Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2023-09-15 15:03:05

Chapter 5

"Is it true Shaun? You're getting married?" dismayadong tanong ni Lauren nang magkaharap sila sa isang restaurant.

Napatitig siya sa magandang mukha nito. Ayos na ayos ang ahit na kilay, kabaliktaran ni Dahlia na maamo ang mukha ay mataray ang bukas ng mukha ni Lauren. Pero maganda rin. Katamtaman lang ang taas at makinis ang maputing balat.

Namumula sa blush on ang pisngi at pati labi ay pulang-pula sa lipstick.

Tourism ang course nito kaya laging nakapostura.

"Iyon lang ang napagkasunduan pero hindi naman ako pumayag," sagot niya at dinampot ang tinidor para magsimulang kumain.

Paano ba niya sasabihin dito na hindi na dapat niya ituloy ang panliligaw dahil natalo siya ni Dahlia? Napaungol siya nito. Tsk. Pasaway na babae. Kahit sino tatablan sa ginawa nito.

Tutuhugin na lang sana niya ang karne nang pigilan siya ni Lauren.

"Wait! I'll take a pic first, ima-my day ko!" nakangiting pigil nito at inilabas ang cellphone.

Matipid ang ngiting ibinaba niya ang tinidor. Minsan naiirita siya dahil kakain na lang sila at lahat ay kailangang pa nitong picturan muna ang pagkain.

Nakailang dates na sila at bago kumain ay laging ganito ang eksena.

Siya pa naman ang tipo ng tao na ayaw ng kung anu-ano ang ginagawa kapag kumakain. Turo kasi ng magulang niya, lalo na ng Tatay niya na kapag nasa harap daw ng pagkain ay doon dapat nakafocus at hindi rin dapat pinaghihintay ang grasiya.

Kaya nadala na nila ng kapatid niyang si Dylan sa paglaki ang ugaling iyon. Hindi sila nagsicellphone kapag kumakain.

"You can eat na," sabi nito.

"Thanks..."

"So kung hindi ka pumayag bakit ini-announce ni Dahlia na ikakasal kayo?" tanong pa nito habang panay ang kalikot sa cellphone.

"Trip niya lang," kibit balikat na tugon niya matapos ngumuya.

"Pero di naman kayo ikakasal right? Feelingera lang siya?"

"Dating..." pag-amin niya.

"What? So dalawa kaming dinidate mo?" napaangat ang ulo at napahinto sa pagdutdot sa cellphone na tanong nito.

"Nakapangako na ko sa Lolo niya, eh. Pero may trial period naman. Within 2-3 months. If it didn't work for the both of us, eh, di walang kasalang magaganap."

"I see. So parang pinapacify mo lang grandpa niya? I've heard from my Mom na he's dying na raw. Business associates kasi sila so updated siya kay Mr. Montallan."

"He's struggling pero malakas pa naman siya. He's not dying, gagaling siya," kunot noong pagkaklaro niya.

Mga tao talaga kung makapagbalita hindi pwedeng walang dagdag. May sakit lang pinapatay na agad.

"K. Anyway so I just want to make clear, makikipagdate pa rin ako sa'yo pero make sure na hindi ka magkakagusto kay Dahlia ha? You don't like her right?" paniniguro nito.

Hindi kaagad siya nakatugon. Biglang nagflash sa utak niya ang kapilyahang ginawa ni Dahlia kanina sa kotse.

Malinaw pa sa utak niya kung gaano ito kabango at ang malambot nitong labi.

Talagang hindi ito nahiya na hamunin siya ng ganoon. At siya naman itong marupok, bumigay nga. Daig pa niya ang bang-aw na aso kanina kung makahalik dito kanina. Parang nginasab na niya sa sobrang gigil.

Pero sa sarili lang niya aaminin na nag-enjoy rin naman siya sa kalokohan nito.

"Hey why are you smiling?" untag ni Lauren kaya dagling napalis ang ngiting hindi rin niya namalayang kumurba nasa mga labi niya.

Sht. Masamang senyales yata iyon? Napapangiti siya ni Dahlia kahit na hindi naman niya ito kasama.

"Ah wala, nakakatawa naman kasi ang tanong mo?" nasabi na lang niya.

"Awww. Meaning di ka talaga magkakagusto sa kanya? Sige by next month magiging official na tayo."

"Bakit sasagutin mo na ba ko?"

Hindi niya alam kung bakit pero hindi na siya ganoon kaexcited na marinig ang OO nito.

