IGINALA ni Jasson ang mga mata sa islang unti-unti na niyang natatanaw. The reflection of morning blue skies in the ocean made his nerves calm. The green scenery of the island sent a shiver to his spine and made him excited.
It's been eight years since he last stepped on that island where he grew up. The mountains behind their mansion, the rock formation on both sides of their enormous house. The trees and the leaves. Fine white sands on the seashore and the green grass near the h use. He misses it all.
At sa loob ng walong taong pagkakawalay rito, here he is now, setting his foot just to mend his broken heart.
Dahan-dahang bumagal ang takbo ng yate na kaniyang kinalululanan nang mapalapit na ito sa man-made wood bridge, sa kaliwang bahagi ng isla, ang nagsisilbi nitong port.
The man who maneuver the steering wheel totally stopped the yacht as it reached the point at lumabas ito. Isa naman sa mga tauhan niya ang naghagis ng malaking lubid sa isa pa nilang tauhan na naroon sa boardwalk at itinali iyon sa matibay na bahagi niyon upang mapigilan ang sasakyang pandagat sa pagtangay ng alon.
"Welcome home, Master." Iminuwestra ng lalaking nagmamaniobra ng yate ang unang palapag ng ng saan abala ang mga tauhan sa pagkonekta ng tulay sa kabilang tulay upang magsilbing tawiran nila. Tinanguan ito ni Jasson.
His tight gripped on the railing loosen up as he released a deep breath. Ipinamulsa niya ang mga kamay sa suot na maong pants at nagsusumigaw ang nakakatakot nitong awra nang magsimula itong maglakad pababa ng naturang sasakyan. At mula sa pagkakayuko, nag-angat siya ng ulo habang tinatahak ang kahabaan ng tulay.
His men in black bowed their heads as he passed by in front of them.
Five golf cars are waiting for their arrival at the end of the boardwalk. Jasson is in the middle of the bridge when a young girl, probably on her eight to ten of age, runs towards where they are. He stopped walking, wondering who the child was.
"Papa!" the girl in her pink dress, holding a teddy bear in her right hand, screamed with excitement.
Nilampasan siya nito at dumiretso sa lalaking nasa kaniyang likuran, nilingon niya ito.
"Samara!" Dawood, his driver, draws a strict face as he shouted the young girl.
"The master is here!" tila namam natauhan ang paslit, huminto ito sa harap ng kaniyang driver. She called him 'papa' does it means she's his daughter, huh?
Unti-unti siyang nilingon ng paslit at tila takot na napayuko ito.
"I'm sorry, Master. She's just too excited to see her father. I loosen my grip on her." Habol-habol ang paghinga ng isang babaeng sumunod sa bata. It was Mara ang kanilang mayordoma na asawa ng kaniyang driver na si Dawood.
Hindi niya ito nilingon. Nanatili ang kaniyang paningin sa batang ngayon ay yukong-yuko ang ulo at hindi makatingin sa kaniya.
"Siya po ang anak namin, Master," aniya pa ng babae at binalingan ang paslit. "Samara, welcome our master," malumanay nitong utos dito.
Nakita niya ang pag-aalangan sa kilos ng batang tinawag na Samara. Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito bago inilagay ang mga kamay sa magkabilang gilid ng bestidang suot nito. Hinawakan ng maliit nitong mga kamay ang bandang laylayan at itinaas ng bahagya, dinala ang isang paa sa likod ng isang paa, kasabay ng pagyukod nito.
"Maligayang pagdating po," bati nito sa matigas na tagalog, atsaka ito tumakbo sa likod ng ina at yumapos doon na animo takot.
Umangat ang gilid ng kaniyang labi nang habulin niya ito ng tingin at makitang sumulyap ito sa kaniya bago itinago ang mukha sa likod ng ina.Tinanguan na lamang niya ito at nagpatuloy na sa paglalakad. Sumakay siya sa naunang golf car, habang ang ibang tauhan ay sa mga sumunod na sasakyan.
Kung tutuusin ay mas mapapadali kung ang chopper ang ginamit nila sa pagtungo roon. Ngunit mas gusto niyang marinig ang mabining himig ng munting alon at madama ang malamyos na hanging dagat kaysa ang pumailanlang sa himpapawid.
