Lahat ng Kabanata ng The Vampire's Maid Servant (Tagalog): Kabanata 11 - Kabanata 20
154 Kabanata
Chapter 9
“Pasensiya na, mada’am.” Napabuntong-hininga si Calixto dahil iyon na yata ang ikasampung tawag mula sa Royal Blood family. “Is she mad?” tanong ni Rossana kay Calixto. Naroon siya sa couch pero ipinasabi niya kay Calixto na wala siya roon. “Mada’am, disappointed ang boses nila.” Namasahe ni Rosanna ang ulo. Ang imbitado lamang pala sa party ay mga lalaking Royal blood. Kaya makapapasok lamang ang mga Royal blood na babae kung kapareha ito ng lalaking imbitado. “Gusto nilang malaman kung sino ang magiging kapareha ng Young Master,” dagdag ni Calixto. Wala itong isinagot na kapareha. “Ezekiel and I talked about this.” Inikot ni Rosanna ang kopita ng bloodwine. “Kung lalaki lamang ang naimbitahan, it means malaki ang possibility na may Pureblood Princess ang hinahanapan nila ng kapareha. At ayokong magkaroon ng complication, rather than choosing a Royal Blood, mas gusto ko si King sa isang Pureblood Vampire princess.” “Mi
Magbasa pa
Chapter 10
Nabigla si Anastacia sa pagdiin sa kanya ni King sa kama. Hindi ‘to kailanman naging ganoon kaagresibo. “Young Master,” hinawakan niya ang mukha nito. Hindi man gusto ni Anastacia na matakot ay pinanginginigan siya at pinanlalamigan ng palad. Ang mga mata nitong pula ay naging mas matingkad, matapang, at kahit ang pangil nito’y kitang-kita niya ngayon ang katulisan. May paghingal ‘to, tila nagpipigil ng kung ano. “Young Master, ako ‘to, si A-Anastacia.” Hindi niya alam pero parang ‘di siya nito nakikilala. Napapaso si Anastacia sa init na inilalabas ng katawan nito. Tila ‘to lalagnatin samantalang hindi naman ‘to nagkakasakit kahit kailan. Hinalikan siya nito sa labi, halos dumugo ang labi ni Anastacia dahil pero nadadala siya ng sensuwal na halik nito lalo na ang paglilikot ng dila nito sa loob ng kanyang bibig. Ibang-iba ‘yon sa halik na kanilang pinagsasaluhan. Pero kusa ‘tong tumigil at tumungo sa kanyang balikat. Mabilis a
Magbasa pa
Chapter 11
Nagimbal si King nang makita niyang nanghihina si Anastacia. Mula sa sahig kung saan huling may naganap sa kanila ay binuhat niya ‘to. Para siyang nabuhusan ng tubig bigla. Nanlalamig ang   buo niyang katawan. Nanginginig maging ang kanyang palad na nang mailapag ‘to.Napakarami nitong natamong kagat mula sa kanya. At kung iisipin niyang mabuti, kahit may pagkakataong tumigil siya, kumalma, ay babalik din siya kaagad sa ‘di mapigilang pagnanasa sa dugo’t katawan nito. Paniguradong nasaktan niya ‘to nang husto.“Anastacia?”Abot-abot ang takot na nararamdaman ni King.Kahit nanghihina at bumabagsak na ang talukap ng mata, ngumiti si Anastacia at inabot ang mukha nito.“Maayos lang ako, Young Master. K-kailangan ko lang m-magpahinga.”“Sigurado ka ba?” puno ‘to nang pag-aalala. “Kailangan mo ng doctor—““Tumabi ka na lang muna
Magbasa pa
Chapter 12
