NAKATAKDA ANG PAGSUSULIT ng Economic Law sa araw ng sabado. Simula alas siyete ng umaga hanggang alas singko ng hapon ang durasyon ng naturang exam. Nang makarating si Raine sa examination room ay hinanap niya ang kanyang pwesto. Pineprepara niya kaagad ang kanyang mga kailangan para wala siyang maging problema. Ang huli nalang niya kailangan ay ang kanyang ID. Binuksan niya ang compartment ng kanyang bag kung saan niya sinuksok ang kanyang ID. Napaawang ang kanyang bibig. Nang makita na wala roon ang kanyang pakay ay mabilis niyang hinalungkat ang iba pang parte ng bag. Napatda siya nang hindi niya ito mahanap.Natakpan niya ang kanyang bibig. Wala sa bag ang kanyang ID. Kung ganoon ay naiwan ito sa bahay. Ang masama pa ay nakalimutan niya kung saan niya ito nalapag.Naipatong niya ang kanyang siko sa mesa. Kinagat niya ang kuko. Saka niya inaalala kung saan niya nailagay ang kanyang ID.Pumalatak siya. Hindi pa naman siya makapag - exam kung wala ang kanyang ID. Mahalaga iyon dah
NAPAKO ANG PANINGIN NI CRASSUS sa hawak na diary. Gamit ang kanan n hintuturo ay hinaplos niya ito. Nakasulat ang pangalan nito sa front cover ng diary. Maging ang address kung saan ito nakatira ay nakalathala rin sa pabalat.Kinain siya ng kyuryosidad nang mabasa niya ang pangalan. Ito ang unang pagkakataon na narinig niya ang pangalan na ito.Binuklat niya ito at binasa kung ano ang nakasulat.'Tatlong taon ang nakararaan ay may nakilala ako na isang babae, at dahil sa awra nito ay mahihimbing ko siya sa isang anghel. Puro, maliwanag, na kung sinuman man ang makakasaluha nito ay matatangay sa kaliwanagan nito.Mapilantik at makapal ang pilik - mata nito. Sing liwanag naman ng araw ang ngiti nito. Na bawat pagsilay nito ng kasiyahan ay naghahatid ito ng isang mainit na pakiramdam. Bawat tinig nito ay parang isang musika sa tainga ang boses nito. Nakakahipnotismo, animo'y hinihili ka upang mahulog ka sa bitag nito.Nagpakilala ako sa kanya. Iyong galak ko sa mga oras na iyon ay hindi
SA NABABASA NIYANG TALAARAWAN NI ULLYSES ay masasabi niyang may simpatya rin ito sa mga bata. Kasi kung hindi ay hindi nito pipiliin pa na mag - turo sa bulubundukin na lugar. Ramdam din niya na may malasakit ito sa mundo. Na kung iisipin ay bihira na lamang ang mga taong may pakialam sa mundo ngayon. Sa huli pahina ng talaarawan ay kalahati lamang ang naisulat nito. At iba na ang dumugtong niyon. Kung pagbabasehan ang sulat - kamay ay parang galing ito sa isang babae. Malinis at tuwid na tuwid. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino dahil alam na niya kung kanino ito. Minsan na niya nakita na niya ang penmanship ni Raine. Lalo na noong pumirma ito sa ginawa niyang kontrata. Napaisip siya nang mabasa niya ang isinulat nito. 'May plano sana ako pagkatapos ko ng graduation. Inaantay kita pero hindi ka na bumalik.' *** Nakita ko ang sitwasyon ng aking pinagtatrabahuan. Malungkot, nakakapanghinayang. Pursigidido sila sa kanilang pag - aaral pero ang kakulangan ng paaralan
