Lahat ng Kabanata ng Sewing the Past: Kabanata 31 - Kabanata 40
43 Kabanata
Chapter 31
“Ate, anong next?”Napalingon siya sa dalagita nang narinig niya ang tanong nito. Magkasalubong ang kilay nito habang pinapasadahan ng tingin ang ginagawa nitong pattern. Hawak ang lapis at nilalaro iyon sa daliri.Napangiti na lang siya at tumayo upang lapitan ito. Solo nito ang isang lamesa at nagkalat ang mga ginamit nitong tape measure at eraser. Tiningnan siya ng dalaga kaya muli siyang ngumisi.“Sigurado ka ba talaga? Gagawin mo ‘yang bodice pattern mo?” Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang tinanong iyon kay Ellena. Kanina pa kasi itong alas nueve ng umaga nagsimulang magpakuha ng sukat nito dahil balak daw nitong gumawa ng casual dress kaya sinukatan na lang din niya.“Oo nga, paulit-ulit ka naman, ate. Anong susunod? Hindi ko kasi gets itong instruction. Sinong gumawa nito?”Hinampas niya ito sa braso. Pinahiram niya kasi ito ng guide sa pag-draft ng bodice pattern dahil hindi siya nito
Magbasa pa
Chapter 32
Dalawang araw na ang nakalipas nang mag-usap sila ni Ellena tungkol sa kuya nito bago sila bumalik sa Agusan. Natapos na rin ang ginawa niyang dress na halos dalawang araw din niyang ginawa. Thankful ang pamilya ng binata na siya ang naging kasintahan nito, mas lalong thankful siya. Hindi masusukat ang pasasalamat niya na nakilala niya ang pamilya ng binata.Nawala ang pangamba niya, nawala ang alinlangan. Nakuha niya rin ang gusto niya, ang makilala ng lubusan ang nobyo. At ngayon ay may bago na naman siyang gusto, ang tulungan itong patawarin ang sarili. Tulungan itong ipagpatuloy ang buhay at maging masaya muli.Hindi man ito humingi ng tulong pero pakiramdam niya ay kailangan niya itong tulungan. Gusto niyang ibalik ang kabutihan ng pamilya nito at kay Lloyd niya gustong ibalik iyon.“Hon, ready na ba ang mga gamit mo?” tanong ng binata sa kaniya. Ito na ang araw na uuwi na sila. She nodded.Patuloy sa pagbibihis ang boyfriend niya kaya pi
Magbasa pa
Chapter 33
Inilapag niya ang bag at umupo sa kama, agad naman siyang niyakap ng malambot niyang kama. Ang dami niyang ginawa kanina sa university lalo na sa laboratory nila. Inayos niya kasama ang kaniyang kasamang isang instructor ang buong silid dahil may bagong dating na mga makina.Mabuti na lamang at may bago silang instructor sa garments, bagong graduate ito kaya tinanggap naman agad nang mag-apply. Sa mga industrial kasi gaya nila ay halos ang hirap maghanap ng instructor, kadalasan kasi ay mga academics ang kinukuha ng mga education students.Ewan din ba niya at bakit ilap na ilap ang mga bata sa mga vocational na major, takot yatang mapunta sa fields at ayaw talagang kumuha ng technology and vocational.Mabilis nilang natapos ang pag-aayos dahil hindi naman sila iniwan no’ng naghatid ng mga makina. Pero sobrang na-drain ang kaniyang energy. Wala naman siyang magagawa ngunit kailangan niyang ipagpatuloy ang pag-check sa mga natambak ng test papers, gumala ba
Magbasa pa
Chapter 34
