Kinaumagahan, mas maaga akong nagising kaysa sa inaasahan ko dahil sa matinding sakit sa aking puson.I’m on my monthly period, and unfortunately, I’m dealing with painful dysmenorrhea. Halos gumapang ako papunta sa banyo dahil sa tindi ng sakit. Naligo ako at sinubukan kong bumaba pagkatapos magbihis.Napagtanto kong madaling araw pa lang pala; tahimik pa ang buong bahay. Pagdating ko sa kusina, agad akong naghanap ng heating pad. Namilipit na naman ako sa sakit kaya naisipan kong umupo na lang sa isang upuan. I pressed the heating pad against my abdomen, hoping for some relief.Nasa gano’ng estado ako nang may pamilyar na presensiyang lumitaw mula sa aking likuran.Si Troy.Napasinghap ako nang magtama ang aming mga mata, pero agad kong inalis ang tingin ko sa kanya. Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang pinapakinggan ko ang mga yabag niya papunta sa fridge.Kailangan ko nang umalis.Nakatayo pa ako nang maayos, pero sa ikalimang hakbang ko, pinagtaksilan ako ng lakas ko at muntik n
Terakhir Diperbarui : 2025-07-30 Baca selengkapnya