All Chapters of My Bittersweet Mistake: Chapter 21 - Chapter 30
130 Chapters
KABANATA 20
"Ano?! Lilipat na naman tayo?!" eksaheradang reaksyon ni Alice matapos ako nitong makitang nag-eempake na ng gamit."Hindi na pwede rito, Alice. Nasa paligid lang si Aldo.""Kagagaling mo lang, Mayu. Baka ma-ospital ka na naman diyan sa gusto mo. Pagkatapos ng isang buwan, pwede na tayong lumipat sa Buenavista—""Ngayon na. Hihintayin ko pa bang mahanap ako rito? Hihintayin ko pa bang malaman niyang buntis ako?"Sinulyapan ko siya sandali bago muling nag-empake. Hindi ko hahayaan masulyapan ni Aldo ni dulo ng daliri ko.Dinig kong bumuntong hininga si Alice bago nagsimulang mag-empake."Limang lugar lang ang pwede nating lipatan, Mayu. Pangatlo na niyan itong lilipatan natin. Dalawa na lang ang natitira, please, pumili ka na ng magandang lokasyon para naman kahit paano hindi ka mapagod kalilipat," litanya niya.Nakagat ko ang labi matapos mahimigan na nanenermon na siya. Naiintindihan ko naman na para din sa akin iyon at alam ko
Read more
KABANATA 21
"This is going to be a big scope. My brother will surely go crazy if he finds out the truth," muli niyang bigkas.Pinirmi ko ang mga labi bago siya nilingon. He has those same features similar to Aldo and Alaric, and now I wonder why he is doing this."What are you doing here, Apollo?" simpleng tanong ko.Ayaw kong magtaray lalo pa't dahil sa kanya kung bakit hindi pa rin ako nahahanap ni Aldo."I tracked you down. It's funny that you didn't use my card. Nahirapan tuloy akong hanapin ka. Nandito ka lang naman pala. Of all places, bakit dito pa?" Maliit siyang napangisi na tila tinawanan ang sarili niya.Napanguso ako at hindi makasagot. Hindi ko rin kasi alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko. Sa huli, sinulyapan ko ang kamay niyang nasa tiyan ko pa. Marahan ko iyong tinanggal kung kaya't napatingin siya roon."Aww, I'm sorry. Na-excite lang ako sa pamangkin ko," makahulugang banggit niya.Mabilis kong binitiwan ang kamay niya.
Read more
KABANATA 22
Wala na yatang mas lalakas pa sa kabog ng puso ko. Wala sa loob na kumapit ako sa binti ni Apollo sa kaba."Why don't we eat lunch together with your girlfriend? Don't worry. My treat," alok nito.Mas humigpit ang kapit ko sa binti ni Apollo. Nahihila ko na nga yata ang jeans niya kung kaya't hawak na niya iyon sa waistline.Sinulyapan ako nito at bahagyang binabawi ang binti niya. Pinanlakihan ko siya ng mata at mas hinila ang jeans niya."I'm waiting, Apollo," inip na sambit ni Aldo.Tumawa nang wala sa tono si Apollo at pilit tinataas ang jeans niya. Maging ang binti niya, pilit binabawi."Bro, my new girlfriend is shy. She doesn't want to face anyone." Tumawa pa ito muli sa dulo."Really? Akala ko ay agresibo dahil pinatulan ka. Anyways, what are you doing on this baby's section?" pagdududang tanong nito.Muling tumawa si Apollo at nilahad ang cart na puno ng gamit pang-baby kung kaya't kinurot ko siya muli sa binti. Pinapa