NAGKIBIT - BALIKAT SI RAINE. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagkain at ang Lolo nito. Para naman ito ang unang pagkakataon na hindi siya nito pinansin. Malapit na nga siya maging immune sa pagtrato nito sa kanya."Don't flatter me." Grandpa smiled.Umiling naman siya. "Hindi po, totoo po talaga iyong sinasabi ko." Umupo siya ng maayos at ngumuya muna bago magsalita," Kung hindi mo po inalok sa akin na aralin ang tungkol sa International Commercial Law ay wala akong malalaman tungkol doon. Tiyak na mangangamote ako kung ano ang isasagot ko."Napatawa si Lolo Faustino. "Hindi naman siguro, hija. Matalino ka kaya alam kong kaya mo ang exam."Bumunsagot si Raine. "Hindi pa rin po, Lolo." Tinuhog niya ang beef steak at nginuya iyon. Tinapos niya muna ang pagkain bago siya nagsalita." Nasasabi mo lang po na matalino ako dahil masipag akong magbasa. Para siyang bundok sa gitna ng dalawang magkaibang field. "Nakapag - aral si Lolo Faustino ng Civil and Commercial Law. Parte nito ang Internat
KAHIT NA PINAPANTANSIYA NI RAINE si Crassus ay hindi naman siya nag - iilusyon tungkol sa kanilang kasal. Marahil ay dahil hindi siya nito binigyan pansin kaya malaki ang epekto niyon sa kanilang dalawa.Kung pinapaalis siya nito, aalis naman siya. Wala naman siya dapat na ipag - alala dahil wala namang mawawala sa kanya.Pinadalhan niya ng mensahe si Athelios sa messenger. [Tignan mo ang ginawa mo. Binlack - mail mo si Crassus kaya ako ang napagbuntunan niya ng kanyang galit. Pinaalis niya ako sa bahay.Nag - iisip ka ba talaga? Kahit nga masaya siya ay sinusuklian niya ako ng kabutihan. Ni hindi ko nga siya iniisturbo kung busy siya tapos ikaw basta ka nalang pumasok sa bahay niya, at binalack - mail mo!]Ginawa niya ang hakbang na ito upang iwaksi ang ideya ni Athelios na patuloy na i-blackmail si Crassus. Ito lang ang naisip niya na paraan para tumigil ito. Gusto niyang iparating dito na hindi madaling makabangga ang isang Crassus Adam Almonte.Nang mabasa ni Athelios ang kanyang
NITONG NAKARAAN LANG AY HINDI NAGING MAGANDA ang sitwasyon ni Raine sa opisina. Kung anuman ang puno't - dulo nito ay hindi na siya natutuwa.Kapag naging ordinaryo siyang empleyado sa kompanya ay walang nagkokomento o namamansin sa kanya. Pero kung nalilink na naman siya kay Crassus ay bumabango siya sa paningin ng mga tao. Na para bang nakalaklak sila ng sabong panlaba. Mabango at mabula ang lumalabas sa bibig ng mga ito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainis. Lantaran kasi ang kaplastikan nila. Naiilang na siya kung minsan dahil alam niyang minsan ng walang gusto ang mga ito sa kanya.Baka nga kapag nakita nilang nadapa siya sa gitna ng building ay pagpipiyestahan pa ng mga ito ang itsura niya.Ngunit espesyal ang kanyang sitwasyon ngayon. Mula sa pagiging unknown employee ay bigla ay naging hot topic siya ng madla. Ramdam niya na anumang oras ay mawawala na ang kinang niya at magiging delubyo na naman ang lahat. Parang nasaulo na niya ang mangyayari. Ganito rin kas
Kunin mo. Wala ako parati sa tabi mo para protektahan ka."Napatingin si Crassus sa mga mata ni Raine."Pansin ko kasi na hindi ka gumagamit ng payong kapag umuulan. Paano kung magkasakit ka?"Nilahad ulit ni Raine ang payong sa harap nito. Nang makitang hindi gumalaw ang mga kamay ni Crassus para kunin ang payong ay nagsalita ulit siya. "Mr. Almonte, iniisip mo siguro kung bakit kita binibigyan nito. Sa tuwing umuulan po kasi, naalala lang po kita. Hindi ka po kasi mahilig magkapute. Kaya binilhan kita nito." ani pa niya. Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Raine. "Espesyal po ang payong na ito. Pinasuyo ko pa ito sa dati kong classmate na nag - aaral sa abroad. Hindi po ito cheap. Mariotalarico ang brand nito. Galing pa ito sa ibang bansa. Pinasadya ko talaga ito para sa'yo.""Specially for me?" Crassus took the umbrella.Tinitigan niya ang payong. Itim ang kulay nito at walang ibang kulay na nakahalo. Nang dumako ang kanyang mata sa handle nito ay bahagyang napatagilid ang m