Mula sa tamang bagal ng kanilang pag-andar, sampung minuto nang unti-unti na niyang natatanaw ang mayayabong ngunit alaga sa gupit ng iba't ibang hugis ang mga halamang nagsisilbing harang ng mansiyon.
Sa gitna ay isang mataas at kulay gintong tarangkahan. Malawak iyon, labis sa dalawang sasakyan ang maaaring dumaan. At sa arko ng malaking gate na iyon ay nakaukit ang salitang 'Isla Lutherio'. Sa magkabilang gilid ay nakahilera na ang mga punong may mayayabong na dahon, nagsisilbing lilim sa hangganan ng driveway.
Matapos ang ilang kilometro ay tumambad sa kanila ang gintong gazebo na pumapagitna sa dalawang daan. Ilang metro mula rito ay matatanaw naman ang matayog at puting-puting istraktura. Ang kanilang mansiyon— na sa sobrang lawak ay maaari nang maihalintulad sa isang palasyo.
Huminto ang golf cart na kaniyang kinalululanan sa harap ng mansiyon. At mula sa puno ng hagdan pababa ay magkakatapat na nakahilera ang mga unipormadong katulong, pawang mga nakayukod at sumasalubong sa pagdating ng panganay na anak na Luther.
"Maligayang muling pagbabalik, Master Jasson," korong bati ng mga tagapaglingkod nang bumaba siya sa sasakyan.
Tinanguan lamang ito ng binata at nagtuloy-tuloy na sa pagpanhik. Atsaka lamang nagsipagkilos ang mga kasambahay nang tuluyang makapasok ng mansiyon ang kanilang amo.
ILANG ARAW na buhat nang dumating si Jasson sa isla. Ilang araw na rin siyang nagmumukmok sa kaniyang silid. At sa ilang araw na iyon ay hindi siya lumalabas doon.
Tanging ang pagtanaw lamang sa tanawin na naaabot ng paningin buhat sa veranda ng kwarto ang kaniyang pampalipas oras.Bumalik siya rito sa lugar kung saan sila isinilang at kung saan siya nagkaisip, upang kalimutan ang una ngunit nabigong pag-ibig.Si Lucy. Ang babaeng ipinagkasundo sana sa kaniya, na hindi niya akalaing mahuhulog ang loob niya. Kung sana lang ay may pagmamahal ito sa kaniya, baka nagawa niya itong ipaglaban.Ngunit sa ilang taon ng kanilang relasyon, batid niyang mayroon man siyang puwang sa puso nito, ay hindi iyon ganoon katindi tulad ng pag-ibig nito sa kapatid niyang si Martin.
After all, si Martin naman talaga ang nagmamay-ari rito. Hinadlangan lamang ng dahil sa naging katayuan ng buhay nito noon.
Ipinilig ni Jasson ang ulo upang iwaglit sa pag-iisip ang kaniyang utak. Araw-araw na lang ay gano'n ang eksena niya. Tatayo sa veranda, tatanaw sa karagatan at mahuhulog sa nakaraan.Nangunot ang noo niya nang dumako ang paningin sa kabilang bahagi ng mansiyon. Nagtataka dahil wala roon ang tanawing isa sa nagpapaalis ng kaniyang pagkabagot— ang batang si Samara na palaging abala sa pagdidilig sa mga bulaklak na naroon.
Dumungaw pa ang binata sa pasimano upang tingnan ang paslit, ngunit walang bakas na naroon ito. Maging ang maingay nitong tinig na palagi niyang naririnig na nakikipag-usap sa mga halaman ay hindi niya marinig.
Malalim siyang napabuntong-hininga at umalis sa veranda. Napagdesisyunan niyang lumabas na ng silid upang ma-divert ang kaniyang isip.
MAINGAT na hinango ni Samara sa oven ang mga cookies na kaniyang ginawa. Nilanghap niya ang mabangong aroma na kumalat sa buong kusina.
"Sana magustuhan niya!" bulalas niya nang ilapag iyon sa counter top. Hinubad muna niya ang suot na apron at muling binuhat ang tray na naglalaman ng mga cookies.
Hindi siya lumabas sa hardin ng araw na iyon para magdilig, dahil naisipan niyang ipag-bake ang kanilang master bilang panghimagas nito.
