He used to be wild and untamed, but she has helped him find inner peace with their uncommon place. Will their journey spark changes to the both of them or will life remain unpredictable as the wildest waves of the ocean?
View MorePROLOGUE
“Are you kidding me?” natatawa na ani Dalea. Sinubukan ko siyang hawakan pero agad niya akong itinulak, sapat para mailayo ako sa kanya. Nagmamakaawa akong napatingin kay Nashe ngunit tulad kay Dalea ay sarado rin ang kanyang tenga.
Tuluyan ng bumagsak ang luha ko ng dumapo ang mga palad ni Dalea sa mga pisngi niya. Sa taong napili ng puso ko, taong minahal ko na hindi dapat.
“Seriously Rezoir?” mapang uyam na ani Dalea. “Hindi ka lang pala manloloko, gago ka nga talagang totoo!”
Nasa akin pa rin ang tingin niya kahit sa harap nito ay ang pinsan kong si Dalea na nagpupuyos sa galit. Pagod na pagod ang mukha niya, marahil pagod na pagod na sa mga nangyayari sa aming dalawa. Umiwas ako ng tingin, umiyak ako sa sariling palad. Sa totoo lang mas matatanggap ko pa kung bumitaw na siya. Mas makakaya ko kung sasabihin niyang tama na.
Kasi kung ako ang tatanungin, hindi ko ‘yon magagawa. Kung sasabihin na niya ngayon ang mga salitang ‘yon sa akin mismo, tatanggapin ko. Hindi dahil sa ayoko na, ‘yon ang tama. Tamang gawin para sa aming dalawa, hindi na ako umapela ng hawakan na ako ni Nashe sa braso. Hindi tulad kanina na todo piglas ako sa hawak nito…ayoko na. Gusto ko na lang magpahinga, ngunit natigilan hindi lang ako pati na rin ang mga pinsan ko sa sunod na sinabi ni Rezoir.
“How about our wedding then? It is canceled?”
“What the fuck!” sigaw ni Dalea. Agad akong inalalayan ni Nashe, halos mabuwal ako sa kinatatayuan sa narinig. Hindi ko inaasahan na bubuksan niya ang paksang ‘yon, pa tungkol sa sinabi niyang kasal.
Mariin akong napapikit, akala ko wala na siyang pake sa bagay na ‘yan. Dapat lang na kalimutan na niya ang lahat, dahil ako…kahit mahirap. Kakalimutan ko ang lahat, dahil ‘yon ang tama.
“Walang kasalang magaganap Hillarca!” histerikal na sigaw ni Papa.
“P-Papa…” nanginginig ang mga kalamnan ko nang agad nitong kuwinelyuhan si Rezoir.
“Ano pa bang ginagawa mo dito ha?! Sinabi ko ng bumalik ka na sa Manila! Bakit ba patuloy mo pa ring ginugulo ang anak ko? Nakuha mo na ang gusto mo!”
“No sir. You’re wrong, hindi ko pa nakukuha ang gusto ko,” nagkatitigan kaming dalawa. Sa titig pa lang niya ay alam ko na ang tinutukoy niya, at hindi ako nagkamali. “hindi ako aalis rito. Hanggat hindi ko kasama ang anak niyo.” malamig ang pagkakasabi nito.
“Hijo de puta! Pinaglalaruan mo ba ako ha?! Walang rason para sumama ang an-”
“There is,” putol nito kay Papa. Sa oras na ito ay totoong nabuwal na ako sa kinatatayuan ko, sa umiigting niyang panga at malamig niyang mata. Binitawan nito ang mga salitang tiyak kong ikakagalit sa akin ng pamilya. “she’s carrying my child. There’s no way in hell na uuwi ako na alam kong nasa sinapupunan nito ang anak ko!”
