EDNALYNNang mawala sa paningin ko si Speed hinanap ko si Sir Everette. Baka narito pa at nag-iikot lang sa loob. Ngunit nauna ko pang makita si Merlyn, tila hinahanap din ako nito kaya tinawag ko ito.“Besh! Dito,” nakatayo ako sa tabi ng liquor stand iyon kasi ang malapit sa cashier. May kalakasan din ang boses na tinawag ko siya. Lumingon lingon ito sa paligid hinahanap ang boses ko. Nang makita ako ay matamis agad ang ngiti na gumuhit sa labi nito.Malayo pa lang ay nakangiti na ito sa akin hanggang sa nasa tapat ko na ‘to ay hindi nalusaw ang saya sa labi nito.“Masaya ‘ata,” parinig ko na ikina hagikhik lang nito.“Nakita ko kasi si Dennis Trillo, beshy. Kasama ang Misis niya narito nag-grocery din. Grabe ang ganda at g'wapo pala talaga ni Dennis, besh,” parang maiihi ito sa kilig na magkwento sa akin.“Akala ko Everette Altamerano ang nakita mo,” sabay bungisngis ko. Hindi ako tumigil sa pagtawa dahil sumimangot ito sa akin.“G’wapo naman talaga si Sir Altamerano kaso iba naman
EDNALYN “Sir Everette, Salamat po sa paghatid. Uhm, ako na po ang bahala rito p'wede na po kayong umalis.” sabi ko pa sa kaniya pagbaba ko ng kotse niya.Walang reaksyon na tiningnan lang niya ako pagkatapos ay nag-alis ito ng seatbelt.Akala ko hindi ito lalabas subalit ginawa nga nito. Tinulungan pa akong magbuhat ng mga pinamili hanggang sa pinto ng apartment namin.“Salamat Sir Altamerano. Ayos na po ako rito salamat ulit,” wika ko.Napapakamot ito sa kilay nakatingin sa akin. "Kapag hindi ka tumigil sa kaka po at kaka salamat, hahalikan kita r’yan,” walang halong biro na sabi nito sa akin. Mabilis akong tumingala sa kaniya dahil labis akong nagtataka.Ano naman ba ang ibig ipahiwatig ng tukmol na ito sa mga pinagsasabi. Kala niya madadala niya ako sa tamis ng pananalita niya. Hindi ko alam kung anong iniisip nito pero ngayon pa lang ay natatakot ako na hindi ko maipaliwanag.“Open the door ‘wag kang matulala Ms. Socorro, dahil hindi talaga ako nagbibiro I will kiss you when I he
EDNALYN“Hindi mo na nilabas ang boss mo roon Ednalyn,” ani ni Ate Diday na matagal na palang nakatitig sa akin. Sa labis kong pagkatulala hindi ko narinig na kinakausap na pala ako ni Ate Diday.“Ha? A-ate ano nga pala iyon?” wika ko.“Sabi ko bakit hindi mo doon labasin ang bisita mo Ednalyn? Tsaka gabi na, hija. Mapupuyat masyado si Soibeh, may pasok pa bukas sa escuela ang bata. Pauwiin mo na pwede naman ‘yan bumalik sa mga sunod na mga araw marami pa ang oras.” Sabi pa ni ate Diday sa akin.“Ate siya si Everette, ang Tatay ng kambal,” wika ko pa sa kaniya. Tumango ito kaya hindi ko siya mapigilan hindi taasan siya ng kilay ko.Mahabang buntong hininga ang ginawa ko. Pagkatapos ay bayolente pa akong napalunok. Tumingin ako kay ate Diday upang sana magsumbong sa agam-agam na meron sa dibdib ko. Subalit inunahan na niya ako.“Hindi mo maitatago dahil meron ebidensya. Alam ko kahit hindi mo pa ako sabihan kung ano sila ng kambal. Aba'y kita naman sa mukha kapag magtabi ‘yan si Tobias
EDNALYNNakasalubong ko si Everette na pababa ng hagdan kaya ang balak kong pag-akyat ay hindi ko na itinuloy. Nanatili ako sa baba upang antayin na lamang siya makarating sa baba ng hagdan. Nagkagulatan pa kami ng magkatitigan. Napairap ako, dahil niyaya pala ito ni Soibeh sa kwarto namin tsss 'yong anak ko talagang iyong pambihira.Humalukipkip akong tinaasan ko siya ng kilay. Dammit. Anong pauso nito ngayon at kung makatitig sa akin ay kay lalim. Drama ha? Sakalin kita riyan akala mo. Bulong ko pa.Mahina itong tumawa dahil narinig pala ang huli kong sinabi.Hindi ako nakatiis at ayaw man magsalita gusto ko na rin makatulog at maaga rin ako gumigising dahil asikaso pa sa mga bata at paghanda ko pagpasok sa office.“Titigan mo lang ba ako Sir Altamerano? Alam ko naman na maganda ako kaysa roon sa fiancee mong mukhang piranha.” Malakas itong tumawa at ngayon nagpa cute pa dahil mapungay ang mata nakatitig sa akin.Ngayon ay namaywang ako sinamaan siya ng tingin at gabi na pabagal ba