Read more
KABANATA 23
Nabato-balani ako at hindi makakilos sa kinatatayuan. Para bang hinihintay ko na lamang na lumingon si Delton dahil alam kong tapos na ang taguan. Unti-unti, bumagsak ang cellphone na hawak ko sa tainga kasabay ng mga luha ko. Ramdam ko pa ang bahagyang pagsipa ni Arkan na siyang kinaluha ko lalo."Are you excited to meet your father?" mahinang tanong ko at nagawa pang sulyapan ang umbok kong tiyan.Napangiti ako nang mapait lalo na matapos makita ang pares ng black shoes sa harap ko.Tapos na ang pagtatago, Mayu. Bigkas ng utak ko."It's late night, why are you still outside? The baby might caught cold."Namilog ang mga mata ko sa swabeng boses na iyon. Napakurap at agad na nag-angat ng tingin para lamang makita si Gueco na nakangisi sa harap ko."You thought it's Aldo?" paninigurado nito sa akala ko.Awang ang mga labing kumunot ang noo ko at nilingon pa ang likuran niya para makumpirmang hindi nakasunod si Aldo. Umatras ang luha ko
Read more
KABANATA 24.1
Gusto kong magalit kay Alice dahil sa ginawa niya ngunit bumalik ang nurse para sabihing isasalang na ako. Sa huli, mariin ko siyang tiningnan. Kagat nito ang daliri sa bibig at bakas sa mukha niya ang pagsisi.Huminga ako nang malalim at pinagpasa-Diyos na lang ang kaligtasan naming mag-ina. Pilit kong kinakalma ang puso sa durasyon niyon kahit pa gusto kong magwala. Ni hindi ko nga alam kung paano natapos o kung narinig ko bang umiyak si Arkan. Ang alam ko lang, gusto kong tumayo, bumalik sa kaninang kwarto at magpahinga.  Hindi ko nga sigurado kung nakatulog ba ako. Basta ang alam ko, nalingat ako sa boses ni Alice at isa pang boses lalaki."Is she alright?""Hindi ko sigurado. Siguro. Sandali nga, paano ba hawakan iyong baby?""I don't know. I have never held a baby my whole life. We'll call the nurse.""Gago! Mang-iistorbo ka pa ng iba—""Of course. Hindi pwedeng hindi tayo mag-ingat sa paghawak kay Arkan. That's my nephew we
Read more
KABANATA 24.2
"Ah? Huwag mong sabihing sinabi mo na kay Aldo? Apollo naman!"Gusto kong maiyak sa sitwasyon. Paano na lang kung basta kunin ni Aldo si Arkan? Malamang na hindi ako isasama at baka ipatapon pa ako sa malayo."Apollo, please naman. Hayaan mo munang makasama ko ang anak ko at huwag mo namang basta na lang ipaalam sa Kuya mo," pakiusap ko sa kaniya.Sumeryoso ito. Bahagyang salubong ang kilay habang hawak ang paa ni Arkan."I cannot keep it for long, Miss Selvestre. Sabihin ko man o hindi, malalaman pa rin ni Kuya.""Paanong hindi niya malalaman, sinabi mo na nga. Pinapabayad mo pa ang bills sa kanya! Iyon pa lang, ilalagay na niya sa utang ko."Nagtaka ako nang kagatin nito ang labi sa pagpipigil matawa."Do you really think I will tell him now? Hindi. You have his black card, use it. Waste his money, it's all okay. Let him think I was wasting his money," mungkahi nito na kinaawang ng mga labi ko."Ayoko," matatag kong bigkas.