“Ikaw Ate, kailan niyo balak magpakasal?” tanong sa kaniya ni Vanessa habang inaayos nito ang wedding gown na suot para makaupo sa tabi niya.Nag-uumapaw ang kagandahan ngayon ng pinsan niya lalo na sa suot nitong wedding gown, mas umapaw ang maputi nitong balat dulot sa suot nito. Ang kapansin-pansin nga lang ay hindi abot sa tainga ang ngiti nito.Alam niya kung bakit, batid na batid niya. Hindi ito ang inaasam na kasal ng pinsan niya pero wala itong magawa. Lahat ng kababaihan ay naghahangad ng maganda kahit hindi na magarbong kasal, basta nasa ayos ay okay na.Pero sa side ni Vanessa, alam niyang nahihirapan itong tanggapin.Ito ang araw ng kasal ni Vanessa na nagmistulang araw ng mga patay ni Gian. Nakasimangot ang lalaki hanggang sa matapos ang seremonya. Hindi man lang nito binigyan ng ngiti ang pinsan niya o kahit halikan man lang nito na para bang masaya, kahit magpanggap na lang sana ito pero hindi iyon nagawa ni Gian. Sa halip, pina
Magbasa pa
Chapter 35
“Nakikita niyo ba ang nakikita ko?” hindi mapigilan na ngiting tanong ni Angel sa mga kaklase nito habang kinukuha ang isang karayom sa sewing machine nito. Umupo ito at muling kumuha ng panibagong karayom sa sewing box nito na halos kumikislap sa mga nilalagay nitong kung ano-ano.“Yeah, we saw it, Angel. Nabali mo na naman ang machine needle, lagot ka na naman kay Ma’am Alvarez niyan. Ilang machine needle na nga ang nasira mo?” Tumawa pa si Jean na parang nakahula na naman sa bugtong ni Angel. Kumuha ito ng gunting at pinutol ang sinulid na kinuha pa nito sa isa nitong kaklase.“Parang akin ang thread na ‘yan ah? Kaya pala ang daling maubos kapag may bago akong thread, ikaw pala ang kumukuha. Ano ba naman ‘yan, Jean! Bumili ka kaya,” reklamo ni Pixie at nakapamaywang pa na pinapagalitan si Jean.“Kunti lang naman, ang damot nito.”“May pangbili ka ng bagong high heels tapos pambili
Magbasa pa
Chapter 36
“Hay nako!” Padabog na umupo si Anne — isa sa katrabaho niya, kinuha nito ang isang notebook at ginawang pamaypay. “May aircon naman pero ang init pa rin. Ito na ba ang impiyerno?”“Hindi pa, trial pa po ito, Ma’am Anne,” sagot naman ni Angel, ang makulit niyang estudyante sa high school. Nang nakita siya nito ay bigla itong umatras at nabangga pa nito ang isa nitong kasama, sinulyapan niya at napag-alaman na si Jean pala ang kasama nito.“Trial pa? Mas malala pa po ang impiyerno, Ma’am,” dagdag ni Jean sa sinabi ni Angel at kinurot ang kasama. “Maliit ka naman pero ang sakit makatapak ng paa mo. Daig mo pa yata ang high heels ko.”“Sino naman kasing nagsabi sa’yo na magsuot ka ng high heels? Hello? Hindi ito fashion show.”“Alam mo, Gel? Ayoko sa buhok mo, umalis ka nga. Ako na lang ang papasok.” Kinuha nito ang papel na dala ni Angel at lumapit it
Magbasa pa
Chapter 37
Tahimik ang buong klase, nakikinig, at walang kahit isang gumawa ng ingay. Nakatuon ang lahat sa nag-re-report, maliban na lang talaga sa isa niyang estudyante na natutulog kahit umagang-umaga. Wala talagang kahit anong hiyang nararamdaman.Tumayo siya at dahan-dahan na naglakad papalapit doon sa estudyante na palagay niya ay humihilik na. Tanging ang boses lang ng reporter ang maririnig sa buong classroom sa oras na iyon, kaya siguro gustong matulog ng batang ito.Nang makalapit na siya ay kinalabit niya ang bata na hindi pa rin natinag. Muli niya itong kinalabit at bumulong sa tainga nito.“Uwian na,” mahina niyang bulong na tila ba naging alarm sa estudyante at agad na tumayo, kinuha pa nito ang bag at humakbang ng isang beses.Natigilan ito kaya kusang lumabas ang ngiti niya sa labi. Hindi niya alam kung bakit ito natigilan, maaaring dahil sa mga tingin na inilaan ng mga kaklase nito.“Where are you going, Violeta?” mati
