Share

Chapter 379

Author: Langit Parama
“Handa na ba kayong pumunta sa bahay ni Ate Bernice ninyo?” tanong ni Jenesis sa tatlo niyang anak na kanina pa abala sa kani-kanilang kuwarto.

“Ready na, Mommy!” masayang sigaw ni Rheana habang lumalabas ng kuwarto. Suot nito ang paborito nitong headband at may maliit na sling bag na nakasabit sa balikat.

“Ready na rin kami ni Riven, Mom,” proud na sabi ni Rayan.

Matatag namang tumango si Riven. “Hihintayin na lang natin si Daddy, right?”

“Yes,” sagot ni Jenesis habang sinulyapan ang wall c
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
ailene.sario.vxi
Next please
goodnovel comment avatar
Lynne Bams
c Jude Ang salarin d nya tanggap na ayaw na ni duke...he threaten dukes freedom
goodnovel comment avatar
Johnpie Zaid
cnu kaya ang ngpakidnap? Salome or c Jude?
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 641

    Lalong lumakas ang iyak ni Karina. Samantala, natigilan naman si Caizer sa kinatatayuan niya. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula sa nakatatandang kapatid.“Kuya...” Nabasag ang boses ng lalaki.Itinaas ni Raoul ang isang kamay para pigilan ang anumang sasabihin pa nito.“Don't ever repeat what you did.” Mababa at seryoso ang boses niya. “Ang responsibilidad ninyo bilang mag-asawa at mga magulang ay hindi isang bagay na pwedeng balewalain kapag gusto ninyo. Hindi laruan ang pamilya na maaari ninyong balewalain kapag hindi na convenient sa inyo.”Mabilis na tumango si Caizer. “I promise, Kuya. Hindi na mauulit.”“At ayoko nang magkaroon pa ng mga sikreto sa pamilyang ito,” dagdag ni Raoul.“Wala na pong mangyayaring ganoon ulit, Kuya. I promise you that.”Ilang sandaling pinagmasdan sila ni Raoul bago bahagyang tumango.Kasabay nito, lumapit ang midwife habang karga ang maliit na sanggol na maayos nang nakabalot sa kumot.“Well,” nakangiting sabi ng midwi

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 640

    “Daddy...!”Pagkakita pa lang kay Raoul na bumalik sa waiting area, agad nang iniunat ni Rheana ang dalawang kamay mula sa kandungan ni Jenesis.Hindi na naghintay pa si Raoul at agad na kinarga ang anak. Mahigpit namang yumakap ang maliit na bata sa leeg ng ama.“I'm sorry, sweetheart,” mahinang sabi ni Raoul habang hinahaplos ang likod ng anak. “We have to postpone our dinner again.”Mabilis na umiling si Rheana. “It's okay, Daddy.”“Are you sure?”“Opo.” Matamis na ngumiti ang bata. “Hindi naman galit si Rheana. Hindi rin ako malungkot. Kasi naghihintay tayo ngayon na lumabas ang baby.”Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Raoul. “Thank you, sweetheart.”Yumuko ang lalaki at matagal na hinalikan ang noo ng anak. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin kay Jenesis na kanina pa nakatingin sa kanila habang namumuo ang luha sa mga mata nito.“Akala ko kung saan ka nagpunta kanina, Kuya,” mahinang sabi ni Jenesis. “I was worried about you.”Saglit na natahimik si Raoul. Bahag

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 639

    “Caizer...?”Nabasag ang boses ni Karina kasabay ng paghagulgol na hindi na niya kayang pigilan. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa maputla niyang pisngi na halatang pagod na pagod na dahil sa matinding sakit ng contractions.Nakatayo si Caizer ilang hakbang ang layo mula sa kaniya. Saglit na natigilan ang lalaki habang nakatitig lang sa asawa. Mabigat na mabigat ang dibdib niya.Ang babaeng matagal niyang sinubukang protektahan ang siya ngayong kailangang magtiis sa lahat ng naging bunga ng mga pagkakamali nilang dalawa.“Rina...” paos niyang bulong.Dahan-dahan siyang lumapit. Gusto niya itong yakapin, punasan ang mga luha nito at sabihin na magiging maayos din ang lahat. Pero natigil siya nang mapansin ang mga posas na nakagapos sa magkabilang pulsuhan niya.“Alisin ninyo ang posas niya.”Isang mabigat na boses mula sa may pintuan ang nagpalingon sa lahat.Nakatayo roon si Raoul. Tuwid ang tindig, malamig ang mukha at halatang may awtoridad. Diretso ang tingin niya kay Ca

