All Chapters of Greenville: The Homecoming : Chapter 31 - Chapter 40
43 Chapters
XXIX. Caught In The Act
Natapos ang klase nang hindi namin nalalaman kung ano na ang nangyari kay Sofia. Hindi namin alam kung nakauwi na ba siya o kung saan man siya nagpunta pagkatapos niyang tumakbo kanina. Hindi rin namin siya ma-contact. Kaibigan pa rin namin si Sofia at nag-aalala pa rin kami sa kaniya.Tatawagan ko sana ulit si Sofia pero may nakita pa akong isang number sa contacts ko na maaaring alam kung nasaan si Sofia ngayon. Kay Sander iyon at ni isa sa amin ay walang sumubok na tawagan siya kanina.Siguradong hindi siya tatawagan ni Brix. Si Jayson naman at Macey ay kanina pa tahimik. I guess, ako lang talaga ang pwedeng tumawag kay Sander.Lumayo muna ako sa kanila para tawagan si Sander. Nakahinga ako nang maluwag nang sagutin niya iyon."Hello, Kuya Sander...""Hello, Demi?""Yes, this is Demi. Itatanong ko lang sana kung nand'yan si Sofia sa inyo?" sabi ko sa kaniya.
Read more
XXX. Start
Sofia's POVI want to sleep but I can't.I checked the time and it's already 12 in the midnight. Ang daming gumugulo sa isipan ko kaya naman gising na gising pa rin ang diwa ko.Tumingin ako sa side table ko. I quickly grab my mother's picture."Mom, I'm sorry," bulong ko habang tinitignan ang litrato niya. Ang dami kong nagawang mali, at alam kung hindi 'yon magugustuhan ni mommy.I remember what my classmate told me earlier. Hindi nagkulang si mommy sa akin. Ilang taon ko siyang hindi nakasama pero hindi siya nagkulang sa akin. Siguro, ako talaga mismo ang may mali.Ngayon, naiisip ko, maling-mali ang nagawa ko. Falling in love to Jayson is wrong. Boyfriend siya ng bestfriend ko. At ngayon, nagsisisi na ako. Nasisira ang pagkakaibigan namin dahil sa akin. I still love Jayson, but I also love my friends. They're my family.At mas gusto ko silang
Read more
XXXI. Secrets
"Mom?" Agad akong bumaba sa sala namin para hanapin si mommy. Dumiretso pa ako sa kusina para tignan kung nandoon siya ngunit hindi ko siya nakita."Mommy!" sigaw ko habang papaakyat ulit. I entered dad's office pero wala rin si mommy doon.Nagpunta na ako sa kwarto nila. Wala rin siya doon pero napansin kong bukas ang closet niya.Mabilis akong lumapit doon. Sinimulan kong tignan ang bawat sulok ng closet niya. Inangat ko ang mga damit pati na rin ang ilang gamit niya roon.Dalawa lang ang pwedeng rason para magpadala ang killer ng picture ni mommy. Una, maaaring may masamang mangyari sa kaniya. Pangalawa...posibleng may tinatago siyang sikreto.Hinalughog ko ang pinakataas ng closet niya kung saan nakalagay ang ilan sa mga bags niya. Isa-isa kong binuksan ang mga iyon ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Until I saw her favorite bag, nasa pinakatago iyon nakalagay. Tumingkayad pa ako par
Read more
XXXII. Deathbed
"I'll go now. Kayo na ang bahala rito," sabi ni mommy. Katatapos lang rin namin mag dinner. Bago siya tumayo ay tumingin muna siya sa akin. Ngumiti pa siya pero halata naman na pilit 'yon."Ok mom. Ingat," sabi ni kuya.Tumayo na rin ako."Hey, hey, hey! Where are you going?" tanong ni kuya."Inaantok na ako, kuya. Aakyat na ako," sabi ko sa kaniya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin."Ikaw maghuhugas ng pinagkainan natin ngayon," saad niya.Napahawak ako sa ulo ko. "Inaantok na talaga ako. Ang sakit din ng ulo ko." Hindi ko na inantay pa ang susunod niyang sasabihin, umakyat na agad ako sa kwarto ko.Kinuha ko ang hoodie ko sa closet ko at sinuot iyon. Nilagay ko naman sa bulsa ko ang kutsilyong binigay sa akin no'ng killer.Kailangan kong sundan si mommy. Ewan ko ba pero masama ang kutob ko. Feeling ko ay may mangyayari ngayong gabi.
