[Past]
MULI akong napabuntong-hininga habang nakatitig sa pagkaing nasa harap. Ang ingay ng mga estudiyanteng nasa paligid ay hindi na alintana kahit masakit na sa tenga at halos nakakabingi na sa sobrang ingay.
“Hoy! Okay ka lang?!” ang sigaw ni Felix kahit magkaharap lang kami. “Hindi mo kinakain ‘yang pagkain mo… akin na lang?”
Mabilis kong hinarang ang kamay sa pagkain at baka kunin nga niya. “’Wag ‘tong pagkain ko!” ang sigaw ko pabalik sabay tingin sa katabing table na puro tawanan na.
Grabe, daig pang palengke sa sobrang ingay rito sa cafeteria.
“Oy, dali. Itabi mo ‘yang pagkain mo at parating si Caleb.”
Mabilis akong lumingon sa likod at nakitang parating nga ito. Talaga naman!
“Sige, sa ‘yo na lang ang pagkain ko. Babalik na ‘ko sa room.” At mabilis na tumayo para umalis. Ayoko siyang makita ni ma
[Past]KAHIT nahihirapan ay pinilit ko ang sariling makasunod sa bawat hakbang ni Mama. Mahigpit niyang hawak ang kamay ko habang naglalakad sa may kalsada. Kanina ay buhat niya pa ako pero nang magtagal at mangalay ay ibinaba niya rin dahil dala-dala niya pa ang maliit na bag na may lamang gamit ko. Ang sabi niya kanina ay may pupuntahan kaming malayo.Puro dumadaan na sasakyan ang nakikita ko at nang huminto siya sa paglalakad ay nakitang may maraming batang tulad ko na naglalaro. “Sa’n tayo, ‘Ma?” ang tanong ko pa.“Nasa playground tayo. Tara,” at muli akong hinila palapit sa maraming batang nagkukumpulan. Inupo niya ako sa may bench at saka pinagmasdan. Ilang ulit niya pang hinaplos ang buhok at pisngi ko saka nagpaalam na may pupuntahan sandali. “S-sandali lang ako, Kenan. Babalik din agad si Mama.” Pagkatapos ay itinabi sa akin ang maliit na bag.“Hihinta
YUGYOG sa balikat ang nagpagising sa akin at agad nakita si Mama. Sa ayos niya ay mukhang papunta na siya sa trabaho. “Aalis na kami, ikaw nang bahala rito sa bahay.” Tumango ako at saka bumangon para ihatid sila sa labas. Pagbukas ko ng gate ay agad kong napansin si kuya Lito na pinupunasan ang salamin ng kotse. “Good morning, Kuya,” ang bati ko rito. “Good morning din, Kenan. Mukhang kagigising mo lang, a.” “Late na ‘kong natulog kagabi.” “Late na rin din akong natulog pero kailangan kong maagang gumising dahil malayo-layo pa ang pupuntahan.” “Sa’n po?” “Sa airport.” Ah, mukhang may business trip sila Tita. Nang marinig ang ugong ng sasakyan ay binalik ko ang tingin sa bukas na gate dahil palabas na ang kotse ni Papa. “Aalis na kami,” ang sabi pa ni Papa bago sila tuluyang umalis. Sinara ko rin pabalik ang gate nang mapansing may lumabas na isa pang
SA ika-apat na pagkakataon ay nagising ako at msuli kong tiningnan ang alarm clock sa side table.6:23 am, oras na para bumangon pero ayaw makisama ng katawan ko.Nilingon ko ang katabing mahimbing pa rin ang tulog na akala mo ay sa kanya ang kama. Tinitigan ko nang mabuti ang pikit niyang mata.“Gising na ba ‘to?” ang bulong. Muli na naman niya kasi akong niyakap.Nagpalinga-linga ako sa kama at sahig. Saan ba napunta ang bolster nito at ako ang niyayakap? Kaya palagi akong nagigising, e!Mabuti sana kung magaan ang kamay, e kaso, parang lagi akong sinisikmuraan sa sobrang bigat.Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin.“Isa pang yakap mo sa ‘kin, tatadyakan na kita,” muli kong bulong.Mayamaya pa ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang palihim niyang pagngiti.Sinasabi ko na nga ba! Gising na siya at nagtutulog-tulugan lang. “Hoy! Nakita ko ‘yun, ngumiti ka ngayon-ngayon lang, kaya bumangon ka na.”
