Lahat ng Kabanata ng The Vampire's Maid Servant (Tagalog): Kabanata 41 - Kabanata 50
154 Kabanata
Chapter 39
Parang alam na alam niya ang bawat sulok ng gusaling pinagdausan ng party.Ayon sa ‘ming source, ang lugar ay personal na pag-aari ng pamilya Dela Fuerte, isang bilyonaryong pamilya. Nagkakaroon nang maraming pagdaraos dito dahil tumatanggap sila ng fee. Ilang beses na ring naganap ang mga party rito at talagang bigatin tuwing may kaganapan.Hila-hila pa rin ako ng bampira.Dinala niya ‘ko sa bahagi ng hardin kung saan mayroong matataas na mga puno at halaman. Base sa kilos niya, hindi ito ang unang beses na napunta siya rito.“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko.“Huwag kang magsalita nang magsalita, gawin na natin dahil padating na ang boss,” aniya kasabay nang pagkabig sa ‘king balikat.Malakas ang kanyang katawan. Nang mag-angat ako ng tingin ay saglit na nagpula ang mga mata niya. Ang pagiging mahilig niyang umamoy at bumuntong-hininga ay gawain ng mga bampira sa kanilang bagong kakilala na gu
Magbasa pa
Chapter 40
Lumapit siya sa ‘kin. Nakailang hakbang siya patungo sa ‘kin.Hindi ko alam pero wala akong nararamdamang takot o panganib sa kanya.Marahil dahil ‘yon sa mga mata niya at taas.Kung buhay ang Young Master marahil hindi sila nagkakalayo.Salamat sa maskara niya, parang kaharap ko ang lalaking nawalay sa ‘kin.Tumungo siya sa ‘kin kaya sinamaan ko siya nang tingin.“Bakit maraming Vampire Hunter, anong plano niya?”Nagulat ako sa naging tanong niya, pero hindi ako nagpahalata.Nginitian niya ‘ko, iyong ngiti na ‘yon, maaaring iba naman talaga ang paraan niya sa Young Master, pero sa katulad kong uhaw na masilayan uli ang lalaking nawala sa ‘kin, pakiramdam ko lahat ng galaw ng lalaking ‘to, maging ang kanyang boses ay mula sa ‘king minamahal na Royal Blood Vampire. Pero masyadong malamig ang dating ng boses ng lalaking ‘to.Sumandal siya malapit
Magbasa pa
Chapter 41
“Mabuti at kahit hindi tayo natuloy may maganda naman mangyayari sa ‘tin,” sabi ni Vince.“Ngayon na nga lang din uli ako nakalabas,” nangingiting sagot ko.Sumabay kami sa bus na naghahatid palabas at papasok sa Carolus Rex. Mayroong sampung bus ang nagpaparoo’t parito lamang palabas at paloob.Nag-aya ng date si Vince at pinagbigyan ko naman. Alam kong hindi ko siya dapat palaging binabalewala. Kung tutuusin ay may nararamdaman naman na talaga ‘ko kay Vince, siguro  mas mararamdaman ko lang iyong malaking damdamin para sa kanya kapag natapos ko na ang paghihiganti ko. Sa ngayon, gusto ko muna na kahit sa ganito kasimpleng bagay maibigay ko sa kanya.Nanood kami ng sine, ito ang unang beses na nakapasok ako sinehan.Malaki ang screen at maganda ang kuwento dahil action and fantasy, siya ‘yong namili.Nag-uusap kami kung minsan tungkol sa pinapanood namin, nakikitawa sa mga nakakatawang sc
Magbasa pa
Chapter 42
“Maayos ka lang ba?”Ilang ulit na ‘yong itinatanong sa ‘kin ni Arisa.Magulo pa rin ang aming silid. Pinakiusapan ko muna siyang ‘wag munang ipagsabi ang nangyari.Mula sa pagkakaupo ay marahan akong nahiga sa ‘king kama. Nag-aalala ang hitsura ni Arisa.“May nangyari ba sa ‘yo? Nasaktan ka ba?” ulit niya.“Wala, may gumugulo lang sa ‘kin ngayon,” mahinang sagot ko.“Kailangan ko pa ring iparating ang nangyari sa silid natin—““Naiintindihan ko.”“Nakita mo ba ang gumawa nito? Sa tingin mo ba ay bampira?”“Hindi ko alam, hindi ko alam kung totoo rin ang nakita ko, naguguluhan ako.”Hindi ko na siya pinansin.Tinalikuran ko na siya at nagtalukbong.Ang dibdib ko parang binibiyak. Alam kong baka halusinasyon lamang ang tungkol sa Young Master. Hindi ko pa rin talaga tanggap ang
Magbasa pa
Chapter 43
  Nang makarating ang kabilang grupo ay nakita nilang marami na ang nakabagsak. Nakipaglaban din sila sa mga nasa labas na mga bampira. Una nilang kinuha ang mga sugatan dahil ang utos ay bumalik na rin sila kaagad.“Mayro’n pa sa loob, hindi sila ma-contact dalawa pero baka buhay pa. Bilisan ninyo!” Utos ng isang lalaking kapitan.Kaagad na sumunod ang tatlo sa kabilang grupo.“Kailangan nating bumalik,” sabi ni Taurus, ang kapitan sa kabilang grupo.“Salamat,” ani Rosse ang kapitan nina Anastacia. “Naroon pa ang dalawa sa ‘min sa loob,” nahihirapan man ay pilit ‘yong sinabi ni Rosse.“Nagpapunta na kami, dalian natin muna dahil iyong dugo ninyo ang nagbibigay sa kanila nang mas malakas na paraan nang paglaban. Ang hitsura ng mga bampira ay mukhang hayok na hayok na,” ani Taurus.Pumayag naman si Rosse. Hindi niya alam kung ilan ang bumagsak sa k
