Share

Kabanata 17

Pangako

"Ang nakikita mo ngayon ay ang kalagayan ng buong Paraiso."

Isang detalyadong mapa ang pinakita sa amin ni Aoife. Kitang kita ko ang bawat maliliit na detalye na para bang buhay na buhay ito sa aking harapan ngunit pinaliit na bersyon lamang upang makita namin ng buo. Ang mga ulap at mga ibon na lumilipad ay naroon din. Maging ang usok mula sa kagubatan ay nakikita ko.

Tiningnan kong mabuti ang mapa. Unti unting nagbabago ang anyo nito. Kinakain ng dilim ang halos kalahating parte ng mapa, may malaking alon na lumamon sa Paraiso, ngunit mas mataas ang alon na nagmumula sa Niteo.

Ito yun, ito yung inaral namin sa kasaysayan.

Pinagtuunan ko ng pansin ang parteng iyon ng Niteo. Halos manlaki ang mata ko nang makita ko ang libo libong labi ng tao sa harap ng kaharian. Naroon ang reyna, may bakas ng puot at pighati sa kanyang wangis, hindi gaanong malinaw sa akin ngunit mukhang lumuluha siya ng dugo.

Kasunod ng mga trahedyang iyon ay ang pagkawala bigla ng kaharian ng mga diw
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status