Share

Chapter 10

MADALING lumipas ang araw at tatlong araw na lamang ay ikakasal na si Yumi. Kabadong-kabado ang dalaga, hindi dahil sa nalalapit na kasal kundi sa isiping 'pag kasal na sila'y tiyak na sa iisang silid na sila magsasama ni Vincent. Nalunok niya ang sariling laway.

"Oh my God!" Tumayo siya't nagpalakad-lakad sa harapan ng higaan. "Pero siguro nama'y hindi niya gagawin sa akin ang bagay na iyon kasi nga'y hindi totoo ang aming kasal," aniya habang patuloy sa paghakbang.

Maya-maya pa ay nakarinig siya ng katok. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanyang mata ang nakangiting si Victoria. May dala itong dalawang tasa ng tsaa.

"Auntie Victoria, kayo po pala!" Pinapasok niya ang ginang sa loob ng kanyang silid. "Maupo po kayo," itinuro niya ang sofa na nasa gilid silid niya.

"Thank you. You want tea?" Ini-abot nito ang tsaa sa dalaga. Kinuha naman naman iyon subalit hindi ininom. Tila ba'y may kung anong puwera ang pumipigil sa kanya na huwag inumin iyon.

"You know what, dapat ay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status