Chapter 12 Nagising si Anastacia na masakit pa rin ang bawat sulok ng kanyang katawan. “Mabuti naman at nagising ka na.” Boses ‘yon ni Kaya, kahit nanlalabo ‘to sa kanyang paningin saglit ay kilalang-kilala naman niya ‘to. “Kaya,” nangiti siya. Nag-aalala siya nang husto rito dahil bigla ‘tong hindi bumalik sa kanilang silid. Ang sabi lamang sa kanya ay may ipinagagawa rito ang Master Ezekiel nila. “Paano pala ‘ko nakarating dito?” Nabigla si Anastacia at napabangon. Napaigik siya sa sakit ng kanyang likuran. Nagtaka rin siya sa basang bimpo na bumagsak mula sa kanyang noo. “Huwag ka munang kumilos baka mabinat ka. Isang linggo ka ng walang malay.” Nag-aalala si Kaya dahil sa biglaan niyang pagkilos. “M-may nangyari sa ‘min ng Young Master?” Pagkokompirma ni Anastacia. Tumango si Kaya. “Hindi naman ‘yon nakapagtataka dahil palagi kayong magkasama. Ikaw ang kasama niya nang mag f
Magbasa pa
Chapter 13
Hindi alam ni Anastacia kung ano ang magiging reaksiyon. Naroon ang kaba pero hindi niya gustong iatras ang mga binti. Nag-iinit ang kanyang mga mata dahil alam niyang naghihirap rin si King sa nararamdaman nito. At hindi ‘yon matapos-tapos dahil, marahil, iniisip nito siya. Tumayo ‘to sa kinatatayuan. Pulang-pula ang mga mata nito. Nakita niya kung paano ‘to lumunok. Marahan ang mga lakad nito, kung hindi lamang siya nakatingin dito ay hindi niya maririnig o malalaman man lamang na may presensiyang iba sa kanyang paligid. “Young Master. Nakikilala mo pa ba ‘ko?” tanong niya. Hindi ‘to kumibo. Mas mukhang hindi siya nito nakikilala at pagkain ang tingin nito sa kanya. Uhaw rin ‘to sa dugo, isa sa dahilan bakit ‘to lalong nagiging frustrated. Napalunok si Anastacia nang ilahad nito ang palad sa kanya. Hindi niya nakikita ang rekognisyon nito sa kanya kaya nag-aalala si Anastacia sa maaaring ikilos nito. Iba ang kulay ng
Magbasa pa
Chapter 14
Nakangiti si Vince Villadiego habang inaabot ang kanyang sertipiko. Siya ang pinakabatang Vampire Hunter na nakapasok sa ‘Carolus Rex’. Labing-walong taong gulang pa lamang siya.Ang Carolus Rex ay iisa lamang sa mga samahan ng mga Vampire Hunter. Pero ito ang kinokonsidera ng gobyerno na pinakamapagkakatiwalaan. Isa pa, hindi lahat ng samahan ng mga Vampire Hunter ay para sa kabutihan ng sangkatauhan ang layunin, ang iba ay para lamang ibenta ang mga bampirang nahuhuli sa mga scientist o samahan na nag-aaral sa mga ‘to para sa mga nililikhang sandata laban sa mga ‘to.Nagpalakpakan ang nasa isangdaang bilang ng mga Vampire Hunter nang humarap siya sa mga ‘to. Tumungo siya.“Maraming salamat! Gagawin ko ang lahat para maubos ang mga bampira!”Lalong naghiyawan ang mga ‘to at nagpalakpakan.Nang makababa siya ay sinalubong siya kaagad ng mga Vampire Hunter na makakasama niya na. Isa siya sa sampung bag
Magbasa pa
Chapter 15
“Alexandra and Alessia Bathory.” Sa ikatlong ulit ay sabi ng isang Maestra sa kambal na Alessia at Alexandra. Naroon sila sa hapagkainan para turuan ng tamang paggamit ng kubyertos at maging ang mga tamang kaasalan bilang isang Pureblood. “Simula ngayon, Bathory na ang gagamitin ninyong apelyido. Iyan ang apelyido na ibinigay sa inyo ng inyong ama. Kayong dalawa ay mga Pureblood kahit pa kayo ay kalahating tao. Gano’n pa man, hindi ninyo maaaring makuha ang apelyidong Elizabeta dahil para lamang ‘yon sa mga Pureblood na naging anak sa isang Pureblood. Pero maaari ‘yong makuha ng inyong anak kung ang magiging asawa ninyo ay isang Royal blood.”  Hindi naiintindihan gaano ng dalawa ang mga pinagsasabi simula pa noong nakaraan ng kanilang Maestra. Pero si Alexandra, sa punto ng Elizabeta-Bathory ay medyo nauunawaan niya. Ang Pureblood Vampires ay mayroong dalawang apelyido, iyon ay ang ‘Elizabeta-Bathory’. Lalaki man o babae ang mula