"Samara, dahan-dahan, ha!" bilin ng kaniyang ina. Hindi na niya ito sinagot at dumiretso na ng tungo sa malawak na sala. Kailangan pa kasing dumaan bago makarating sa engrandeng hagdan na magdadala sa kaniyansa ikalawang palapag, kung nasaan ang silid ng kanilang Master Jasson.
Papalapit na ang bata sa gitna ng sala, bakas ang excitement sa mukha nito habang ang mga mata ay nasa mga cookies na dala-dala. Kaya hindi nito napansin ang makapal na alpombra at sumabit ang tsinelas nitong suot-suot, dahilan upang ito ay matisod at tumilapon ang bitbitin.
Lumambong ang bilugan nitong mga mata pagkakita na ang mga cookies na kaniyang pinaghirapan, ngayon ay nakakalat na sa sala.
At ang dismaya sa mga mata nito ay napalitan ng takot nang makita ang pares ng mga paa na nasasapinan ng mamahaling tsinelas. Unti-unti itong nag-angat ng ulo, atsaka puno ng takot na mabilis na tumayo buhat sa pagkakasubsob.
"Anong nangyari?" hindi man kalakasan ang tinig ng nagtanong ay nagdulot pa rin iyon ng matinding takot sa batang si Samara na nakayuko sa harapan ni Jasson. Hindi ito sumagot o nag-angat man lamang ng ulo.
"Diyos ko po, Samara! Sinabi naman kasi sa iyo na magpatulong ka na," anang tinig buhat sa likod ng paslit, si Mara, ang ina nito, at may kasama itong isa pang kasambahay na mabilis na tinungo at nilinis ang kalat na ginawa ng bata.
"Master, ipagpaumanhin po ninyo ang kawalang ingat ng anak ko." Yumukod ito sa harap ni Jasson habang hawak sa balikat ang anak.
"Mama, hindi ko naman po sinasadya. Natisod po ako ng carpet kaya ako nadapa," ani Samara na tiningala ang ina. Iniiwasang mapatingin sa binatang kaharap.
"Kahit pa, Samara! Nakakahiya sa master! Humingi ka ng tawad!" pigil ang paglakas ng tinig na aniya rito.
"P-patawad po, Master. Ginawan ko po kayo ng cookies. Ihahatid ko na sana sa inyong silid, ngunit nadapa ako at tumilapon na ang lahat," mangiyak-ngiyak nitong paliwanag.
Umangat ang gilid ng bibig ni Jasson atsaka ito nag-squat upang pantayan ang taas ng bata. Pumatong ang malambot nitong kamay sa ulo ng paslit.
"Ipinag-bake mo ako ng cookies?"
Sumisinghot na tumango si Samara."Salamat. Pero hindi kasi ako kumakain ng matamis."
Muling suminghot ang batang kaharap, pinunasan pa nito ang namasang pisngi bago sinagot ang binata.
"Alam ko po, kaya nga po coffee flavored cookies iyong ginawa ko. Pero nasayang na," bakas ang panghihinayang sa tinig ni Samara. Hindi pa rin magawang tingnan ang kaharap.
Dumapo ang palad ni Jasson sa malambot na pisngi ni ng paslit, humaplos ang hinlalaki upang tuyuin ang luha nito. "Sayang nga. Parang gusto ko tuloy matikman," aniya rito.
Mabilis ang naging reaksiyon ng paslit. Nag-angat ito ng ulo at nanlalaki ang mga matang tinitigan ang amo.
"Pwede bang igawa mo ulit ako habang pinanonood kita?"
Sunod-sunod ang naging pagtango ng bata na tila siyang-siya. Tumayo si Jasson at inilahad ang kamay kay Samara na agad nitong tinanggap, bago magkahawak kamay na tinungo ang kusina.
Hello, Dragonlings and Lutherians! Finally, we have come this far. Thank you for supporting my stories. I hope you enjoyed reading every part of the story. I want to greet everyone with a Prosperous and Healthy New Year for all of us. Q&A Q: Why I called my readers Dragonlings and Lutherians? A: I am a writer on a reading page on F******k, and one of my supporters called me or tagged me as IzangDragona bcoz of being a fighter and having an attitude of a dragon. So, I searched for what I can call my readers/supporters, and I came into Dragonlings since it means 'baby dragons'. So, my readers are my baby dragons because they're my treasure, the way I treasure my characters. And of course, Lutherians is for the readers of The Luther's Empire Series. Happy and Prosperous New Year to all! Good Bless, everyone!
