Share

Chapter 642

Author: Langit Parama
“Get some rest, okay? I'm sure you're exhausted. Magdamag mong inalagaan si Astrid, kahit ayaw naman niyang matulog,” mahinang sabi ni Caizer habang maingat na hinihila ang kumot para maayos na matakpan ang katawan ng asawa.

Bahagyang ngumiti si Karina. Maputla pa rin ang mukha niya matapos manganak. Dagdag pa roon ang ilang gabing pinagdaanan niya na puno ng guilt, pag-aalala, at takot na hindi talaga tuluyang nawawala sa isip niya.

“Okay, Caizer,” mahinang bulong niya.

Hindi nagtagal, dahan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 644

    Nang hapong iyon, dumating si Argus sa mansion ng pamilya ni Raoul habang may hawak na makapal na brown folder. Gaya ng dati, maayos at kalmado ang kaniyang paglakad habang pumapasok sa malaking bahay.Agad siyang sinalubong ng isa sa mga katulong at pinapasok sa loob.“Good afternoon po, Ma'am Jenesis,” magalang na bati ni Argus nang mapadaan siya sa living room at makitang abala si Jenesis sa paglalaro kasama ang tatlo nilang anak.Lumingon si Jenesis at magiliw na ngumiti.“Good afternoon din, Argus. May kailangan po ba kayo?”Magalang na tumango si Argus.“May kailangan po sana akong makausap kay Sir Raoul. May ilang documents po akong kailangang personal na ibigay sa kaniya.”“Oh, okay,” sagot ni Jenesis. “Nasa study room niya si Kuya Raoul. Pumasok ka na lang, Argus.”“Salamat po, Ma'am.”Agad na umakyat si Argus sa ikalawang palapag. Pagdating sa tapat ng study room, ilang beses siyang kumatok.KNOCK KNOCK KNOCK! “Come in.”Binuksan ni Argus ang pinto at nadatnan si

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 643

    “Rara, gusto kitang ipakilala kay Riri,” sabi ni Rheana nang umagang iyon habang nakayuko sa harap ng paborito niyang alpaca.Mahigpit niyang yakap ang kulay rosas na stuffed alpaca na dating regalo sa kaniya ni Caizer. Nakatayo sa tabi ng anak si Raoul. Bahagya siyang napakunot-noo nang marinig ang sinabi nito.“Riri ang ipinangalan mo sa stuffed toy na iyan?” tanong niya.Mabilis na tumango si Rheana. “Yes! Para magkapareho sila ng pangalan ni Rara.”“Hmm.” Bahagyang umangat ang mga sulok ng labi ni Raoul. “That's a nice name.”Ngumiti nang kuntento si Rheana bago muling humarap sa babaeng alpaca.“Rara, this is Riri. From now on, magkaibigan na kayo, ha?”Mahinang umiling si Raoul habang pinipigilan ang pagtawa. “Mukhang iisipin pa ni Rara na anak niya si Riri.”Agad na lumingon sa kaniya si Rheana. “May anak ba si Rara, Daddy?”“Possible.”“Posible?” Itinagilid ni Rheana ang ulo. “Ibig sabihin, may asawa na si Rara at nagpakasal na siya dati?”Natigilan si Raoul. Sa unan

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 642

    “Get some rest, okay? I'm sure you're exhausted. Magdamag mong inalagaan si Astrid, kahit ayaw naman niyang matulog,” mahinang sabi ni Caizer habang maingat na hinihila ang kumot para maayos na matakpan ang katawan ng asawa.Bahagyang ngumiti si Karina. Maputla pa rin ang mukha niya matapos manganak. Dagdag pa roon ang ilang gabing pinagdaanan niya na puno ng guilt, pag-aalala, at takot na hindi talaga tuluyang nawawala sa isip niya.“Okay, Caizer,” mahinang bulong niya.Hindi nagtagal, dahan-dahang pumikit ang mga mata niya. Ilang sandaling nanatili si Caizer sa tabi ng kama habang pinagmamasdan ang mukha ng babaeng mahal niya.Ang babaeng muntik nang mawala ang lahat. Ang babaeng mag-isang nagdala ng bigat ng konsensiya hanggang sa nanginginig ang buong katawan sa tuwing naaalala ang nangyari kay Rheana.Pagkatapos, napunta ang tingin ni Caizer sa baby crib sa tabi ng kama. Mahimbing na natutulog si Astrid sa loob nito. Maayos at pantay ang pag-angat at pagbaba ng maliit nitong

