“Grabe, Mira,” bulong ni Selene habang humiga sa kama, nakatitig sa kisame. “Hindi ko alam kung gusto ko na siyang sampalin o halikan.”
Hindi niya na napigilang sabihin pa. Oo. Sobrang naiinis siya sa Lucian na 'yon pero aminin man niya o hindi, binuhay nito ang kalandiang taglay niya. “Ay, ghorl. That’s how you know it's real,” natatawang sagot ni Mira sa kabilang linya. Sigurado siya na para na naman itong uod na inasinan sa sobrang kilig. “Ingat ka d’yan o baka naman si Lucian pa ang mag-ingat sayo. Mukhang konti na lang gusto mo siyang lamunin hahaha. Lucian Black is dangerous sabi nga nila. Pero kung matapang ka, girl, ride it—figuratively... or not.” Selene chuckled nervously. “Matulog na nga tayo. Second day pa lang bukas, baka hindi ko na kayanin.” Ngunit kahit ipikit niya ang mga mata, isa lang ang naiisip niya: Yung titig ni Lucian. Yung init ng ihip ng hininga niya habang nakatayo siya sa harapan ko kanina. Parang gusto niyang lumuhod at sambahin ito. Ito na nga ba ang ikinakatakot niya. Mabilis siyang mahulog sa isang tao. Inaamin naman niya na talagang grabe ang maipagmamalaki ng isang Lucian Black pagdating sa physical appearance. Lakas pa ng sex appeal ng mokong. Kaloka ha, pangalawang pagkikita pa lang nila, parang bumibigay na siya. --- Day two ng pagiging isang intern. Gusto sana niyang pumasok ng tahimik at hindi mapansin. Pero tila ba may radar si Lucian—bago pa man siya makaupo, lumabas na ito mula sa opisina at diretso siyang tinawag. “Selene. My office. Bring your laptop.” Napalunok siya. Wala man lang “good morning”? Kaloka naman 'tong boss na 'to. Pagpasok niya, bahagyang magulo ang loob ng opisina. May mga papel na naka-scatter sa desk at parang mas stressed si Lucian ngayon. Pero parang mas lalo siyang naging hot kapag ganito kaseryoso sa trabaho. Ipinilig niya ang kaniyang ulo. Trabaho muna. “Sit,” utos nito. Umupo siya sa chair sa harap ng mesa niya, at agad na binuksan ang laptop. “You’ll help me revise this proposal. Right now. We’re presenting it to investors by 1 PM.” “O-okay po, sir.” Lumapit si Lucian sa gilid niya, ni hindi na siya binigyan ng personal space. Mula ng muling makita niya ito parang hindi talaga uso ang salitang personal space sa lalaking 'to. Ramdam niya ang mainit na katawan nito sa likuran niya habang nakasubsob siya sa screen. Pinapakita nito ang tamang formatting, phrasing, structure—pero habang tumatagal, parang hindi na ‘yun lang ang pokus niya. “Scroll down,” anito, ang kamay ay lumapat sa balikat niya, marahang gumapang papunta sa braso. Napatigil siya sa pagta-type. ‘Wag kang magpahalata. Baka normal lang ‘to sa kanya. Pero bakit parang nagiging abnormal ang tibok ng puso niya? “Something wrong?” tanong ni Lucian, halos pabulong sa tenga niya. “W-wala po.” “I like it when you’re nervous,” dagdag niya, pilyo ang tono. “It means you’re listening.” Tumigil siya at dahan-dahang nilingon ito. Na isang maling pagkakamali. Masyadong malapit. Ilang pulgada na lang, maglalapat na ang mga labi nila. “Lucian… I mean Sir” mahina niyang tawag. Hindi siya sumagot. Sa halip, tinanggal nito ang laptop mula sa kandungan niya, saka siya marahang hinila paupo sa desk mismo. Sa gitna. Sa harap niya. “Hindi ito professional,” bulong niya, pero hindi na siya umaatras. Lucian leaned in, close enough that she could see the golden flecks in his dark eyes. “Then tell me to stop.” Hindi siya nagsalita. Imbes ay lumingon siya sa pintuan. Nakalock. Bahagyang hinawakan ni Lucian ang baywang niya, at sa isang iglap, hinila siya nito papalapit. Their lips met—marahas, mapusok, puno ng pagkagutom. Walang formalities. Parang sabik. Parang tagal na nilang gustong gawin ‘yon. Hindi niya alam kung bakit hindi siya tumutol. Siguro dahil gusto rin niya. Siguro dahil simula pa lang ng unang araw, nahulog na siya sa hindi dapat. Ang mga kamay ni Lucian ay humaplos sa tagiliran niya, hinuhubad na ang cream blouse na kanina’y maayos pa. She gasped when his lips trailed down her jaw, papunta sa leeg. Marahang kinagat. Napasinghap siya. “Lucian… someone might…” “I locked the door,” anito, habang binubuksan ang butones