Noon pa man ay takot na akong magmahal ng iba bukod sa kaibigan at pamilya. Dahil alam ko, kapag umibig ako pag-ibig rin mismo ang sisira sa buhay ko. And I was right, because meeting Rezoir I learn that this love I have for him is dangerous. Namumutlang napatingin sa akin si papa, kinukumpirma ang narinig niya.
“I’m sorry pa…sorry.” Umiiyak kong aniya. Umiling iling ito at inisang hakbang ang pagitan namin, hinawakan ako nito sa balikat at marahang niyugyog.
“H-Hindi…na mali lang ako sa pagkakarinig hindi ba Azeria? Pagkakamali lang ang lahat hindi ba?!” sigaw nito sa akin at patuloy niyugyog sa balikat.
“T-Tito…” pagtatahan ni Nashe at sinubukan tanggalin ang kamay ni papa na mahigpit na nakahawak sa balikat ko. Iyak ako ng iyak nang mapasalampak na sa lupa si papa at nagbagsakan na ang mga luha nito.
“B-Bakit? Bakit sa kanya pa Azeria?” naninikip ang dibdib ko sa sinabi ni papa. Lumuhod ako kahit pa sinubukan akong pigilan ni Nashe, nanginginig ang mga kamay ko nang hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ang kuyom na kamao nito at paulit ulit akong humihingi ng tawad.
“B-Bakit? Bakit sa taong hindi dapat ka pa nagkagusto?” umiling ako at humihingi pa rin ng tawad sa kanya. Hindi, hindi ko alam kung bakit ako nagkagusto sa taong kinasusuklaman mo papa. Patawad, patawad dahil hindi ko alam.
“W-What do you mean about that sir? Hanggang ngayon ba…hindi niyo pa rin kami mapatawad?” kahit hindi ko siya kita dahil sa mga luha ko, ramdam ko. Ramdam ko ang sakit sa boses nito.
“Nasa plano mo ba ‘to? Plano mo rin bang kunin ang anak ko katulad kung paano kunin ng ama mo ang asawa ko?!” puno ng hinagpis na sigaw ni papa.
“Hindi namin siya kinuha! Kusa siyang sumama!”
“Shut up!” sigaw ko at tuluyan ng tumayo. Sinusubukan kong pinupunasan ang aking mga luha pero sa naninikip kong dibdib, mahirap ang tumahan.
“Ganun rin ba ang tingin mo sa akin huh baby? Inaakala mo bang planado ko ang lahat…’yon ba?”
“Bakit? Hindi ba ‘yon ang gusto mo? Hindi ba ‘yon ang gusto ng pamilya mo ang sirain kami ha?!”
Napangisi ito pero alam kong hindi siya natutuwa bagkus nasasaktan. Napatingin ito sa likuran ko, alam ko si papa ang tinitignan nito. Itinagilid niya ang ulo at doon ay kita ko kung paano bumagsak ang mga luha nito, napapisil ako sa sariling kamay sa sakit na nadarama.
Narinig ko ang pagsinghap niya at mga munting mura. Ngayon ay sa baba ang tingin nito na akala mo naro’n ang bagay na nakakapag wala sa sakit na nadarama nito.
“Kung totoong planado ko ‘to…sa tingin mo ba mamahalin pa kita?” napakuyom ako sa kamao. “B-baby kung planado ang lahat ng ‘to di sana’y nasa labas ng bansa na tayo, sa tingin mo ba hahayaan kong may mga taong hahadlang sa ating dalawa? Tangina kung planado ‘to sa tingin mo ba hahayaan kung makawala ka ha!” kumawala ang mga bagong luha sa aking mga mata.
“Nagkataon lang na sa anak niyo ako nahumaling sir at walang kinalaman ang ama ko o anong mang planado na iniisip niyo. Tadhana ang gumawa! Pero tangina naman oh, huwag niyo naman kami idamay sa gusot niyong tatlo. Mahal ko ‘to e’, mahal na mahal,” at hindi ko inaasahan ang pagluhod nito sa harap ko. “Kahit halughugin niyo ang condo ko at patunayan kong planado nga ba ‘to, ayos lang. Pero sana huwag niyo namang gawing bastardo ang anak ko…” sa pagod at walang sapat na pahinga siguro ang aking paghihina, dahilan ng pagkawala ko ng ulirat.
