Nick’s POVGrabe ang kaba ko habang nakikita si Audrey na tulala. Hindi lang siya mukhang lasing, there’s something wrong with her. Sa paligid, puro sigawan at kaguluhan, pero siya… she seems unfazed, para bang nasa ibang mundo.Kahit hindi sabihin ni Sage na bantayan ko siya, iyon na talaga ang plano ko. Lumapit ako agad, tumalon sa tabi niya, at binuhat ko siya na para bang wala siyang timbang. Sumabay kami sa agos ng mga taong nag-uunahan sa labas, pilit na lumulusot sa siksikan hanggang sa makalabas kami sa malamig na hangin ng gabi.Pagkalagay ko sa kanya sa loob ng kotse, mahina kong tinapik ang pisngi niya. “Audrey… Audrey?” nakailang tapik pa ako bago siya magising.“HUH!” Napaigtad ako sa lakas ng boses niya, para bang nanggaling siya sa ilalim ng tubig at ngayon lang nakahinga. Napatingin siya sa paligid, halatang hindi mapakali.“What’s going on?” hingal at pagtataka ang boses niya.Tapos, parang bigla siyang natauhan. “Where’s Carly? Si Elena? Are they okay?”“Carly’s wi
Elena’s POVHindi ko mapigilang mapatingin sa mahigpit na hawak ni Sage sa kamay ko.“Iniwan niya ang fiancée niya… para tulungan ako?” tanong ko sa sarili, hindi makapaniwala.“Dito muna tayo magtago,” sabi niya habang nagtago kami sa tabi ng isang kotse.“Hindi tayo puwedeng lumapit sa kotse ko, nandun ang mga tauhan nila. We cannot act rashly. They’re not an easy target.”Mabilis akong tumingin sa kanya, nanlilisik ang mga mata.“Kilala mo sila? Bakit?” may halong pagdududa ang boses ko.“Kalaban ba sila ng grupo mo?” dagdag ko, mas mababa na ang tono.Kumunot ang noo niya at tumitig sa akin. “Grupo ko?” ulit niya, halatang nagtataka. “What do you mean by that?” may inis na sa boses niya.“Wala,” iwas ko. Malay ko nga ba kung kaaway mo sila o kasama. Baka nga mas malala pa… baka kakampi mo.“Si Audrey,” balik ko agad sa paksa “Asan si Audrey?” Hindi ako mapakali, kailangan kong malaman na ligtas siya.“She’s with Nick,” sagot niya, pero nananatiling nakamasid sa mga lalaking pa
Sage’s POVWe were drinking in a private room at one of the city’s most exclusive clubs. After the conference, Nick, George, and I decided to unwind with a few drinks.Hindi ko inasahan na magiging madali lang makagaanan sila ng loob. Sure, my dad’s been pushing me to get close to Nicholas Ford, but I thought it would take time. Siguro dahil pareho kami ng intensyon, both of us wanted to build some kind of connection. And the reason was the same, AUDREY.“Sage, we need to schedule our horseback riding contest,” biro ni George habang iniikot ang baso niya. “Gusto kong talunin ang isang Sage San Fernando.”Napatawa ako. “I’ll look forward to that,” sagot ko, ngumingisi. Gano’n na kami ka-relaxed sa isa’t isa.Nick, on the other hand, was still quiet, straightforward when he spoke, laging on point.“Gusto ko ring makita kung paano makipagkarera ang isang Nicholas Ford,” sabi ko.“Oh no, I’m not good in horseback riding,” sagot niya. “Marunong ako, pero hindi gano’n kagaling.”“Sus! Pa
Elena’s POVKahit hindi ako komportable sa suot ko, nagpatianod na lang ako kay Audrey. Ewan ko ba, ni hindi ko siya matanggihan. Kita ko kasi yung saya sa mukha niya tuwing nakikita niya akong nakabihis, kaya napapailing na lang ako.Kahit ako, nagugulat pa rin sa itsura ko sa salamin. Magaling talaga si Audrey sa makeup, sa pagpili ng damit. Simple pero classy ang dating. Hindi nakapagtataka, artist siya, sanay mag-blend ng colors. Kaya pati sa fashion, parang laging may magic touch.“Hai!” bulalas niya habang nasa elevator kami. Napatingin ako, may tinawagan siya.“Hello, Carly? Pababa na kami ng condo. Sa lobby mo na namin ikaw susunduin. You didn’t tell me na sa iisang residence lang pala tayo nakatira!” masaya nitong sabi habang kausap si Carly.“Yes, sa Tower Two ang condo ko,” sagot nito, halatang excited.“I wanted to visit you kapag nabobored ako sa bahay. I also want to meet your daughter,” dagdag pa ni Audrey.“Ding!” Bumukas ang elevator papunta sa car park.“Nasa parking
Audrey’s POVIsang iglap lang.May bagay na muntik nang tumama sa akin, at napaatras ako. Nang tuluyang makarekober, agad kong tinitigan ng matalim ang babae. I really hate dealing with a condescending woman."Elena? Okay ka lang?" inalalayan ko siyang tumayo."I'm fine, Audrey," sagot niya habang pinapagpag ang pants niya."Miss Sebastian, she’s the owner of the gallery, Miss Audrey Castellan," pakilala ni Scarlett.“Oh…” Narinig ko ang tinig niya sa likuran ko. Biglang nagliwanag ang mukha ng babae at mabilis na lumapit sa akin."Hello, hello, Miss Castellan… It’s nice meeting you." Tinaasan ko siya ng kilay nang siya mismo ang kusang humila ng aking kamay para kamayan."The last time I came here, wala ka raw, may important meeting," dagdag niya."By the way, my daughter admires your works. That’s why she asked me to buy your painting," masaya niyang kuwento.Pero biglang tumalim ang tono niya. "However! Your employees are incompetent. They cannot handle a simple request."“ A simp
Elena’s POVMataimtim kong tinititigan si Audrey. Tahimik. Inoobserbahan. Kita ko ang bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon, may kung anong kakaiba na hindi ko maipaliwanag.Sa ilang araw ko na siyang sinusundan, may mga sandaling para bang nakikita ko si Jessica Laviste sa kanya. Hindi ko lang alam kung paano siya napunta kay Sage… o kung paano sila naging magkasintahan.At si Sage? Wala akong tiwala roon. Malakas ang kutob ko na may koneksyon siya sa sindikatong iniimbestigahan ko. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit pumayag akong maging bodyguard ng kanyang fiancée. Pero hindi ko inaasahan, kamukha ni Jessica si Audrey, at higit pa roon… pakiramdam ko, mabait talaga siya.Sinubukan ko siyang i-research matapos ang unang araw ko. May mga lumabas na hindi magandang balita tungkol sa kanya, pero mas pinili kong magmasid muna.Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa gallery. Nasa labas ako ng building, naka-position sa may pasukan. Boring at nakakaantok ang trabahong ito, pero hin