Read more
KABANATA 25.1
Pare-pareho kaming tuliro, hindi alam kung paano tataguan si Aldo nang muli itong tumawag at sinabing malapit na base na rin sa pagtingin nito ng location sa cellphone ni Apollo."Umalis ka na muna kaya, Apollo?" mungkahi ko.Wala pang tigil sa pag-iyak si Arkan kung kaya't mas lalo kaming natataranta."Saang lugar pa ba may umiiyak na baby, Miss Selvestre? Siguradong titingnan pa rin niya ang lugar na 'to." Hinagod nito ang batok at mahinang nagmura.Nagkatinginan kami ni Alice. Hindi rin malaman ang gagawin."Lumipat ka muna sa kabilang kwarto. Baka may baby din sila," mungkahi ni Alice, "Layas na griyegong maitim ang budhi! Dalian mo!" Pagtataboy pa nito muli.Gigil na naningkit ang tingin ni Apollo kay Alice bago nito napagpapasyahang lumabas ng kwarto.Nakahinga kami nang maluwag matapos nitong lumabas. Maingat na kinuha ni Alice sa akin si Arkan at hinele."Magtataka pa ba ako kung bukas nandito na si Aldo?" Tass kilay na
Read more
KABANATA 25.2
With their connection, everything is possible.Ang sama ng loob ko na wala akong magawa para baguhin iyon. Hindi ako mayaman para kalabanin sila. Wala akong kapangyarihan kahit para man lang makalaban ng patas sa kanila."Ikaw ang nanay, ikaw ang magpapalaki, Mayu. Ano ngayon kung mayaman sila? Kapag ikaw ang pinili ng anak mo, na sa'yo pa rin ang huling halakhak."Iyon ang sabi sa akin ni Alice noong makauwi kami. Nag-aayos ito ng gamit, dahil gaya sa sabi ni Apollo ay lilipat kami ng bahay."Ayokong dumating ang punto na kailangan pang mamili ni Arkan, Alice."Nangunot ang noo nito bago ako nilingon."So, magpaparaya ka na lang basta?""Hindi. Hindi niya kailangang mamili dahil ako lang ang choice. Ako lang ang magulang ng anak ko."Ngumisi ako na kinangisi rin ni Alice."That's my girl!" sigaw nito at nagtaas pa ng kamay.Napailing ako at mahinang napatawa. Ako ang nagpakahirap kaya't walang karapatan si Aldo n
Read more
KABANATA 26.1
"Aalis kami, Apollo—""Don't. Kung inaalala mo si Kuya Aldo, he will not go here. He's busy."Hindi ko alam ngunit sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko, "I know. He's busy finding a fiancée—""Yeah, his runaway fiancée," dugtong niya na kinatigil ko matapos mag-sink in sa akin ang sinabi niya.Bakit ako ang tinutukoy niya?"Kasalanan niya kung bakit ako tumakbo palayo—""Silly, I was just kidding." Mahina pa siyang tumawa bago sumeryoso ang mukha, "Please, don't go anywhere, Miss Selvestre. Arkan deserves all of this."Iyon ang pakiusap sa akin ni Apollo bago niya kami iniwan sa bahay. Ngayon, hindi ko na alam kung mananatili pa ba sa rest house o tatakas na."Dito na lang tayo, Mayu. Nakapapagod ding magpalipat-lipat," si Alice na sinandal ang likod sa malambot na sofa."Paano naman kung biglang lumitaw si Aldo rito?" nag-aalalang tanong ko.Napaahon si Alice mula sa sofa at pago
Read more
KABANATA 26.2
"Gaga ka ba o sadyang tanga ka lang?! Anak mo 'yan, Mayu! Hindi 'yan aso na basta mo na lang pwedeng ipaampon! Mag-isip ka nga!"Pagkatapos niyon ay basta na lang niya binagsak ang tawag. Bagsak ang balikat na hinitsa ko ang cellphone sa kama. Pumikit nang mariin at hinilot ang sentido. Nang magmulat ay sinulyapan ko si Arkan na inosenteng nakatingin sa akin. Malinaw na malinaw sa paningin ko ang kulay ng mga mata niya at tingin ko ay mas titingkad pa ang mga iyon habang tumatanda siya."Hindi kita kayang alagaan, Arkan," mas mahinang bigkas ko.Kahit na paunti-unting pinupunit ang puso ko ay buo pa rin ang desisyon kong ipaampon siya.Mas maaalagaan siya ng iba.Mas mamahalin siya ng iba.Mas bibigyan siya ng pansin at...Mabibigyan siya ng buong pamilya.Paulit-ulit na umiikot ang mga iyon sa isipan ko. Kaya kinabukasan kahit pa ramdam ko ang pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ko, nagpasya akong maghanap ng
Read more
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status