"Where is your brain, Ms. Potterton? Alam mo ba kung anong gulo ang ginawa mo?" Naka - ekis ang dalawang braso ni Direktor Zaragosa habang binato ng masamang tingin si Diana. Siya naman ay nangitngit ang loob dahil sa panenermon ng kanyang Direktor.Gaya ng sinabi nito ay pumunta siya sa opisina. Alam na niya na tatalakan siya nito kaya hinanda na niya ang sarili. Hindi naman niya inaasahan na pagkaupo palang ay makakatikim na siya. Akala niya kasi ay may opening speech pa ito, iyon pala ay iba ang opening nito. Walang paliguy - ligoy na inisang bagsak nito ang panenermon sa kanya."Alam kong ipinagtanggol mo lang ang kaibigan mo pero hindi sana ganito ang ginawa mo. I know you are smart but I did not expect that you will do this dense moves. Posting on the forum? For what? Para makaani ka ng simpatya sa mga empleyado? Napabuntonghininga si Direktor Zaragosa."Totoo naman ang sinabi ko, Ma'am. Talagang hindi lang ako nakapagtimpi kanina dahil naaawa ako kay Raine.""Pero hindi ito an
"Imma fool."Napailing si Crassus nang maanalisa niya ang kanyang mali. Napabuntonghiningang yumuko siya.Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kanyang silid. Kinuha niya ang sigarilyo niya at saka selpon. Saka siya bumaba para tumambay sa veranda.Idinial niya ang numero ng isang kaibigan. "Rothan.""Hey!" Pasigaw na sagot ni Rothan sa kabilang linya.Lumalim ang gitla sa noo ni Crassus. "Saan ka na naman nagsusuot? At bakit ang ingay? Nag - babar hopping ka ba?""Im with a friend," sagot ni Rothan sa kabilang linya.Napailing si Crassus. "We need to talk," he said in a serious tone. "It's important."Narinig niyang hindi nagsalita si Rothan pero rinig niya ang pamamaalam nito sa mga kasama nito."Call me in a minute. Yo saldré primero. (Lalabas muna ako)" Rothan said."Okay," Saka niya pinatay ang tawag.Umupo siya. Sinindi niya ang sigarilyo habang nakaharap sa garden. Napatitig siya sa malaking kahoy na nasa gitna. Mayamaya pa ay may tumawag. Nagtaka si Crassus dahil
Habang kumakain ay napansin ni Raine ang pagiging tahimik ni Crassus. Madalas itong nakatitig sa kawalan na para bang nalulong sa malalim na pag - iisip.Kaya hindi nakapagtimpi si Raine. Kinausap niya si Crassus. "May problema ba?"Napakurap si Crassus at napatitig sa kanya. Ginalaw nito ang pagkain. Parati lang nito ginagalaw pero pakaunti lang kung sumubo.Umiling ito. "Wala."Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Inatupag na lang niya ang kanyang pagkain pero nang mapansin niya na tahimik naman ito ay muli niya itong kinausap."Masyado ka naman atang tahimik ngayon. Ayos ka lang ba?" Pukaw pa ni Raine.Hindi makatingin kay Raine si Crassus. "Just eat, Raine. Huwag mo na akong isipin."Marahas na napabuga ng hangin si Raine. Padarag niyang nilapag ang kutsara at inis na tinitigan si Crassus. Saka siya tumango."Bakit mang - aaya ka pang kumain kung wala ka naman pala sa mood? Sana pala ay dumiretso na lang tayo ng uwi nang pareho na tayo makapagpahinga. Nagsasayang ka lang ng oras.
