Share

Kabanata 08

YOHANN MIN's POV

All seem blurry as I tried to open my eyes. I could hear unfamiliar voices na sigurado akong nasa malapit lang. Sinubukan kong gumalaw sa kinahihigaan para makita ang mga taong nandito pero kaagad din akong napaatras nang makitang halos lahat ng mga mata nila ay nakapako sa akin. Napaimpit ako sa sakit nang tumama ang ulo ko sa malamig na metal bar ng...kulungan?

Naguguluhan akong napaharap ulit sa kanila nang biglang kumirot ang ulo ko. Sumakit bigla ang panga ko nang subukan ko namang magsalita. What happened? Mabilis akong napatayo at napahawak sa metal bar nang tawagin ng papalapit na pulis ang aking pangalan. 

“Bakit ako nandito?”

“May nag-report sa’yo kagabi” 

“Who?”

“Babae” Doon lang siya nag-angat ng tingin sa’kin nang mabuksan na niya ang pinto. Naguguluhan pa rin akong napatitig sa kanya at sa buong paligid. “May nakapagpiyansa sa iyo.” ngiwi niya. “Kapag mayayaman nga naman. Mabilis nakakalusot tsk tsk” bulong ng pulis pero alam kong sinadya niyang marinig ko. 

Sumunod ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa mapahinto ako nang makita si Hosiah sa front desk kausap ang babaeng pulis na nakaupo roon. Nakapamulsa niya akong nilapitan bago inakbayan. Sumaludo pa siya sa mga pulis bago niya ako inalalayang makalabas.  

Hilot-hilot ang sentido, pinanood ko siyang pumasok dito sa loob ng sasakyan. “You don’t remember anything?”

“No” nakapikit kong isinandal ang buong katawan. Inis ko siyang nilingon nang marinig ko siyang matawa. “What happened?”

“The police told me. May nagsumbong daw na babae sa pulis kagabi dahil hinalikan mo.” tawa ni Hosiah. “Dude, you never even had a girlfriend in Paris yet you kissed a random waitresss here in Manila?”

Itinukod ko sa may bintana ang siko habang hinihilot ang sentido. Sinubukan kong tandaan ang mga nangyari kagabi pero mas lalo lang sumasakit ng ulo ko. 

“Natandaan mo na? You passed out when you’re drunk. I thought you are aware of that”

“I know” 

“That girl must be lucky. How dare is she to punch your face?” bulong niya at tumawa nang samaan ko siya ng tingin. “Bro, I’m kidding”

Napahilamos ako ng mukha at inis na dumungaw sa labas. Ginawa ko ba talaga iyon? Kanino? Napapikit ako. I need to remember her. 

“Mag-ingat ka sa susunod, kakalaya mo lang” Nilingon ko si Hosiah sa sinabi niya. “I won’t get you out next time, Yohann”

“Kailan ka pa bumalik dito? How did you find out about this?”

“I thought you wouldn’t ask” ngisi niya bago pinaandar ang makina ng sasakyan. “Kakarating ko lang dito kahapon ng umaga. Dad asked me a favor. He wants us to stay in Paris for good. I didn’t know na sa presinto pala kita kukunin”

“I told you. I’ll leave here after a week”

“Yeah. Just keep your promise.”

“Go back now to Paris”

“Yeah, with you”

“No” giit ko.

“Then, I’ll stay here” ngisi niya. 

Napailing ako. Itinuon ko na lang sa labas ang atensyon para sundan ang bawat detalye ng mga nangyari kahapon. Tama. Pumunta ako ng bar kagabi pero wala akong kasama. Nasapo ko ang noo at dahan-dahan itong hinilot. “Waitress?” sinong waitress ba ang nakausap ko kagabi. Iisang babae lang ang kilala ko sa lugar na ‘to.

Natigilan ako sa ginagawa at nagugulat na napalingon kay Hosiah. 

“Why? Naalala mo na ang nangyari, Yohann? Who’s that chic, huh? As far as I know, you don’t settle for less.”

