1/2 ~ mayang hapon uli. don't forget to thank our God for the blessings today. unti-unti na pag-unravel ng secrets. ready na ba kayo? charot hahaha —Twinkle x
DAHIL masama ang tingin ni Serena kay Kevin, napahakbang si Kevin papunta sa asawa at marahan ang boses na nagsalita. “Is there a problem? Did I do something wrong?”Nanatili ang masamang tingin ni Serena kay Kevin at hindi umiimik. Dahil doon, gumuhit ang gitla sa noo ni Kevin. Maybe Chiles couldn't take it anymore that he told Kevin what happened. “Dada, Tita Ashianna went here and he shouted at Mama. She also made my Ate Lavender cry.”Lavender? Nagtaka si Kevin sa narinig. Who's Lavender? Saka nito nakita ang bata na kalong ni Serena. “She's Lavender?” tanong ni Kevin patungkol sa bata. Tumango si Serena ngunit nakanguso pa rin, halatang may inis pa rin kay Kevin. “Pamangkin ko 'to, si Emerie Lavender o Ella. Nag-iisang anak ni Chlyrus.”Kevin's eyes went wide when he heard that. Chlyrus has a daughter and she's here in front of him? Saka napatitig si Kevin kay Lavender na tahimik na nakatingala kay Kevin ngayon. Doon ni Kevin nakita ang resemblance ni Chlyrus sa batang kahara
PUMASOK pa rin si Serena kahit na alam niyang may mga taong naniniwala sa usap-usapan na third party siya sa ‘relasyon’ ni Kevin at Ashianna. Bakit naman siya mahihiya at magtatago kung alam niya sa sarili na hindi naman siya ganoong klaseng babae? Yes, she planned to snatch Kevin away from Ashianna. Pero hindi naman siya third party dahil una pa lang naman, asawa niya si Kevin. Walang nangyaring hiwalayan nilang dalawa at kahit na sandaling naligaw sila ng landas ni Serena, tiwala pa rin siya na maaayos nila ni Kevin ang mayroon sila. Kailangan lang talaga ng mahaba at seryosong usapan para mailagay na sa tamang direksyon ang relasyon nila. Pero may maliit pa rin si Serena na agam-agam. Paano kung masyado lang palang malaki ang tiwala niya kay Kevin ngunit nagkaroon na pala ito ng feelings kay Ashianna? Paano kung… paano kung kaya lang ganito ang turing sa kanya ni Kevin ngayon dahil nami-miss lang nito ang presence niya pero pagkatapos lumipas noon, mawawala rin iyon at si Ashiann
SUMABOG ang ingay dahil sa announcement na ginawa ni Kevin. Puno ng pagtataka ang mukha nila dahil sa ginawa nitong pagsasabi na asawa nito si Serena. Si Serena na isa sa company staff! Paano nangyari iyon? Nathan, on the side, whistled slowly. Mabuti at ganito ang ginawa ng pinsan. Dahil kung hindi, Nathan would really be disappointed in Xavier. Matagal na dapat nito ginawa ang pag-announce na asawa nito si Serena at hindi lang ngayon.From what Nathan could see, it's because of this late announcement that the problem arises. Kung una pa lang sana na ginawang public ni Xavier na kinasal ito kay Serena, walang Helia Tatiana. At mas lalong walang Ashianna Lopez dapat. But what could he do? He's just a bystander. Even if he really wanted to advise his cousin, at the end of the day, it's Xavier's decision what he will choose, right? Now, Nathan is happy to see that Xavier and Serena will have an ending that they really deserves. Binalik pa niyang muli ang tingin sa pinsan na nasa stage
