Share

Chapter 12 - Adrian help Luna

Dahan-dahan at nanginginig ang kamay na pinihit ni Luna ang seradura ng pintuan sa morgue. Ngunit sa ilang beses na tinangka niyang buksan, wala siyang lakas nang loob. Sumandal siya sa pintuan, habang umiiyak na nakatitig kay Adrian.

"I can't!" Palahaw niyang iyak.

"You can, Luna. Subukan mong tanggapin na wala na ang iyong ama, dahil wala ka nang magagawa, hindi na natin maibalik ang buhay niya." Naaawang wika ni Adrian sa dalaga na halos namumula na ang mukha sa kakaiyak.

"Wala na akong karamay, wala na akong masandalan. Sir Adrian, this is all my fault, hindi ko siya inalagaan noon, makasarili ako. Hindi ko man lang alam na matagal na pala siyang nagtitiis sa sakit niya." Hindi na napigilan ni Adrian ang sarili, ikinulong niya sa kanyang mga bisig ang dalaga. Hinaplos niya ang likod nito upang kumalma.

"Kaya mo yan Luna, palakasin mo ang iyong kalooban. Isipin mo na mas mabuti na rin iyon at makapagpahinga na siya. Hindi na niya maramdaman ang sakit, mapayapa na siya ro
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status