Family is always a good contributor to happiness. Kahit hindi gano’n kalaki ang pamilya namin ay masaya kami, paano pa kaya kung ganitong sobrang dami?
“You didn’t tell me that it’s a family reunion.”
It’s a huge lawn and a mansion-like house. Ang harap nila ay may isang malaking puno sa gilid kung saan mayroong gulong na duyan na nakasabit na siyang pinaglalaruan ng nga bata. Mahahaba rin ang mesa at upuan na nakahanda kung saan ang mga kamag-anak niya ay inihahanda na ang mga pagkain at pinag-iikutan rin ng mga bata.
He shrugged. “I don’t know neither. Akala ko ay sina mama lang pero mukhang inimbita niya rin pati mga pinsan at tita ko. Medyo marami sila.”
Medyo iyan? I am not exaggerating but
Hindi dapat ako magta-trabaho ngayon dahil weekend at mayroon namang mag-aalaga sa mga anak niya at ayun din ang napagusapan namin pero tinawagan niya ako at sinabing may problema daw doon sa shop niya. Kakadating ko lang at naabutan ko siyang kunot ang noo habang nakatingin sa cellphone at buhat si Lilo na inuugoy-ugoy niya. “Okay lang ba ‘yung shop mo? Akin na si Lilo..” Mabilis siyang napaangat ng tingin sa akin, si Lilo naman ay kaagad na lumipat sa braso ko. Hindi ko alam ang shop ni Osmond, kung iisipin ay wala akong gaanong alam sa kanya dahil ang lagi lang naming napaguusapan ay ang mga bata. “Mayroon lang kaunting problema. Babalik din naman kaagad ako.” Dumukwang siya palapi
Ever since then. He changed. He become more showy, talkative and he smiles a lot. I don’t know what is the possible cause of this. Maybe he’s already moved on or... I don't know.Wala na ang sprain ko. Maayos na akong nakakalakad at noong mga panahong hindi pa ay madalas siyang dumalaw sa dorm ko. Siya lang din ang nag-alaga kina Lilo at Lala, pinagpaliban na muna niya ang trabaho.I can still remember the texts that I received the first day I was absent.Osmond:Hi, Dion. Kumain ka na ba? Kumakain na kami nina Lili, gusto mo bang dalhan kita?He sends me a picture of them after that. Sa isang fastfood chain sila kumakain
It wasn‘t just the way he treated me that changed. I also notice a lot in me. I wasn‛t the same. His every move becomes a big deal. My reaction wasn‘t normal. I know from the start that I am too comfortable with his presence, I am used to telling people what I feel, my thoughts and anything but that doesn’t mean that it is always easy for me. Even with the fact that I like open communication for what I feel most of the time I still find it hard to just let it out, I couldn’t even open up sometimes due to shyness and fear but with him... it’s different. It is not a bad thing. I actually like this characteristic of mine because I get to tell people to shut their mouths when I’m uncomfortable and not tolerate my uneasy feelings but everytime I stare at him a pit of dread is forming. I know deep down that there is something growing and with his magical eyes I might confess. I can’t do that. Alam ko ang nararamdaman niy
Tinignan ko ang dalawa na ready na. Nag-reply muna ako sa kanyang okay bago kami lumabas at na-lock ko na ang pinto at mga bintana mula sa loob. Siguro naman ay hindi kami maghihintay nang matagal dito. Sa gutter na lamang ako naupo at hawak ang gilid ng stroller habang naghihintay. “Hello, miss! Ikaw si Dion?” Mabilis akong napatayo at sinalubong ang dumating. Ibang kotse ang isang ito. Hindi ‘to kay Osmond. Itim at makintab at mayroong mga disenyo sa gilid ang dala ng lalaki. “Opo, ako po. Ikaw?” Ngumiti ang lalaki. Mukha siyang mas bata sa akin, kapansin-pansin ang ilong at mata niya. Maganda ito, mahaba ang pilikmata niya at ang ilong ay matangos. Parang may ibang lahi. “Ako si Theo!” Tumango ako at natawa ng bahagya sa tono niya. Nilapitan ko na ang dalawa at binuhat. “Mayroong baby seat sa loob, miss. Pina-ready ni boss.” Ano kayang trabaho ni Osm
