Share

4

Author: Sunmaru
last update publish date: 2026-08-26 10:28:47

SABRINA'S POV

H-hindi mo dapat ‘yan ginagawa sa isang babae,” sabi ko nang mahina pero malinaw, habang nakatitig sa punit-punit na mga pahina ng notebook na nakakalat sa sahig ng rooftop. 

Kinangisi ni Damon yun, pero hindi na ‘yung ngisi na parang natatawa lang. Mas parang galit na pinipigilan, na parang hindi niya inaasahan na sasagot ako nang ganun.

Lumapit siya sa akin—mabagal na humakbang, hanggang magkadikit na halos ang sapatos namin. Ang init ng araw ay walang kwenta kumpara sa lamig ng tingin niya.

“Anong Sabi mo?” mapang asar niyang Sabi bahagyang yumuko ngising ngisi..

Hindi ako gumalaw agad. Pero nang makita kong hindi siya aatras, humakbang ako paatras.

"Salbahe ka.." kabado Kong Sabi..

“Salbahe? Ako? Bakit, Ano ba dapat ang gawin sa kanya?” tanong niya, habang tinuturo ang babaeng umiiyak parin.

“Sa tulad niyang bastos at hindi marunong gumalang?”

Umiling ako nang mabilis.  

“Ikaw ang bastos. Hindi ka marunong gumalang sa babae… parang wala kang ina na nagtuturo sa’yo kung paano gumalang.”

Nakarinig ako ng lagabog..

Bigla akong napatingin sa kanyang likuran nang tumayo ang isa pa, magkamuka sila. Naiinis na napatingin siya sa paligid..

“Sino ka ba sa akala mo?” sabi ni Darius, habang lumalapit din. 

“Patingin nga ako ng ID mo.”

Walang pasabi, hinablot niya ang ID lace ko mula sa leeg ko. Mabilis na binasa niya ang pangalan.

“Sabrina Montenegro…?” sabi niya, sabay tingin kay Damon. Parang biglang nagbago ang hangin sa rooftop.

“Montenegro?” ulit ni Damon, 

“Kilala mo si Alejandro Montenegro?”

Alanganin akong tumango, pero itinaas ko ang noo ko nang kaunti—parang sinusubukang ipakita na hindi ako natatakot kahit halos lumundag ang puso ko.  

“Kuya ko ‘yun...bakit??”

Natawa si Darius—malakas, pero walang saya. Parang tawa na puno ng duda at galit.  

“Kuya mo? Talaga?”

Pagkaalam ko wala namang bunsong kapatid pa si Alejandro,” sabi ni Damon, habang lumalapit ulit sa akin.

“Wala kaming narinig na ganyan.”

Dinukot ni Darius ang cellphone sa bulsa niya. May tinawagan siya nang hindi na nag-aalinlangan. Habang nagri-ring, umupo siya sa gilid ng concrete bench, nakangisi pa rin.  

“Malalaman natin kung nagsasabi ka ng totoo...at kapag ibibigay mo sakin ang suot mong bra..”

Nanlaki ang Mga Mata ko..at mabilis na napayakap sa sarili..

Bakit ko ibibigay sa kanya ang bra ko? Wala ba siyang pambili?

Tumingin na siya doon sa babaeng nakaupo pa rin sa sahig— tahimik habang pinupulot ang mga pahina ng notebook niya nang isa-isa. Hindi na siya nagsasalita, pero kita sa mata niya ang takot at pagod.

Habang naghihintay kami, tahimik ang rooftop maliban sa hangin at sa mahinang hikbi ng babae.  

Tapos biglang bumukas ang fire exit door nang malakas—

Napatingin kaming lahat pare-pareho.

At doon, pumasok si Kuya Alejandro.

Naka-uniform pa rin ng university—black blazer na bukas, puting shirt na medyo lumuwag sa kwelyo, Ang bilis ng pagdating niya..

