Share

Chapter 6

MAAGANG gumising si Yumi kinabukasan at tulad nang nangyari kahapon, sabay silang nag-almusal ni Vincent. Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta silang muli sa harden. Ngiting-ngiti siya habang pinagmamasdan ang iba't ibang uri ng bulaklak, magmula sa nakalinyang orchids, rose, may wild plants din at kung anu-ano pa. 

"Hindi ako magsasawa sa lugar na ito, kahit dito na lang ako tumira, ayos lang sa akin. Ang ganda kasi," buong paghangang sambit niya. Nangingislap din ang mata niya habang nakatitig sa mga bulaklak. 

"Mahilig ka rin pala sa mga bulaklak."

Nilingon niya si Vincent, "Medyo. Si Mama kasi noong nabubuhay pa ay may mga tanim din na bulaklak pero kaunti lang, tapos ako ang nagdidilig sa umaga."

Tumango-tango naman si Vincent. Inilibot din siya nito sa labas ng mansiyon na ayon dito ay pag-aari rin ng yumao nitong ama. Napanganga siya sa lawak ng lupain nito. Para siyang nasa loob ng isang fairytale. May baka, kabayo, kalabaw at kambing na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status