Share

KABANATA 27

ASHLEY

NARAMDAMAN niya ang paghimas ni Ria sa likod niya. Dalawang araw na ang lumipas buhat nang bumalik sila sa Pilipinas galing China. Pinaalis sila ni Dr. Lee maging si Ria ay inalis na sa trabaho nito. Wala pa rin humpay ang pagluha niya, labis siyang nalungkot dahil sa hindi pagpansin ni Eya sa kanya. Bakit? Bakit hindi siya nito pinansin? Palaisipan pa rin sa kanya ang dahilan.

"Ssh..tahan na, Ash. Siguro kailangan mo nang bitawan si Eya. Iba siya sa'tin. Kung ano man iyang nararamdaman mo, kailangan mo na itigil 'yan dahil walang magandang idudulot saiyo iyan," lintanya ni Ria habang inaalo siya.

Suminghot-singhot naman siya. Narinig pa niya ang mahinang pagbuntong hininga ng kaibigan.

"May inalok pala sa'kin na trabaho sa Amerika, I think sa may Georgia yata iyon. Tinanggihan ko pero ini-refer naman kita," kapagkuwa'y sabi ni Ria sa kanya.

Bahagya siya napatingin sa mukha nito. "Bakit mo tinanggihan?" naguguluhan tano

NIKKYOCTAVIANO

Hello, Ako si Nikky. Salamat sa patuloy na pagbabasa at suporta.

| 1
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status