Share

Kabanata 23

Hindi na pinansin ni Ancel ang sinabi ni Camille. Hindi ko alam kung hindi nga ba niya narinig ang sinabi ng kaibigan ko o nagbibingi-bingihan lang siya.

Sandali ko pang nilingon ang mga kaibigan ko at si Tatay, pero wala na sa amin ang tingin nila. Nag-uusap na sila.

Nagtataka man, hindi na rin lang ako nag-usisa pa. Nadala na ako sa ginawa kong pagtatanong kagabi. Sabi nga niya, hindi pa siya handa na sabihin sa akin ang lahat tungkol sa buhay niya. Kaya rerespetuhin ko na lang ang gusto niya.

Naging tahimik din ang buong byahe namin papuntang bayan. Maski kasi siya ay hindi na nagsasalita, pero paminsan-minsan naman siyang sumusulyap sa akin at gano'n din ako sa kanya.

Matapos ang mahigit isang oras na byahe, narating din namin ang bayan, at ngayon nga ay papasok na kami sa vicinity ng hospital.

"Aya, kuha lang ako ng wheelchair ha," sabi ni Ancel nang nasa parking na kami.

"Sige, bilisan mo," sagot ko kasabay ang pagtingin-tingin sa paligid.

Hindi kasi ako mapakali, natatakot
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Nako! sana Hindi pa Sila magkahiwalay ,at bag-o palang Sila nagkabutihan bilag magkasintahan.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status