Napahilamos ako ng mukha nang unti-unti ko nang naalala ang mga nangyari kagabi. Yes. I was at that bar last night and met Rui by chance. It was not my intention to kissed her! Ano bang pumasok sa utak ko para gawin iyon? “Tsk”

“Okay okay. Kidding aside. I’ll drop you in your condo” 

“I’m planning to move somewhere” sabi ko, ensaktong pagkapasok namin sa loob ng condo unit na tinitirhan ko rito. 

“Where?’

“I’m not sure yet. I’m still looking”

“Bet you can’t sleep here” patalon siyang naupo sa pang-isahang couch bago nakadipang ipinatong ang mga braso sa armrest. “May alam akong condominium na mas malaki at mas komportable kaysa rito. I’ll call the receptionist for you”

“No. I can do it myself, Hosiah”

“Yeah sure, big brother” ngiwi niya at tumayo na. Akala ko ay lalabas na siya pero naglibot siya ng tingin sa paligid bago naglakad papalapit sa piano. Binantayan ko ang bawat kilos niya. “By the way, have you already...met...her?”

“Who?”

“You know what I mean” nilingon niya ako. 

Bumuntong-hininga ako. “Yes” 

“How she’s doing? Are you planning to—

“No” agarang sagot ko. “I don’t want to bother her anymore”

“Hm, mabuti naman. Uwi na’ko. Call me anytime, arraseo?” tapik niya sa braso ko.

Pinanood ko siyang lumabas bago ako nanghihinang naupo sa couch. Nasambunutan ko ang sariling buhok dahil sa nangyari kagabi. It was a mistake. I should’ve not kissed her.

Sinubukan kong tawagan ang number ng pizza parlor na pinagtatrabahuan niya habang dinadampian ng ice bag ang kanang pisngi. Ilang ring bago may sumagot sa kabilang linya.

“Good morning, ma’am, sir. This is Cerra from Gre-May pizza parlor and delivery!”

“C-Can I make a request?”

“Sino po sila?”

“Yohann”

“A-Ah...kayo po pala ‘yan”

“I want Miss Rui to deliver my pizza”

“Ah, Rui is absent today. If you want uhm...we can still deliver your order now, sir”

Napaayos ako sa pagkakaupo. “H-Hindi siya pumasok sa trabaho ngayon?”

“Hindi sir”

Nasapo ko ang noo. “May...nangyari ba? Uh...never mind. I’ll just order tomorrow. I’m sorry, thank you” baba ko agad sa telepono. Padabog akong nahiga ulit sa sofa at mariing pinikit ang mga mata.

Sinubukan kong takasan ang mga batang sumusunod sa akin. Kasing edad ko lang ang mga ito pero ‘di hamak na mayayaman sila. Bago pa ako makatakbo papalayo sa kanilang lahat ay may humawak na sa kwelyuhan ko. 

“Balita namin, may tililing ang mama mo?”

Sinubukan kong makawala sa nagsalita pero napasigaw ako sa sakit nang itulak niya ako pagkatapos niyang bitawan ang aking kwelyuhan. Umugong ang malakas na tawanan ng mga batang nanonood lang sa amin. 

“Ibig-sabihin ba, may tililing ka rin?” Mas lumakas ang tawanan nila. “Lahat ba kayo sa pamilya niyo may tililing?”

Wala sa sarili kong naikuyumos ang mga palad sa lupa habang nandidilim ang mga matang nakatitig sa kanila. Inisa-isa ko ang mga mukha ng mga batang tumatawa at kasabay nun ay ang pag-agos ng mga luha ko. Umiling ako ng umiling habang tinatakpan ang dalawang tenga dahil ayokong marinig ang paulit-ulit na salitang binabanggit nila. 

“Baliw, baliw, baliw...”

Naramdaman ko na lang bigla ang magkakasunod na pagtama ng mabigat na sapatos sa ulo ko. Napaangat ako ng tingin at mas lalong natakot nang makitang pinapalibutan na nila ako. Mas lalo akong umiyak, mas lalo lang silang natuwa.