“K-kuya…” bulalas ko, puno ng ginhawa. Parang biglang nawala ang bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko ligtas na ako. 

Nagkatinginan silang tatlo—si Damon, si Darius, at si Kuya Alejandro.

Walang salita. Pero parang nag-uusap ang mga mata nila. May code na hindi ko maintindihan, pero kita ko ang pagbabago sa ekspresyon nila. 

Yung ngisi ni Darius mas lumawak ngayon. Si Damon ay tumingin kay Kuya nang diretso, walang takot..

“She’s my adopted sister,” sabi ni Kuya Alejandro nang mahina, pero malinaw na malinaw ang bawat salita. 

Tumingin siya sa akin saglit—

Tapos bumalik ang tingin niya sa kambal.

“Be good to her.”

Pero may kakaibang ngisi sa labi niya habang sinasabi ‘yon. 

Tumango si Darius at Damon nang sabay—parehong napapangisi rin, pero hindi na ‘yung mapang-uyam na ngisi kanina. Parang natanggap na nila ang utos, pero may halong saya na hindi ko maintindihan.

“Sayang,” sabi ni Damon, habang tumitingin sa akin nang diretso. 

“Hindi siya makakasama sa hide and seek mamayang gabi… dito sa campus.”

Tumingin si Darius kay Damon, tapos kay Kuya Alejandro—parang naghihintay ng reaksyon.

Si Kuya ay hindi gumalaw. Nanatili lang ang ngisi niya, pero lumalim ang tingin.

“Huwag niyo siyang isali sa mga laro niyo,” sabi niya, boses na parang malamig na hangin...

THIRD POV..

Ang sinabi ni Alejandro na huwag isama si Sabrina ay kabaligtaran ng tunay niyang intensyon.

Nagkatitigan muna sila ni Darius, saka sabay na nagtanguan—isang tahimik na pahiwatig na kasama pa rin si Sabrina, ngunit si Alejandro mismo ang magiging hunter niya. 

Ganoon sila maglaro.

Sinabi lamang ni Alejandro na hindi kasali si Sabrina para subukin at patibayin ang loob nito.

Humakbang si Alejandro palapit kay Darius at nagsalita nang mahina, sapat lang para sila lang ang makarinig.

“Isali niyo siya.”

Pagharap ni Alejandro, awtomatikong napalitan ng ngiti ang seryoso niyang mukha nang humarap kay Sabrina.

“Bumalik ka na sa room mo, Sabrina,” sabi pa niya, boses na mababa pero malambot na ngayon, parang sinasabi na tapos na ang problema mo.

“O-okay, Kuya Alejandro. Salamat po,” sagot niya nang mahina, pero hindi agad siya gumalaw. Sa halip, tumingin siya sa babaeng nakatayo pa rin sa di kalayuan—yung estudyante na kanina pa nakayuko, nakahawak pa rin sa mga punit-punit na pahina ng notebook niya, mukha na basa pa rin ng luha pero tahimik na.

“Pwede bang isama ko na siya, Kuya?” tanong ni Sabrina, sabay turo sa direksyon niya.

Napalingon silang lahat doon.

Si Damon ay tumaas ang kilay. Si Darius ay bahagyang napangisi, parang natatawa sa biglaang kahilingan. At si Alejandro… nanatili lang ang tingin Kay Sabrina..

“Hindi pa pwede, Sabrina. Naglalaro pa ka—” simula ni Darius, pero hindi niya natapos.

“Sige, isama mo na siya,” putol ni Alejandro sa sasabihin pa sana nito. Walang pag-aalinlangan. Walang tanong. Parang bigla na lang niyang binigay ang pahintulot na hindi niya dapat ibinigay.

“Fine,” natatawang sabi ni Darius, sabay taas ng dalawang kamay bilang pagsuko. Pero sa mata niya, kita ang excitement.

Parang mas naging kawili-wili ang laro dahil sa desisyon ni Alejandro. 

