LOGINAlam ni Mara.
Hindi pa sumusuko si Rafael. Kahit ilang beses na niyang itulak palayo—kahit gaano niya ipakitang wala na siyang pakialam—nandun pa rin ‘yung paraan ng pag tingin nito. Parang may hinahanap. Parang hindi pa tapos. Kaya nung makita niyang papalapit ulit ito habang karga niya si Nico, parang may kumirot agad sa dibdib niya. “Fine,” bigla niyang sabi, sabay abot ng bata sa kanya. “O, sa’yo na.” Nagulat si Rafael. Hindi agad niya naisalba ang reaksyon niya nang mailagay sa braso niya ang maliit na katawan ni Nico. Mainit. Mabango. Malambot. Parang hindi niya alam kung paano hahawakan. “She drinks milk four times a day,” dagdag ni Mara, medyo mabilis magsalita. “Ayaw niya ng carrots. Tapos allergic sa seafood." Napakurap si Rafael. “Wait—” Pero hindi na siya pinatapos. Tumayo si Nico nang maayos sa pagkakakarga sa kanya, saka ngumiti ng malaki. “Ako si Nico!” masigla nitong sabi. “Nico Reyes! Pero tawag sa’kin ni Mama—Bean!” Napatingin si Rafael sa bata. Malalaki ang mata. Maputi. At ‘yung ilong— Parang… Hindi siya makapagsalita agad. “Siya?” tanong niya, bahagyang paos, sabay turo kay Mara. Ngumiti si Nico. “Siya si Mama—este, ate!” sabay tawa. “Ikaw, daddy!” Natigilan si Rafael. Parang may sumabog sa loob ng ulo niya. “Don’t call me that,” mabilis niyang sabi, medyo mas malakas kaysa dapat. Natahimik si Nico. Saglit. Tapos— Umiyak. Malakas. Yung tipong bigla na lang bumigay. Napapikit si Rafael. “Hey—hindi—” Hindi siya sanay. Hindi niya alam gagawin. Hindi niya alam kung paano mag-comfort ng bata. Parang mas gusto pa niyang makipag-negotiate sa milyon-milyong kontrata kaysa dito. “Ano ba, Rafael!” singhal ni Mara, mabilis na kinuha si Nico mula sa kanya. “Pati ba naman bata, binubully mo?” Mahigpit niyang niyakap ang anak, hinahaplos ang likod nito. “Okay lang, baby… shh…” Tumalikod siya, pero hindi bago maka dapo ang matalim na tingin ni Rafael. “Hindi mo kailangang pakialaman ‘to,” malamig niyang dagdag. Pero kahit ganun— Hindi pa rin mapigilan ni Rafael ang sarili niyang mag-isip. Yung bata. Yung mukha. Yung edad. Hindi siya tanga. Hindi pwedeng wala siyang mapansin. “Uuwi na kami,” sabi ni Mara, sabay lakad papunta sa kotse. Hindi na siya lumingon. — Pagkasara ng pinto ng kotse, saka lang siya napahinga nang malalim. Nanginginig pa rin ang kamay niya sa manibela. “Grabe ka, Mara…” bulong niya sa sarili. Muntik na. Muntik na talaga. Agad niyang kinuha ang phone niya at tumawag. “Trish,” sabi niya, halos pabulong. “Nakipagkita siya. Kay Nico.” Sandaling katahimikan sa kabilang linya. “Told you,” sagot ni Trish. “Hindi yan titigil.” Napapikit si Mara. “Good thing ready tayo,” dagdag ng kaibigan niya. “Yeah…” mahinang sagot ni Mara. Kung hindi dahil sa mga ginawa nila noon—yung pagbabago sa records, yung pagtuturo kay Nico kung ano ang sasabihin— Hindi niya alam kung anong mangyayari. Hindi niya kayang mawala ang anak niya. Hindi ulit. — Pagsapit ng gabi, nasa loob na siya ng isang private room sa isang high-end na hotel sa Makati. Tahimik, elegante. Pero sa loob niya—kabaliktaran. Pagbukas pa lang ng pinto, nakita na niya agad kung sino ang nandoon. Si Rafael. Kasama ang dalawa pang lalaki—mga kaibigan o business partners nito. Si Adrian—kilalang playboy, laging may kasamang iba-ibang babae. At si Marco—matalino, tahimik, pero may sariling mundo. “Late ka,” sabi ni Rafael, hindi man lang tumingin ng maayos. “Traffic,” maikling sagot niya, sabay upo. Hindi na niya pinatagal. Ayaw niyang pagtuunan pa ng pansin ang presensya nito. “Ah, so ikaw si Mara,” sabi ni Adrian, nakangiti. “Naririnig ko lagi pangalan mo.” “Good or bad?” balik niya, pilit casual. Ngumiti lang ito. “Depende sa mood niya. Ang ganda mo pala.” Napairap siya sa loob-loob niya. Maya-maya, nagsimula na ang inuman. “Toast!” sabi ni Marco, sabay abot ng baso. Napatingin si Mara sa hawak niyang tea. “I’ll pass,” sabi niya. “I don’t drink.” “Sayang naman,” singit ni Adrian. “Hindi ka makikipag-deal kung hindi ka iinom.” Napatingin