“Ano?! Oh my gosh, Dion Reighnlyn! Why didn‘t you call for my beauty?!”Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Quiet!” pabulong kong puna.Nasa isang restaurant kami na pinili niya dahil kahapon pa nagyaya si Eury sa akin. Hindi naman niya sinabi ang pakay niya sa pagyaya kaya nag-kwentuhan na lang kami na umabot nga nang pagsabi ko sa kanya tungkol sa trabaho ko.“Ghad! You could have called me! Ako na ang bahalang mag-abot sa ’yo! You know you can always rely on me, why naman ngayon mo lang ’to sa ‘kin sinabi ha, Reignlyn?” Madiin ang dalawa niyang kamay sa mesa habang pilit na pinanlilisik sa akin ang mga mata.Inirapan ko ang reaksyon ni Eury. “Huwag ka ngang OA! At saka kaya ‘di ko na sinabi ay dahil nga magiging ganyan an
“Dion Reighnlyn!” my father's hoarse voice echoed as soon as I stepped inside our house.Hawak nang mahigpit ang strap ng bag ko at nakataas ang noo ay lumapit ako sa hapag kainan namin. Nandoon silang dalawa ni Mommy. Naghihintay sa akin. Disappointed sila at galit na naman sa akin. Hindi ko alam na malalaman kaagad nila ito pero narito na eh, haharapin ko na lang.“What is this?! Ha?! Ano ba ang mga ito?!”Nakita ko ang mga papeles na hawak niya. Iyon ang ilang requirements ko para maka pag-enroll sa isang Unibersidad na gusto ko. Iyong masusuportahan ang pangarap na bubuuin ko.“Dad, I told you. I want to be an artist! Magfa-fine ar—”“And how many times do I need to tell you that you can't?!” he roared. His knuckles were almost white while holding my documents.“What do you mean I can't, Dad?!” I calm myself to remain m
Medyo miss ko na sina Lilo.Talagang naging routine ko na na maalagaan sila. Hindi na rin ako masyadong tini-text ni Osmond. We don't really have something to talk about though...This week, I already sell three of my artworks. Isa na lang ang natitira pero nabalot ko na iyon, kailangan na lang ng magke-claim. Hindi siya kamahalan pero sapat na para sa hirap at dedikasyon ko habang ginagawa iyong akda. Pakiramdam ko lahat ng gawa ko ay isang malaking parte ko, lahat galing sa puso.Dati naalala ko kung gaano kalakas ang panghihinayang ko kapag magbe-benta kasi pakiramdam ako mababawasan ako. Iyong may parte na mawawala pero ngayon ay may saya na sa bawat customer. Natuto ako na hindi naman pala siya kawalan, recognition siya, appreciation, at ang mga gawa ko ay mayroong karapatang mapunta sa ibang lugar at makita ng madami.Tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko iyong nakita. Sana ay may
Kalmado talaga akong tao. Hindi ako madaling magalit. Kung magagalit man ay panandalian lang, o mas pipiliin ko na lang na huwag magsalita pero ngayon ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko habang kaharap ko si Osmond. It was like he summoned someone inside me to fire up all my triggers.Kakamot-kamot siya sa ulo habang nakayuko sa harap ko. Pinapakain ko na sila nang pumasok siyang kusina.Nanlaki ang mga mata niya at naging mailap nang makita ako. “Oh. You're here... good morning.”“Walang good sa morning. Tanga ka ba?” I couldn't hear myself. Ni hindi ako nagsasalita ng ganito noon.“A-ano?”“Bakit ka umiinom-inom, hindi mo ba naiisip 'yang mga anak mo ha? I am really disappointed towards you. You're so stupid.” I tried to count in my head to calm myself.“Oh my gosh,” I whispered. This