"I think kasi diba malapit na birthday ko, please come, so para isasabay ko na rin ipakilala ka sa parents ko. O di ba pag nagmonthsary tayo birth date ko..."

"Oo nga maganda 'yon," nasabi na lang niya.

"You pay for this ha? Then I saw something nice na perfume, can you buy it for me? Kahit advanced gift mo na lang sakin."

Nagpapacute pa ang mga mata nito.

1 month na rin silang dating ni Lauren. Ngayon ay bigla niyang tinanong ang sarili? Ano nga bang nagustuhan niya kay Lauren?

Bukod sa maganda ito ay bakit nga ba niya ito idinidate? Ano'ng qualities ba ang nakita niya dito maliban sa mahilig magpabili ng kung anu-ano at medyo demanding sa oras niya.

Oo attracted siya dito kaya niya niligawan. Doon naman talaga nagsisimula iyon pero dahil mas gusto niyang kilalanin ito kaya siya nakikipagdate.

Pero para masabing mahal na niya? Hindi pa nakakarating sa ganoong kalalim na lebel ang pagtingin niya dito. Siguro kung magiging sila na baka mas lumalim pa.

"Shaun, I noticed that your phone is so so last year pa. Look at my new phone. This is the latest from Apple. Beautiful right?" pakita pa nito sa latest model.

Bahagya lang siyang ngumiti. Tuwing may conversation sila ay tungkol lamang sa sarili nito o di kaya ay sa mga bagong gamit na meron ito.

"Okay pa naman ang phone ko. I don't think I need a new one," nasabi na lang niya.

Hindi siya ang tipo ng tao na nagkukumahog na sumabay sa uso kahit na sabihin pang may pambili rin siya.

"Ah, mas okay sana kung meron ka rin nitong latest para couple tayo ng phone. It's so cute kaya pag ganun."

Hindi na siya nagbigay ng komento at nginitian na lamang ito.

Inihatid na niya si Lauren sa school dahil may klase pa ito pero siya ay nagdiretso na ng bahay pauwi dahil marami pa siyang gagawin.

Pagpasok niya ng bahay ay nagtungo siya sa kusina. Napakunot noo siya nang marinig na tila may kausap ang Nanay niya.

"Hi Hubs!"

Napasapo siya noo nang makita na si Dahlia pala ang kahuntahan ng Nanay niya.

Hindi niya alam kung bakit tila nailang siya dito. Parang may pumitik pang kung ano sa loob ng dibdib niya nang makita itong nakangiti sa kanya kaya dagli siyang umiwas ng tingin.

"O anak nandiyan ka na pala, may dala si Dahlia, beefsteak. Ang sarap ng lasa."

Lumapit siya sa Ina at humalik sa pisngi nito.

"Palit lang ako ng damit Nanay," paalam niya at akmang tatalikod na nang hagipin ni Sabrina ang tainga niya.

"Nay aray ko!"

"Ay masasaktan ka talaga. May bisita tayo, hindi mo man lang pansinin? And take note magiging future wife mo!" kastigo nito.

"Nay, dating lang usapan. Hindi na kasal. Saka bisita ba siya, eh, halos araw-araw nandito."

"Kahit na!" giit nito.

"Oo nga Nay Sab! Supla-suplado. Parang hindi ako hinalikan kanina!" nakangusong sumbong ni Dahlia kaya para siyang tinamaan ng kidlat sa gulat dahil sa sobrang daldal nito!

"Hah?! Hinalikan ka ng anak ko?"

"Nay siya 'yong-"

"Joke lang po hehe. Sige po uwi na ko, baka hinahanap na ko ni Lolo," bawi ni Dahlia kaya nakahinga siya ng maluwag.

"Ah Sige. Salamat ulit dito, ha? Oy Shaun hatid mo si Dahlia sa labas," anang Nanay niya kaya pigil ang pagdadabog na pumayag siya para bitawan na rin nito ang tainga niya.

"Ang daldal mo alam mo 'yon?" kastigo niya kay Dahlia habang naglalakad sila palabas ng bahay.

"Bakit totoo namang nagkiss tayo! We actually did more than that. Sherep nga eh..." maharot na bungisngis nito kaya talaga namang natilihan siya dahil sa sobrang prangka talaga nito.

"Ikaw 'yong humalik sa'kin," paalala niya.

"Yeah right. Pero nagresponse ka, so I know nagustuhan mo rin. You even touched my two mountains!" turo pa nito sa dalawang dibdib na nahawakan nga ng palad niya.