EDNALYN“Bye Mommy and Daddy.” Todo ngumiti si Soibeh pagbaba namin ng kotse ni Everette. Pinilit kong magmukhang masaya kahit ang totoo sobrang naiinis na ako kay Everette. Kailangan kong ngumiti dahil nakikita kong masaya si Siobeh, ngunit hindi si Tobias, na feeling ko naalibadbaran kay Sir Everette.Isinukbit ko na ang backpack ni Soibeh sa likuran niya pagkatapos ay isinunod ko si Tobias.“Magbabait kayo mga babies ha?” bilin ko pa sa kanila pagkatapos ay pareho ko silang hinalikan sa kanilang pisngi.“Yes po Mommy. I love you three….” Soibeh said. She also giggled while saying that.Kinilig naman ako. At least kaming tatlo pa rin ang love niya. Sorry nalang ang tukmol kong boss na daig pa ang may amnesia sa maang maangan niya.“Mommy, I love you po, ako na po ang bahala kay Soibeh. Ingat ka po.” Sunod na nagpaalam si Tobias sa akin.Matamis akong napangiti. “Aww…ang sweet talaga ng Kuya Tobias na iyan,” ani ko pa at muli siyang pinupog ng halik. Sumimangot ito sa ginawa ko. Napa
EDNALYN Pagkatapos kong manggaling sa office ni Sir Everette, ay muli akong nag-umpisang magtrabaho. Hindi ko napansin nakaka dalawang oras na akong nakatutok sa computer ko dahil marami akong ini-incode sa computer, ng marinig kong meron message alert tones ang cellphone ko sa loob ng bag ko tanda na meron nag-text sa akin.Hinugot ko iyon dahil akala ko si Ate Diday ang may text subalit si Sir Everette lang pala. Binuksan ko iyon at binasa.Masungit na Altamerano:Come here inside my office now!Nagtataka ako pagkatapos ko iyon basahin. Anong problema ng amo ko? Eh, nasabi ko na lahat ang mga kailangan niya. Ano pa ba ang gusto noon? Marami pa naman akong kailangan tapusin ngayon. Kanina ng pumasok ako sa loob naibigay ko na lahat ang iskedyul niya tapos ngayon papuntahin niya ako. Hindi na lang tumawag sa telepono kung meron itong sasabihin sa akin or ipag-uutos sa akin.Tinatamad pa akong tumayo kung hindi lang talaga magagalit ito, nungka pumasok ako sa loob ng office niya.Hind
EVERETTETama lang na sinandal ko ang ulo ko sa likuran ng swivel chair ng biglang bumukas ang pinto ng office ko. Masakit kasi ulit ang ulo ko kaya sandali ko iyon pinahinga. Sabi ng magulang ko. Side effect daw ito ng aksidente kong tinamo may apat na taon na raw ang nakaraan. Pinilit ko ‘yon idilat ng magsalita ang bagong pasok na si Dad. “Son, kailangan mong mag-attend sa farewell party ng Tañala Enterprises, ngayong gabi ayon sa Lolo mo. Dahil naka pangako siyang darating ka,” bungad ni Daddy ko ng hapon na iyon sa office ko.Ito nanaman si Lolo. Mangangako na pupunta tapos ako naman ang gagawin niyang proxy kapag umatake ang rayuma nito. Ito si Daddy hindi rin makapunta dahil may lakad sila ni Mommy.“Dad! Maaga ako uuwi ngayon at masakit ulit ang ulo ko. Sandali nito ako tinitigan at nasa mukha nito nag-aalala sa akin ngunit muli ring giniit ang gusto nito.“Kahit magpakita ka lang then uwi agad,” sabi pa nito.“Iyan talaga si Lolo, lahat gusto nito ang masusunod.” Naiiling ako
EDNALYNAng dapat na plano ko ay pauwiin agad si Sir Everette pagkahaitd sa akin ay hindi iyon natuloy dahil sumungaw sa pinto ng apartment namin ni Soibeh, kaya ang balak kong pagpauwi rito ay napurnada problema ko lang nito baka hindi pauwiin ni Soibeh si Sir Everette at iiyak ulit ang anak ko.“Mommy, Daddy….” sigaw na nito hindi pa nagbubukas ng pinto. Iyon na nga lumabas ng pinto at lumakad patungo sa kotse na rinig ko pa sumigaw si Ate Diday, sa loob ng bahay hinahabol pala nito ang anak ko.“Soibeh, balik! Saan ka pupunta. Balik ka bawal kang lumabas.” Boses iyon ni Ate Diday. Sinagot lang ng anak ko.“No po, Ate Diday. I heard Mommy. Naroon po sa labas kasama po ni Sir Everette.” Katwiran nito sa Ate Diday.“Huh? Paano mo nalaman si Mommy mo at si Sir Everette ang dumating?” aniya ni Ate Diday sa anak ko.Sumilip si Ate Diday sa pinto ng makita nga kami ay pumasok ulit sa loob ng bahay.Wala akong nagawa kung hindi mapahilot sa aking noo dahil mapipilitan akong papasukin ang