Napakunot ang noo ni Crassus. Mahigpit niyang hinawakan ang manubela na room ay kumuha ng lakas."Ano ang dapat kong malaman?" tanong niya.Hindi kaagad sumagot si Raine. Mas lalong nagkarambola ang puso ni Crassus. Nababasa niya sa aksiyon ni Raine na nag - aalinlangan ito."Ano kasi.."Malamig na tinitigan ni Crassus si Raine. Hindi siya kumibo. Gusto niya na ito na ang kusang magsalita.Napabuntonghininga si Raine. "Natatandaan mo pa ba iyong sinundo mo ako sa presinto?"Kumunot ang noo ni Crassus. "Iyong walang magpapiyansa sa'yo kaya tinawagan na ako ng Pulis?"Tumango si Raine. "Hmm."Binalot ng pagtataka si Crassus. "Bakit? Anong meron?"Nilaro ni Raine ang zipper. "Iyong lalaking nagtangkang manakit sa akin. Naalala mo?"Biglang dumilim ang mukha ni Crassus. "Bakit?"Tinitigan siya ni Raine sa mata. "May half brother si Sasha na lalaki. Iyong naabutan mo sa presinto noon, siya ang kapatid ni Sasha, si Romano." Tumingin sa labas ng bintana si Raine. "Kanina kasi ay napang - abo
"Natanggap din pala siya," komento pa ni Raine habang nakatingin sa lista na nasa selpon.Pabagsak niyang nilapag sa kanyang kamay sa hita. Lumaylay ang balikat niya. Muli niyang binasa ang pangalan nito. Napabuntonghininga siya nang maanalisang hindi siya namalik - mata.Gustuhin man niyang magtrabaho sa Departmentong iyon ay hindi na niya magawa. Nadala na siya sa nangyari noong biyernes at ayaw niya ng maulit 'yon. Labag man sa kalooban niya pero wala siyang choice kung hindi i - give up ang slot niya sa iba.Nagpadala siya ng email kay Sir Rothn. Medyo nahirapan pa siya kung paano magpaalam dahil hindi siya makapag - isip ng maayos. Ayaw kasing tanggapin ng puso niya ang kanyang desisyon. Dumaan ang mahigit kalahating oras ay sinent ni Raine ang kanyang apology letter. Simula niyon ay naging matamlay na sa pagtatrabaho si Raine.Nasa loob ng opisina ni Crassus si Rothan. Kararating pa lang nito para ibigay sa kanya ang listahan ng mga empleyadong natanggap sa Audit Department."
Araw ng Biyernes, bumalik si Raine sa Forgatto Celestina. Ngayon ang Exam niya sa Audit Department. Ni hindi na nga niya hinintay pa si Crassus sa kakamadali niya. Natatakot kasi siya na baka mahuli siya. Binigyan na sila ng hint ng HR Department kanina. Nakatanggap siya ng email. There were two exams in the morning and afternoon, and there was another interview next week.Kaya hindi niya maiwasan na kabahan. Akala niya kasi ay written exam lang. Hindi niya inaasahan na higit pa sa dalawa ang pasulit. Bigla tuloy siya napaisip kung tama na ba iyong mga inaral niya noong nakaraan.Habang nakaupo sa labas ng waiting area ay kinalma ni Raine ang sarili. Bumuga siya ng hangin at pagkatapos niyon ay huminga na naman siya ng malalim.Naagaw ang atensiyon niya sa isang babae. Kapapasok pa lang nito at may dalang shoulder bag na itim. May kasama ito na lalaki."Sasha?" Tawag ni Raine.Napatingin siya sa kasama nito. Bumaha sa utak niya ang ginawa nito noong nakaraan. Ito lang naman ang may d