Magbasa pa
Chapter 44
 Nagising si Anastacia na ang unang bumungad sa kanya ang nag-aalalang hitsura ni Vince.“Anne,” tawag nito sa kanya.Nasa kulay puting silid siya.Nakasaklay si Vince at maayos na ang hitsura nito, mukhang nabigyang lunas na ang mga sugat nito.Babangon sana si Anastacia pero hindi niya magawa, parang nakapabigat nang buo niyang katawan. Hindi rin niya maalala kung ano ang nangyari at bakit siya humantong doon.“Anne, kumusta?” tanong ni Vince.Tiningnan ni Anastacia si Vince. “M-masakit ang buo kong katawan, blurred din ang alaala ko pa.”“Kung gano’n, hindi mo naaalala ‘yong huling nangyari?”Napailing si Anastacia. “Babalik din ‘to, baka dahil kagigising ko lang.”“Ilang araw ka ring walang malay. Iyong iba sa ‘tin nakaligtas pero iyong iba,” umiling siya.Nabigla si Anastacia at nalungkot din.&
Magbasa pa
Chapter 45
“Alam ko na kung nasaan siya.”Kaagad namang sumigla ang hitsura ni Kaya nang sabihin ‘yon ni Calix sa kanya.Nasa lugar sila ng New World pero hinahanap nila sa daigdig ng mga tao si Anastacia. Sa kubo na ‘yon sila naninirahang dalawa, isa ‘yon sa isla na malapit sa Freed Market.“Nasaan siya?”“Isa na siyang Vampire Hunter.”Nabigla naman si Kaya sa narinig.“V-Vampire Hunter? S-si Anastacia?!” Gulat na gulat ‘to.“Hindi rin ako makapaniwala,” nangiti nang alanganin si Calix. “Mas magugulat ka pa kung nasaang grupo siya.”“Nasaan?”“Carolus Rex,” anito.Nanlaki ang mata ni Kaya.“S-sigurado ka ba? Baka kamukha lang ‘yon ni Anastacia.”“Sigurado ako,” ani Calix.Naupo sila sa sofa.“Nakita ko siya sa hospital mismo, isa lamang &lsqu
Magbasa pa
Chapter 46
“King, ayos ka na ba?”Nilingon ni King ang kapatid na si Stefan.“Limang araw ka ring nagpahinga,” ani Grim. Nagsabay silang tatlo sa paglalakad.“Maayos na,” pagsisinungaling ni King. Sa totoo ay hindi, mayroon pa ring ‘di siya magandang nararamdaman. Isama pa na ‘yong mga bagong pangyayari sa kanya ay nagsisimula na uling manlabo sa kanyang alaala.Natigil sila sa pag-uusap nang makarating sila sa silid ng kanilang ama. Silid-tanggapan iyon dahil doon ito madalas gumagawa ng gawain nito sa malaking mansion.“Kumusta, mga anak?” masayang-masaya ‘to.Ang isang mata nito sa kaliwa ay walang buhay dahil peke lamang iyon. Nabulag ito noon dahil sa pakikipaglaban daw sa isang Pureblood.“King kumusta na ang nararamdaman mo?” masaya pa rin ang hitsura nito.“Maayos naman, ama. Medyo nagiging mahirap lang sa ‘kin matandaan ang hitsura nang bago
Magbasa pa
Chapter 47
Hindi alam ni King bakit nang magkatitigan sila at magkagulatan kahit hindi naman sila magkakilala ay mas pinili niyang umalis. Mayroon talagang mga tao na bumubuhay ng kanilang sexual drive. Pero hindi naman niya ‘to naaamoy para mas mabuhay iyon, marahil ay nabigla lamang talaga siya.Bumalik siya sa kanilang mansion nang matahimik na ang kanyang pag-iinit. Dahil sa Anastacia na Nathalia pala, kaya buhay na buhay ang init sa kanyang katawan. Sisiguraduhin niyang iinumin niya ang dugo nito hanggang makuha niya ang lahat ng sarap at pagnanasang naipon.Naroon na siya sa kanyang kama, bagong ligo, umiinom nang blood wine at inaalala ang babae sa bilihan ng mga bulaklak. Maraming mga tao ang masasarap ang dugo, malinamnam, at hahanap-hanapin, marahil isa ang babaeng ‘yon sa mayroong masarap na lasa ng dugo. Nakarinig na siya ng mga katok.Bumukas ang pintuan at sumungaw ang isang magandang tagasilbi.“Young Master, maraming sa
Magbasa pa
Chapter 48
 Nagsisilbi si Kaya sa hapagkainan. Natuwa sa kanya ang mayordoma ang napakabilis daw niyang kumilos. Tinatanong nito kung mayroon na siyang experience sa pagsisilbi,sumagot siya ng oo at nagsisilbi siya sa isang mayamang pamilya. Pero hindi niya sinabing sa mga bampira.Dahil doon, isa na siya sa nakapaghahain sa labas dahil sa mabilis siyang kumilos at maalam sa pagsasaayos ng mga kubyertos.Madalas na nakahain sa mesa ng mga bampira ay mga expensive kind of meat. Ang ginamit na herbs sa mga ‘yon ay espesyal din at hindi basta-basta nabibili kung saan lamang. Mayroon pang bloodwine ang mga ito na hindi na mawawala sa kahit na anong okasyon—mapasimple man o hindi.Ang nakahain sa mesa ay apat na pinggan, para raw ‘yon sa apat na Young Master.Kompara sa mansion ng Bezarius, mas tahimik ang lugar, para bang kasalanan ang makagawa man lamang kahit kaunting ingay. Ang pagkakatayo nila’y diretso at hindi halos gumagalaw.
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
16
DMCA.com Protection Status