All Chapters of In Love With My Ex-Bestfriend: Chapter 21 - Chapter 30
53 Chapters
19
Kung pwede nga lang niyang ayawan ang magtrabaho para kay Chad ay ginagawa na niya. Pero ano naman ang idadahilan niya? ‘Di niya maaaring aminin kay Mikaela ang tunay na estado sa pagitan nila ni Chad. kapag hindi siya nagtrabaho, ano na lang ang ipantutustos niya sa mga pangangailangan niya? Hayst! Nabuburyong siya. Tinatamad tuloy siyang bumangon at maghanda. Paano ba niya iiwasan si Chad? It would be a hard mission. Inilibing niya ang mukha sa malambot niyang unan na para bang sa ginagawa ay makakahanap siya ng kasagutan. Ang gagawin niya na lang ay umaktong walang anuman ang lahat. Naipresenta na naman ni Mikaela ang lahat ng detalyeng gagawin nila. Marahil ay hindi ito tatambay sa site. Hindi na talaga niya malaman kung papaanong aakto. Mistulang sumisikip ang mundo niya kapag nasa paligid lang si Chad. Kahapon nga ay halos lumigwak ang lahat ng bituka niya sa sikmura. Bantulot siyang bumangon at sinimulan ang mga nakasanayang morning routines.
Read more
20
'Mahuhulog ako.' Hindi mawaring kaba ang pumuno sa d****b ni Nessa. Nawawalan siya ng panimbang at tuluyan na siyang babagsak sa lupa kung ‘di lang dahil sa mapagpalang mga bisig na sumalo sa kanya. Imbes na direktang lalagapak sa lupa, matitipunong masels ang kinahihimlayan niya. “Clumsy!” in greeted teeth ay umabot sa pandinig niya ang tila yamot na tinig. It was Chad’s hoarse voice. Ang knight-in-shining armour niya, ang tagapagligtas mula sa muntikan nang aksidente. Labis na takot ang naramdaman niya kanina pero habang nasa mga bisig siya ni Chad ay napalitan ng hindi mawaring kaba ang kanyang d****b. Ang puso niya ay pinaghaharian ng mga emosyong ninanais niyang ibaon. Breathing had suddenly become so difficult. Gaya pa rin ng dati, kapag nasa malapit si Chad. Dahan-dahan siyang napatingala sa mukha ni Chad. Concern ba ang mababakas sa mga mata nitong nakatunghay pabalik sa kanya? Sa kabila ng lahat ay may natitira pa rin bang malasakit para sa kanya ang
Read more
21
“Bakit may pa-pizza at pa-taco?” Natatakam na lumapit si Nessa sa mesa kung saan nakalatag ang masasarap na mga pagkain at softdrinks. “Balut?” Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa pagkaing nasa disposable container. Walang inhibisyong tinanggal niya ang gwantes at pinalitan ng disposable gloves ang kamay. Kumuha siya ng isa at takam na kumain. “Ang sarap.” “Ewe!” si Mikaela na nandidiri sa kinakain niya na isinawsaw pa niya sa maanghang na sukang may bawang. “Ang sarap kaya. Teka, aga mo namang nanglibre, Miks,” in between sa pagnguya ay tanong niya sa amo. Ginawa niyang pananggalang sa malalalaglag na suka o pagkain ang kaliwang kamay sa ilalim ng baba. Sarap na sarap siya sa kinakain.  “That’s courtesy of him.” May inginuso ito sa gawing likuran niya, sa may gawing pintuan. Muntikan na siyang mabilaukan nang si Chad ang nakita niyang amused na pinapanood ang pananambok ng kanyang pisngi dahil sa pagnguya. Bigla siyang nak
Read more
22
