LOGINKahit nangako si Liam na uuwi siya, sa huli, hindi pa rin natuloy. May emergency daw sa business at hindi siya makaalis. Ang lungkot, sobra. Pero gaya ng dati, hindi ko ipinapakita. Ayokong isipin niya na masyado akong attached o naghahabol, kaya nanahimik na lang ako... kahit na ang totoo, parang may nakadagan na mabigat sa dibdib ko.
Il
Liam’s POVKahit puno ng kasambahay ang mansyong ito, pinili kong pakiusapan silang lumayo muna sa kusina. Ako ang gagawa ng almusal para sa kanila. Gusto kong ang unang lasa ng umaga nila sa pamamahay ko ay magmula sa sarili kong mga kamay. Habang pasipol-sipol akong nagluluto, may iniwan akong tauhan na nakabantay kay Maeva sa playroom para masiguro ang kaligtasan niya.Halos patapos na ang paghahanda ko nang marinig ko ang mahihinang yabag at ang masayang hagikhik na nagmumula sa hagdan.Natigil ang pag-ikot ng sandok sa kamay ko. Napatulala ako habang pinagmamasdan silang papalapit sa dining table. Nakaligo na si Maeva, basa pa ang buhok nito at nakasuot ng isang kulay dilaw na dress, habang si Isabela naman ay tila isang anghel na naglalakad sa gitna ng sikat ng araw na tumatama sa aming
Liam’s POVGising na ako bago pa man tuluyang sumilay ang sikat ng araw sa bintana. Ang totoo niyan, halos hindi ako nakatulog sa tindi ng adrenaline na dumadaloy sa ugat ko sa buong magdamag.Naramdaman ko ang paggalaw sa gitna namin. Si Maeva. Dahan-dahan siyang bumangon, kinukuskos ang mga mata at tila handa nang mag announcement na gising na siya.“Shh… Goodmorning baby” mabilis kong bulong, sabay lagay ng hintuturo sa aking labi. Napatitig sa akin ang anak ko, nanlalaki ang mga mata sa kuryosidad.Hinal
Isabela’s POVNagising ako dahil sa init na dumadampi sa aking balat, isang pamilyar na init na hindi nagmumula sa sikat ng araw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, nanlalabo pa ang paningin at mabigat ang pakiramdam.Ngunit sa isang segundo, bigla akong napadilat nang marealize kong nasa ibang kwarto ako. Tsaka bumalik sa akin ang buong alala. Nasa bagong bahay pala ako at nasa kwarto ni Maeva.Nanlaki ang mata ko, wala na si Maeva sa gitna. Ang maliit na espasyong dapat ay naghihiwalay sa amin ni Liam ay naglaho na. Sa halip, ang mukha ni Liam ang bumungad sa akin, pulgada na lang ang layo. Mahimbing pa siyang natutulog, ang kanyang mga pilik-mata ay mahaba at ang kanyang paghinga ay banayad na humahaplos sa aking noo.At ang mas m
Isabela’s POV“And there’s more,” dagdag niya, sabay turo sa isang mesa sa dulo ng closet.Lumapit ako at nakita ang isang mamahaling drafting table. Sa ibabaw nito ay may mga bagong sketchpads, isang set ng professional charcoal pencils, at isang high-end digital tablet para sa fashion illustration. Sa tabi niyon ay may isang maliit na frame, ang lumang sketch ko ng isang gown na iniwan ko pala nang hindi ko namalayan nung umalis ako ng mansyon.Naramdaman ko ang biglang panunubig ng aking mga mata. Hindi ang mga mamahaling damit o ang marangyang kwarto ang tumatama sa puso ko ngayon, kundi ang katotohanang itinago niya ang pirasong iyon ng nakaraan ko, isang simpleng sketch na akala ko ay matagal nang naging abo.Baon ang aking mga kuko sa palad ko, pilit kong pinipigilan ang emosyong gustong kumawala sa dibdib ko. Ayaw kong magmukhang mahina sa harap niya. Ayaw kong isipin niyang dahil lang sa isang lumang papel ay bibigay na ako.“Bakit, Liam?” tanong ko, ang boses ko ay nangingin
Isabela’s POVHuminto ang sasakyan sa harap ng isang naglalakihang bakal na gate. Pagbukas nito, bumungad sa amin ang isang sementadong daan na napapalibutan ng nagtataasang puno at mga halamang sadyang inalagaan. Sa dulo niyon ay nakatayo ang isang modernong mansyon,isang arkitekturang gawa sa salamin, puting bato, at bakal.Masyadong magarbo. Masyadong malayo sa maliit at komportableng apartment na iniwan namin kanina.“Wow! Is this a castle, Daddy?” manghang-manghang tanong ni Maeva, ang kanyang maliit na mukha ay nakadikit sa bintana ng kotse.“It’s our home for now, baby,” sagot ni Liam habang nakatingin sa akin. Isang tingin na tila naniniguro kung ayos lang ba ako.Habang naglalakad kami papasok sa foyer, hindi ko mapigilang mapatingin sa bawat sulok. Ang sahig ay gawa sa Italian marble na sa sobrang kintab ay halos makita ko na ang sarili kong repleksyon. May malaking chandelier na parang mga bumabagsak na dyamante mula sa mataas na kisame.Napabuntong-hininga ako. Ito ang buh
Liam’s POVNaramdaman ko ang mabilis na pag-init ng aking katawan, isang pamilyar na sensasyong dahan-dahang gumigising matapos ang anim na taong pagkakahimbing. At ang tanging mitsa nito ay si Isabela. Sa isang sulyap ko lang sa kanya, tila nagising ang isang gutom na leon na matagal na naitago.“Control, Liam...” bulong ko sa sarili.“Shit,” bulong ko sa hangin.Hindi ko mapigilang mapangiti nang pilyo habang pinapanood siyang mabilis na nag-panic at halos madapa pabalik sa loob ng kwarto.Damn, she is hot, yet she’s still so cute when she’s flustered.







