Share

Kabanata 16

Sumpa

Naglalakad kami sa gitna ng kakahuyan, nakikita ko ang aming anino na ani mo'y mga batang naliligaw sa gitna ng kagubatan.

"Saan mo ba kasi nilagay ang kabayo, Vinetu?" Naiiritang tanong ng Kapitan.

Kanina pa kami paikot ikot sa kagubatan ngunit hindi parin namin makita ang kabayong sinasabi ni Adeem. Nangangalay na ang paa namin kakalakad.

"Dito lang yun, Kapitan. Baka nagtatago lang sa atin." Walang kwentang palusot ni Adeem.

Nilingon ng Prinsipe si Adeem at niliitan ng mata.

"Sigurado ka ba diyan?"

"Opo, mahal na Prinsipe, baka sadyang shy-type lang yung kabayong nirentahan ko sa may bayan." Bahagya akong napatawa sa sinabi niya.

May shy-type bang kabayo?

"Siguraduhin mo lang Adeem, hindi tayo pwedeng magtagal, hindi ko pa napapakain si Puti." Sabi ng Prinsipe at kinamot ang ulo.

Kinagat niya yung palusot?

Masamang tingin ang pinukol ng Kapitan sa Prinsipe.

"Ano?" ani ng prinsipe nang makita ang nanlilisik na tingin ng kapitan.

Mukhang wala talaga siyang ka mal
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status