Halika… nakangiting sabi ni Sabrina sa babae, habang hinahawakan niya nang mahina ang braso nito para tulungan siyang tumayo nang maayos.

Ang babae ay tumingin sa kanya nang may pag-aalinlangan pa rin—mata na pula pa rin sa pag-iyak, pero may bagong liwanag na parang hindi niya inaasahan na may mag-aalok ng kamay sa kanya ngayon.

Tumango siya nang dahan-dahan, hinawakan ang kamay ni Sabrina, at sabay silang lumabas ng fire exit.

Pagkasara ng p***o sa likod nila, naiwan sa rooftop sina Alejandro, Darius, at Damon.

Sabay-sabay silang nagtawanan—hindi malakas, pero yung tawa na puno ng lihim at kasiyahan na hindi nila pinapakita sa iba. Yung klaseng tawa na parang nanalo na sila sa isang bagay na matagal nang hinintay.

“Grabe, tinuloy pala ni Tita Zamara mag-adopt,” sabi ni Darius, habang sumandal sa railing ng rooftop, nakatingin pa rin sa p***o na kakasara lang.

Tumango si Alejandro, 

“Kaya nga hindi na ako naboboring ngayon sa bahay,” sabi niya, napapangisi nang dahan-dahan. Yung ngisi na hindi na nawawala mula kanina—

Tumingin si Damon sa kanya, kilay na bahagyang naka-taas.

“May laruan ka na pala na madaling utuin.”

Tumawa ulit si Alejandro—mahinang tawa..

“Madaling utuin… oo. Pero ‘yon nga ang masarap. Walang alam, walang muwang, yung sumusunod nang walang maraming tanong...”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • When Protection Turns Dark   5

    Hindi natuloy ang balak nina Darius at Damon na maglaro ng hide and seek sa loob ng paaralan para sa mga bagong estudyante, kaya maaga ring nakauwi si Sabrina.SABRINA POV...Marahan akong kumatok sa pinto ng kwarto ni Kuya Alejandro, bitbit ang notebook at libro sa dibdib ko. Halos alas-siyete na ng gabi, pero kailangan ko talaga siyang tanungin tungkol sa assignment sa limits—hindi ko kasi maintindihan yung part na one-sided limits at continuity sa discontinuities. Sabi niya nung nakaraan Kumatok Lang ako. “Kuya…?”Bumukas ang pinto pagkatapos ng ilang segundo.Bumungad siya—nakasando lang, jogging pants. Napatitig ako sa bagong tattoo sa dibdib at leeg niya.Namumula pa rin yung tinta sa gilid, parang bagong gawa lang. Yung itim na linya na parang ugat na umaakyat mula sa dibdib hanggang leeg..Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong natakot at... na-curious nang sabay."K-kuya Alejandro... nagpa-tattoo ka??" tanong ko nang mahina, mata ko pa rin naka-focus doon sa balat niy

  • When Protection Turns Dark   4

    SABRINA'S POVH-hindi mo dapat ‘yan ginagawa sa isang babae,” sabi ko nang mahina pero malinaw, habang nakatitig sa punit-punit na mga pahina ng notebook na nakakalat sa sahig ng rooftop. Kinangisi ni Damon yun, pero hindi na ‘yung ngisi na parang natatawa lang. Mas parang galit na pinipigilan, na parang hindi niya inaasahan na sasagot ako nang ganun.Lumapit siya sa akin—mabagal na humakbang, hanggang magkadikit na halos ang sapatos namin. Ang init ng araw ay walang kwenta kumpara sa lamig ng tingin niya.“Anong Sabi mo?” mapang asar niyang Sabi bahagyang yumuko ngising ngisi..Hindi ako gumalaw agad. Pero nang makita kong hindi siya aatras, humakbang ako paatras."Salbahe ka.." kabado Kong Sabi..“Salbahe? Ako? Bakit, Ano ba dapat ang gawin sa kanya?” tanong niya, habang tinuturo ang babaeng umiiyak parin.“Sa tulad niyang bastos at hindi marunong gumalang?”Umiling ako nang mabilis. “Ikaw ang bastos. Hindi ka marunong gumalang sa babae… parang wala kang ina na nagtuturo sa’yo ku

