All Chapters of Sahara's Dirty Little Secrets: Chapter 51 - Chapter 60
125 Chapters
Chapter 51
“I STILL couldn’t believe this is really happening.”Sahara just smiled at Ace. There they are, at his very own studio, with all those lights, cameras and other equipment needed for her photo shoot. “Thank you for accepting the offer, Sahara.”“Just keeping my promise.”Pagkaraan ng isang linggo ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Ace tungkol sa modeling stint na iniaalok nito. He said that he has talked to Karen about it, and that she agreed. Magandang balita iyon para kay Sahara dahil ang ibig sabihin noon ay matutupad na rin sa wakas ang isa sa mga inaasam niya sa buhay – ang maging cover ng isang sikat na magazine. Kahit bago pa lamang ang The Gent’s ay nakikipagsabayan na ito sa iba pang sikat na men’s magazine sa Pilipinas. Kaya naman lahat siguro ng mga kilala at nagsisimulang modelo ay nais mapasama sa listahan ng mga naging covergirls nito. At isa siya sa mga map
Read more
Chapter 52
“THANK you.”“You’re always welcome, Sahara. You know that,” mahina niyang sabi rito. Nakatayo lamang si Ace sa harap ni Sahara, na nakasandal na sa pinto ng townhouse. Hawak ng isa niyang kamay ang baywang nito para alalayan ito sa pagtayo. “Thank you uli.”“You’re welcome uli,” he said, smiling. Ace could smell her minty breath, as well as her sweet perfume. Nakatingala ito sa kanya upang matingnan siya nito nang diretso sa mata. Ang ilaw lamang mula sa poste sa labas ang pinanggagalingan ng liwanag nang mga oras na iyon kaya kailangan niyang ilapit ang sarili sa dalaga para makita ito nang maigi. “Good night, Sahara.”“Good night,” ulit nito.Mas malakas ang kabog ng kanyang puso kaysa sa normal nitong pagpintig at hindi niya maintindihan iyon kung bakit. Dahil ba sa kalasingan? Sa pagod? Sa antok? O t
Read more
Chapter 53
“WHERE were you last night?” Ace just shrugged his shoulder while driving. Pauwi na sila noon galing sa dinner date with her Dad. She looked at him.“Don’t shrug me, Ace. Where were you? Ilang beses kitang tinawagan at tinext, hindi mo man lang nagawang mag-reply.”“I was busy, Karen. Yesterday was the photoshoot and the dinner celebration.”“You were with Sahara, weren’t you?”Napatingin ito sa kanya. “Come on. Just admit it. After the dinner, hinatid mo si Sahara sa townhouse.”Ace maintained his silence. Alam nito na ayaw na ayaw niya ng silent treatment nito sa tuwing nagkakaroon sila ng ganoong diskusyon pero gustung-gusto yata talaga nitong asarin siya. “I’m asking you a simple question, Ace. Kasama mo ba si Sahara kagabi?”Nakita ni Karen na tumiim-bagang ito. “I drove her home because
Read more
Chapter 54
“HELLO, sino ito?”“It’s me, Ace.” “Hi, bakit ka napatawag? May problema ba?” Napabangon nang di oras si Sahara mula sa pagkakahiga sa kama. Nagulat siya nang makita sa relo na mag-a-alas-dose na ng hatinggabi.“I just wanted to make sure that you’re okay,” mahina nitong tugon. “Is everything okay?”Napangiti siya. “I’m okay.” She heard him breathed a sigh of relief at the other end of the line. Something’s not right, she could sense it. “May problema ba?”“Do you have a passport, Sahara?”“Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?” What kind of question was that? Why would he ask her about having a passport out of the blue? Kumunot ang noo niya. Naupo siya nang maayos sa kama at binuksan niya ang lampshade sa nightstand. “Let’s go out of the country, Sahara. Just you an
Read more
Chapter 55
ILANG gabi nang hindi pinapatulog ng lalaking iyon si Sahara. Halos gabi-gabi ay nakikita niya ito doon sa tapat ng kanyang bahay, na tila nagbabantay. Minsan, gusto niyang lumabas at at kausapin iyon, tanungin kung ano ba ang problema nito at sabihin rito na kung wala itong magawa sa buhay ay huwag siya ang pagdiskitahan nito. Kung ganoon lang sana kadali. Nagulat na lamang si Sahara nang isang araw ay nakita niyang pumarada ang kotse ni Ace sa labas ng gate. May dala itong dalawang malalaking plastic bags. Mga security cameras, door locks, bulglar alarms, pepper sprays, stun guns. She literally laughed at him when she let him enter the house.“Don’t laugh at me,” sabi nito, na natatawa rin. “Bigla kong naalala ‘yung stalker mo. Paano kung ‘yun pala ‘yung nakikita mong umaali-aligid dito?”“Seryoso ka ba?” Pinanood ni Sahara si Ace habang inaayos ang mga iyon sa ibab
Read more
Chapter 56