NASA kalagitnaan ako paghuhugas ng pinggan nang biglang sumulpot si Caleb. Medyo napaatras pa nga ako nang tumabi siya sa akin. “Magpasintabi ka naman, hindi ‘yung bigla-bigla kang susulpot. Anong kailangan?” “Nothing, gusto ko lang pumunta rito. Sila Tita?” “Sa kwarto ata, nagpapahinga na,” ang sagot habang abala pa rin sa paghuhugas. “Need help?” Saglit akong sumulyap sa kanya. “Hindi na, kaya ko na ‘to.” “Okay, sa kwarto mo lang ako, a.” Hindi na ako nagsalita at tumango na lang bilang sagot. Pagkatalikod ay saglit akong nahinto sa ginagawa at pinagmasdan siyang naglalakad palayo. “Caleb,” ang tawag ko sa kanya bago tuluyang makalayo. “Anong pabangong gamit mo?” ang tanong nang lingunin niya ako. Pinagmasdan muna niya ang sariling damit bago ako sagutin, “Wala.” “Ba’t parang may naamoy ako.” This time ay inamoy na niya ang damit. “Wala naman, baka fabric conditioner lang ang naamoy mo.” “Ah, o
HINDI ko pa man din nauubos ang kinakain ay muli na namang naglagay ng pagkain sa harap ko si Faith.“Freshly bake ‘yan,” aniya pa at mahinhin na hinawakan ang buhok.“Tumigil-tigil ka sa kakapa-cute mo r’yan kung ayaw mong kalbohin kita," banta ni Felix sa kapatid.Pero hindi siya pinansin ni Faith at nanatili ang atensiyon sa akin. “Sabihin mo lang sa ‘kin kung may kailangan ka.” Tapos ay umalis nang akmang babatukan ni Felix.“Sa inyo na lang kaya tayo? Baka hindi ko matansiya ‘yung kapatid ko.”“Dito na lang tayo, ayoko ro’n sa bahay.”Agad kong napansin ang titig niya. Titig na nanunuot. “Nag-away na naman kayo?”Buti sana kung iyon ang nangyari. Pero hindi!Hindi kami nag-away! Ni hindi ko nga alam kung anong nangyayari?!Bigla na lang hindi namamansin iyong si Caleb. Para akong may nakakahawang sakit na dapat iwasan. Ka
PABALIK-BALIK ang lakad ko simula pa kanina habang panay sulyap kay Caleb na mahimbing pa rin ang tulog.Buti pa siya nakakatulog nang maayos. Samantalang ako ay kanina pa hindi mapakali.Parang sasabog ang utak ko dahil sa nangyari. Hindi maalis-alis sa utak ko ang ginawa ni Caleb kanina.Yes! Dahil isang malaking harassment ‘yun! Labag sa pagkatao ko’t hinding-hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang kabab*yan sa akin!Ilang beses ko siyang niyugyog nang magising para hamunin sa suntukan pero talagang bagsak!Nahinto lang ako sa kakalakad nang dumating na sila Tita. Ni hindi ko man lang napansin ang oras.“Salamat talaga, Kenan.”“Wala pong problema Tita, basta kayo.” Sayang! Dapat sinuntok ko na habang may pagkakataon pa.Hindi na rin ako nagtagal at umuwi na. Humanda sa akin bukas iyong si Caleb.“Kumusta si Caleb?” ang tanong ni Mama pag-uwi ko.“Ayos lang,
HINDI ko mapigilang matawa matapos marinig ang sinabi niya. Tunay ngang nasisiraan na siya ng bait!Ako? Mamahalin siya?Naririnig niya ba ang sarili?!Hindi ako nagdalawang isip na sipain ang binti niya at nang masaktan ay nabitawan niya agad ako. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at agad ng lumabas ng kwarto pabalik sa bahay dahil doon lang ako safe. Nang makauwi ay ni-lock ko ang pinto ng kwarto. Pagkatapos ay sumandal habang ang kaliwang kamay ay nanatili sa doorknob.Baka kasi sinundan niya ako rito.Nang lumipas ang ilang sandali at walang Caleb na dumating ay doon lang ako nakahinga nang maluwag at tuluyan na ngang napaupo.Nanginig ang labi ko hanggang sa tuluyan na ngang tinakpan ng dalawang kamay. Hindi pa rin makapaniwalang… hinalikan niya ako!“Ano nang sunod kong gagawin?” Paano ko na siya haharapin?Dapat ba akong umiwas? Or kalimutan na lang ang lahat na parang walang nangyari?Dapat pa
ANG kapal talaga ng apog ng isang ito. Hindi man lang tinablan sa mga sinabi ko at nakukuha pa ring ngumiti na parang walang nangyari.“Gagamitin ko ang motor,” sabi ko pa kahit halata naman dahil kitang-kita niyang inilalabas ko ito.Lumapit siya at saka bahagyang inayos ang ilang hibla ng buhok ko. “Kumain ka na ba?”Tumango lang ako at hinawi ang kamay niya para makausad na. Umalis naman siya ng in-on ko na ang motor. “Hihintayin na lang kita sa University,” aniya pagkatapos ay sumakay sa kotse at nauna ng umalis.Hindi ba iyon marunong magsawa? Araw-araw kaming nagkikita rito… tapos pati sa University, gusto pa rin akong makita.Napabuntong-hininga ako nang biglang sumagi sa isip ang kasunduan namin ni Caleb. Alam ko sa sariling hinding-hindi niya ako mapapasuko sa gusto niya pero sadyang palaban din ang isang iyon. Bukod sa nagiging extra touchy siya at kung minsan— madalas pala ay umiiral ang k