  • When Protection Turns Dark   3

    SABRINA'S POV Nasa kwarto pa rin si Sabrina, nakatayo sa harap ng full-length mirror na may gold frame— Ang kwarto ay maluwang, may malalaking bintana na may heavy cream curtains, at sa likod niya ay ang walk-in closet na puno ng mga damit na hindi pa niya nasusuot. Pero ngayon, naka-uniform na siya, at pakiramdam niya kahit mag dadalawang linggo na siya Dito ay parang naka-costume pa rin siya para sa isang papel na hindi niya sigurado kung kaya niyang gampanan.Huminga siya nang malalim habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Ang puting long-sleeve polo ay naka-tuck in nang maayos sa navy blue pleated skirt. Medyo nanginginig ang kamay niya habang inaayos ang necktie—yung knot ay hindi pa rin perpekto, medyo crooked sa gilid. Tinulungan siya ni Mommy Zamara kahapon sa knot nito, pero ngayon ay parang nawawala na Naman sa memorya niya Kung paano. “Relax lang, Sabrina,” bulong niya sa sarili. Kinuha niya ang maliit na silver cross necklace mula sa vanity table—yung tanging baga

  • When Protection Turns Dark   2

    Halos magdadalawang linggo na akong nandito sa malaking bahay na ito, pero pakiramdam ko hanggang ngayon ay parang bisita pa rin ako. Lahat ng mamahaling gamit na ibinigay sa akin ni Mommy Zamara—mga bag na mukhang mamahalin, mga sapatos, damit—nakaayos pa rin sa malaking aparador ng aking kwarto. Hindi ko pa rin magawang gamitin Lahat sa dami. Nasa harap na ako ng pinto ni Kuya Alejandro. Suot ang Hello Kitty pajama ko rosas at puti.. Naaalala ko pa yung sabi ni mommy Zamara kanina sakin..“Sabrina… kapag may mga aralin kang hindi mo naiintindihan o may assignment ka, andiyan si Kuya Alejandro. Pwede kang magpaturo sa kanya, huwag kang mag-alala—mabait naman ‘yon.”Iyan ang sinabi sa akin ni Mommy Zamara Pero ngayon, habang nakatayo ako rito sa madilim na hallway, pakiramdam ko ay masyado akong maliit para sa bigat ng gabing ito.Mahina akong kumatok. “K-kuya Alejandro…?”Walang sagot.Alas-diyes na ng gabi. Baka tulog na siya. Pero kanina natanaw ko pa siyang paakyat wala pan

  • When Protection Turns Dark   1

    SABRINA'S POVMatagal ko nang naririnig mula kay Sister Fe ang mga kwento tungkol sa pamilyang Montenegro—ubod daw ng yaman, bukas ang kamay sa pagbibigay ng donasyon sa simbahan, at parang walang katapusang biyaya ang ipinagkakaloob sa kanila ng langit. Hindi ko inakalang ako mismo ang magiging bahagi ng kanilang mundo.Napatitig ako sa harap ng malaking pintuan ng mansion. Mataas at makapal na pinto ang bumungad—mga haliging marmol na parang nasa palasyo, kristal na chandelier at hagdanang engrande na parang dinisenyo para sa mga hari at reyna. Sa kamay ko, mahigpit na nakahawak si Ma’am Zamara—o dapat nga palang Mommy Zamara na.“Sabrina,” mahinhin niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko, “simula ngayon, dito ka na titira. Ito na ang magiging tahanan mo. At simula ngayon… ako na ang mommy mo. At siya—” tumingin siya sa matangkad na lalaking katabi niya, ang lalaking may matalim na tingin at ngiti na parang may lihim, “—siya si Daddy Asmodeus mo.”Parang may kakaibang bigat a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status