Beranda / Romance / Until I Tasted You / Unang araw, unang bangungot

Share

Unang araw, unang bangungot

Penulis: MissGorgJess
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-24 15:30:46

Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa harap na ng The Black Empire Corporation si Selene. Hindi pa man bukas ang lobby lights ay naroon na siya—nakaupo sa bench malapit sa fountain sa labas ng gusali, hawak ang isang tumbler ng kape na halos hindi niya malagok. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa sarili, hindi dahil sa ginaw kundi dahil sa kaba. Buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang posibleng mangyari ngayong araw.

Suot niya ang cream blouse at high-waisted slacks na pinilit pa niyang plantsahin kagabi gamit ang luma nilang plantsa. Hindi branded, pero malinis. Maayos. Malayo sa marangyang suot ng karamihan sa mga empleyado ng kumpanyang ito. Ngunit hindi iyon ang iniisip niya ngayon.

Ang iniisip niya, naroon ba siya talaga dahil karapat-dapat siya, o dahil pinaglalaruan lang siya ng tadhana?

Pasado alas siyete na. Saka lang bumukas ang main door ng building, at pumasok ang mga empleyado—relax, may bitbit na kape, may mga tumatawa. Walang halatang stress o kaba. Samantalang siya, tuloy ang malalim na hinga, parang may sasabog.

Biglang bumungad ang matangkad, broad-shouldered na lalaki—walang iba kundi si Lucian Black, sa suot nitong dark blue suit na akala mo’t hinulma para sa katawan niya. Suot ang signature cold stare na parang pang-modelo, pero mas nakakatakot kapag personal.

“Good morning, Sir” sabi niya, pinipilit iwaksi ang inis na nararamdaman dahil sa sinabi nitong call time na 7 AM pero 8 AM pala. Gumising siya ng maaga para dito tapos maghihintay pa siya sa labas ng building hanggang sa bumukas ito.

"Bad mood early in the morning, huh?" halos walang emosyon ang mukha habang tumigil sa harap niya.

Napabalikwas si Selene at halos nabitawan ang tumbler niya. “Akala ko po ba 7 AM ang call time?"

“Oh, that? My bad, I forgot that it's 8." malamig na sambit ng lalaki, saka siya tinalikuran.

Lokong lalaking 'yon talaga.

Agad siyang sumunod, kahit hindi pa siya pinapapasok. Sa loob ng elevator, wala ni isang salita si Lucian. Hindi rin siya makatingin. Pakiramdam niya, kahit sarili niyang hininga ay maingay sa katahimikan ng espasyo.

Paglabas sa ika-dalawampu't limang palapag, tumambad sa kaniya ang isang open office na puro salamin malinis, moderno, at intimidating, ganon pa rin yung feeling sa pagpunta niya noong isang araw dito mukhang puno ng kadiliman. Doon siya sinalubong ni Ellen, ang sekretarya ni Lucian.

“Hi, Miss Selene. Ako si Ellen, and I’ll help you get settled today. Halika, dito tayo sa workstation mo,” anito habang bitbit ang isang tablet.

Ang workspace ay maliit na cubicle sa gilid ng opisina. May brand new laptop, headset, organizer, at nameplate na “Selene Garcia – Executive Intern.”

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o matatakot.

“Ang basic tasks mo today ay email management, calendar check ni Sir Lucian, and file organization. May mga documents ka ring kailangan iprepare for his 10:30 board meeting. Okay lang ba?”

“Opo. Okay lang po,” sagot niya agad, kahit ang totoo, nanginginig pa rin ang kamay niya.

“Good. Basta wag ka lang magpapahuli kay Sir, okay? Isa lang ang rule niya sa interns—kung hindi ka makasabay, you’re out.”

---

Alas-nuebe y medya pa lang, tumawag na si Lucian mula sa opisina nito.

“Selene. Boardroom. Now.”

Hindi niya na alam kung anong uunahin—ang kaba, ang papel na dala niya, o ang tuyo niyang lalamunan. Di pa pala siya nakapag breakfast man lang bago pumasok.

Sa pagpasok niya sa boardroom, naroon si Lucian, nakaupo sa dulo ng mahahabang mesa, hawak ang isang stylus habang nakatingin sa screen ng tablet. Tumigil ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

“Where’s the pitch deck?” tanong nito.

“Here po,” iniabot niya ang printed slides.

Tinanggap ito ni Lucian at hindi sinasadyang nahawakan nito ang kaniyang kamay. At sa sandaling iyon, nagtagpo ang mga mata nila. Walang emosyon ang mukha ni Lucian pero ramdam niyang sinusuri siya nito ng buo, parang inaaral ang kanyang kahinaan.

"There are errors here”

Napakagat-labi si Selene. “I—I’ll fix it, sir. Sorry po.”

“Don’t fix. Redo. From scratch. You have thirty minutes.”

Agad siyang lumabas, sabog ang isip. Anong klaseng trial by fire ito? Sa dami ng pwedeng unang utos, bakit kailangan niyang magkamali agad?

