Your Fake Love

Your Fake Love

By:  Maria Angela Gonzales  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating
4Chapters
886views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Belinda 'Billy' Monteza ay sikat na vlogger kaya ipinayo ng pinsan ni Konsehal Kidlat Romero na makipaglapit kay Billy kung ayaw niyang gumastos ng malaki sa kampanya. Siyempre dahil nga sa may pangarap si Konsehal Kidlat na mag-Mayor sa darating na election ay nakipagkaibigan siya kay Billy at nauwi sila sa pagliligawan. Sa tingin ni Billy ay si Kidlat na ang kanyang man of her dreams kaya naman ipinakilala pa niya ito sa kanyang followers. Dahil doon, nakilala na rin ng husto si Kidlat kaya naluklok itong Mayor. Masayang masaya si Billy dahil natupad ng kanyang mahal ang pangarap nito, ngunit, magiging masaya pa ba siya kung malalaman niyang ginamit lang siya ni Kidlat para sa pangarap nito?

View More
Your Fake Love Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
EmotionlessMissK
Subrang Ganda talaga lahat ng mga gawa mo author............
2022-05-23 20:37:12
1
4 Chapters
Chapter 1 
“I’m Billy Monteza, saying, see you next time. Sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod,” wika ni Belinda sabay hagikgik matapos niyang i-vlog ang wedding ng kanyang bestfriend na si Anika Sarmiento, na ngayon ay Nolasco na. Of course hindi naman siya seryoso ng sabihin niya ang mga katagang  sana love story ko naman ang ang ipi-feature ko sa susunod, dahil 23 years old pa lang naman siya at hindi pa ganoong kadesperado para muling magka-lovelife. Isa pa, tumaas na ang standard niya sa pagpili ng susunod na mamahalin. Kung ang una niyang boyfriend na ipinaglaban pa niya ng husto sa kanyang mga magulang ay masasabing guwapo, matangkad at macho lang, ibig niyang ang susunod niyang magiging kasintahan ay hindi lang may magandang hitsura at tikas kundi  may mga
Read more
Chapter 2
ALAS-KUWATRO na nang magising si Billy dahil ilang araw niyang pinagpuyatan ang final editing ng vlog niya. Siyempre, kailangan muna niyang masiguro na sobra siyang masisiyahan bago niya papanoorin iyon sa kanyang viewers at muli’y nanggilalas sila. Biruin mo ba naman ikatlong araw ang pagkaka-upload pero naka-1 million views na siya.Sa magandang kapalaran niya sa kanyang youtube channel ay nagkaroon siya ng maraming oportunidad. Hindi lang ang makilala, kundi ang kumita ng malaki. Gayunman. Hindi siya nakatutok sa mga salaping ipinapasok niya kundi ang mga values na nagagawa niyang ituro sa kanyang viewers. Unang-una na siyempre rito ang pagmamahal at paggalang niya. Hindi lang paggalang sa mga magulang at kapamilya kundi sa lahat ng nilalang -- tao, hayop at kapaligiran. Papunta na siya sa kanilang komedor nang maulinigan niya ang boses ng kanyang ina. “Ilan ba ang bisita mo?”Gilalas na gilalas ang kanyang ina nang sumagot. “2 l
Read more
Chapter 3 
SHUCKS, gustong ibulalas ni Billy pero hindi niya magawa. Wala siyang lakas para gawin iyon. Nang magdaop ang palad nila ni Kidlat Rosales, para na ring tumigil ang pag-ikot ng kanilang mundo. Gayunman, hindi niya magawang alisin ang tingin sa mga mata nito. Para na iyong naka-paste sa isa’t isa. “Magtititigan na lang ba kayo riyan?” untag ng kanyang Uncle Ruben. Bigla ring bumalikwas nang bangon ang kanyang kamalayan. Kahit tuloy hindi siya nakaharap sa salamin, alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha. At lalong namula ang kanyang pisngi nang ma-realize niyang hindi pa rin niya nabibitwan ang kamay ni Kidlat Rosales. “Let’s eat.” ani ng kanyang ama at nagpatiuna na ito sa komedor. Masarap ang mga pagkaing nakahanda pero pakiramdam ni Billy ay wala siyang kagana-gana gayung ang totoo ay matakaw siya. Kahit sa mga party kapag dumadalo siya ay para siyang walang bukas kung kumain. Wala siyang pak
Read more
Chapter 4 
 IRITADUNG-iritado na si Billy kay Zander na miatulanv doberman na nakabuntot sa kanya pero hindi niya magawang singhalan ito. Marami kasing press na nakabuntot sa kanila, at tiyak niyang isang maling galaw lang niya ay magba-viral siya. Kung ang ibang artista, gumagawa ng 'kalokohan' para makilala, siya'y gugustuhing malaos kaysa gumawa ng mali. Ang gusto niyang i-promote ay ang kagandahang asal. Sa palagay nga niya'y iyon ang dahilan kaya tinatangkilik ng husto ang kanyang vlogs. At sa susunod,  ang pakikipagrelasyon. Sa kaisipan tuloy na iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Ang agad kasing pumasok sa kanyang isipan ay si Kidlat Romero. "Kakaiba yata ang ngiti mo ngayon, Billy," wika ng isang reporter kaya napahinto rin siya sa paglakad. Kahit kasi kasalubong na niya ito'y
Read more
DMCA.com Protection Status