Share

Chapter 75

“’Nay nakita n’yo ho ba si Henry?” nag-aalalang tanong ni Liana ng hindi niya makita ang binata.

Medyo gumagabi na at hindi naman ito masyado pang kilala sa lugar nila. Baka mamaya ay mapagtripan ito doon.

“Lalabas lang daw siya sabi kanina,” tugon naman nito na abala sa tinatahing punda ng unan.

Mabuti na lang at tulog na ang anak nila. Sigurado kasing hahanapin ito ni Leyra at baka mag-iyak na naman kapag hindi nakita ang ama.

“May sinabi ho ba kung saan siya pupunta?” tanong niyang muli.

Nasa labas ang kotse nito kaya alam niyang hindi lumayo ang lalaki.

Nilingon siya ni Nanay Perla.

“Wala namang nabanggit. Anong oras na ba?”

Tiningnan naman niya ang orasan. “Alas-diyes na ho,” tugon niya na lalo lang kinabahan.

“Aba’y gabi na pala. Saan naman kaya pupunta ang isang iyon,” nag-aalala na ring sabi nito. “Ang mabuti pa ay hanapin mo na sa may labasan. Baka mamaya ay nakita na naman si Baldo,” dugtong pa nito.

Mas lalo lang siyang nabahala dahil sa sinabi nito.

Noong isang araw lang n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status