Share

Chapter 1: Not A Kid Anymore

GUSOT NA ANG NOO ni Jasson habang inaayos sa pagkakabuhol ang kaniyang necktie at nang tuluyang mainis ay padarag na hinubad iyon at ibinato na lamang sa kaniyang kama, na siya namang naabutan ng kapatid na si Anastacia.

"Mag-asawa ka na kasi para may tagaayos ka ng necktie mo," patutsada ng dalaga nang damputin nito ang tie at nilapitan ang kapatid.

Jasson doesn't use to wear necktie even he is in the office. Wala itong t'yaga sa pagsusuot ng kapirasong telang iyon. Maliban na lamang noong mga panahong karelasyon nito si Lucy. Ito ang tagasuot nito ng necktie.

"You should look presentable. May surprise pa naman ako sa `yo," aniya habang isinusuot dito ang purple necktie. Nang matapos ay ang suit naman nito ang iniabot dito.

Ngunit sa halip na magtanong ay umiling lamang si Jasson habang isinusuot ang itim na suit. "Thanks," hindi nawawala ang gatla sa noo.

Magkasabay na tinungo ng magkapatid ang venue ng kasal ni Peter Ross. Ngunit sa halip na sa function hall ay sa chapel na nasa likod niyon sila tumungo, dahil iyon ang plano ng kanilang kapatid.

"Ikaw, Kuya? Kailan mo planong mag-asawa?" tanong ni Martin habang pinapanood ang mga bagong kasal. Kasalukuyan na silang nasa function hall para sa reception.

Bumuntong-hininga lamang si Jasson at dinampot ang kopitang nakapatong sa mesa sa kaniyang harapan.

"Baka kasi pinapahinog pa ni Kuya ang babaeng gusto niyang mapangasawa," nakangising patutsada ni Anastacia atsaka ito may kinawayan.

Natigilan si Jasson sa tangkang pag-inom nang mapagsino ang babaeng kinawayan ni Anastacia. Maang na napalingon ito sa kapatid.

"I talked to Ms. Mara to let Samara have her vacation here. Kararating lang niya kaninang umaga kaya dito ko na lang siya pinasunod," anunsiyo ng dalaga atsaka ito tumayo upang salubungin ang dalagita.

"Ate Stacy, na-miss po kita!" bulalas ni Samara nang ginantihan ang yakap ni Anastacia.

"I missed you too! Ang laki mo na!"

"Fourteen na po ako," nakangiting anang dalagita.

"I know. Pero ang laking bulas mo."

"Oo nga, Ara. Halos hindi kita nakilala. Kumusta ka?" singit ni Martin.

Saglit na tinitigan ito ni Samara at nang makilala ay malawak ang ngiting nilapitan ang lalaki.

"Kuya Martin! I haven't seen you for so long!" bakas ang excitement sa tinig ng dalagita. Paano ba naman kasi, ang huling pagkikita nila ay noong honeymoon nito at ng asawa nitong si Lucy, and that was six years ago.

"Buti naman at natatandaan mo pa ako. Nandoon ang Ate Lucy mo, kasama sina Martina." Itinuro ni Martin ang long table kung nasaan ang pamilya nito kasama ang iba pa.

"Bakit po nakabukod kayo? World war three po ba?"

Natawa nang malakas si Martin gayon din si Anastacia.

"Iyong isa kasi rito, bitter," nakangiwing tugon ni Stacy bago sinulyapan ang nakakunot noong si Jasson. Sinundan ng tingin ni Samara ang tinutukoy ng dalaga. At ang malawak nitong ngiti ay mas lumawak pa.

"Master!" tili ng dalagita at sinugod ang binata. Niyapos niya ito sa leeg buhat sa likuran at h*****k sa pisngi nito.

"We have just talked last week. Bakit hindi mo sinabing magbabakasyon ka rito?" madilim na ang mukha na tanong ni Jasson dito.

Lumabi si Samara at naupo sa katabi nitong upuan. "Hindi na surprise kapag sinabi ko sa `yo. And besides, I'm not sure that mama and papa will agreed."

Bahagyang kumalma ang ekspresyon ng mukha ng binata, ngunit nang mapasadahan nito ang suot ng dalagita ay muling nagtagis ang bagang nito. Busangot ang mukhang hinubad ni Jasson ang suot nitong suit at ipinatong sa likod ni Samara upang takpan ang nakahantad nitong balat.

"You are showing too much skin, Ara." Nilingon ng binata ang dalagang kapatid, masama ang tingin. "She's too young for that kind of dress, Stacy. Sana man lang pinagsuot mo siya ng mas disente," sermon nito rito.

Napapanguso, upang pigilan ang nagbabadyang ngiti na sinulyapan ni Anastacia ang dalagitang hindi narinig ang sentimyento ng kaniyang kapatid dahil sa pagkaabala sa panonood ng program ng kasal.

Samara, on her silky purple plunging neckline long dress, ay hindi mo mapagkakamalang katorse anyos lamang. Sa taas nitong five feet, five inches, with a slim body, dalagang-dalaga na ang postura nito. Taglay rin nito ang golden tan skin na kinaiinggitan ng tulad niyang may maputlang kutis.