Read more
XXXIII. Prom Night
We're having breakfast when dad suddenly asked mom. Napalunok ako nang hawakan niya ang braso ni mommy."Where did you get the scratches?"Nagkatinginan kami ni mom pero agad din niyang ibinaling ang tingin niya kay daddy. "M-may nakausli kasing bakal d'yan sa labas ng bahay natin. Baka doon ko nakuha," aniya.Tumango-tango na lang si dad. "Okay, be careful next time." Inubos niya na ang pagkain niya at uminom ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya."Mauuna na ako," aniya at hinalikan si mommy sa noo. Tumingin naman siya sa akin. "Gusto mo bang sumabay na, Demi?" tanong ni dad.Tinignan ko ang oras sa cellphone ko, 7:30 na. "Sige, dad."Tumayo na rin ako at dumiretso sa sala para kunin ang gamit ko. Si daddy naman ay lumabas na."Demi." Lumingon ako kay mommy na sumunod pala sa akin."Mom...are you okay?" tanong ko. What happened last night was a
Read more
XXXIV. The Watcher
"Anong ginagawa mo malapit sa hotel?" tanong ko kay Kuya Derrick habang nasa byahe kami pauwi."I'm with my friends sa malapit na bar doon," sagot niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya napatango na lang ako.Bigla namang sumagip sa isip ko si Troy. Ang tagal niya ng walang paramdam, hindi kaya siya na 'tong umaatake at bumalik na siya?"Iniwan mo si mommy sa bahay?!" gulat na tanong ko nang maalala si mommy."Gising pa siya no'ng umalis ako kaya nakapagpaalam ako," aniya.Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Sana ayos lang si mom doon sa bahay. Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gulong-gulo rin ang isipan ko. Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan namin makikilala 'yung killer? Hanggang kailangan niya ipagpapatuloy 'tong mga ginagawa niya? At sa dinami-rami ng tao, iniisip
Read more
XXXV. Wicked Town
Sa mga nakalipas na araw, feeling ko laging may nakatingin sa akin. Simula no'ng nag send ng pictures sa akin 'yung killer, pakiramdam ko lagi na siyang nakasunod sa akin ngayon. Kahit sa school ay hindi ko maiwasang magmasid sa paligid."After ng graduation natin, aalis na kami dito sa Grenville. This town is not safe anymore." Narinig kong sabi noong isang estudyante na nakasandal malapit sa locker ko. May kasama siyang lalaki, sa tingin ko ay boyfriend niya."Sure na ba 'yan? I'm gonna miss you," sabi no'ng lalaki."Gusto nga ni dad umalis na agad. But, I told him that I want to finish this school year muna. I'm gonna miss you, too. Babalik din naman kami kapag ayos na ang lahat."Sinara ko ang locker ko at napatingin sa dalawa. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanila, maya-maya ay umalis na rin sila."Good morning, Demi." Nilingon ko si Brix, kasama niya si Jayson."Good morning," bati ko sa kanilang dalawa."Coffee muna tayo sa
Read more
XXXVI. Mayor Javier Is Missing
Ginamot ni mommy ang sugat ni daddy. Pagkatapos no'n ay umakyat na sila, naiwan akong mag-isa rito sa sala. Matutulog pa sana ako kaso nawala bigla ang antok ko.Mag a-alas-dos na ng madaling araw at malamang tulog na rin sila mommy. Si kuya nga ay hindi manlang nagising kanina.Busy lang ako sa pag scroll sa Facebook ko nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang message. Napatitig ako saglit doon at biglang nakaramdam ng kaba.Pagkapindot ko sa message ay tama nga ang nasa isip ko, galing iyon sa killer. Nanindig ang balahibo ko nang makita ang picture ng pinto ng bahay namin. Sobrang lapit talaga.Sinundan pa ito ng isang text.I have something for you. Come outside. Agad akong napatayo nang mabasa iyon. Mahigpit kong hawak ang cellphone ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Sumilip din muna ako sa hagdan dahil baka may biglang bumaba.
Read more
XXXVII. Greenville's Nightmare
Jayson's POVI opened the car door for Macey pero sa kabila pa rin siya lumabas. Damn it! Kailan kaya ako nito papansinin?Sumunod ako sa kanila papasok sa bahay nila Sofia. Ilang beses akong napalunok nang maisip na magkakaharap-harap na naman kaming tatlo nila Macey at Sofia.Ang gago ko naman kasi talaga. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Inaamin ko, na-attract ako kay Sofia but I still love Macey. Siya lang ang babaeng sobrang minahal ko. Gagawin ko talaga ang lahat para lang maibalik siya sa akin."Manang, nasaan po si Sofia?" tanong ni Demi sa katulong ni Sofia."Nasa taas siya, kanina pa umiiyak," sagot nito.Nagkatinginan kaming magkakaibigan at mabilis na umakyat sa second floor kung nasaan ang kwarto ni Sofia."Sofia! Sofia!" Kumatok si Demi sa pinto ng kwarto ni Sofia. Ilang saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa amin si Sofia na na
Read more
XXXVIII. The Devil's Den
"Hold this," sabi ni Brix at inabot sa akin ang baril niya. Dahan-dahan kong kinuha 'yon mula sa kamay niya."Hindi natin alam kung anong nag-aantay sa atin do'n. Kung magkahiwalay man tayo, babalik tayo ng buhay, okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.Tumango ako. "Okay."Pinaandar na ni Brix ang sasakyan niya. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatingin sa bintana. Matinding kaba ang bumabalot sa akin ngayon.Ala-sais na at kaninang alas-kwatro nag text ang killer kung saan kami dapat pumunta. Alam nila Macey ang tungkol dito at nakahanda na sila sa kung ano man ang mangyayari.Magkakasama sila ngayong tatlo nila Jayson at Sofia. Ang alam ko ay doon sila sa Belle's Cafe nagkita. May ilangan nga lang dahil silang tatlo ang magkakasama pero sana naman ay hindi sila mag away-away doon.Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa lugar no'n
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status