Hinihingal akong nagbaba ulit ng tingin sa lupa hanggang sa matanaw ko ang may kalakihang bato sa ‘di kalayuan. Sinamaan ko silang lahat ng tingin habang pinipigilan ang sarili sa ngayo'y naiisip. Muli akong napayakap sa lupa nang patiran ako ng pinakamatangkad sa kanila dahil sinubukan kong tumayo.

“Kapag may tuliling daw, hindi sa paaralan dapat pumapasok kundi sa mental”

“Hindi ako baliw!” buong lakas na sigaw ko pero pinagtawanan nila ako.

“Pero mama mo baliw, tama ba? Pinatay daw ng mama mo ang papa mo kasi baliw siya—ah!”

Buong lakas ko silang pinagtutulak kaya napalangoy din sila sa lupa. Mabilis kong kinapa ang bato para ihagis sa kanilang lahat nang may biglang pumigil sa braso ko. Kinakabahan akong napalingon sa kanya kaya nabitawan ko ang bato. Paulit-ulit na umiling ang batang babae na siyang may hawak sa aking braso. 

Inis kong tinanggal ang kamay niya at itinulak siya palayo. 

“Sandali!”

Tumakbo ako paalis sa kanilang lahat pero may iilan sa kanila na ayaw akong tantanan. Paika-ika akong tumakbo habang hinihingal. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na tumawid ng kalsada. Pero tuluyan na akong naestatwa sa gitna ng kalsada, nang marinig ko ang nakakabinging busina ng dambuhalang sasakyang papalapit sa aking kinatatayuan.

Kasabay nun ay ang nakakasilaw nitong ilaw.

Magkakasunod na tunog ng alarm clock ang nagpagising sa akin. Unang tumama sa puting kisame ang mga mata ko bago ko nilingon ang malaking bintanang nakabukas. Tumatama sa pwesto ko ang sinag ng araw sa labas. Huminga ako ng malalim bago pawisang bumangon sa pagkakahiga sa sofa. 

Dumiretso ako ng banyo para maligo. Kinuha ko ang lalagyan ng gamot sa ibabaw ng salamin at ininom ito habang nakatingin sa sariling repleksyon. Pagkatapos maligo, sinubukan kong tawagan ang calling card ng hospital. Ilang taon na rin ang nakalipas. 

“Good afternoon. This is Hope Mental Facilitation. How can we help you?”

Humigpit ang hawak ko sa telepono. Malalim akong humugot ng hininga bago nagsalita. “How’s...my mom?”

RUI's POV

“Kagaya ng napag-usapan natin, sinabi ko sa kanya kanina na absent ka ngayon sa trabaho, Rui”

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman siguro iyon pupunta rito para lang makumpirma na absent talaga ako ‘di ba? “Salamat, Cerra” 

“May nangyari ba sa inyong dalawa?”

Pinanlakihan ako ng mata. “W-Wala!” Peke akong natawa nang makita siyang magulat sa naging reaksyon ko. “I mean...ayoko lang talaga sa customer na ‘yon”

Aligaga ulit akong lumabas para linisin ang gulong ng motor. Hangga’t maaari hindi na dapat pa kami magkita. Kahit kailan! Pagkatapos niya akong halikan kagabi? May lakas ng loob pa talaga siyang hanapin ako? 

“Ha, ang kapal ng mukha mo Yohann Min!” iritado kong tinama ang tubig ng hose sa gulong at inisip na siya iyon. Sariwa pa sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Nagbaba ako ng tingin sa aking kaliwang kamao na siyang pinangsuntok ko sa mukha niya. Sana nagawa ko ring suntukin ng ganoon kalakas si Marky. 

Wala sa sarili kong nahawakan ang labi at mariing pumikit.“Self-defense lang ang ginawa mo, Rui” 

Kinapa ko sa bulsa ang cellphone nang mag-vibrate ito. Si Jalen. “Oh, napatawag ka?”

