Share

Kabanata 15

Lagusan

Hindi ko alam na sobrang gabi na pala matatapos ang klase namin. Paano'y pinaghanap kami ng mga halamang gamot sa palibot ng akademya kaya't pagod na pagod ako.

Iba't ibang uri ng halamang gamot ang tinuro sa amin, ang benepisyo no'n, kung para saan 'yon, paano ang tamang paggamit, at ang alternatibo nito kung sakaling walang ganon sa paligid.

Naging mahigpit ang klaseng 'yon, kaya't kailangan kong mas pag tuunan ng pansin sapagkat wala akong alam sa panggagamot. Ni isa, wala, kaya't naging interesado na rin ako. Mabuti na lamang ay madali kong nahahanap ang mga bagay o halaman na kailangan. Parang sila mismo ang nagpapakita sa akin kaya naman tuwang tuwa ako.

Ang mga kaklase ko'y nahihirapan sa paghahanap kaya't may ilang binigyan ko ng sobrang halaman upang matapos na nila ang kailangan nilang hanapin. Mabuti na lamang mayroon pang mababait na nilalang sa klase namin. Sinabi ng propesor namin sa medisina na ang asignaturang ito ay nagsimula noong naglaho ang kaharian ng I
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status