Sa kanyang cubicle, mabilis niyang binuksan ang template at sinimulang i-layout ulit ang buong pitch deck. Halos hindi na niya namalayan ang oras. Pasado alas-diyes na, nang tapos na siya, piniprint niya ito ulit, ngayon sinigurado niya na tama ang lahat ng detalye."

Pagbalik niya sa boardroom, nasa loob na ang ilang board members—lahat naka-suit, mukhang matatalino, at halatang hindi puwedeng pagsalitaan nang basta.

Tahimik niyang inilapag ang deck kay Lucian.

Tumingin ito, binuklat, at sa isang iglap ay nagsalita. “Now that’s more I like it.”

Bahagya siyang nakahinga. Pero hindi pa tapos.

“Sit in. Observe,” utos ni Lucian, tinapik ang silya sa tabi niya.

Sa sobrang gulat, hindi agad siya nakakilos. Pero wala siyang ibang choice kundi sumunod.

Habang tumatakbo ang meeting, nakikinig siya pero ang utak niya ay umiikot. Hindi niya alam kung inaalipusta siya ni Lucian, o tinuturuan. Pero kahit gaano man siya inaatake ng kaba, pinilit niyang mag-focus. Isa-isa niyang isinusulat ang mga terms at konseptong hindi niya pa alam. Corporate finance. Stakeholder alignment. Project pipeline. Ano ba 'tong mga 'to? Asan na ba si Ms. Ellen? Dapat siya ang nandito eh.

---

Bago magtapos ang araw, lumapit si Ellen sa kaniya.

“Hey. You survived Day One. Congrats,” sabay abot ng maliit na Toblerone.

“Thanks po,” mahina niyang sagot.

Pagka-uwi niya ng bahay, tahimik ang paligid. Walang sigawan. Walang amoy ng alak. Walang Jack na manyak.

Maya-maya, tumawag ang maharot niyang kaibigan na si Mira.

"Girl!!! Kamusta first day? Mahigpit ba ang kapit ng panty mo habang nasa trabaho kasama si Daddy Lucian?”

Ngumiti siya kahit pagod. Tinignan ang maliit na Toblerone sa kamay niya. Hindi niya alam kung ito ba’y simpleng sweet gesture lang ni Ellen o isang silent pat on the back para sa isang intern na halos pinulbos ang confidence buong araw.

“Hindi kilig. Pero alam mo yung pakiramdam na gusto mong patunayan na kaya mo kahit pa may demonyo na umaaligid sa paligid mo? Ganon 'yon 'te."

“Naks. Ibang iba ka na talaga!"

Ngumiti siya.

Dahan-dahang hinubad ang sapatos. Tumingala sa kisame. Mahaba pa ang laban. Pero ngayon, kahit hindi siya sigurado sa lahat, alam niya ang isang bagay:

Hindi siya magpapatalo sa kung ano mang hamon ang ibigay sa trabaho.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Until I Tasted You   Birthday Girl

    As usual maaga na namang pumasok si Selene sa opisina, dala ang ilang printouts na pinagawa sa kaniya ni Miss Ellen. Lahat ng mata ay tumitingin sa kanya, pero hindi niya pinansin. Kahit si Miss Ellen ay bahagyang napatigil sa ginagawa nito. Nakita niyang nakikipag tsismisan si Jhas dito kahit sa ibang floor ang department nito. “Wow, Selene. You look hot and elegant at the same time. Nice outfit." Hindi na napigilan pa ni Miss Ellen na mag komento sa suot niya. Ngumiti lang siya. “Thanks po.” Ang suot niya ngayon ay hindi bago—isang vintage terno na minsan nang isinusuot ng kanyang ina noong ito'y nagtatrabaho pa sa opisina. Short ang palda, bahagyang above the knee, at ang top ay may plunging neckline at puffed long sleeves. Mukhang classy at hindi bastos tingnan. "Ang ganda naman ng birthday girl! Sobrang latina!" napapapalakpak na sabi ni Jhas. Grabe pa ang pilantik ng daliri. Kung 'di lang niya kilala ito aakalain niyang straight 'to kagaya ng ruler pero mukhang protr

  • Until I Tasted You   Message

    Tangina talaga ng Lucian na 'yon. May girlfriend na pala ang gago. Tapos grabe kung makalandi pa sakin. May pa-"I meant what I've said" pa pagkatapos siyang halikan sa labi. Kahit sino naman pala ang hinahalikan. What's worst is that, mukha pa siyang other woman sa lagay na 'yon. Kung alam lang niya na may jowa pala ang pesteng si Lucian, hinding-hindi niya hahayaang maakit siya nito! First kiss niya 'yon eh, napunta lang pala sa playboy! Saka ano 'yon? Hilig ba talaga nito gumawa ng milagro sa opisina mismo? Yung babae naman mukhang nag dedeliryo na habang nasa ibabaw nito. Tumitirik pa ang mga mata. Ganon ba talaga kasarap ang sex? Shocks. Ano ba 'tong iniisip niya. Kasalanan talaga ng lalaking 'yon! "Bwisit talaga!" naiinis niyang sabi habang nakasapo sa noo. "Ano 'yun, Neng? May problema ba?" tanong ng matanda na katabi niya. "Po? Ako? W-wala po!" nahihiya niyang sagot dito. Awit. Nakalimutan niyang nasa jeep pala siya. Grabe pa naman ang pag e-emote niya. Papalapi