“We have a problem” pabulong niyang sabi. 

“Anong meron?”pagtataka ko.

“Nasa trabaho ka pa?”

“Oh, bakit?”

“Paniguradong hindi mo magugustuhan ang mangyayari mamaya”

“Bakit nga?”

“I’ll call you back” bigla niyang pinutol ang tawag. Naguguluhan akong napatingin sa screen ng cellphone bago siya tinawagan ulit pero mukhang naka-off na ito. 

Nabitawan ko ang bitbit na helmet at pinamilugan ng mata nang makita ang buong pamilya ni Jalen sa loob ng bahay namin. Nakaupo silang lahat sa mesa kasama na rin sila mama at papa. Nasa akin silang lahat nakatingin. Tanging pamilya lang ni Jalen ang pumukol sa akin ng magandang ngiti. Seryoso naman akong pinapanood ni mama habang nasa malayo naman nakatingin si papa. Mabilis kong hinanap si Jalen na ngayon ay nakayuko pero halatang maski siya ay hindi gusto ang mga nangyayari. 

“Rui Laine, hija!”

Masiglang tumayo ang mama ni Jalen para salubungin ako ng yakap. Nakatuon kay mama ang paningin ko bago napilitang ngumiti kay tita. 

“Kumusta ang trabaho, hija? Halatang pagod ka na. Pagpasensyahan mong ngayon pa talaga mangyayari ito”

“Anong meron, tita?”

“Maupo ka muna” si mama ang sumagot. Iginiya ako ni tita paupo sa tabi ni Jalen. Doon lang ako nalingon ni Jalen nang palihim ko siyang siniko. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin pero sinasadya niyang iwasan ito. 

“Anong meron?” mahinang tanong ko kay Jalen pero buntong-hininga ang sagot niya. Kinurot ko siya sa ilalim ng lamesa. “Jalen?”

“Hindi ko rin alam” mariing bulong niya pero hindi ako kumbinsido. 

They’re acting weirder than I thought. Sinasagot ko ang bawat katanungang binabato ng pamilya ni Jalen sa akin habang kaming lahat ay kumakain. Napilitan akong ngumiti dahil sa magandang pakikitungo nila pero hindi ang pamilya ko. Doon na ako nagtaka nang pati si Jalen ay tanungin din nila mama at papa tungkol sa trabaho at pangarap nito. Alam ko nang hindi ito isang ordinaryong dinner sa kanila. 

Mukhang pinagduduldulan na naman kaming dalawa ni Jalen dahil alam nilang wala na kami ni Marky.

“When you two get marry soon—

Padabog kong naibaba ang basong hawak. Nilingon ko si mama at umiling. 

“We we’re good friends, tita” sagot ni Jalen bago pa man ako makapagsalita. “I think Rui and I were just...” nilingon niya ako. “I mean, there’s no special feelings between us” utal niya.

“Ayos lang ‘yan. Kami nga ng papa mo Jalen ay dumaan din sa ganyan. Sooner, magkakagusto rin naman kayo sa isa’t-isa—

“Tita” awat ko. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. Inisa-isa ko silang lahat. I can’t believe this. Tatayo na sana ako nang hawakan ni Jalen ang kanang kamay ko. Naguguluhan ko siyang nilingon. “Jalen...” bulong ko.

Pero nagtaka ako nang ipinagsiklop niya ang mga daliri namin at nakangiting pinisil ito. Naguguluhan akong napatitig kay Jalen pero nakangiti na siya bago nilingon ang lahat. 

“Wala pa po sa isip namin ang magpakasal. If you’ll give us time, I think we can work this out”usal ni Jalen na mas lalong kinagulat ko. 

“Jalen—

“Take your time, hijo. But also consider your age. Hindi na kayo bata.”

“I understand, tita”

“Jalen?” pabulong na asik ko pero nilingon niya ako at ningitian. 

Seryoso ba siya?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status