Mahihinang kaluskos at patak ng tubig na nagmula sa kung saan ang pumukaw sa kamalayan ni Nessa. Idinilat niya ang mga mata ngunit kagyat ding napapikit muli at nayakap ang malaking unan sa tabi niya. Ang sarap sa balat ng dampi ng malambot na unan sa kanyang balat. Mas isiniksik pa niya ang kanyang mukha sa malambot na bagay at sinamyo sa ilong ang napakaayang bango na dulot sa kanyang ilong. Gumagamit na ba siya ng fabric conditioner? The last time na naglaba siya, hindi naman. Mas gusto niya ang natural na bangong dulot ng detergent at natural na sikat ng araw. Teka. Hindi ito ang unan niya. Nakapagtatakang may umaabot na animo tunog ng airconditioning unit sa kanyang tainga gayong electric fan lang naman ang meron siya sa kwarto. Plus, that smell of air freshener. Umikot ang isipan niya. Pilit niyang hinahanapan ng linaw ang mga pagtataka. Iminulat niya ang kanyang mga mata. Napakaayang kisame at kakaibang lighting fixtures. Napabalikwas siya
Read more
23
“This is your place? Malayo pala sa cite.” Nasa bungad na sila ng tinitirhan niya. Hindi pumayag si Chad na hindi siya maihatid. Inaya pa siya nito ng breakfast sa hotel ngunit nagpakatanggi-tanggi siya. Sobrang pang-iistorbo na. “Oo. Kay Mikaela ito, actually. Pansamantalang pinagamit sa akin.” Inilibot ni Chad ang paningin sa ilang kwadradong bahay na napapalibutan ng samu’t-saring pananim-ornamental at floral ngunit mas marami ang una. Hinawakan pa nito ang dulo ng dahon ng elephant ear plant. “You live here alone?” “Oo,” aniyang binubuksan na ang gate at itinulak iyon pabukas. Na-miss niya yata ang tunog kinakalawang ng gate niya. “So, paano, thank you.” It was a sign of dismissal na ikinakunot ng noo ng lalaki. “Won’t you invite me in?” Ilang beses siyang napakurap-kurap. Umiiwas nga. Pero marapat lang naman na pakitaan niya ito ng mabuti matapos ng ginawa nito sa kanya kagabi kahit na nga sa likod g kanyang utak ay pumaib
Read more
24
Nessa and Chad became civil with each other. Para silang hindi dating mag-bestfriends kung magturingan sa trabaho. Mas okay na rin at hindi nagiging aligaga ang puso niya. Kapag nasa site ito ay si Mikaela ang madalas nitong kausap. May posibilidad pa nga na magiging item ang dalawa. May pahampas-hampas pang nalalaman si Mikaela sa braso ni Chad kapag magkaharap ang mga ito. Well, Mikaela is a great lady. The type of girl Chad would love to date. “Everybody, stop working!” Ngayong araw ay maaga nilang tinapos ang mga gawain. Alas kwatro pa lang pero nakagayak na silang umuwi. Advance nga naman sila sa schedule nila. May kaunting allowance pa para magliwaliw. Birthday ni Mrs. Robbins at iyon daw ang pupuntahan nila ni Mikaela. “You can’t miss it.” Naubusan na siya ng idadahilan kung bakit ayaw niyang dumalo.   “Special guest ka ni Tita.” Um-oo na siya nang matapos ang pangungulit nito. “Naadik yata sa pawis ko si Mrs. Robbins,” bir
Read more
25
“Ako ang maghahatid sa 'yo.” Ang maingay na usapan ay dagling naparam nang bigla na lang magsalita si Chad. Iba ang pinag-uusapan nila pero nagawa iyong isiningit ni Chad. Even Owen was dumbfounded. Nagtatanong ang mga matang napatitig ito sa kanya. “I know your place,” he said proudly. As if, may pagmamalaki na alam nito kung saan mang lupalop ang tirahan niya. Alam niyang sa kanya nakatingin ngayon sina Owen at Mikaela. Marahil ay nagtataka ang mga ito sa sudden ‘outburst’ ni Chad. “Thank you, Sir. Pero kay Mikaela na ako sasabay. Sa kanila na rin ako matutulog.” Lihim niyang pinisil ang babaeng napanganga sa tinuran niya. She never spent a single night at Mikaela's house. Mas nanaisin pa niyang magkulong sa sariling bahay. Well, bahay ni Mika. “And the night is still young.” Again, there was this unreasonable tightening of Chad’s jaw. Namalas niya rin kung paanong inisang lagok nito ang beer na kalalapag lang ng waiter. Sa biglaang pagtahim