Parehong circle of friends, dahil magkakilala rin ang tropa nina Loreto, Benito, at Erman. Sa ilang linggo ng pamamalagi ko dito, si Honesty lang ang napagkasunduan ko. "Okay lang. Medyo pagod lang ako," sabi ko kay Ricky. Ibinagsak niya ang hawak niyang alak bago bumaling sa akin, hindi naman mahigpit si lolo at hindi kami araw-araw gumagawa ng ganitong party. Sa weekends minsan, it is also timed on a day na wala akong klase. "College ka na kaya dapat matuto kang uminom ngayon." Sabi ng mga pinsan ko. Hindi naman ako umiinom ng alak, pero dahil gusto ko ring maging malapit sa kanila. Pumayag naman ako pero nasobrahan ko, kaya hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ko inaway ang panganay ng Hillarcas. Pumunta muna kami sa bistro, tapos nangyari. "Nasa school ba? Stress?" Napabalik ako sa realidad ng tanong ni Ricky. Umiling ako bilang sagot, hindi naman ako stressed pero ngayon siguro oo. Lalo na kung mabangis na tigre ang tingin ni Hillarcang sa akin, ano nga ulit ang pangalan ni
"Malapit lang ang karagatan sa mansyon, sweetheart," pangako ni Lolo ng pagtitipid. Wala naman siyang dinagdag sa iba pero baka gusto niyang magkaroon ng idea. And for the past month, nasanay na ang katawan ko sa malamig na agos ng karagatan. Nakatulong man ito sa akin, pinapakalma nito ang utak ko sa tuwing naririnig ko ang alon ng dagat. Agad akong sinalubong ni Loreto at ibinalot sa katawan ko ang tuwalya. May extra siya na ginamit niya sa pagpupunas ng buhok ko. "Where's mine, Loreto? Don't say Serena is the only one you get a towel?" Benito. "Nagdala ka?" Nakangiting tanong ni Loreto sabay balik kay Benito. Inaasar na naman nila ako kaya inalis ko agad ang kamay ni Loreto sa buhok ko at kinuha ang tuwalya sa kamay niya. "Here," binigay ko kay Benito. "You can have this," umiling siya at tumawa. "No Serena. Bahala ka na, tapos na ako sa pagpupunas." habang ngumuso kay Erman na pumunta sa mansyon para kunin, nakalimutan niya ng dalhin. Umupo agad ako sa tela na sadyang nilagay
"Hindi gaanong maganda ang pagkakakilala namin ng Papa Horace mo, dear." Kinausap ako ni Mama Serena nang tanungin ko kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Papa at kung paano sila nagkakilala ni Papa Horace sa unang pagkakataon. Hindi ko na lang pinansin si Rezoir na umiling lang sa tabi ko. "Ang una kong pagkikita kay Horace ay medyo glitchy at nakakatawa, sweety." Ngumiti siya sa akin, isang ngiti na nagpapaalala sa nakaraan na alam ko kung saan nagsimula. Nagsimula siyang magkwento. Ang dahilan ay ang nagpapabago sa isang tao, na noong una ay hindi naniniwala. Paano mo masasabi na ang salitang 'dahilan' ay maaaring magbago ng isang tao? Nang marinig ko iyon mula sa isang estranghero, hindi ko ito sineryoso. Pero kapag may nangyaring trahedya, at naalala ko ang mga salitang iyon, baka totoo. Maaaring baguhin ng mga dahilan ang mga tao. "Sigurado ka, Serena? Kamusta ang pag-aaral mo?" nag-aalalang wika ng pinsan kong si Erman.Hindi na ako nagulat sa tanong nito, I made
