Share

Chapter 60

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Napapikit nang masilaw sa sinag ng araw sa labas ng bintana. Doon ko lang napagtanto na nasa kwarto ko ako ngayon.

Alas cinco na ng umaga pero kasisimula ng umaga ko ay tinatamad na ako, parang binugbog ang katawan ko sa sobrang sakit. Ang bigat ng pakiramdam at ang hirap pang dumilat. Gusto ko na lamang humilata buong araw.

Saglit akong natulala. Kailan nga nung huli akong nagkaganito?

Hindi naman pwedeng magpaliban ako ng klase lalo at review test ng mga bata ngayon.

Naligo na rin ako at nagayos. Masama ang pakiramdam ko. Nagulat pa ako ng makita na nakaayos na ang mga gamit ko sa cabinet. Nagsuot na rin ako ng salamin para itago ang pamamaga ng mga mata ko.

Bumaba na ako dala-dala ang mga gamit ko. Sinalubong ako ng katahimikan, natigilan ako ng mapagtanto na nasa bahay na pala talaga ako. Huminga ako ng malalim saka tinuloy ang paglalakad.

"Anita... anak..."

Napatingin ako sa bulwagan ng kusina kung nasaan si Mama. Bumaba agad tingin ko s
yourglowing

Emotionak ako ngayon. I feel goosebumpsssss writing this chapters. Do you also feel the same? Nasasaktan akk sa nangyayari....

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status