Tinanggap ni Raine ang advise ng kanilang Direktor. Kaya kinabukasan ay hinatid siya ni Crassus sa mall para makabisado niya ang loob nito. Maging ang exit kung saan pwede dadaan ang mga empleyado na katulad niya ay tinuro ni Mr. De Guzman. Nagmamasid lang si Crassus at kung may kulang man sa sinabi ni Finance Director ay ito ang nagpapatuloy sa pagpaliwanag. Kaya kahit papaano ay hindi nakaramdam ng pagkalito si Raine. Hindi siya pinapabayaan ni Crassus, at nang pinaliwanag na nito ang accounts ng mismong mall ay mas lalo inigihan ni Raine ang makinig. Nalaman niya kung gaano iyon karami ay nakaramdam siya ng pressure. Nandoon na rin ang kaba at excitement. Ganoonpaman ay hindi siya nagpatinag."Are you sure about this?" Crassus asked while they are walking in the hallway.Lumingon si Raine kay Crassus. "Kaya naman na."Napataas ang kilay ni Crassus. "Ba't parang hindi ka sigurado?"Umiling lang si Raine. "Medyo kinabahan lang.""Don't be," Crassus replied. Namulsa siya. "Tawagan mo
Crassus face darkened. "What do you mean by I also published a book?" he growled pretended to know nothing about Paul Tyler's book. Nang maanalisa ni Raine ang kanyang naibulalas kanina ay tinakusan siya ng kulay sa mukha. "Wala, wala," pagtanggi niya at hindi na makatingin kay Crassus Binuklat niya ang libro. Muli niyang binasa ang pamagat nito. Bumaha sa mata niya ang paghanga. "Ikaw talaga ang nagsulat nito?" Muling tanong pa ni Raine. Sinimulan niyang basahin ang unang pahina ng libro. "The Human Resources Department wrote it and put my name on it. Simula ngayon ay hindi ka na pwedeng magbasa ng ibang libro. Maliban sa college books mo, wala ka na pwedeng ibang buklatin kung hindi yan lang. Oras na may nakita ako ng ibang libro na nakapasok sa bag mo ay itatapon ko. Or, if you put it in, don't let me see it! Otherwise, you know the consequences." His words were as firm as a law. Napatanga si Raine. Tama ba siya ng rinig? Ayaw nito na may makapasok na ibang libro sa
"Wala kang magagawa pa, Ma'am Raine. Buo na ang pasya ni Mr. Almonte." Saka siya tumalikod at bumalik sa kanyang opisina.Dahan - dahan na umupo si Raine sa upuan. Ang masayang enerhiya niya ay naglaho ng parang bola.Napailing si Raine. "Hindi, hindi pwede." Tinanaw niya si Mr. De Guzman." Tumayo siya at hinabol ito.""Direk," tawag ni Raine para pigilan ito.Napahinto si Mr. De Guzman. Lumingon siya kay Raine.Marahan na hinabol ni Raine ang kanyang hininga. Napaawang ang labi niya nang humarap siya sa pinuno nila."Sir, paano po kung ayaw kong sundin ang utos ng CEO?" Kumunot ang noo ni Mr. De Guzman. "Ano ang ibig mong sabuhin?"Napabuntonghininga si Raine. "Sir, nakapag - apply na kasi ako sa Audit Department. Kung sakaling matanggap man ako, napakalaki pong tulong niyon sa akin. Hindi lang sa pinansiyal, pati na rin po sa experience ko.""So, gusto mong lumabag sa utos ni Mr. Almonte?" Hindi na maitago ni Mr. De Guzman ang pagkadegusto.Napipilan si Raine. "Eh Sir--""Akala ko
Ang pinakatuktok ng gusali ng Forgatto Celestina ay inirenovate. Ginawa itong opisina ng Audit Department. At dahil isa ito sa pinaka - importanteng departamento na sakop Almonte Group of Companies, pinili ni Crassus na itabi ito sa kanyang opisina. Hindi lang Forgatto Celestina ang aasukasuhin ng Audit Department. Lahat na pagmamay - aring negosyo ni Crassus ay saklaw nito kaya importante sa kanya na malaman ang lahat ng bawat galaw ng mga empleyado niya. Kaya mahigpit ang pagpipili ni Mr. Rothan sa mga empleyado dahil isang malaking departmento ang Auditing. Araw - araw ay tumatanggap sila ng interview. Maliban sa kulang pa ang kanilang man power, nahihirapan din sila makahanap ng mga empleyado na angkop sa standards na hinahanap nila. Kaya kahit marami na ang nag - aapply na may mga matataas na katungkulan na sa larangan ng kontadurya (accouting), kaunti pa lang ang kanilang napili. Ganoonpaman, sumubok pa rin si Raine. Dinala niya ang kanyang resume na naka- translate sa