NAGPASALAMAT si Lucas sa kasambahay ni Theo. Prenteng nakaupo si Lucas sa sopa ni Thaddeus. Napatingin sa bandang hagdan si Lucas nang makitang pababa roong ang boss. “Sir, aalis na po ako.” Tumango si Thaddeus. “Sige, ingat ka sa pag-uwi. Kapag nagtanong si Mama kung may dinadala akong babae rito, sabihin mong oo ha.” Natawa si Lucas. “S-Sige sir...” utal ng kasambahay. Gulati to dahil sa totoo lang ay iyon rin ang tinatanong nga ng mama ni Theo sa kanya. Na sinasagot nga rin niya ng wala. Pero dahil sa sinabi nga ng sir Theo na meron, sa malamang na ‘yon ang isasagot niya ngayon sa Mama nito. “Kahit sa inosenteng bata. Dinadapuan mo ng pag ka demonyo.” Komento ni Lucas ng nakaalis na ang kasambahay. Napamulsa si Theo at tamad na tinignan si Lucas, pansin naman ni Lucas na parang badtrip nga itong si Theo. “Badtrip ako Leonardo.” Aniya. “Kita ko nga.” sagot naman ni Lucas. “Tara nan ga! Huwag ka ng mag sitting pretty diyan!” suway nito sa kanya. At inirapan pa siya, umiling na
NAPAHILOT sa noo si Lucas habang tinitignan ang mga sasabak sa interview. His sitting in a chair we’re Theo belongs. “Why the f*ck again I’m here?” he whispered. “Sir?” tawag sa kanya ng temporary secretary ni Thaddeus. “Let’s begin.” Wika ni Lucas at tumango naman ang secretary sa kanya. The interview starts. Hindi alam ni Lucas, high school pa lang naman may pag ka immature na si Theo sa kanilang tatlo. He understands, dahil nga sa kanilang tatlo ito ang bunso. Pero tangina, hindi naman niya inakalang pa punta sa ganitong tagpo ang pagiging demonyo ng pinsan niya. Akalain mong siya pa ang inatasan nitong mag interview sa kanyang iha-hire na bagong secretary. Siya nga ang pinili ng kanilang lolo, dahil magaling raw itong mag handle ng business. E’ totoo ba? Parang hindi naman! Kung alam ng lolo niya ito, kung ano nga ang pinaggagawa ng apo niyang paborito. Umiling iling si Lucas, pagharap niya ay nagtaka siya ng makitang namumutla ang nag-a-apply. Napatikhim si Lucas. “Continue
IISANG sasakyan ang ginamit nila Red. Ang sasakyan ni Theo ang gamit ng mga ito, alas tres ang usapan nila. Nag-exchange sila ng mga contacts, on the way sila sa venue kung saan gaganapin ang kanilang picnic. Malapit lang naman ang lugar pero patigil tigil sila sa daan, bumibili ng mga puwedeng dalhin. Kahit may isa ng sagot sa inumin ay bumili pa rin ang tatlo ng beer-in-can. “Ayos na ba ‘to?” tanong ni Red kay Lucas. Tumango naman si Lucas. “Oo, ayos naman na siguro ‘yan.” “Tara na, tayo na pala ang hinihintay nila e’.” pakita ni Theo sa phone nitong may mensahe. Tumango ang dalawa. Sa oras na ito ay si Lucas naman ang may hawak ng manibela. Mabuti at may malapit na villa rin ang pupuntahin nilang lugar. Kaya ang plano, dahil si Lucas ang mas matanda sa kanila. Sa malamang na hindi siya maglalasing ng todo, kung sakali ring malasing ng tuluyan ang dalawa. Pero si Red naman ay control naman nito ang pag inom ng alak. Magiging tipsy lang siya pero hinidi tuluyang hindi malalasing.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments