All Chapters of The Missing Kingdom Of Izles: Chapter 11 - Chapter 20
29 Chapters
Kabanata 10
SimulaIsang malakas na sampal sa mukha ang gumising sa akin. Nagulat ako kaya naman gumalaw nang mabilis ang katawan ko at tumayo mula sa pagkakahiga sa damuhan. Ang katawan ko'y nasa tindig na handang makipaglaban. Ngunit naudot iyon nang makita ko ang mukha ng walang hiyang gumising sa akin.Masamang tingin ang binigay ko sa kanya. "Finally." Aniya.Walang kabuhay buhay ang pagkakasabi niya no'n, gaya ng aking pagkakaalala hindi siya masayahing tao. Tumingin siya sa akin nang nakabusangot.Aba! Ma-attitude din ang isang 'to."Hey, Tao!" Kinaway niya ang isang kamay sa harap ko habang nakapamewang. Mukha siyang problemado. Natulala na pala ako sa kawalan, hindi ko man lang 'yon namamalayan.Pasensya naman, ikaw kaya makipaglaban sa kamukha mo, mag analisa ng nakakasira sa ulong tula, muntik nang makakain ng daga at masaksak sa puso, tingnan natin kung kakayanin mo.Hindi ko na naisatinig ang mga salitang 'yon dahil wala na akong lakas makipag argumento. Pagod na ang katawan at utak
Read more
Kabanata 11
BaguhanSinundan ko si Aoife hanggang sa marating namin ang labas ng gusali. Isa iyong malawak na damuhan. May mga bench sa gilid at malalaking punong maaring silungan.Nagawi ang tingin ko sa gitna. Agaw pansin ang napakalaking estatuwa ng anghel na nakabuka ang pakpak habang hawak hawak ang punyal na mayroong nakaukit na iba't ibang uri ng bulaklak.Pamilyar iyon sa akin dahil ang punyal na hawak hawak nito ay kahawig na kahawig ng logo ng paaralan. Sa paahan ng anghel umaagos ang tubig.Sa ibabang parte naman ng fountain makikita ang maliliit na anghel na tila masayang naglalaro sa bawat patak ng tubig sa uluhan nila.Napakaganda no'ng tingnan.Pinagpatuloy namin ang paglalakad at itong si Aoife, imbis na maglakad sa malilim na daan, gusto niya pang maglakad sa gitna ng initan.Nakita kong unti unti nang nang naglabasan ang mga estudyante mula sa kani kanilang silid.Baka break time?Namangha ako nang makita ko ang unipormeng suot suot nila.Ang mga babae ay nakasuot ng high-waisted
Read more
Kabanata 12
Bakas ng Lotus Habang nag iisip kung paano ako makakalabas ng restroom na 'to, hindi ko maiwasan ang pag gawi ng mata ko sa lalaking naka upo sa gilid ng kwarto. Magulo ang kanyang buhok, basa ang suot suot na uniform, mukhang galing sa pag iyak dahil namumula ang kanyang mata, makapal ang kilay, mahabang pilikmata, kulay dagat na mga mata, ilong na matangos, pulang pulang labi at ang perpektong hubog ng panga. Halos hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Namamangha ako sa kaperpektuhan ng kanyang itsura. Siguro kung babae lang siya, siguradong mas maganda pa siya sa akin. Nag angat siya ng tingin dahilan upang mag salubong ang aming mga mata. Mukhang napansin niya ang paninitig ko. Patay malisya kong iniwas ang tingin. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Sinawalang bahala ko na lamang iyon at mas tinuon ang aking atensiyon sa sarili. Halos maubos ko na ang tisyung binigay niya kanina. Ipagpapatuloy ko pa sana ang ginagawa ko nang makarinig ako ng hikbi mula sa kung sa
Read more
Kabanata 13
Unang araw Naalimpungatan ako nang marinig ang napalakas na tunog ng bell sa buong dormitoryo. Ayaw ko pang gumising. Reklamo ko nang maalalang alas tres ng madaling araw na ako nakatulog. Marami kasing tumatakbo sa isip ko kaya nahihirapan akong ipikit ang mata at matulog nang mahimbing. Ganun ako palagi. Hindi makakatulog kakaisip sa mga bagay bagay tulad ng kung anong mangyayari kinabukasan. Isa pa, namamahay din ako. Hindi ako sanay na matulog sa malambot na higaang ito. Tapos maiisip ko na naman ang kalagayan ni Ina, kung natutulog ba siya nang maayos, kumakain nang marami at iba pa. Sa loob ng ilang oras lahat ng yan ang bumabagabag sa isipan ko hanggang sa tumilaok na ang manok at sumilip na ang haring araw. Tinakpan ko ng unan ang tenga ko upang mabawasan ang ingay ng bell ngunit wala iyong kuwenta dahil rinig na rinig ko parin! Inis akong umupo mula sa pagkakahiga at papungas pungas na tiningnan ang oras sa gilid ng aking kama. Alas singko palang! Bakit ang aga aga naman
Read more
Kabanata 14
Kasaysayan Ramdam ko na ang malakas na tibok ng puso ko sa sobrang kaba lalo na nang huminto ang tingin ng gurong nasa harapan sa pwesto ko. Agad na akong nag isip ng mga nakakahiyang senaryo, tulad ng mauutal ako habang sumasagot, paano kung hindi ko alam ang isasagot? Baka bigla nalang akong tumakbo palabas ng silid sa sobrang kahihiyan! Pa'no kung matulala na lang ako at di alam ang gagawin? Pa'no na? "Ikaw." Napaupo ako ng tuwid nang bigla siyang magsalita. "P-po?" Nahalata niya yata ang pagiging kabado ko kaya ngumiti siya sa akin nang bahagya. Kahit papano'y kumalma ako dahil do'n. "Bago ka dito hindi ba? Ang iyong pangalan binibini?" aniya. Sa pagkakataong ito ay tumayo na ako at pinakilala ang sarili sa mahinahong paraan hanggay maari. "Ang ngalan ko po'y Ashia Dawn ngunit ang palayaw kong Liwayway ang kadalasang tawag sa akin ng aking mga kakilala." mahinahong sagot ko. Mula rito sa kinatatayuan ko, nakita ko ang paglingon ni Adeem sa pwesto ko na siyang sinundan ng h
Read more
Kabanata 15
Lagusan Hindi ko alam na sobrang gabi na pala matatapos ang klase namin. Paano'y pinaghanap kami ng mga halamang gamot sa palibot ng akademya kaya't pagod na pagod ako. Iba't ibang uri ng halamang gamot ang tinuro sa amin, ang benepisyo no'n, kung para saan 'yon, paano ang tamang paggamit, at ang alternatibo nito kung sakaling walang ganon sa paligid. Naging mahigpit ang klaseng 'yon, kaya't kailangan kong mas pag tuunan ng pansin sapagkat wala akong alam sa panggagamot. Ni isa, wala, kaya't naging interesado na rin ako. Mabuti na lamang ay madali kong nahahanap ang mga bagay o halaman na kailangan. Parang sila mismo ang nagpapakita sa akin kaya naman tuwang tuwa ako. Ang mga kaklase ko'y nahihirapan sa paghahanap kaya't may ilang binigyan ko ng sobrang halaman upang matapos na nila ang kailangan nilang hanapin. Mabuti na lamang mayroon pang mababait na nilalang sa klase namin. Sinabi ng propesor namin sa medisina na ang asignaturang ito ay nagsimula noong naglaho ang kaharian ng I
Read more
Kabanata 16
Sumpa Naglalakad kami sa gitna ng kakahuyan, nakikita ko ang aming anino na ani mo'y mga batang naliligaw sa gitna ng kagubatan. "Saan mo ba kasi nilagay ang kabayo, Vinetu?" Naiiritang tanong ng Kapitan. Kanina pa kami paikot ikot sa kagubatan ngunit hindi parin namin makita ang kabayong sinasabi ni Adeem. Nangangalay na ang paa namin kakalakad. "Dito lang yun, Kapitan. Baka nagtatago lang sa atin." Walang kwentang palusot ni Adeem. Nilingon ng Prinsipe si Adeem at niliitan ng mata. "Sigurado ka ba diyan?" "Opo, mahal na Prinsipe, baka sadyang shy-type lang yung kabayong nirentahan ko sa may bayan." Bahagya akong napatawa sa sinabi niya. May shy-type bang kabayo? "Siguraduhin mo lang Adeem, hindi tayo pwedeng magtagal, hindi ko pa napapakain si Puti." Sabi ng Prinsipe at kinamot ang ulo. Kinagat niya yung palusot? Masamang tingin ang pinukol ng Kapitan sa Prinsipe. "Ano?" ani ng prinsipe nang makita ang nanlilisik na tingin ng kapitan. Mukhang wala talaga siyang ka mal
Read more
Kabanata 17
Pangako "Ang nakikita mo ngayon ay ang kalagayan ng buong Paraiso." Isang detalyadong mapa ang pinakita sa amin ni Aoife. Kitang kita ko ang bawat maliliit na detalye na para bang buhay na buhay ito sa aking harapan ngunit pinaliit na bersyon lamang upang makita namin ng buo. Ang mga ulap at mga ibon na lumilipad ay naroon din. Maging ang usok mula sa kagubatan ay nakikita ko. Tiningnan kong mabuti ang mapa. Unti unting nagbabago ang anyo nito. Kinakain ng dilim ang halos kalahating parte ng mapa, may malaking alon na lumamon sa Paraiso, ngunit mas mataas ang alon na nagmumula sa Niteo. Ito yun, ito yung inaral namin sa kasaysayan. Pinagtuunan ko ng pansin ang parteng iyon ng Niteo. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang libo libong labi ng tao sa harap ng kaharian. Naroon ang reyna, may bakas ng puot at pighati sa kanyang wangis, hindi gaanong malinaw sa akin ngunit mukhang lumuluha siya ng dugo. Kasunod ng mga trahedyang iyon ay ang pagkawala bigla ng kaharian ng mga diw
Read more
Kabanata 18
Baybayin Lumulutang ang paligid. Iba't ibang liwanag mula sa kapangyarihan ng aking mga kaklase. Mga anyong ngayon ko lamang nakita. Magulo, ang daming kaganapan sa paligid at hindi na makasunod ang kulang sa tulog kong katawan. Halos wala na akong maintindihan sa mga nangyayari. Ang alam ko lang sinundan ko ang aking kaklase nang pumunta silang lahat dito sa training ground ng paaralan. Walang kagamitan na makikita rito, isang malawak lamang na damuhan na mayroong sariwang hangin. Kung ako ang tatanungin, pwede na akong matulog dito ora mismo. Ang rason kung bakit kami nandito? Hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga alam pa'no ako nakarating dito sa harapan ng kapwa ko babaeng kaklase. Namumukhaan ko lang siya pero 'di ang pangalan niya. Nakaakto siyang pasugod sa akin. Ako namang walang kamalay malay ay taka siyang tiningnan. Bakit mukhang makikipagrambulan sa akin ang babaeng 'to? Nawala ang antok ko nang bigla niya akong inatake ng suntok sa sikmura at sunod sunod na sipa. P
Read more
Kabanata 19
Marka Sinubukan kong burahin ang markang nasa pala pulsuhan ko ngunit kahit anong kuskos ang gawin ko, hindi iyon mawala, bagkus ay nagiging mas makintab pa iyon kaysa nakasanayan. Hindi ko alam kung para saan ang markang 'to. Isa pa, wala namang nabanggit ang kapitan tungkol dito. Maging ang prinsipe. Tinitigan ko ang marka. Lalo iyong lumiwanag at unti unti akong nakaramdam ng pagkapaso mula rito hanggang sa lalo na iyong lumala! Sobrang init! Parang sinusunog ako ng buhay! "Ahhhh!" sigaw ko nang malakas nang kumalat ang na ang napakasakit na pakiramdam sa katawan ko. Para akong inaapuyan! Pawis na pawis ako habang namimilipit sa sakit dito sa sahig ng aking kwarto. Pakiramdam ko'y mahihimatay na ako anumang oras. Tulong, pakiusap.. Piping sigaw ko sa aking isipan dahil nawalan na ako ng lakas upang sumigaw sa sakit. Tila inuubos nito ang lahat ng lakas ko. Kahit sino, pakiusap... Nararamdaman ko na nag pag bigay ng aking katawan. Malakas na ihip hangin mula sa bintan
Read more
PREV
123
DMCA.com Protection Status