siya kay Rafael. Tahimik lang ito. Nakatingin. Pero walang ginagawa. Parang hinahayaan lang siya. Kumagat siya sa labi. Fine. Kinuha niya ang baso. Isang lagok. Dalawa. Hanggang sa hindi na niya mabilang. Mainit. Mapait. Parang nasusunog ang lalamunan niya. At habang tumatagal— Parang umiikot ang paligid. — Nasa hallway na siya nang hindi niya na kinaya. Sumandal siya sa pader. Nahihilo. Mahina. Kinuha niya ang phone. “Trish…” bulong niya. “Sundo mo ‘ko…” Hindi niya alam kung malinaw pa ba ang boses niya. Pagkatapos— Parang nawawala na ang lakas niya. “Grabe…” bulong niya. “Hindi na siya katulad dati…” Dati, kahit isang patak— Hindi siya pinapayagang uminom. Ngayon? Wala lang. Pinapanood lang siya. Parang wala siyang halaga. Biglang uminit ang mata niya. “Ang tanga mo, Mara…” bulong niya. Pero bago pa siya tuluyang bumigay— May biglang humawak sa kanya. Mahigpit. Mainit. Pamilyar. “Uuwi ka na?” mababang boses sa tenga niya. Napapikit siya. Rafael. Pinilit niyang itulak ito, ngunit hindi siya nag tagumpay. “Kayang-kaya ko,” sabi niya, pero mahina. Halos wala nang lakas. Hindi siya pinakinggan. Sa isang galaw— Binuhat siya nito. “Rafael—!” reklamo niya, pero parang wala na ring impact. Napahawak na lang siya sa balikat nito. Parang wala siyang choice. Tahimik lang si Rafael habang naglalakad. Pero sa loob niya— Magulo. Bakit ba ganito siya kahina? Bakit hinahayaan niya ang sarili niya? Bakit wala siyang pakialam kung may mangyari dito? Napahigpit ang hawak niya kay Mara. Magaan. Sobrang gaan. Parang kayang-kaya niyang buhatin kahit buong gabi. Napatingin siya sa mukha nito. Namumula. Mahina. At sa gitna ng lahat— Ganun pa rin. Pareho pa rin. “Rafael…” bulong ni Mara, halos tulog na. Napatingin siya. “I will never forgive you…” Saglit siyang natahimik. Tapos— Ngumiti. Pero hindi masaya. “Good,” sagot niya. “Hindi rin kita papatawarin.” Mahigpit ang hawak niya habang naglalakad palabas. At kahit anong pilit niyang itago— Alam niya. Hindi pa tapos. Hindi pa sila tapos.“Rafael, umalis ka na.” Hindi na nagpaligoy-ligoy si Mara. Nakatayo siya sa may pinto ng condo, nakapamaywang, halatang pagod pero pilit tinatatagan ang boses. “Hindi ka welcome dito.” Hindi agad sumagot si Rafael. Nakatitig lang siya sa mukha ni Mara—parang may binabasa, parang may hinahanap na matagal na niyang hindi nakita. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya, balak sana hawakan ang pisngi nito. Pero— pak! Mabilis siyang nasampal ni Mara sa kamay. “Don’t,” malamig nitong sabi, habang tinititigan ng masama si Rafael. Saglit na natahimik si Rafael. Tapos— napangiti siya. Yung tipong nakakairita. “Ang sama mo talaga,” sabi niya, medyo paos. “Gawan mo ‘ko ng sabaw. Nahihilo ako.” Napairap si Mara. Amoy alak ito. “Grabe ka, kakainom mo ‘yan,” sagot niya. “Umalis ka na lang.” Pero hindi na siya pinakinggan ni Rafael. Diretso siyang pumasok, parang siya ang may-ari ng lugar. Umupo sa sofa, sumandal, at saka tumingin sa paligid. Hanggang sa n
Sa condo ni Mara sa may Eastwood, halos maghatinggabi na nang makarating sila. Pagod na pagod si Trish kakabuhat at kakasuporta sa kanya mula parking hanggang elevator. Buti na lang may guard na tumulong kahit papaano, pero halos siya pa rin ang bumuhat sa buong bigat ni Mara. “Grabe ka, girl…” hingal na sabi niya habang binubuksan ang pinto. “Akala mo malakas uminom.” Walang sagot si Mara. Halos wala na rin siyang malay. Pagkapasok, dahan-dahan siyang inihatid ni Trish sa guest room. Inilapag siya sa kama, inayos ang unan, saka napaupo sa gilid. “Hay, salamat…” bulong niya sa sarili. Akala niya tapos na ang problema. Pero biglang gumalaw si Mara. “Rafael…” mahina nitong bulong, halos hindi maintindihan. Napatingin si Trish. “Hay nako…” Biglang kumunot ang noo ni Mara, saka napamura. “Bwisit ka… Rafael…” Napailing si Trish. Ayan na. Drunk mode. “Hindi ko ibibigay…” dagdag ni Mara, mas malinaw na. “Hindi mo siya kukunin…” Napahigpit ang hawak niya sa