NAGING mahaba ang linggong iyon para kina Samara at Jasson. Hindi sa gabi ng kasal na iyon nagtatapos ang lahat. They have to perform different rituals na naaayon sa tradisyon ng mga ito. At sa loob ng mga araw na dumaan, hindi man lang sila inimik ng matandang Chakrabarti kahit pa nakakasama nila ito sa hapag-kainan. Nakikipag-usap ito sa iba, ngunit hindi sa bagong mag-asawa.Not until that night, kung saan nabuksan ni Dawood ang paksa sa pag-alis ni Jasson.“Anong plano ninyo ni Samara? Susunod ba siya sa `yo sa Britanya?”“Processing her papers will take time. Since I have to stay in Britain for just less than a month, we both decided na
LOVE isn't just about happiness. Isn't just about kilig, roses, and chocolates, I love you's and I miss you's. Isn't just about lovers.Love is about friendship, families, and neighbors. It's about pain, trials, problems, and tears. It's about giving up or fighting.Matibay ang pundasyon ng isang pagmamahalan kung ang lahat ng negatibong aspeto ng pag-ibig ay mararanasan. That is what she learned about love, about life.Hindi sapat na masaya ka lang. Hindi sapat na mahal ninyo ang isa't isa. Hindi sapat na puro kilig lang. Dahil kung puro positibong bahagi lang ng pag-ibig ang ating mararanasan, paano natin malalaman if it's worth to fight for, to wait for. Hindi natin malalaman kung gaano katatag
"Anyway. Ang kasiyahang ito ay hindi naman tungkol sa isla. Kung nalalaman ko nga lang na ang bastardong iyan ang pinagkakautangan ko ngayon, hindi ko na sana siya inimbita pa at sa ibang pagkakataon na lamang kinausap."Kumuyom ang mga kamay ni Samara at halos magsalubong na ang kaniyang mga kilay. She truly love her olds but hearing him throwing disgusting words… halo-halo na ang kaniyang nadarama. Lungkot, galit at pagkapahiya. Nahihiya siya sa kaniyang master. Ang tungkol palang sa isla ang pinag-uusapan at gano'n na ang mga salitang ibinabato rito, paano pa kaya kung malaman na ng mga ito ang tunay nilang relasyon?Sumulyap ang dalaga sa kinauupuan ng binata. Nakatitig din pala ito sa kaniya. Walang bahid ng kahit ano sa mga mata nito, kaya hindi malaman ni Samara kung galit na rin ba ito. Basta lang itong nakatitig sa kaniya— mga tinging tila sinasabing wala nang atrasan pa.Pasimple niya itong tinanguan at binigyan ng alanganing ngiti, ngiti
DUMATING ang araw na nagpapakaba kay Samara. Naging abala ang lahat ng tao sa mansiyon ng mga Chakrabarti dahil sa inihandang munting salo-salo para sa isasagawang pangalawang pag-aanunsiyo ng kasal nila ni Raj Kumar.Dadalo ang kaniyang Master na siyang kasalukuyang humahawak ng titulo ng islang pagmamay-ari ng kaniyang lolo. Sigurado rin siyang pupunta ang punong ministro na ama ni Raj at ang ikalawa nitong asawa.Alam niya ang mangyayari, ngunit hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat. Isa lang ang nalalaman niya, magkakaroon ng gulo sa pagitan ng kani-kanilang pamilya sa magiging desisyon niya.Tulad ng inaasahan, hindi simple ang simpleng hapunan na iyon. Bumabaha ng iba't ibang putahe ang mahabang mesang nababalutan ng pula at gintong mantel. Mula sa panghimagas, hanggang sa pangunahing putahe, iba't ibang hugis at kulay ng mga prutas. Ang malawak na bulwagan ay napupuno ng mga bandiritas at mga sariwang bulaklak. Sa magkabilang gilid n