"You are just too over protective, Kuya. Hindi ka naman ganiyan sa amin, ah?" nakakalokong ngisi ang sumilay sa mga labi ni Anastacia nang mas mangunot pa ang noo ng kapatid, ngunit nahuli niya ang pag-iwas nito ng tingin.

"Hindi akma sa edad niya ang ipinasuot mo."

Hindi na napigilan ni Stacy, humalakhak ito dahilan upang mapatingin sa kanila ang mga kalapit-mesa. Naagaw din ng tawang iyon ang atensiyon ng dalagita dahilan upang lingunin ang mga ito. Bahagya pang dumukwang si Samara upang makita si Anastacia, ngunit ang mabilis na kamay ni Jasson ang humila rito upang umayos ng upo. Maang tuloy na napatitig dito ang dalagita.

"You are not an eight year-old kid anymore, Ara."

Halata ang pagkalito ni Samara sa tinuran ni Jasson habang nakatingin dito. Ngunit nang bumaba ang tingin niya sa kung saan napasulyap ang kaharap— sa kaniyang dibdib, ay napa-'ah' na lamang ito nang walang tinig, atsaka inayos ang damit.

"Kuya is right, Samara. Hindi na ikaw iyong batang nilalaro namin noon kaya mag-iingat ka na sa bawat kilos mo. Hindi mo alam mamaya manyak ang nasa harapan mo."

Napasinghap si Jasson sa term na ginamit ni Anastacia. Gusto niya itong dagukan, ngunit bakit ba siya naaapektuhan? Hindi na niya pinansin pa ang dalawa. Itinuloy na lamang niya ang naudlot na pag-inom kanina.

Lumipas pa ang mahabang sandali. Lumipat na rin sila sa long table kung nasaan ang iba pa nilang mga kapatid at ang pamilya ng mga ito. Nakipagkulitan na rin ang dalawang babaeng kasama sa mga chikiting na naroon.

Out of boredom, Jasson decided to leave the reception, tutal ay mukhang patapos na rin naman iyon.

"Kuya, isabay mo na si Ara!" habol ni Stacy sa kaniya matapos na makapagpaalam sa mga kapatid at mga magulang.

Kunot ang noong nilingon niya ang kapatid.

"Sa iyo muna siya tutuloy. I need to be in Singapore for a week or two at bukas ang alis ko," tugon nito sa katanungang nababasa sa mga mata ng kapatid.

"Wait. Pinagbakasyon mo si Ara, tapos iiwan mo sa akin? Kailan pa ako naging babysitter, Anastacia?" bakas ang galit sa tinig nito ngunit hindi iyon ininda ng dalaga.

"Since you met Samara? Come on, Kuya. Ayaw ko namang iwan siyang mag-isa sa condo ko."

"Ate Stacy, ayos lang naman kung mag-isa ako sa condo mo. Malaki na ako. Kaya ko nang asikasuhin ang—"

"Magpaalam ka na't sumunod ka sa sasakyan," putol ni Jasson sa mga sasabihin pa ng dalagita at tinalikuran na ang mga ito.

Tahimik ang dalawa habang naglalakbay ang sasakyan sa kahabaan ng kalsada. Napapanguso si Samara sa tuwing nakikita ang pamimintog ng mga muscle ng binata sa braso sa tuwing imamaniobra nito ang manibela.

Umayos ng upo ang dalagita at…

"Master, kung ayaw mo ako sa bahay mo, ayos lang naman ako sa condo ni Ate Stacy. Marunong na akong magluto kaya hindi ako gugutumin doon."

Hindi sumagot ang binata kaya minabuti na lamang niyang tumahimik muli. Ngunit hindi nagtagal ay…

"Ganito pala ang hitsura ng Manila? Ang laki! Sa picture at g****e ko lang ito nakikita dati." Hindi mapigilan ang paghanga. At nang may makitang billboard sa unahan…

"OMG! Si Daniel Matsunaga iyan, Master! `Di ba?"

Pumitik ang ugat ni Jasson sa sentido nang magtagis ang bagang nito nang tinapunan ng tingin ang modelong tinutukoy ng dalagita. Labas ang katawan nito sa nakabukas na itim na tuxedo'ng suot nito.

"Ang sexy talaga ni Daniel! Nakita mo iyong abs niya, Master? As in, grabe!"

"Mag-isa ako sa mansion. I have my on-call servant, pag-i-stay in ko muna sila habang naroon ka para may kasama ka sa oras na wala ako," lihis na sagot ni Jasson.

"Ayos lang po talaga ako kung sa condo ni Ate Stacy, Master. Madadaanan natin iyon, `di ba? Pwedeng ibaba mo na lang ako doon."

"You are still a minor, Ara. Ipinagkatiwala ka ng mama't papa mo kaya responsibilidad ka namin."

"B-baka kasi— ayaw mo ng istorbo."

"Just behave."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Ms Iza SA update Godbless
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status