DECEMBER came too fast and before she knew it, her face was all over the magazine stands – everywhere. “Hey, congratulations, girl, hindi ko alam na nagmo-model ka pala! Well done!” masayang bati ni Miss Gopez sa kanya. Maging ang iba nilang kasamahan sa opisina ay bumati sa kanya, kahit pa ang iba ay napilitan lamang, samantalang ang iba pa ay halatang plastik ang pagbati. “Thank you, Miss Gopez.”Nakaupo na siya sa kanyang cubicle ay ramdam pa rin niya na pinagtitinginan siya ng mga kasamahan, lalo na ng mga kalalakihan. Kung noon ay may kalakip na paghanga ang mga tingin ng mga ito, nadagdagan yata ng pagnanasa iyon ngayon. She felt a bit awkward, but thrilled at the same time. Sahara, please come to my apartment tonight. BasteKunot ang noo ni Sahara nang ilapag ang cellphone sa kanyang mesa. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ni Baste at wala siyang ideya kung b
Read more
Chapter 57
HALOS habulin ni Sahara ang hininga nang buksan niya ng pinto ng apartment ni Baste.  Huminga siya nang malalim at inihanda ang sarili. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakatuntong sa lugar at hindi niya maikakailang kahit paano ay na-miss niya ang tinutuluyan ng dating kasintahan.Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa dulong bahagi ng apartment, kung saan naroon ang pinto ni Baste. Bago pa siya kumatok sa pinto ay inayos muna niya ang kanyang sarili. Pinagpagan niya ang suot na black denim pants at siniguradong maayos ang kanyang buhok. Isang katok, dalawa.Walang tugon.Muli siyang kumatok. At nang wala pa ring nagbubukas ay sinubukan niyang pihitin ang seradura ng pinto. Lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang dahan-dahan niyang binuksan iyon. Sa halip na nakabubulag na kadiliman ay may naaninag siyang kaunting liwanag na nagmumula sa floor lamp sa may sala. Bukas rin ang ilaw sa may kusina, pero wala siyang maa
Read more
Chapter 58
NAPAILING na lang si Ace habang nakatingin kay Sahara. When she said that she’d rather sleep in his place, he didn’t really know what to do – and he couldn’t figure out whether it was some kind of a ‘suggestion’ or she just really didn’t want to go home. How could he resist a woman like Sahara?She’s asking for too much trouble, this young lady. Gusto niyang itanong rito kung ano ang ibig sabihin nang pagsama nito sa kanya pero hindi naman yata iyon tama. Yes, he desires every inch of her but he respects her. Muli, napailing siya. What’s happening to him? Kung ibang babae lang siguro iyon, kanina pa may nangyari. Hindi niya rin maintindihan pero pagdating kay Sahara, nawawala ang lakas ng loob niya. Nang makiusap itong gamitin ang banyo para makapag-shower, hindi niya iyon natanggihan at nang nanghiram ito ng maaaring isuot pansamantala, ibinigay niya rito ang isa sa mga paborito niyang T-shir
Read more
Chapter 59
IT'S as if she’s begging for it, which was unnecessary. Kahit nga siguro hindi nito sabihin ay hahalikan niya ito, lalo na ngayon na naroon sila sa kanyang penthouse, sa kanyang kama. Sila lamang dalawa ngayon ni Sahara, at maaari niyang gawin ang kahit na ano rito ngayon. He could kiss her lips all night, caress her body ‘til morning. He’s already feeling his pants tighten, just thinking about it. He gave her what she wanted – deep, wet kisses that only happens in his dreams. Ah, hindi niya maipaliwanag ang sarap na dulot ng halikan ang mga labi nito – parang iyon ang unang pagkakataon para sa kanya, para bang ngayon lamang siya nakatikim ng ganoong klaseng init ng halik. To think that he has kissed a lot of girls in his life. But with Sahara, it was different. It was like kissing her was giving his mind and soul, his everything. Abala pa rin siya sa paghalik sa mga labi nito nang maramdaman niya ang mga kamay
Read more
Chapter 60
AWTOMATIKONG tinakpan ni Ace ang mga mata ng kanyang unan nang biglang bumungad ang liwanag sa kanyang kuwarto. Napaupo siya at pupungas-pungas na tiningnan ang paligid. Mataas na ang araw at masakit na sa mata ang nanggagaling na liwanag mula glass window ng kanyang penthouse. And there was a woman standing by the window, looking out. Then he suddenly remembered – he was with Sahara last night, and he had the best night ever. Wala sa loob siyang napangiti. “Hey, good morning, Sahara.” “So, I’m right.” Yeah, the woman wasn’t Sahara. Sarkastiko ang pagkakangiti nito nang lumingon. “K-Karen? What are you doing here?” gulat niyang tanong. Nawala bigla ang antok niya. “So, you were with Sahara last night?” seryoso nitong tanong. May hawak itong sigarilyo at walang pakundangang bumuga ng usok. Maraming beses na niya itong pinagsabihan na huwag na huwag ma
Read more
PREV
1
...
45678
...
13
DMCA.com Protection Status