  • Until I Tasted You   Playboy Lucian

    Maagang dumating si Selene sa opisina—mas maaga kaysa sa ibang interns. Gusto niyang matapos ang deck bago ang scheduled team review mamayang hapon. Hindi dapat siya makagawa ng pagkakamali. Mahigpit ang hawak niya sa cup ng kape. Determinadong hindi na magpadala sa kahit anong emosyon at kadala-dalang pang aakit. Hindi kay Lucian. Hindi sa mga nakakalunod nitong titig. Hindi sa boses na parang laging nang aakit sa tenga niya. At lalong hindi sa mga “I meant what I said” na email nito. Naglalakad siya sa hallway, tahimik ang paligid. 7:30 AM pa lang kasi. Wala pang gaanong tao. May maririnig ka lang na mahinang pag-buzz ng printer, o ang malayo-layong kalansing ng isang janitor na nag-aayos sa kabilang wing. Pagdating niya sa executive floor, nagsisi siya kung bakit inagahan niya. Wala pa si Miss Ellen, ang secretary ni Lucian. Wala man lang siyang makakausap bago magsimula ang working hours. Matutulog muna siya ng ilang minuto. Tama. Para naman mas maging klaro ang isip ni

  • Until I Tasted You   Confused

    “Coffee, Selene?” tanong ni Ellen, pagbalik niya sa lounge bitbit ang tray na may dalawang tasa. She blinked. “Ah, no. I’m good. Thanks.” Pero totoo niyan, hindi lang kape ang ayaw niya—ayaw niyang makita si Lucian ulit. At least not right now, hindi pagkatapos ng ginawa nila. Nahihiya siya sa sarili niya. Muntik pa niyang maisuko ang bataan. Pero aminado naman siya na ginusto naman niya. Ang problema? Alam niyo sa puso niya na gusto niyang maulit muli iyon. Gusto niya ang init na nararamdaman niya kapag nagkakadikit ang kanilang mga labi, maging ang kanilang mga katawan. She looked down at her blouse, now freshly tucked and buttoned like nothing had happened. Pero sa ilalim nito, naroon pa rin ang bakas ng halik. Ang lagkit ng titig ni Lucian. Ang bigat ng kamay nito sa baywang niya. Isang beses lang, at ramdam niya—hindi na siya babalik sa dati. “Selene.” Napalingon siya. Sa hallway, nakatayo si Lucian, isa sa mga kamay ay nasa bulsa, ang isa nama’y may hawak na tablet. Por

  • Until I Tasted You   Lit up the Fire

    “Grabe, Mira,” bulong ni Selene habang humiga sa kama, nakatitig sa kisame. “Hindi ko alam kung gusto ko na siyang sampalin o halikan.” Hindi niya na napigilang sabihin pa. Oo. Sobrang naiinis siya sa Lucian na 'yon pero aminin man niya o hindi, binuhay nito ang kalandiang taglay niya. “Ay, ghorl. That’s how you know it's real,” natatawang sagot ni Mira sa kabilang linya. Sigurado siya na para na naman itong uod na inasinan sa sobrang kilig. “Ingat ka d’yan o baka naman si Lucian pa ang mag-ingat sayo. Mukhang konti na lang gusto mo siyang lamunin hahaha. Lucian Black is dangerous sabi nga nila. Pero kung matapang ka, girl, ride it—figuratively... or not.” Selene chuckled nervously. “Matulog na nga tayo. Second day pa lang bukas, baka hindi ko na kayanin.” Ngunit kahit ipikit niya ang mga mata, isa lang ang naiisip niya: Yung titig ni Lucian. Yung init ng ihip ng hininga niya habang nakatayo siya sa harapan ko kanina. Parang gusto niyang lumuhod at sambahin ito. Ito na nga ba a

  • Until I Tasted You   Unang araw, unang bangungot

    Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa harap na ng The Black Empire Corporation si Selene. Hindi pa man bukas ang lobby lights ay naroon na siya—nakaupo sa bench malapit sa fountain sa labas ng gusali, hawak ang isang tumbler ng kape na halos hindi niya malagok. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa sarili, hindi dahil sa ginaw kundi dahil sa kaba. Buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang posibleng mangyari ngayong araw. Suot niya ang cream blouse at high-waisted slacks na pinilit pa niyang plantsahin kagabi gamit ang luma nilang plantsa. Hindi branded, pero malinis. Maayos. Malayo sa marangyang suot ng karamihan sa mga empleyado ng kumpanyang ito. Ngunit hindi iyon ang iniisip niya ngayon. Ang iniisip niya, naroon ba siya talaga dahil karapat-dapat siya, o dahil pinaglalaruan lang siya ng tadhana? Pasado alas siyete na. Saka lang bumukas ang main door ng building, at pumasok ang mga empleyado—relax, may bitbit na kape, may mga tumatawa. Walang halatang stress o kaba

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status