Magbasa pa
Chapter 16
Enggrande ang kasiyahan sa kastilyo. Pili ang mga naimbitahan at walang malinaw na kapaliwanagan bagaman mayroon ng iba’t ibang suspetsa ang bawat pamilya. Lahat ng naimbitihang kalalakihang Royal Blood ay may edad Labing-walo hanggang dalawampu’t lima. Nagsisimula ng dumating ang mga naimbitahan. May mga pinalad na dalaga dahil sa sila ang napiling kapareha ng mga imbitado. Samantala, sa silid ay magkasama ang magkapatid na Alessia at Alexandra Bathory. Pareho silang ubod ganda sa kasuotang itim na puno ng itim ring mga mamahaling bato. Lahat ‘yon ay madetalye at pinagpaguran ng limampung pribadong manggagawa ng kasuotan sa kastilyo. Ang kanilang buhok ay pinag-iba dahil sa magkamukhang-magkamukha sila. Si Alexandra ay nakalugay ang kalahating bahagi ng buhok habang napalalamutian ang tuktok niyon ng mga itim na perlas. Si Alessia naman ay buong buhok ang nakatali at napapalamutian din ng mga itim na mamahaling bato. Si Alexandra ang kaibahan lamang
Magbasa pa
Chapter 17
    “Bakit umalis tayo sa sayawan, Young Master? Hindi ba ikaw hahanapin sa loob?” tanong ni Anastacia. Dinala ni King si Anastacia sa bahagi ng balkonahe ng kastilyo. Walang katao-tao roon dahil nga pokus ang mga naroon sa mga Pureblood. Bihira lang din makasalamuha ang mga ‘to kaya magandang bagay ‘yon para sa ibang mga bampira na gusto ng koneksiyon sa mga ito. “Pumunta lang naman ako rito dahil kailangan. Pero mas gusto kitang titigan kesa manatili sa maingay na sayawan.” Hinila ni King si Anastacia sa braso at ikinulong ‘to sa bisig. Sumandal ‘to sa railing ng balkonahe. “Young Master, b-baka may makakita sa ‘tin.” Nahihiya si Anastacia pero naroon iyong kabog ng dibdib niya dahil nakulong siya sa mainit na yakap ng lalaking minamahal. “Ano naman? Karamihan naman sa bisita mga nagugustuhan nila ang dala nila.” “Pero bakit parang interesado naman ang karamihan do’n sa mga naggagandahang prinsesa?” nag-angat ng tin
Magbasa pa
Chapter 18
ANASTACIA’S POV   Apat na araw matapos naming pumunta sa kastilyo ay naging abala ang Young Master. Nasa physical examination siya nitong huling tatlong araw. Ngayon ay uuwi na siya kaya naman hindi ko mapigilang matuwa. Inayos ko pa ang uniporme ko at mas inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Para ‘kong palaging hindi mapakali kapag alam kong parating na siya. “Anastacia, may ginagawa ka ba?” Napalingon ako sa pintuan. Si Mia ‘yon, isa sa servant. “Bakit?” tanong ko. “Wala pa rin kasi si Kaya, baka puwede mo kaming tulungan sa dinner? Marami rin kasing ibang ginagawa ‘yong iba. Pero kung may iba ka namang ginagawa ay tatawag na lang ako sa kabilang kuwarto.” “Hindi, okay lang naman. Maaga pa naman sa pagdating ni Young Master.” “Mabuti, salamat, Anastacia.” Lumabas ako ng silid para sundan si Mia. Sa kusina kami nagtungo. Lima lamang sila roon at kukulangin nga lalo at mabilisan ang gusto palagi ng m
Magbasa pa
PREV
123456
...
16
DMCA.com Protection Status