Napatingin siya sa matayog nitong dibdib. Bigla ay parang natuyo ang lalamunan niya nang maalala kung gaano kalambot ang mga iyon.

Napalunok siya at umiwas ng tingin. Baka mamaya ay hindi niya maawat ang sarili at dakmain niya ang mga iyon.

"Manahimik ka na nga. Daldal mo kahit kailan."

"Alam mo pag pinagcombine initials ng pangalan natin ang lalabas na result, DalDal! Kaya sige payag akong tawagin mo kong daldal," malayong sagot nito.

"Hibang ka. Di ka ba talaga nahihiya sa asta mo? Parang di ka babae?"

Matutuyuan yata siya ng dugo sa kakulitan nito.

"Modern era na tayo, sweetheart. Lahat ng ginagawa niyong mga lalaki kaya naming mga babae. Kaya kung kaya mong manligaw, kaya ko rin. Saka tampo ako sa'yo!" napairap na sabi nito.

"Tampo? Bakit ano'ng ginawa ko?" takang tanong niya.

"Nakipagdate ka kay Lauren! Nagmy-day siya. Ngiting-ngiti ka pa diyan. Di mo pa nasasabi na di mo na siya liligawan 'no?"

"Ba't mo nakita? Friends ba kayo?" malayong sagot niya.

"Sila ni Liam friends kasi magcousins sila right? Pinakita niya sa'kin."

"O ano ngayon? Alam mo namang siya talaga nililigawan ko diba?" paalala niya.

Napansimangot ito. Nanghaba ang nguso at parang batang napapadiyak sa selos. Ibig niyang mapangiti dahil cute talaga itong tingnan kahit magmaktol, pero siyempre ay pinigilan niya ang sarili.

"Unfair, kung ayaw mo siyang tigilan ligawan, dapat man lang date rin tayo!"

"Busy ako, Sige na uwi ka na," tanggi niya kaagad at akmang tatalikod na pero hinawakan siya nito sa kamay.

"Hubs naman. Status natin dating di ba? Eh, bakit ayaw mo kong i-date? Ano drawing ka lang? Nagpromise ka pa kay Lolo. Sige na pa-experience ka naman..." malambing na pangungulit nito at yumakap pa sa tagiliran niya.

Sumayad tuloy sa balikat niya ang katawan nito, partikular ang dibdib.

"Dahlia..." napabuga siya ng hangin.

Tinotorture ba siya nito? Hindi niya magawang mainis kahit dati pa siyang asar dito.

Napakalambing ng boses nito kahit na halatang nagsiselos. Masarap sa tainga.

Eargasm...

"Sige na? Promise behave ako. Kahit saan mo rin gusto o kung ano'ng gusto mong gawin, payag ako..." tumingala pa ito kaya nagtama ang paningin nila ng magagandang mata nito na may malalantik na pilik.

Payag daw...

Saan payag? Kahit sa private room ba niya ito dalhin papayag ito?

Pasimple niyang minura ang sarili. Kung anu-ano'ng kalokohan ang pumapasok sa kokote niya. Wala pa naman sa character niya ang manamantala.

Talaga namang desirable ang isang katulad ni Dahlia. Marami ang nagsasabi na swerte nga raw ang magiging boyfriend nito pero sa pagkakaalam nga niya ay wala itong pinapansin.

Kung ganoon ay maswerte pala siya dahil siya ang gusto nito?

"Hubs? Ano na?" malambing na untag nito dahil tila hindi na niya namalayan na tila namahika siya sa pagkakatitig dito.

Iniyakap pa nito ang mga braso sa leeg niya kaya para na siyang sinisilihan. Tila nandoon na naman sa kalooban niya ang pagnanais na kuyumusin ito ng halik.

Hindi pa sila pero kung lumambing ito ay wagas. Kung maloko lang talaga siya ay yari ito sa kanya. Wala itong magiging pahinga sa kanya sa oras na mapatid ang pagtitimpi niya dito.

"Oo na sige na! Sa sabado."

Nagliwanag ang mukha nito.

"Talaga? Yes!" napasuntok pa ito sa hangin at bahagyang napatalon-talon.

He bit his lips to suppress a yearning smile.

Bakit ba ang cute ng mga reaction nito? Si Dahlia ang tipo na mukhang inosente pero marami talagang kalokohan sa katawan.

"Saturday ha? Promise? Okay! I'm going home! Bye!" ang lawak ng ngiting kumaway pa ito at tumalikod na para umalis.