GUSTUHIN mang kumawala ni Ashianna ay hindi niya magawa. She was held captive by no other than Chlyrus! Isa rin naman kasi siyang bobo't kalahati. Susugod-sugod siya sa property ni Chlyrus nang hindi nag-iisip. She thought that she could make him fall to his knees, that he could beg for her to just kill him. Delusion is sweet but reality is cruel. Kung dati ay malakas na si Chlyrus, ngayon ay mas bihasa na ito sa self defense na agad nitong nadis-armahan si Ashianna na sumugod sa lungga nito. After her confrontation with that so-called wife of Kev, Ashianna was so angry that she couldn't swallow her breath. Sobrang galit ang nararamdaman niya lalo't nakita niya ang buhay na patunay na niloko siya ni Chlyrus. That daughter of his should die instead of her baby! Hindi man lang binigyan ng tsansa ni Chlyrus na mabuhay ang anak nila pero ang anak nito sa ibang babae ay binuhay nito! How could he? How could he?! He's living a carefree life, while she's left to pick up the shattered pie
NATAPOS na ang announcement ni Kevin at hinatid na ni Kevin si Serena sa ancestral house kung saan si Serena nakatira ngayon. Kevin booked an immediate flight when he found out that there was a rumor about Serena being his mistress. Si Nathan ang nagsabi kay Kevin ng balita kaya kahit hindi pa talaga tapos si Kevin sa ginagawa nito sa ibang bansa, inasikaso lang nito ang mga importante at saka iniwan ang secretary nitong kasama sa ibang bansa para ayusin ang hindi pa natapos na gagawin. Kevin even called Secretary Lim who's managing Kevin's other business to temporarily guide his new secretary. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, hindi na nagpahinga si Kevin at dumiretso ito sa SGC Convention para mag-arrange ng internal meeting. At doon ni Kevin ia-announce ang totoo. Now, they're here at Fuentes Ancestral House. Si Serena lang ang naroon, mga pinagkakatiwalang katiwala ng pamilya, at ang mga bata na sila Catherine, Chiles, at Lavender. Nagmamadaling umuwi si Serena dahil walang
HINDI pa rin makausap nang maayos ni Chlyrus si Ashianna dahil pagkatapos nitong sabihin na RLS ang may kasalanan sa pagkamatay ng anak nila, natahimik si Ashianna, halata pa rin na hindi naniniwala sa mga sinabi ni Chlyrus. Pero paano nga naman maniniwala si Ashianna kung buong buhay niya, ang organisasyon na iyon ang tumulong sa kanya? Ang nagbigay sa kanya ng second chance para mabuhay dahil sinira ng pamilya Fuentes ang buhay niya? Bestfriend ng tatay ni Chlyrus ang ama niya ngunit nagawang ipapatay ng Cyrus na iyon ang ama niya na matalik nitong kaibigan at maging ang pamilya nito. Mabuti na lang at tinago ni Ashianna ang sarili niya at hindi siya nakita ng mga ito.Pero hinding-hindi niya malilimot ang itsura ng Cyrus na iyon, may hawak itong baril habang nakatayo sa ibabaw ng bangkay ng ama't ina niya. Nakita niya rin kung paano nito kunin ang sanggol niya pang kapatid at sinabi na iligpit ang bata, wala dapat itira. Habang nakatago sa cabinet, tinakpan ni Ashianna ang bibig
HINDI maintindihan ni Serena nang maayos ang kausap sa kabilang linya dahil hinatak siyang muli ni Kevin pabalik sa kama at kinulong sa mahigpit na yakap. Inalis din nito ang hawak niyang phone at ginilid. Katabi niya ito sa kama ngayon pero may damit naman sila sa katawan. Anong oras na kasi silang dalawa na natapos mag-usap kaya noong makita ni Serena na dis oras na ng gabi, hindi na niya hinayaang umuwi pa si Kevin. Ayun, katabi niya ito sa kama matulog dahil wala namang masama dahil asawa niya si Kevin, hindi ba? May kaunting paninibago dahil nga matagal din siyang nawalay rito pero noong makatabi niya ito, parang may puzzle piece na nabuo sa kanya. Lalo na noong ikulong siya sa yakap ni Kevin? Doon nakaramdam si Serena ng kapayapaan na matagal na niyang hinahanap-hanap. Kay Kevin niya lang talaga makukuha iyon. Yumakap si Serena kay Kevin at natulog siya nang may ngiti sa labi. Finally, she's hugging him once again. Matagal niyang pinagdasal ito. At ito nga ngayon, niyakap si
SERENA couldn't forget that man even if she wanted to! Noong mga panahong nag-iimbestiga sila ni Helios ng tungkol sa RLS, humahanap sila ng tyempo para makaalis siya sa radar ng Pamilya Fortalejo. Tuwing aalis siya, ginagamit ni Serena ang agent skills niya na natutunan sa HQ para hindi siya mahuli. Dahil may komunikasyon pa rin siya kay Chlyrus, nagpapadala ito minsan ng agent na pwedeng tumulong sa kanya dahil nag-iimbestiga rin ito sa RLS Organization. At iyong Agent Aster na iyon ang malas na pinadala sa kanya. From what she heard from Chlyrus, he's a new recruit. Sumali ito sa HQ noong tumungo siyang Soain kaya hindi siya pamilyar sa taong ito. Noong makarating sa Spain ang agent at makilala ni Serena, balot na balot ang katawan nito ng long sleeves polo at lagi pang may suot na overcoat o kaya naman ay cloak na halos matabunan ang buong katawan nito. May hat din itong suot at palagi ring naka-facemask kaya hindi niya makita ang mukha nito. Pero hindi siya nag-comment sa gano
Ano kaya ang itsura ni Daemon nang makita nito ang balita? Galit na galit? Gusto siyang patayin para maibsan ang galit? O baka naman wala siyang pakialam, parang nakakita lang ng taong di niya kilala?Kung nasa Pilipinas si Rowie, kaya niya bang ipaliwanag sa boss ang buong nangyari?Pero sa pag-iisip nito, napangiti lang ng mapait si Patricia. Siya lang talaga ang nakakaalam ng buong kwento.Pagkatapos ng huling presscon ni Andrei, nagyaya itong kumain sa labas.Ayaw sana ni Patricia, pero naisip niya na hindi pa tapos ang palabas at kailangan pang ituloy. Kaya sumama na siya sa isang mamahaling western restaurant.Nag-order si Patricia ng fruit salad para sa sarili niya, si Andrei naman ay steak. May baso na may kandila sa mesa, at ang liwanag nito ay maaliwalas at medyo romantic.Pero wala sa sarili si Patricia. Tahimik lang siya, nakatitig sa kandila, at parang malayo ang iniisip. Sa totoo lang, basta wala siya sa harap ng camera ng media, ganito na lagi ang itsura niya nitong mga
Chapter 90GABI na nang makauwi si Patricia. Naghihintay pa rin si Patrick sa kanya. Pagkakita sa kanya, agad siyang tinanong kung bakit siya sobrang abala sa trabaho at kung bakit hatinggabi na siyang nakakauwi. Sobrang pagod na si Patricia kaya hindi na siya masyadong sumagot. Maikli lang niyang sinabi na may inayos lang siya, tapos dumiretso na siyang maligo at pumasok sa kwarto para matulog.Mula noong mga nakaraang araw, sobrang babaw na ng tulog niya. Kaunting ingay lang, nagigising na siya agad.Kaya nang magsimula na tumunog ang telepono niya nang sunod-sunod bandang alas-sais ng umaga, agad siyang nagising. Una ay tumawag ang crisis PR ng kumpanya nila. Pasigaw at seryoso itong nagsalita, "Miss Patricia! Paki-explain kung ano 'tong nasa headline ng Flower Entertainment News?! Bilang agent, alam mo dapat kung gaano kahalaga ang reputasyon. Bakit mo nagawang makipagrelasyon sa alaga mong artist? At kahit pa totoo nga 'yan, bilang isang professional, paano mo hinayaang mailabas
Bahagyang napakunot ang noo ni Patricia. Tulad ng inakala niya, may nangyari nga sa relasyon. Pero nasa kaya pa rin naman niya itong tanggapin, kaya napabuntong-hininga lang siya at maingat na nagtanong, “May gusto ka bang babaeng may asawa?”Ngumiti si Andrei. “Mas malala pa ro’n.”“Mas malala pa?” Kumurap si Patricia. Hindi niya maisip kung gaano pa kabaliw ang istorya.“Sa totoo lang, bago ako sumikat, naging kabit ako ng isang tao.”…Kalmado lang ang pagkakasabi ni Andrei, pero sa tenga ni Patricia ay parang kulog na bigla na lang bumagsak, para siyang nawala sa sarili!Kabit ng isang mayamang babae?! Hindi halata sa hitsura niya, lagi pa namang parang perfect idol at role model sa mga kabataan! Pero halatang hindi siya nagbibiro.Pinilit ni Patricia na huwag magmukhang gulat na gulat at nagkunwaring kalmado. “Kabit lang naman. Uso naman ngayon ‘yung mga ganyan. Halos lahat may mga eskandalo…”Tinitigan siya ni Andrei at napangiti. “Pero may gusto lang akong itama…”Nagpakita uli
Chapter 89UMALIS si Patricia sa apartment kasama si Andrei. Alam ni Patricia na hindi naman gano’n kahirap gampanan ang eksenang 'yon. Kailangan lang niyang linisin ang isyu sa harap ng media at sabihing totoong gusto nila ang isa't isa, kaya siya ang naging agent nito at handang magsakripisyo para sa kanya. Kailangan lang niyang magpagawa ng ilang articles para mapaniwala ang mga fans na maging mas maunawain. Kahit lumaki pa ang gulo, hindi naman ito masyadong makakaapekto sa career ni Andrei.Pero para kay Patricia, masyado na siyang tumaya sa isang bagay lang.Ang dahilan kung bakit siya nakipag-cooperate kay Andrei at patuloy na umaarte ay dahil alam niyang mula pa lang sa pagpasok niya sa apartment nito, may nagplano na ng lahat ng mangyayari pagkatapos.Paano kung hindi siya sumunod? Ang lalabas na balita ay: nag-away, hindi nagkaintindihan, naghiwalay.Ang mga tao sa labas ay makikinig lang sa sasabihin ni Andrei at walang pakialam sa panig niya. Idol kasi si Andrei, habang si
Tahimik lang ang buhay niya nitong mga nakaraang araw. Matagal na rin mula nang huli siyang makasalamuha sa mundo nila. Sina Daemon, Chastain, Zaldy, malayo na sa kanya. Tahimik na uli ang mundo niya.Pero maliit talaga ang mundo. May mga tao talagang hindi mo maiiwasang makita. Umasa na lang siyang dadaan lang si Sylvia at ipagpapatuloy ang pagrereklamo sa essential oil niya.Pero halatang mas interesado si Sylvia kay Patricia kaysa sa essential oil. Lumapit siya diretso at ngumiti na may halong pagmamataas. “Hindi ko alam na ang galing mo pala nung huling pagkikita natin. Ikaw pala yung dinala ni Daemon para ipakilala sa mga kamag-anak niya…” Saglit siyang tumigil, tapos tinuloy, “Pero anong silbi nun? Hindi ba’t para ka ring basang sisiw ngayon? Ako, legal na fiancée. Ikaw? Anong karapatan mo?”“Oo nga pala, wala ka ngang kwenta.”Napakunot ang noo ni Patricia... pero wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang card mula sa front desk at tumalikod papasok sa loob ng spa.Parang hindi
Chapter 88NAPAKATIGAS ng ulo ni Patricia para maglumuhod. Kanina lang, pinilit pa niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Pero kung hindi siya luluhod ngayon, siguradong hindi siya tatantanan ni Leo at ng barkada niya. Pero kung luluhod siya, mawawala naman talaga ang dignidad niya.Si Amarillo, nakangiting parang nanonood lang ng palabas, may halong yabang pa ang ngiti. Sa isip niya, si Patricia ay isang baguhang babae na hindi pa alam gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa. Ang tapang-tapang na lumabas at nagsalita sa ganitong sitwasyon. Ngayon, nasabit na siya, tingnan lang natin paano siya lalabas dito.Pero sa harap ng lahat, kalmadong tumango si Patricia. “Okay lang sakin na magluhod, pero ibabalik sa 'yo ang ginawa mong pagsuntok kay Andrei.”Mas lalo pang naging mapanghamak ang tawa ni Leo. “Ibalik? Ikaw o siya? Sa payat ninyong katawan, kahit sampung suntok pa siguro ang gawin niyo, wala pa ring epekto. At ikaw, babae ka, umuwi ka na lang at maghanap ng lalaking papakasa