ng blusa niya. “And you’re not saying no.” Marahang pumatong si Lucian sa desk, hinila siya palapit. Hindi na siya nag-isip. Basta nalang siya sumunod. Mabilis ang bawat galaw. Ang init sa pagitan nila, parang apoy na matagal nang nais sumiklab. Sa bawat halik ni Lucian, nakakalimutan niya kung sino siya. Kung bakit siya narito. Basta ang alam niya, ramdam niya ang bawat dampi ng palad nito sa balat niya, ang bawat ungol na pilit nitong pinipigil. Hanggang sa… May kumatok sa pinto. “Sir Lucian? Investors from Madz are here—ten minutes early!” Agad silang nagkatinginan. Parehong hingal. Parehong litong-lito sa ginawa. Lucian adjusted his polo, bumaba mula sa desk. “Give us five minutes, Ellen.” “Yes, sir.” Bumuntong-hininga si Selene, mabilis na inayos ang sarili. Tumayo siya, pinulot ang laptop, hindi makatingin sa kanya. “Selene,” tawag ni Lucian, bago siya makalabas. “Yes, sir?” “I have something to say.” “About what?” “This should not happen again…” Umiling ito. “Unless you want it to.” Hindi siya sumagot. Pero bago siya lumabas ng pinto, napangiti siya—isang ngiting punung-puno ng pagkalito… at bitin. --- 12:57 PM Nasa lounge si Selene habang tumatakbo ang investor presentation. Hindi siya pinasama sa loob, at mabuti na rin siguro iyon. Kailangan niya ng ilang sandaling mag-isa para huminga. Huminahon. Nag-text si Mira. > Girl… musta? Gora lang sa work! Fighting! Sumagot siya. > Hindi ko alam. Si Lucian… something happened. Mabilis ang reply. > WHAT DO YOU MEAN SOMETHING?? Define “something,” Selene Garcia. Napangiti siya. > Basta. Mainit. Mapanganib. At siguradong hindi professional. Nababaliw na ata siya. > Ano? Malandi ka! Hahaha. Sabi ko na nga ba hindi mo magagawang iwasan ang kamandag ng isang Lucian Black! 'Di naman kita masisisi girl. Mag-ina talaga kayo ni Tita Selna, parehas kayo ng taste! Napawi ang ngiti sa labi niya. Bakit ba nakakalimutan niyang ang lalaking iyon ang minsan nang nag wasak sa buhay nila lalo na sa buhay ng kaniyang Ina? Pero iba na ang nararamdaman niya. Gusto niya ang init sa katawan ni Lucian Black. Nag reply siya kay Mira. Mapait na ngumiti. > Nagmana ata talaga ako kay Mama. Sana naman hindi ako malunod sa pag-ibig at baka dumating pa ang panahon na hindi ko na magawang umahon.As usual maaga na namang pumasok si Selene sa opisina, dala ang ilang printouts na pinagawa sa kaniya ni Miss Ellen. Lahat ng mata ay tumitingin sa kanya, pero hindi niya pinansin. Kahit si Miss Ellen ay bahagyang napatigil sa ginagawa nito. Nakita niyang nakikipag tsismisan si Jhas dito kahit sa ibang floor ang department nito. “Wow, Selene. You look hot and elegant at the same time. Nice outfit." Hindi na napigilan pa ni Miss Ellen na mag komento sa suot niya. Ngumiti lang siya. “Thanks po.” Ang suot niya ngayon ay hindi bago—isang vintage terno na minsan nang isinusuot ng kanyang ina noong ito'y nagtatrabaho pa sa opisina. Short ang palda, bahagyang above the knee, at ang top ay may plunging neckline at puffed long sleeves. Mukhang classy at hindi bastos tingnan. "Ang ganda naman ng birthday girl! Sobrang latina!" napapapalakpak na sabi ni Jhas. Grabe pa ang pilantik ng daliri. Kung 'di lang niya kilala ito aakalain niyang straight 'to kagaya ng ruler pero mukhang protr
Tangina talaga ng Lucian na 'yon. May girlfriend na pala ang gago. Tapos grabe kung makalandi pa sakin. May pa-"I meant what I've said" pa pagkatapos siyang halikan sa labi. Kahit sino naman pala ang hinahalikan. What's worst is that, mukha pa siyang other woman sa lagay na 'yon. Kung alam lang niya na may jowa pala ang pesteng si Lucian, hinding-hindi niya hahayaang maakit siya nito! First kiss niya 'yon eh, napunta lang pala sa playboy! Saka ano 'yon? Hilig ba talaga nito gumawa ng milagro sa opisina mismo? Yung babae naman mukhang nag dedeliryo na habang nasa ibabaw nito. Tumitirik pa ang mga mata. Ganon ba talaga kasarap ang sex? Shocks. Ano ba 'tong iniisip niya. Kasalanan talaga ng lalaking 'yon! "Bwisit talaga!" naiinis niyang sabi habang nakasapo sa noo. "Ano 'yun, Neng? May problema ba?" tanong ng matanda na katabi niya. "Po? Ako? W-wala po!" nahihiya niyang sagot dito. Awit. Nakalimutan niyang nasa jeep pala siya. Grabe pa naman ang pag e-emote niya. Papalapi