Read more
26
Inis na ibinato ni Chad ang phone sa desk. Tumunog iyon at nangangambang mabasag. Kanina pa siya nakatitig sa labas ngunit tanging sina Andoy lang ang naroroon. Napasadahan na niya ang mga designs ng condo na itatayo nila dito sa mismong Cagayan din, ipinadala through email ng kapatid niya, ngunit walang anino ni Van ang dumating. Naiilang siyang magtanong kay Mikaela, napagtaasan niya ito ng boses kahapon. Napagbuntunan niya ng init ng ulo ang team nito. Ngayon nga ay dumiretso sa trabaho si Mikaela at hindi man lang nangumusta sa kanya gaya nang madalas nitong ginagawa. “Nasaan ba ang landscaper mo?” Napahinto si Mika sa pagdidikit ng wallpaper at napalingon sa kanya. Hindi na siya nakatiis pa. “Absent siya ngayon.” “Absent?” Tumaas ang tono niya. Baka nagtampo sa sinabi niya kahapon. Kinabahan siya. He was an idiot for acting so impulsively. “And why is that? May schedule tayong hinahabol.” He sounded serious at pilit tinatago ang baha
Read more
27
27 Ginalit ba niya si Van? He should have been more careful. Ang ganda na sana ng atmosphere sa pagitan nila. Throwing a bad punchline must have ruined everything. Ngayon lalo na unti-unti nang nawawala ang aloofness nito sa kanya. Nanganganib pang masira niya. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya sa development na ito. In all honesty, hindi na siya galit sa babae. Ito ang napatunayan niya sa buong durasyon na magkasama sila ni Van. Buong akala niya ay may nakatago pang galit sa puso niya para kay Van but to his surprise, wala na siyang makapa kahit katiting na hinampo. Ang tanging gusto lang niya ay ang mapalapit muli rito. He missed her so much. Napatunayan niya nang makita ito. Her presence excited his senses in ways he never expected.  Van’s nearness evoked feelings in him so strange he couldn’t name. Halos kalahati ng mga buhay nila, sila-sila ang magkakasama pero ngayon niya lang natanto na may mga bagay itong kayang pukaw
Read more
28
Karaniwan na sa isang liblib na pook na kinaroroonan nila na maagang natutulog ang mga tao. Lalo pa at malayo sa mga kapitbahay ang bahay nina Tatay Fernan. Nagkataon pang nasira ang TV ng mga ito. Sa darating na pasko, ibibili niya ng bagong television sina Nanay Vicy sa bonus niya. Pero mainam na rin at nai-enjoy niya ang payapang kapaligiran. Nami-miss niya ang tahimik na gabing gaya nito. Ang katahimikan ay lumilikha ng magandang musika sa kanyang pandinig. Naalala niya dati, noong dito pa siya nakatira, she would spend the nights looking at the skies. Ipipikit na sana niya ang mga mata nang marinig ang malamyos na tunog ng gitara. Pamilyar na nota ng kanta. Pamilyar na melody. Ang sarap ng hatid na panunuot sa kanyang pandinig. Kasunod niyon ay ang malamyos na sumasabay na tinig. Chad. Pinaglalabanan ng kanyang utak at puso kung babangon at sisilip sa labas. Sa huli ay binuksan niya ang bintana. There he was. Softly strumming the instrument in the q
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status