!"Agad na nagtawanan ang buong venue. Maraming mga nagtangkang sumali kahit may mga sabit na.May ilang lalaki pa ang napaatras sa kanilang upuan habang tinuturo sila ng kanilang mga kaibigan."Hoy! Bumalik ka rito! May asawa ka na!""Kuya, may wedding ring ka pa!""Aba, kapal ng mukha!"Mas lalo pang lumakas ang tawanan.Sa wakas, may dahilan na para umalis si Ephraim sa tabi ko. Nakisali siya sa kalokohang iyon.Halos gusto ko pa siyang itulak papunta sa harapan para lang iwanan niya ako.Mabuti naman at tumigil siya sa walang katapusang pagkukuwento.Sampung lalaki ang napiling sumali.Mukhang mas interesado pa ang mga bisita sa kanila kaysa sa programang nakasulat s

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 153: Huling pagtitimpi

    “BABY, papasok na muna ako sa trabaho…”Mahinang paalam ni Jeremiah habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polo.Isang buwan na ang lumipas matapos mangyari ang lahat.Isang buwan mula nang mawala ang batang nasa sinapupunan ko.At isang buwan na rin akong unti-unting lumalayo kay Jeremiah.Tahimik

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 151: Hindi niya anak

    MASAKIT ang buo kong katawan nang magising ako. Pakiramdam ko’y para akong binugbog nang paulit-ulit habang ako’y natutulog. Lalo na ang ibabang bahagi ng aking katawan—mahapdi, mabigat, at tila pinipiga mula sa loob.Ang ulo ko nama’y parang hinahati sa tindi ng sakit, habang ang aking baywang ay

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 149: Pagtatapos nina Jansen

    Makalipas ang ilang araw matapos ang nangyari sa bulwagan, tuluyan nang kumalat ang balita tungkol sa pamilya nina Jansen.Hindi man inilabas sa media ang lahat ng detalye ng gabing iyon, sapat na ang mga ebidensyang hawak nina Jeremiah at Lolo George upang tuluyang mabuksan muli ang kaso ng akside

  • Yakap sa Magdamag (SSPG R-18+)   CHAPTER 140: Best Actor

    “Ang lalaking iyan po kasi,” malambing ngunit punong-puno ng paninira na saad ni Veronica habang nakaturo kay Jeremiah, “ay karelasyon din ni Chantal.”Tahimik ang buong bulwagan habang nakikinig sa kanya.Halatang sinusubukan niyang iligtas ang sarili sa pamamagitan ng pagbaliktad ng sitwasyon.“A

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status