Maagang dumating si Selene sa opisina—mas maaga kaysa sa ibang interns. Gusto niyang matapos ang deck bago ang scheduled team review mamayang hapon. Hindi dapat siya magawa ng pagkakamali. Mahigpit ang hawak niya sa cup ng kape. Determinadong hindi na magpadala sa kahit anong emosyon at kadala-dalang pang aakit. Hindi kay Lucian. Hindi sa mga nakakalunod nitong titig. Hindi sa boses na parang laging nang aakit sa tenga niya. At lalong hindi sa mga “I meant what I said” na email nito. Naglalakad siya sa hallway, tahimik ang paligid. 7:30 AM pa lang kasi. Wala pang gaanong tao. May maririnig ka lang na mahinang pag-buzz ng printer, o ang malayo-layong kalansing ng isang janitor na nag-aayos sa kabilang wing. Pagdating niya sa executive floor, nagsisi siya kung bakit inagahan niya. Wala pa si Miss Ellen, ang secretary ni Lucian. Wala man lang siyang makakausap bago magsimula ang working hours. Matutulog muna siya ng ilang minuto. Tama. Para naman mas maging klaro ang isip ni
“Coffee, Selene?” tanong ni Ellen, pagbalik niya sa lounge bitbit ang tray na may dalawang tasa. She blinked. “Ah, no. I’m good. Thanks.” Pero totoo niyan, hindi lang kape ang ayaw niya—ayaw niyang makita si Lucian ulit. At least not right now, hindi pagkatapos ng ginawa nila. Nahihiya siya sa sarili niya. Muntik pa niyang maisuko ang bataan. Pero aminado naman siya na ginusto naman niya. Ang problema? Alam niyo sa puso niya na gusto niyang maulit muli iyon. Gusto niya ang init na nararamdaman niya kapag nagkakadikit ang kanilang mga labi, maging ang kanilang mga katawan. She looked down at her blouse, now freshly tucked and buttoned like nothing had happened. Pero sa ilalim nito, naroon pa rin ang bakas ng halik. Ang lagkit ng titig ni Lucian. Ang bigat ng kamay nito sa baywang niya. Isang beses lang, at ramdam niya—hindi na siya babalik sa dati. “Selene.” Napalingon siya. Sa hallway, nakatayo si Lucian, isa sa mga kamay ay nasa bulsa, ang isa nama’y may hawak na tablet. Por
“Grabe, Mira,” bulong ni Selene habang humiga sa kama, nakatitig sa kisame. “Hindi ko alam kung gusto ko na siyang sampalin o halikan.” Hindi niya na napigilang sabihin pa. Oo. Sobrang naiinis siya sa Lucian na 'yon pero aminin man niya o hindi, binuhay nito ang kalandiang taglay niya. “Ay, ghorl. That’s how you know it's real,” natatawang sagot ni Mira sa kabilang linya. Sigurado siya na para na naman itong uod na inasinan sa sobrang kilig. “Ingat ka d’yan o baka naman si Lucian pa ang mag-ingat sayo. Mukhang konti na lang gusto mo siyang lamunin hahaha. Lucian Black is dangerous sabi nga nila. Pero kung matapang ka, girl, ride it—figuratively... or not.” Selene chuckled nervously. “Matulog na nga tayo. Second day pa lang bukas, baka hindi ko na kayanin.” Ngunit kahit ipikit niya ang mga mata, isa lang ang naiisip niya: Yung titig ni Lucian. Yung init ng ihip ng hininga niya habang nakatayo siya sa harapan ko kanina. Parang gusto niyang lumuhod at sambahin ito. Ito na nga ba a
Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa harap na ng The Black Empire Corporation si Selene. Hindi pa man bukas ang lobby lights ay naroon na siya—nakaupo sa bench malapit sa fountain sa labas ng gusali, hawak ang isang tumbler ng kape na halos hindi niya malagok. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa sarili, hindi dahil sa ginaw kundi dahil sa kaba. Buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang posibleng mangyari ngayong araw. Suot niya ang cream blouse at high-waisted slacks na pinilit pa niyang plantsahin kagabi gamit ang luma nilang plantsa. Hindi branded, pero malinis. Maayos. Malayo sa marangyang suot ng karamihan sa mga empleyado ng kumpanyang ito. Ngunit hindi iyon ang iniisip niya ngayon. Ang iniisip niya, naroon ba siya talaga dahil karapat-dapat siya, o dahil pinaglalaruan lang siya ng tadhana? Pasado alas siyete na. Saka lang bumukas ang main door ng building, at pumasok ang mga empleyado—relax, may bitbit na kape, may mga tumatawa. Walang halatang stress o kaba
Pagkalabas ni Selene ng opisina ni Lucian, pakiramdam niya ay parang naipit ang buong pagkatao niya sa pagitan ng mga pader na hindi niya maitulak. Nanginginig ang mga daliri niyang pilit na pinipisil ang folder ng NDA. Nakasuot siya ng formal attire, pero pakiramdam niya ay hubo't hubad siya habang sinusuyod ang hallway palabas. Hindi niya alam kung dahil ba sa titig ni Lucian, sa boses nito, o sa katotohanang kahit ilang taon na ang lumipas, naroon pa rin ang halimaw sa anyo ng isang perpektong lalaking tinitingala ng marami. Sa loob ng elevator, pinikit niya ang mga mata. Hindi ako dapat magpaapekto. Hindi ako dapat bumalik sa dati. Ngunit habang patuloy na nagsusumiksik ang alaala kanina dahil sa init ng palad ni Lucian sa baywang niya, ang malamig nitong titig, ang mga bulong nito sa kaniyang tainga, alam niyang hindi basta makakalimot ang katawan niya. Pero ang puso... ang puso'y puno ng galit. At galit ang tangi niyang pinanghahawakan ngayon. --- Pagkauwi niya sa bahay
Mainit ang opisina, kahit malamig ang aircon. Malamang. Kasama niya yung demonyo eh. Nagtaka pa siya. Hindi siya dapat magpaapekto. Hindi siya dapat magpatinag. Pero habang nakatitig sa kanya si Lucian Black—sa kanyang labi, sa kanyang leeg, sa kanyang mga mata na pilit niyang pinatitigas—pakiramdam ni Selene ay unti-unting nabubura ang depensa niya, gaya ng isang kandilang nauupos. Tinatatak niya sa isipan na ito ang walang pusong lalaki na sumira ng buhay nilang mag-ina. “So... you’re all grown up now, huh?” Mababa ang boses nito, halos pabulong, na para bang lihim na tuksong hinahatid ng hangin. “Mr. Black, I'm here as your intern, not as your... anything else.” Mariin ang sagot niya, pero bakas sa bahagyang pag-angat ng dibdib niya ang hindi inaaming kaba. Lumapit si Lucian. Mabagal. Nakasuot ito ng three-piece suit, pero tila kahit gaano ka-formal ay hindi nito matakpan ang likas na tikas ng katawan nito. Ang mukha nito ay parang canvas ng isang magaling na pinto