"PA, totoo bang may bumili noong islang naisanla natin noong nakaraang eleksiyon?"Nilingon ni Samara ang auntie niyang nagsalita sa kalagitnaan ng pagkain nila."Nakasanla lang iyon, ate, kaya hindi pwedeng ipagbili," sansala naman ng auntie Harini niya."Inilipat ni Mr. Khan ang pagkakasanla ng isla dahil kailangan daw ng pera," tugon ng matandang Chakrabarti."Paano `yon, Pa? Papayag ba iyong pinaglipatan na tutubusin natin ang isla oras na makabawi ang ilan sa ating kumpaniya?"Tumango ang matanda matapos nitong ibaba ang kubyertos na hawak at punasan ang bibig."Sino na pala ang bagong may-ari, Pa?""Ayaw i-disclose ang pangalan niya. Pero nais nitong makipagkita ng personal." Umayos ito sa pagkakaupo at pinasadahan ng tingin ang mga kasama sa hapag-kainan."Masiyado nang matagal buhat nang ianunsiyo ang engagement ni Samara kay Raj, Dawood. Kaya naisip kong sa darating na linggo ay magkakaroon ng munting kasiyahan para sa
"I'M SORRY, Baby." Dumako ang kanang kamay ni Jasson sa batok ni Samara upang mas mailapit pa ito atsaka nito kinintilan ng halik ang tuktok ng ulo ng dalaga.Kasabay nang paglaglag ng mga luha, mahigpit na niyapos ni Samara sa baywang ang binata at sa dibdib nito umiyak nang umiyak na parang bata."I'm— I'm sorry, Master. I'm sorry if I didn't give you a chance to explain. I just… couldn't believe." Akma siyang ilalayo ni Jasson buhat sa pagkakayapos niya rito ngunit mas idiniin pa niya ang sarili dito.Marami pa siyang gustong sabihin dito at alam niyang hindi niya iyon masasabi oras na tumingin na siya sa mga mata nito. His gray eyes are her weakness, and looking on it will make her shiver and speechless. Kaya naman mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito."H-hindi naman ako galit sa iyo, eh. That's the last thing that I will feel. I was shocked, yes. I got a hint that I am with someone that is not Raj, that I am really with you, pero
"MISS SAMARA, dumating na po ang Master Raj," pagbibigay alam ng tagapangalagang naka-assign sa dalaga.Tumango siya at pinanood ang muli nitong paglabas sa kaniyang silid. Nang maipinid nito ang pinto ay isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.Hindi niya alam kung paanong haharapin ang binata. Magpahanggang ngayon, pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat. Minsan na ngang pumasok sa isip niya na may multiple personality disorder ito dahil sa dalawang katauhang ipinapakita nito.Not until their last day on Nakki Lake. When he revealed his true identity."Ara, anak? Ayos ka lang ba?"Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Samara pagkarinig sa boses ng ina. Mula sa malalim na pagkakatitig sa kisame ng kaniyang silid ay dumako ang tingin niya rito. Hindi niya namalayan na muli pala siyang nahiga nang mahulog sa malalim na pag-iisip. At hindi rin niya namalayan ang pagpasok ng ina sa kaniyang silid"Kanina pa kita kinakatok, hi
"WHERE are you going?" takang tanong sa kaniya ni Raj matapos ng tahimik na hapunan at tumayo siya."Powder room lang."Agad niya itong iniwan nang tumango ito bilang tugon. Tinungo niya ang powder room na nasa malayong likuran ng binata.Gumaang ang pakiramdam ni Samara nang makapasok doon. Tila hapo ang pakiramdam niya nang inilapag sa espasyo ng lababo ang maliit na bag at itinukod ang mga kamay sa malamig na marmol. Pinagmasdan niya ang repleksiyon sa salamin.Hindi niya gusto ang klase ng bilis at lakas ng tibok ng kaniyang puso. Iyong pakiramdam na kapag hindi ito naging normal ay magkaka-heart attack siya.Is it normal? O baka naman may sakit na siya sa puso?Hindi naman ito ang unang beses na naramdaman niya ang abnormal na pagtibok niyon. Ang pamilyar na pagkalabog niyon ay maihahalintulad niya sa paraan ng pagtibok niyon noong mga panahong kasa-kasama niya ang kaniyang master.At muli lang itong nagsimula after years being a