Pero hindi pa man ito nakakalayo nang biglang itong pumihit pabalik.

"Ano na naman?" kunot noong tanong niya.

"I forgot something..."

"Ha?"

Sa halip na sumagot ay tumingin ito sa labi niya.

Bago pa siya makapagreact ay inilapat nito ang mga labi sa labi niya.

Parang tumigil na naman ang oras katulad nang halikan siya nito sa kotse.

"Muaahhh!" may tunog pa ang smack kiss na iginawad nito sa labi niya.

Napatunganga na lang tuloy siya dito.

Pagkatapos ay paatras at mabilis itong lumayo sa kanya. Namumula ang magkabilang pisngi.

"Babye! I love you!" kaway nito habang nililipad ng hangin ang mahabang buhok nito.

I love you...

Parang nag-echo sa pandinig niya ang huling tinuran nito.

Ngayon lang nito sinabi iyon kahit na vocal ito sa pagsasabing gusto siya nito. Pero ngayon lang ito nag- I love you...

Dug. Dug. Dug.

Napahawak siya sa dibdib nang biglang magkarerahan sa pagtibok ang puso niya.

"Sira ka talaga..." naiusal niya sa hangin nang makalayo na si Dahlia.

Pumasok na siya sa bahay dahil baka kung ano pang kawirduhan ang maramdaman niya kapag nasa malapit lang ang makulit na babae.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 43

    Chapter 43 "Tara na?" tanong niya kay Shaun nang makalabas ng bahay. Dagli nitong kinuha ng isang kamay nito ang bitbit niyang maleta at saka nito hinagip ang braso niya. Pinigilan niyang mapangiti. Iginiya siya nito pasakay ng kotse saka nito inilagay sa compartment ang maleta niya. Pakiramdam niya ay nakikipagtanan siya. "Ready?" tanong pa nito nang ma-i-start ang kotse. "Yup." Napangiti ito sa sagot niya. "Gusto mong magdrive thru?" "Okay para may food tayo sa daan. Hindi na ko nakapagprepare, eh," sang-ayon niya. Iniliko nito ang kotse sa natanawan nilang fast food chain na 24/7 nakabukas. Naglabas kaagad ng pera si Shaun Dale at binayaran iyon saka iniabot sa kanya ang inorder niya. Binuksan niya ang isang sandwich nang muli nitong paandarin ang sasakyan. Pumiraso siya at itinapat sa bibig nito ang pagkain. "Kain ka…" alok niya. Ngumiti ito at tinanggap ang isinusubo niya. "Hindi pa nga ako nagdinner kanina." "Eh bakit? Dapat hindi ka nag-i-skip ng meals," paalala

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 42

    Chapter 42 "Sige Kuya goodnight, oo ako na bahala sa mga meetings mo, ako pa ba? Ingat ka diyan. Bye!" paalam niya sa kapatid na si Warren. Nireremind siya nito sa mga gawain sa opisina dahil lumipad na ito patungong Germany para dumalo sa kasal ng isang kaibigan. Nang mailapag niya ang phone ay nahiga na siya para matulog. Ngunit nakapikit lang siya pero hindi siya dalawin ng antok. Tuwing gagawin niya iyon ay nakikita niya ang mukha ni Shaun Dale. Ilang araw na ang nakakalipas nang huli silang magkita. O mas tamang sabihing kinidnap? She misses him. Badly. Pinilit niyang makatulog pero nagising din siya wala pa mang isang oras na nakakaidlip. Napaupo siya sa kama. Ang binata ang laman ng panaginip niya. Ang nangyari sa kanila. Ang mainit na pag-angkin sa kanya ng binata na ilang ulit na ginawa nito sa kanya nang gabing iyon. At buong puso naman siyang nagpaubaya. Nangilid ang luha niya. Gusto niya itong makita pero wala siyang lakas ng loob. Napalingon siya sa bedside table