Maagang dumating si Selene sa opisina—mas maaga kaysa sa ibang interns. Gusto niyang matapos ang deck bago ang scheduled team review mamayang hapon. Hindi dapat siya makagawa ng pagkakamali. Mahigpit ang hawak niya sa cup ng kape. Determinadong hindi na magpadala sa kahit anong emosyon at kadala-dalang pang aakit. Hindi kay Lucian. Hindi sa mga nakakalunod nitong titig. Hindi sa boses na parang laging nang aakit sa tenga niya. At lalong hindi sa mga “I meant what I said” na email nito. Naglalakad siya sa hallway, tahimik ang paligid. 7:30 AM pa lang kasi. Wala pang gaanong tao. May maririnig ka lang na mahinang pag-buzz ng printer, o ang malayo-layong kalansing ng isang janitor na nag-aayos sa kabilang wing. Pagdating niya sa executive floor, nagsisi siya kung bakit inagahan niya. Wala pa si Miss Ellen, ang secretary ni Lucian. Wala man lang siyang makakausap bago magsimula ang working hours. Matutulog muna siya ng ilang minuto. Tama. Para naman mas maging klaro ang isip ni
“Coffee, Selene?” tanong ni Ellen, pagbalik niya sa lounge bitbit ang tray na may dalawang tasa. She blinked. “Ah, no. I’m good. Thanks.” Pero totoo niyan, hindi lang kape ang ayaw niya—ayaw niyang makita si Lucian ulit. At least not right now, hindi pagkatapos ng ginawa nila. Nahihiya siya sa sarili niya. Muntik pa niyang maisuko ang bataan. Pero aminado naman siya na ginusto naman niya. Ang problema? Alam niyo sa puso niya na gusto niyang maulit muli iyon. Gusto niya ang init na nararamdaman niya kapag nagkakadikit ang kanilang mga labi, maging ang kanilang mga katawan. She looked down at her blouse, now freshly tucked and buttoned like nothing had happened. Pero sa ilalim nito, naroon pa rin ang bakas ng halik. Ang lagkit ng titig ni Lucian. Ang bigat ng kamay nito sa baywang niya. Isang beses lang, at ramdam niya—hindi na siya babalik sa dati. “Selene.” Napalingon siya. Sa hallway, nakatayo si Lucian, isa sa mga kamay ay nasa bulsa, ang isa nama’y may hawak na tablet. Por
“Grabe, Mira,” bulong ni Selene habang humiga sa kama, nakatitig sa kisame. “Hindi ko alam kung gusto ko na siyang sampalin o halikan.” Hindi niya na napigilang sabihin pa. Oo. Sobrang naiinis siya sa Lucian na 'yon pero aminin man niya o hindi, binuhay nito ang kalandiang taglay niya. “Ay, ghorl. That’s how you know it's real,” natatawang sagot ni Mira sa kabilang linya. Sigurado siya na para na naman itong uod na inasinan sa sobrang kilig. “Ingat ka d’yan o baka naman si Lucian pa ang mag-ingat sayo. Mukhang konti na lang gusto mo siyang lamunin hahaha. Lucian Black is dangerous sabi nga nila. Pero kung matapang ka, girl, ride it—figuratively... or not.” Selene chuckled nervously. “Matulog na nga tayo. Second day pa lang bukas, baka hindi ko na kayanin.” Ngunit kahit ipikit niya ang mga mata, isa lang ang naiisip niya: Yung titig ni Lucian. Yung init ng ihip ng hininga niya habang nakatayo siya sa harapan ko kanina. Parang gusto niyang lumuhod at sambahin ito. Ito na nga ba a
Alas-siyete pa lang ng umaga, nasa harap na ng The Black Empire Corporation si Selene. Hindi pa man bukas ang lobby lights ay naroon na siya—nakaupo sa bench malapit sa fountain sa labas ng gusali, hawak ang isang tumbler ng kape na halos hindi niya malagok. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa sarili, hindi dahil sa ginaw kundi dahil sa kaba. Buong gabi siyang hindi nakatulog, paulit-ulit na iniisip ang posibleng mangyari ngayong araw. Suot niya ang cream blouse at high-waisted slacks na pinilit pa niyang plantsahin kagabi gamit ang luma nilang plantsa. Hindi branded, pero malinis. Maayos. Malayo sa marangyang suot ng karamihan sa mga empleyado ng kumpanyang ito. Ngunit hindi iyon ang iniisip niya ngayon. Ang iniisip niya, naroon ba siya talaga dahil karapat-dapat siya, o dahil pinaglalaruan lang siya ng tadhana? Pasado alas siyete na. Saka lang bumukas ang main door ng building, at pumasok ang mga empleyado—relax, may bitbit na kape, may mga tumatawa. Walang halatang stress o kaba