Alam ni Mara.Hindi pa sumusuko si Rafael.Kahit ilang beses na niyang itulak palayo—kahit gaano niya ipakitang wala na siyang pakialam—nandun pa rin ‘yung paraan ng pag tingin nito. Parang may hinahanap. Parang hindi pa tapos.Kaya nung makita niyang papalapit ulit ito habang karga niya si Nico, parang may kumirot agad sa dibdib niya.“Fine,” bigla niyang sabi, sabay abot ng bata sa kanya. “O, sa’yo na.”Nagulat si Rafael.Hindi agad niya naisalba ang reaksyon niya nang mailagay sa braso niya ang maliit na katawan ni Nico.Mainit. Mabango. Malambot.Parang hindi niya alam kung paano hahawakan.“She drinks milk four times a day,” dagdag ni Mara, medyo mabilis magsalita. “Ayaw niya ng carrots. Tapos allergic sa seafood."Napakurap si Rafael.“Wait—”Pero hindi na siya pinatapos.Tumayo si Nico nang maayos sa pagkakakarga sa kanya, saka ngumiti ng malaki.“Ako si Nico!” masigla nitong sabi. “Nico Reyes! Pero tawag sa’kin ni Mama—Bean!”Napatingin si Rafael sa bata.Malalaki ang mata. Ma
“Anak, bilisan mo na, malalate na tayo!” halos pasigaw na sabi ni Mara habang nagmamadaling nagsusuklay sa harap ng salamin.Nasa kabilang side ng sala, naka-upo si Nico sa sahig, hawak ang isang maliit na laruan, todo iwas sa sapatos na pilit isinusuksok ni Mara sa paa niya.“Ayoko pumasok,” mahinang reklamo nito, sabay liko ng katawan na parang maliit na ahas.Napapikit si Mara sandali, pinipigilan ang sarili na mainis.“Nico, please… may work si Mama. Ikaw din, may class.”Umiling lang ang bata.Napabuntong-hininga siya, tapos yumuko at hinawakan ang pisngi ng anak.“Sige… bibilhan kita mamaya ng strawberry shortcake sa bakery, okay?”Agad napatingin si Nico.“Yung may icing?”“Oo, marami.”Saglit na nag-isip ang bata, tapos dahan-dahang iniunat ang paa.“Okay…”Mabilis ang galaw ni Mara—parang sanay na sanay—isuot ang sapatos, ayusin ang medyas, sabay buhat sa bata.“Thank you, baby,” bulong niya, kahit alam niyang napilitan lang ito.Paglabas nila ng apartment sa Cubao, agad niya
Napapikit si Mara at mariing kinagat ang labi habang tinititigan ang laptop screen.9:30 na ng gabi.Pangatlong beses na niyang chine-check ang report.Bawat number, bawat detalye—walang pwedeng magkamali.Ayaw na niyang maulit yung nangyari kanina.Pagkatapos ng ilang minuto, tuluyan niyang isinara ang file.Wala.Walang error.Malinis.“Finally…” bulong niya, halos mawalan ng lakas.Kinuha niya ang printed copy at naglakad papunta sa opisina ng presidente.Kumatok siya.“Come in,” malamig na boses ang sumagot.Pagpasok niya, nakita niya si Rafael—nakaupo sa swivel chair, nakaayos pa rin kahit gabi na.Parang hindi napapagod.“Inayos ko na po ulit yung report,” sabi niya, iniabot ang folder.Kinuha iyon ni Rafael, mabilis na sinilip.Pagkatapos, ibinaba.“Sorry,” sabi nito, casual lang. “Mukhang ako yung nagkamali ng basa kanina.”Parang wala lang.Parang hindi siya pinabalik-balik sa trabaho buong araw.Napatitig lang si Mara.“Okay na?” tanong niya.“Okay na.”Tumango siya, handa n
“Sir, hindi ba pwedeng si Mae na lang ang isama n’yo?” halos pigil ang inis sa boses ni Mara habang hawak ang planner niya.“Nasa inyo na rin po ang tatlong secretary. Hindi naman po ako pwedeng lagi,” dagdag niya, medyo diretso na.Hindi man lang tumingin si Rafael mula sa mga papel niya.“Who’s the CEO?” tanong nito, kalmado pero matalim.Napapikit si Mara saglit.“Kayo po,” sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili.Grabe.“May forty-seven minutes ka pa,” dagdag nito, sabay tingin sa relo.Nanlaki ang mata niya.Forty-seven?!Halos tumakbo siya palabas ng opisina.“Sh—”Kinuha niya agad ang phone niya habang naglalakad nang mabilis.“Ma, pwede mo bang sunduin si Nico mamaya? May dinner ako with boss, urgent.”“Sige, anak. Ingat ka.”“Thanks, Ma!”Paglabas niya ng building, dire-diretso siya sa parking.Kung thirty minutes ang byahe—Seventeen minutes na lang para mag-ayos.Grabe.Mas mahirap pa ‘to kaysa exam.—Pagdating sa apartment niya, parang bagyo ang bilis ng galaw niya.Bihi



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



