LOGINBahagyang gumalaw ang Adam’s apple ni Shawn nang siya ay lumunok, nananatiling kalmado at mahinahon ang kanyang anyo sa mga oras na ito.Si Maxine ay may mukha na tulad ng isang anghel. Dalisay, hindi maaaring lapitan, at halos parang hindi totoo na siya ay isang tao.Ngunit bigla na lang siyang magpadala nang ganoong klaseng animated na litrato kay Shawn, at habang nasa gitna ng isang business meeting?'Damn it!'Napamura na lamang si Shawn sa kanyang isipan. Sa isip niya, sa likod ng mukha ng isang anghel na katulad ni Maxine ay nakatago ang isang munting manunukso.Naiintindihan lahat ni Maxine. At alam niya eksakto kung ano ang kanyang ginagawa.Sa isang banda naman, mahinang natawa si David bago magsalita. “Mrs. Velasco looks so young. She must be quite clingy. Can you handle that, Mr. Velasco?”Ang pagkakaroon ng bata at magandang asawa ay maaaring maging isang biyaya o isang pagsubok, depende kung kayang kontrolin ng lalaki ang ganitong uri ng babae.Samantala, tumitig
Sa loob ng marangyang conference room, nakatayo si Shawn sa kanyang hand-tailored na itim na suit sa guwapo, marangal, at may awtoridad na dating. Pinangungunahan niya ang mga senior executives ng Velasco Group sa isang mataas na antas na meeting kasama si David Smith, ang CEO ng Smith Corporation sa Spain.“Madam, ang aming CEO po ay bihasa sa wikang Espanyol. Sa katunayan, marunong siya ng mahigit dalawampung banyagang wika. Hindi niya kailanman kailangan ng translator,” mahinahong bulong ng receptionist nang may pagmamalaki habang iniabot kay Maxine ang isang tasa ng kape.Nag-alok si Maxine ng isang magalang na ngiti, at sinabi, “Salamat.”“Walang anuman, Madam. Babalik na po ako trabaho ko.”“Sige,” sagot ni Maxine rito.Matapos umalis ang receptionist, muling tumutok ang maliwanag na mga mata ni Maxine sa lalaki sa loob ng silid na may salamin na pader.Samantala, nakatayo naman si Shawn sa tabi ni David, nakikipag-usap sa maayos at eleganteng wikang Espanyol. Ang atmospera
Pinag-isipang mabuti ni Maxine ang kanyang mga opsyon. Maaari siyang pumunta kay Lucas at humingi ng tulong sa kanya. At wala na siyang sinayang pa na oras. Agad na siyang umalis para puntahan ito.Pagdating niya sa villa ni Lucas, nasa kalagitnaan ng pag-e-empake ng mga bagahe ang kanyang assistant.Nagulat si Maxine sa kanyang nakita at agad na nagtanong, “Lucas, ano’ng nangyayari?”Nag-alok si Lucas ng isang mahinang ngiti bago magsalita. “Maxine, tumawag si dad sa 'kin. May problema sa branch namin sa ibang bansa, at kailangan kong bumiyahe pabalik doon,” paliwanag ni Lucas sa kanya.Sa mga nagdaang taon, inilipat ng pamilya Pineda ang karamihan sa kanilang mga negosyo sa ibang bansa. Ang kanilang mga kumpanya at ari-arian ay pangunahing nasa labas ng bansa. At ang pag-uwi na ito ay isang maikling bakasyon lamang para kay Lucas.Ngunit ang biglaang pag-alis niya sa ganitong kritikal na panahon ay nagpataas ng hinala kay Maxine.Sa isip niya, maaaring may kinalaman ito kay S
Puno ng pagnanasa si Shawn, ang kanyang magagandang pares na mga mata ay may bahid ng pamumula sa bawat sulok nito.Ngunit nang marinig niya ang sinabi ni Maxine, biglang nanigas ang kanyang katawan. Itinaas ni Shawn ang kanyang tingin upang tingnan siya.Samantala, bahagyang inilingon ni Maxine ang kanyang ulo patungo sa pinto at nagsalita.“Mr. Velasco, ngayon ay kailangan mong hikayatin ang mahal mong superstar na bumalik.”Sa isip ni Maxine, napakatalino ni Shawn para hindi maintindihan ang sinabi niya. Sa isang iglap naman ay naging malinaw ang lahat kay Shawn. Hindi talaga siya inaakit ni Maxine. Nagpapanggap lamang siya, binibigyan ng palabas si Arriana.At dahil diyan, tila naubos ang init sa mga mata ni Shawn at napalitan ng malamig na kaliwanagan. Tumingin siya sa kanya nang malamig na pagkamuhi.“Umalis ka sa 'kin. Ngayon din.”Hindi nag-atubili si Maxine. Agad siyang bumaba sa kanya pagkatapos nitong magsalita. Samantala, tumayo naman si Shawn, matangkad at nakak
Paglingon ni Maxine, agad niyang namataan ang isang pamilyar na pigura na nakatayo sa bungad ng pinto. At ang taong iyon ay si Arriana.Si Arriana ay nagpunta roon upang hanapin sila. Nagising siya sa ingay at kaguluhan sa labas, kaya nagdesisyon siyang hanapin si Shawn. Sa huli, natunton niya ang kwartong iyon at doon niya nakita ang tanawing hindi niya kailanman inaasahan.Pagkakita niya kay Maxine at Shawn na magkasama sa kama, ang dating inosente niyang mga mata ay biglang nagdilim, naging parang mga matang puno ng lason. Ang titig niya kay Maxine ay parang kamandag ng isang alakdan. Matalim, mapanganib, at puno ng galit na nagkukubli sa ilalim ng sugatang damdamin.Samantala, ngumiti naman si Maxine nang malamig. At bago pa man makatayo si Shawn upang umalis, mabilis niyang iniyakap ang kanyang mga braso sa leeg nito, saka hinila. Si Shawn na ang nasa ilalim, at siya naman ang nakapatong sa ibabaw nito.Ngayon ay lalaki na ang nasa ibaba, at babae naman sa itaas.Nanlaki nama
Matindi, mabangis, at nakakatakot ang bawat galaw ni Shawn. Maging ang mga lalaking nakaitim ay napa-atras sa gulat.Ang dalawang spoiled na anak-mayaman ay sandaling natigilan bago sabay na sumigaw nang galit.“Ano pa ang hinihintay niyo? Sugurin niyo siya!”“Opo, sir!”Parang isang mabagsik na alon naman na sumugod ang mga bodyguard.Paglabas ni Maxine mula sa dressing room, sinalubong siya ng isang eksenang puno ng kaguluhan. Isang marahas na away ang sumiklab.Mag-isa lamang si Shawn laban sa sampung mga lalaki, ngunit ang bawat galaw niya ay matalim, kontrolado, at puno ng galit.Isang malakas na sipa ang pinakawalan niya, at tumilapon ang isang bodyguard hanggang sa bumangga ito sa bar counter, nagkalat ang mga bote at basag na salamin sa sahig.“Aahhh!”Dahil diyan, nagsimulang sumigaw ang mga tao dahil sa takot. Ang ilan ay nagsitakbo, ang iba naman ay nagkubli sa ilalim ng mga mesa.“May nag-aaway! May nag-aaway!”Hindi inasahan ni Maxine na habang nagpapalit lamang



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