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 638

    Napakalakas ng ulan nang gabing iyon. Mahina ngunit malinaw na naririnig sa loob ng malamig at mamasa-masang selda ang tunog ng malakas na pagbuhos ng ulan na tumatama sa bubong ng gusali ng presinto.Mag-isang nakaupo si Caizer sa sulok ng maliit na silid. Nakasandal ang likod niya sa dingding habang magkadikit ang dalawang kamay niya sa harap ng mga tuhod.Walang laman ang tingin niyang nakatitig sa mga rehas na bakal sa harapan niya. Ilang araw na rin siyang nakakulong doon. At sa buong panahong iyon, hirap na hirap siyang makatulog.Napakaraming bagay ang gumugulo sa isip niya. Si Rheana na noon ay nakahiga nang mahina sa ospital. Ang galit na mukha ni Raoul. Ang kaniyang ina. At ang asawa niyang nagdadalang-tao sa sarili nilang anak, si Karina.Dahan-dahang ipinikit ni Caizer ang mga mata nang biglang kumulog nang malakas sa labas.BLAAAAAAAAAAST! Saglit na napigil ang paghinga niya.Sa tuwing umuulan nang ganito, bumabalik sa isip niya ang gabing nagsimulang magulo ang la

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 637

    “Buti na lang at nagsisimula nang matuyo ang sugat.”Maingat na tinanggal ni Duke ang benda sa ulo ng pamangkin niya. Seryoso niyang pinagmasdan ang maliit na sugat malapit sa sentido ni Rheana.“Kapag natuklap na ang bahaging ito,” mahinahon niyang pagpapatuloy habang itinuturo ang peklat, “posibleng may maiwan itong kaunting marka.”Pagkatapos ay salit-salitan niyang tiningnan sina Raoul at Jenesis.“Regular ninyong pahiran ng scar removal ointment para hindi maging permanent ang marka.”Mabilis na tumango si Jenesis habang halatang nakahinga nang maluwag. “Opo, Kuya. Thank you so much.”Agad namang hinawakan ni Rheana ang sarili niyang sentido habang nakaupo nang maayos sa kama.“Tito, will my scar look ugly?” inosente niyang tanong.Bahagyang ngumiti si Duke. “Hindi naman masyadong halata iyan kapag gumaling na.”“Buti naman,” bulong ni Rheana na halatang natuwa sa sagot nito.“Now, time for injection!”Biglang napuno ng boses ni Bernice ang kwarto. Masiglang pumasok ang

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 636

    “Daddy, kailan po matatanggal ang benda ko?” tanong ni Rheana habang maayos na nakaupo sa harap ng maliit niyang vanity table.Nakatayo si Raoul sa likod ng anak habang dahan-dahang sinusuklay ang mahaba at blonde nitong buhok. Maingat ang bawat galaw niya para hindi mahila ang buhok ng bata.“Soon,” kalmado niyang sagot. “Tatanungin ulit ni Daddy si Tito Duke kung kailan pwedeng tanggalin ang benda mo.”Marahang tumango si Rheana bago pinagmasdan ang sarili sa salamin.“Oh, by the way,” dagdag ni Raoul habang patuloy na inaayos ang buhok ng anak. “Kapag fully recovered ka na, matutuloy na ang celebration dinner natin para sa pag-akyat ninyo sa next grade, right?”Agad na nag-angat ng tingin si Rheana para tingnan ang ama sa repleksyon ng salamin. “Yes! Pero ayoko rito.”Bahagyang nag-angat ng kilay si Raoul. “Hmm? What do you mean?”“Gusto kong mag-travel abroad!”Ilang segundo munang natahimik si Raoul bago bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “Abroad?” ulit niya. “Saan

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 09

    “Raoul…?” kakalabas lang ni Yngrid mula sa banyo matapos gumamit ng CR nang mapansin niyang walang laman ang kama.Agad siyang napasimangot. Tumingin siya sa paligid, gusot ang kumot, pero wala ang asawa niya.“Sigurado nasa study room na naman,” bulong niya, naka-pout pa. “Ba’t hindi na lang siya

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 08

    “Ngayong gabi, naka-set na yung meeting mo sa lalaking binigyan ko ng business card kahapon.”Ang sinabi ni Caizer kagabi ang dahilan kung bakit parang kumikirot ang sikmura ni Jenesis kinabukasan. Hindi na siya makakatakas ngayong gabi. Kailangan niyang makipagkita sa lalaking mambubuntis sa kanya

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 07

    Kakarating lang ni Raoul sa Rodriguez Grand Corporation, ang malaking kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pamilya na may operasyon sa loob at labas ng bansa.Matatag at may awtoridad ang bawat hakbang niya habang pumapasok sa engrandeng gusali na umaabot ng limampung palapag.Pagpasok pa lang ng ta

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 06

    “Caizer…” mahina ang tawag ni Jenesis nang makapasok sila ng asawa niya sa kwarto matapos ang hapunan.Biglang humarap si Caizer, diretso ang tingin kay Jenesis, iyong tingin na malamig at matalim.Bahagyang umangat ang gilid ng labi ng lalaki, may halong panlalait. “Ang talino mo na ngayon ah. Al

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status