Nagulat si Patricia. Kasi karaniwan, pagkatapos ng shoot, kakain lang ito at matutulog agad. Wala na siyang pake sa ibang tao. Kaya nagulat si Patricia na nag-abala pa siyang lumapit.“Ano ‘yon?”Ngumiti si Andrei at nagkibit-balikat. “Wala lang…”Parang duda pa rin ang tingin ni Patricia.“Gusto ko lang magpasalamat sa ‘yo.” Ngumiti pa rin si Andrei. “Tama pala ang naging desisyon ko.”Isang simpleng salita lang ‘yon, pero nanginginig ang kamay ni Patricia habang hawak ang tinidor. Matagal na rin siyang nakakulong sa sarili niyang mundo. Laging nagtatrabaho, pero pakiramdam niya, walang laman ang puso niya. Pero sa sinabi ni Andrei, parang muling nagkaroon ng apoy sa dibdib niya.Tapos ngumiti si Andrei nang mahina. “Punta ka sa bar mamaya. Sasabihin ko na sa 'yo ang sikreto ko.”Hindi pa nakakareact si Patricia, tumayo na siya at umalis. Pero yung ngiting iyon, hindi niya malaman kung anong ibig sabihin.Sikreto?Matagal na siyang curious simula pa nung una niyang hinawakan ang kas
Chapter 87NAGKIBIT BALIKAT si Chastain at kalmado niyang tiningnan si Patricia. “Nagbibiro? Hindi ako nagbibiro.” Pagkatapos ay ngumiti siya ng palihim kay Patrick na nasa likod ni Patricia, “Hello po, Uncle.”Hindi alam ni Patrick kung sino si Chastain o kung dapat ba niya itong katakutan, kaya ngumiti na lang siya at tumango.Dahil sa sobrang kalmado ni Chastain, hindi na alam ni Patricia kung ano ang sasabihin. Sa huli, inilapag na lang niya ang maleta sa sahig at naupo doon. “Sige, gusto kong lumipat at maghanap ng matitirhan. Nasaan ang bahay? Magkano ang renta? Magkano ang bayad sa ahente?”Handang-handa si Chastain. Kinuha niya ang isang makapal na booklet mula sa likuran niya na may iba't ibang impormasyon tungkol sa mga bahay. Tinuro niya ang kotse sa likod niya at sinabi, “Kaunti lang naman gamit niyo, kasya na ‘to sa paglipat. Gusto mo bang ang singil ko ay parang pamasahe lang sa taxi?”Hindi inakala ni Patricia na talagang naghanda siya ng mga listahan ng bahay. Kinuha n
Kung may konting pagpapakumbaba lang siya, matagal na sanang alam niya na hindi na siya dapat sumali sa larong ito.Sa huli, umarangkada si Daemon at mabilis na umalis.Matagal na nakatitig si Patricia sa direksyong tinahak niya, hanggang sa maglaho ang pulang kotse sa dilim ng gabi.Nanlambot ang tuhod niya, sumikip ang dibdib, sobrang dilim ng gabi, at pakiramdam niya parang mababaliw na siya.Sa wakas, napaupo siya sa kalsada, ibinaon ang mukha sa tuhod at tahimik na umiyak.Akala niya noon, kaya niyang hawakan ang isang bagay… pero ang totoo, bumitaw pa rin siya.Isa pa rin siyang duwag, at sa totoo lang, parang nandidiri na siya sa sarili niya.Habang tulala pa siya, biglang may pumalakpak sa likod niya, malakas at mabilis. “Ayos, natuto ka rin sa wakas!”Hindi na niya kailangang lumingon para malaman na si Carmina ‘yon...Palagi ba siyang binabantayan nito dahil takot itong magbago ang isip niya at bumalik kay Daemon? Sa totoo lang, hindi naman kailangan...Naiinis siya sa pakir