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 641

    Lalong lumakas ang iyak ni Karina. Samantala, natigilan naman si Caizer sa kinatatayuan niya. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula sa nakatatandang kapatid.“Kuya...” Nabasag ang boses ng lalaki.Itinaas ni Raoul ang isang kamay para pigilan ang anumang sasabihin pa nito.“Don't ever repeat what you did.” Mababa at seryoso ang boses niya. “Ang responsibilidad ninyo bilang mag-asawa at mga magulang ay hindi isang bagay na pwedeng balewalain kapag gusto ninyo. Hindi laruan ang pamilya na maaari ninyong balewalain kapag hindi na convenient sa inyo.”Mabilis na tumango si Caizer. “I promise, Kuya. Hindi na mauulit.”“At ayoko nang magkaroon pa ng mga sikreto sa pamilyang ito,” dagdag ni Raoul.“Wala na pong mangyayaring ganoon ulit, Kuya. I promise you that.”Ilang sandaling pinagmasdan sila ni Raoul bago bahagyang tumango.Kasabay nito, lumapit ang midwife habang karga ang maliit na sanggol na maayos nang nakabalot sa kumot.“Well,” nakangiting sabi ng midwi

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 640

    “Daddy...!”Pagkakita pa lang kay Raoul na bumalik sa waiting area, agad nang iniunat ni Rheana ang dalawang kamay mula sa kandungan ni Jenesis.Hindi na naghintay pa si Raoul at agad na kinarga ang anak. Mahigpit namang yumakap ang maliit na bata sa leeg ng ama.“I'm sorry, sweetheart,” mahinang sabi ni Raoul habang hinahaplos ang likod ng anak. “We have to postpone our dinner again.”Mabilis na umiling si Rheana. “It's okay, Daddy.”“Are you sure?”“Opo.” Matamis na ngumiti ang bata. “Hindi naman galit si Rheana. Hindi rin ako malungkot. Kasi naghihintay tayo ngayon na lumabas ang baby.”Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Raoul. “Thank you, sweetheart.”Yumuko ang lalaki at matagal na hinalikan ang noo ng anak. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin kay Jenesis na kanina pa nakatingin sa kanila habang namumuo ang luha sa mga mata nito.“Akala ko kung saan ka nagpunta kanina, Kuya,” mahinang sabi ni Jenesis. “I was worried about you.”Saglit na natahimik si Raoul. Bahag

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 639

    “Caizer...?”Nabasag ang boses ni Karina kasabay ng paghagulgol na hindi na niya kayang pigilan. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha sa maputla niyang pisngi na halatang pagod na pagod na dahil sa matinding sakit ng contractions.Nakatayo si Caizer ilang hakbang ang layo mula sa kaniya. Saglit na natigilan ang lalaki habang nakatitig lang sa asawa. Mabigat na mabigat ang dibdib niya.Ang babaeng matagal niyang sinubukang protektahan ang siya ngayong kailangang magtiis sa lahat ng naging bunga ng mga pagkakamali nilang dalawa.“Rina...” paos niyang bulong.Dahan-dahan siyang lumapit. Gusto niya itong yakapin, punasan ang mga luha nito at sabihin na magiging maayos din ang lahat. Pero natigil siya nang mapansin ang mga posas na nakagapos sa magkabilang pulsuhan niya.“Alisin ninyo ang posas niya.”Isang mabigat na boses mula sa may pintuan ang nagpalingon sa lahat.Nakatayo roon si Raoul. Tuwid ang tindig, malamig ang mukha at halatang may awtoridad. Diretso ang tingin niya kay Ca

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 04

    “Caizer…” mahina ang boses ni Jenesis habang tumatayo mula sa pagkakaupo. Nanginginig ang kamay niya habang inaabot ang calling card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ‘to ulit, Caizer?”Mas tumalim ang tingin ni Caizer. “Bakit?” malamig niyang sagot. “Akala mo ba nagbibiro lang ako kanina? Y

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 03

    “Hindi mo kailangang sundin palagi ang sinasabi ng iba.”Dahan-dahang itinaas ni Jenesis ang ulo niya at tumingin sa mga mata ni Raoul. Bahagya siyang nagulat, dahil ngayon lang siya nakarinig ng salita mula rito na parang kakampi niya.Pero bago pa niya maintindihan ang ibig sabihin noon, lumapit

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 02

    Matapos ang almusal na nagtapos sa mabigat at tensyonadong atmosphere, lumipat si Jenesis sa kusina para hugasan ang pinagkainan ng buong pamilya.Mariin niyang pinipisil ang sponge laban sa plato, halos sobra na ang diin, parang gusto niyang kuskusin hindi lang ang dumi, kundi pati ang mga salitan

  • Web of Lies: Drowning in My Brother-in-law's Love   Chapter 01

    “Maghanap ka ng ibang lalaki para mabuntis ka, Jen.”Ang sinabi ni Caizer nang umagang iyon ay parang malakas na hampas sa dibdib ni Jenesis. Nanlaki ang mga mata ng dalagang asawa, hindi makapaniwala sa narinig.Paano nagawa ng sarili niyang asawa na sabihin iyon nang ganun lang kadali? Na para b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status