Magbasa pa
Chapter 38
Mapusok, mapangahas, at mapaghanap ang bawat halik na ibinibigay ni Lloyd kay Sharon. Tila hinahalungkat ng binata ang buo niyang pagkatao. May hinahanap na hindi niya alam kung ano. May mga gustong malaman na hindi niya rin batid.Nanginginig ang labi ni Sharon sa bawat sagot niya sa mapupusok na halik ni Lloyd. Sinasagot niya iyon kung paano at kung gaano katindi ang binibigay na halik ng binata sa kaniya. Gusto niya rin na iparamdam kung ano ang pinaparamdam nito sa kaniya. Gusto niyang ibalik kung ano ang ibinigay nito.Tila ba nagkaroon sila ng sariling mundo at sa lalaki lang iyon umiikot. Kahit nakapikit siya ay tila ba nakikita niya pa rin ang mga kulay na pumapalibot sa kanila, nagbibigay ng napakagandang liwanag.Nang makapasok na sila sa kuwarto ng boarding house ni Lloyd ay agad siya nitong isinandal sa dingding ng kuwarto at doon ibiniyaya ang marubdob na halik na gustong-gusto niya. Halik na may pananabik, halik na mapusok, halik na mainit, at hali
Magbasa pa
Chapter 39
Lumipas ang isang araw pero hindi na niya nakita pa ang Lloyd Gonzales na nakausap niya kahapon. Hindi na nga rin niya ito nakita sa campus pagkatapos iwan niya ito sa high school department. Nang kumalma kasi siya ay muli siyang pumunta roon sa department ng high school pero wala na roon ang lalaki.Malaki ang porsiyento na naniniwala siyang hindi niya boyfriend iyon. Kahit ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng binata pero kilala na niya talaga ang nobyo. Kung paano ito ngumiti, alam na alam niya. Kung paano ito kumindat, kabisadong-kabisado niya. Ang paraan nito ng pagtawa, addict na addict siya. Higit sa lahat, ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan, alam niya kung si Lloyd ba iyon o hindi.Kahit ang paglakad pa lang ng nobyo, alam na niya. Hindi talaga siya maaaring magkamali, hindi si Lloyd ang nakaharap niya kahapon. Kung sino man iyon, hindi niya alam.Ibang Lloyd talaga iyon, singit na naman ng utak niya.So weird. Hindi pa rin niya nakakausap
Magbasa pa
Chapter 40
“Hon, kailan ang uwi mo?” tanong ni Sharon sa binata. Ngumiti pa siya habang tinitingnan ito sa cellphone. Umayos siya ng higa pagkatapos kunin ang isang unan niya at nilagay sa likod. Inayos niya rin ang kaniyang kumot dahil medyo malakas ang buga ng aircon.Kausap niya sa video call si Lloyd at panay ngiti ang binata mula pa kanina. Halos trenta minuto na raw ito naghihintay na tumawag siya, kaso lampas trenta minuto naman siyang naligo sa banyo. Walang nagawa ang kawawang Lloyd Gonzales.Video call na lang muna kaysa naman hindi niya ito makausap, mas nakakalungkot iyon. Hindi na nga siya halos makakalma tuwing naiisip niya na hindi niya kasama ang binata.Miss na niya ito. Miss na niya ang amoy nito. Miss na niya ang halik nito. Miss na niya ang mga kalokohan nito. Miss na niya ang lahat ng tungkol kay Lloyd.Kahit mabango nitong kilikili, miss na niya rin.Ewan ba at kung makaakto siya ay parang isang taon na niyang hindi nakikita
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status