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 41

    "Tulala ka na naman," napapailing na sabi sa kanya ni Warren habang nakatitig siya sa kalangitan na puno ng bituin mula sa terrace nila.Mapait siyang ngumiti at mabilis na yumuko para hindi nito makita ang namumuong luha sa mga mata niya. Naaalala niya na naman kasi si Shaun."Alam ko mahal mo pa siya, kung bakit naman kasi nagpapakahirap ka diyan..."Magmula nang makabalik siya, palagi na lang siyang ganito. Ngayon lang siya nito kinausap nang masinsinan dahil siguro napapansin nitong matamlay siya at tila palaging may iniisip. Alam na nitong kinidnap siya ni Shaun pero hindi na ito nagtanong pa dahil alam niyang pag-usapan kung ano bang namagitan sa kanila ng binata.Gusto ngang sampahan ng kaso ni Warren si Shaun pero siya na mismo ang nakiusap na wag gawin iyon. Isa pa hindi rin naman siya nagsisisi sa namagitan sa kanila kahit na alam niyang mali."Kaysa sa nagmumukmok ka diyan ba’t ‘di mo ipaglaban?" ani Warren kaya napatitig siya dito."Ano’ng sinasabi mo? Agawin ko siya sa be

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 40

    "Uhmmm...uhhmmm..." ang mga ungol ni Dahlia habang angkin ni Shaun ang mga labi niya.Hugot-diin ito sa pagkababae niya. Iniangkla niya ang mga nakabukang hita sa bewang nito at sinalubong ang mga pag-ulos nito. Pangatlong beses na siyang inangkin ng binata sa gabing iyon. Tila ayaw siyang patulugin sa kalaliman ng gabi, Napahalinghing siya nang gumapang ang isang palad nito saka dumama at pumipisil sa dibdib niya.Halos bumaon ang mga kuko niya sa mga balikat ng binata habang dinadama ang sarap ng pag-iisa nila. Napaawang ang mga labi niya nang isagad nito ang pagkakalalaki sa kaibuturan niya. Marahan nitong hinugot iyon at muling isinagad kaya napapalakas ang ungol niya. Pagkatapos ay muli nitong binilisan ang pag-indayog kaya halos mawala na siya sa katinuan."Dahlia...you’re so good..." he sexily moaned while doing deep thrust.Sobrang bilis na ng pag-indayog nito at ilang saglit pa ay kapwa humihingal na nanginig sila nang maabot ang sukdulan. He didn’t hesitate to pour all of hi

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 39

    Naalimpungatan si Dahlia nang maramdaman ang magagaang paghaplos sa pisngi niya. "Shaun Dale..." bumilis ang tibok ng puso niya nang mapagtantong kapwa pa rin sila walang anumang saplot dahil sa katatapos lang nilang pagniniig wala pang isang oras ang nakararaan. Masakit ang buong katawan niya ngunit nararamdaman niya ang pangangailangan ng binata sa kanya dahil sa paraan ng pagtitig nito. At sa puso niya, pagod man ang katawan ay nais niya pa ring maramdaman kung paano ito magmahal. Walang imik na inangkin nito ang mga labi niya. Malalim, maingat ngunit mapusok. Tuluyan na nitong idinagan ang kahubaran sa kanya. Gumawi ang dalawang kamay nito sa mga tuhod niya at marahang ibinuka ang mga hita niya. "Shaun...Dale..." kagat labing nangilid ang mga luha niya nang maramdaman ang marahang pagkiskis nang pagkalalaki nito sa bukana niya. "Tell me if it still hurts..." malambing na anas nito at saka siya niyakap habang marahang hinahalikan ang buong mukha niya. Napakapit siya sa mga b

  • Will Never Feel Longing For You   Chapter 38

    "Naloloko ka na ba? Hindi pwede yang sinasabi mo!" tutol niya sa gustong mangyari ni Shaun Dale na magkasama sila muli."Sabi mo lahat?""Paano si Celine? Ikakasal na kayo!"Tila natigilan ito sa tanong niyang iyon. Di yata’t noon lang nito naisip ang ibig sabihin ng hinihiling nito sa kanya. Kung pwede lang sana. Kung walang masasagasaan. Kung walang masasaktan. Hindi na siya magdadalawa o magsasampung isip pa sa hinihingi nitong kapalit, mapatawad lamang siya nito. Kahit na hindi niya alam kung ano ba talagang totoong motibo nito kung bakit nito gugustuhing makasama siya ulit? She couldn’t careless kung paglalaruan man siya nito.Pero maling-mali. Ibinilin pa nga ito ni Celine sa kanya. Tapos ano? Matuturingan siyang bantay-salakay? Ahas? Mang-aagaw? At kung anu ano pang pwedeng iparatang sa kanya sa oras na pumayag siya sa gusto ng binata. Bumunot siya nang malalim na hininga."Shaun Dale...hindi mo siya puwedeng saktan, kung hindi mo man ako mapatawad sana kalimutan mo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status