All Chapters of Love you still: Chapter 61 - Chapter 70
71 Chapters
KABANATA 61
AlexenaAutomatic na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.Ano raw? Sa halip na ipaliwanag ang narinig ko ay pasimple nitong inginuso ang direksiyon ni Mikey na seryosong nakatingin sa amin, katabi pa rin nito si Lucy na mukhang may sinasabi rito.Napalunok ako dahil sa titig ng lalaki kaya iniiwas ko na rin ang tingin dito at hinablot ko na lang bigla ang lotion kay Cloud.Natawa ang kaibigan kong may saltik sa utak. "Nako. Takot ka rin, 'no?" Tiningnan ko ito nang masama. "H-Hindi, 'no. Ba't naman ako matatakot? Ayoko lang na magpalagay sa iyo at baka kasi tsansingan mo ako." Napasipol ito. "Wow, ha? E, 'di ngiyaw! Nagmamagandang-loob lang ako, eh."Nagmamagandang-loob, my ass.Inirapan ko ito.Narinig ko naman ang naaaliw nitong pagtawa.Siyang-siya ang loko."Teka, may dala ka bang pangpusod?" tanong nito kapagkwan.Tumingin ulit ako rito. "Heto, bakit? Anong itatali mo?" nagtatakang tanong ko sabay pakita sa panali ng buhok na nasa palapulsuhan ko pa dahil nakalimutan ko pa
Read more
KABANATA 62
AlexenaLuh? Ano na namang pauso 'yon? Daming alam, eh."La la la la. Ayaw raw magpalagay sa akin ng lotion kasi baka tsansingan ko, pero may lumapit lang na isa pang guwapo pumayag na." Nanlaki ang mata ko. Alam kong ako ang pinaparinggan nito. "Ayan. Hindi siya makasagot ngayon, kasi nga kinikilig pa rin siya," patuloy na parinig pa rin nito.Inis na hinampas ko ito sa hita. "Grabe ka!"Kunwa ay gulat pa itong tumingin sa akin at ikinurap-kurap ang mata na parang kay inosente. "Ay! Ikaw ba 'yon? Bakit nagre-react ka?" maang-maangan pang tanong nito.Umirap ako at ngumuso. "Hindi ko naman kasi ginusto 'yon."Tiningnan ako nito nang hindi naniniwala. "Ows?"Kinurot ko naman ito sa braso. "Malay ko ba kasing lalapit 'yong kaibigan mo? Tss. Kung anu-ano ang sinasabi at ang lakas na pagbantaan ako."Hinawakan nito ang kamay kong nakakurot pa rin sa braso nito, nakangiwi ito dahil madiin ang ginawa ko. "Grabe. Kailangang manakit?" sa halip ay tanong nito."Ikaw kasi, eh," paninisi ko.
Read more
KABANATA 63
AlexenaHindi na natuloy pa ang pagtuturo ni Cloud sa akin na lumangoy dahil ilang ulit nang kapag bibitawan na ako nito ay natatakot na ako at aatakihin bigla ng pagpa-panic, kundi magkakakawag ay napapakapit ako rito. Hindi kami makausad-usad at mukhang napansin nito na walang nangyayari kaya ito na rin ang sumuko na ikinahinga ko nang maluwag. Napagpasyahan nito na huwag na lamang akong pilitin dahil hindi ko talaga kaya dahil sa takot ko. Ang ending tuloy ay nakalunoy na lamang kaming pareho habang nakaupo at nakalubog ang mga paa at binti hanggang sa lagpas beywang na tubig malapit sa dalampasigan, nakaharap ito sa akin habang nilalaro ng kamay ang tubig, hindi namin alintana ang mataas na sikat ng araw, basta ang nararamdaman ko ay relax ako at mukhang gano'n din naman ang kasama ko."Nag-e-enjoy ka naman ba? Okay ka na?" biglang tanong nito.Mula sa mga alon sa malayo na pinagmamasdan ko ay lumingon ako rito at ngumiti. "Oo naman, nabawasan ang pagka-stress ko kanina. Sino ba
Read more
KABANATA 64
AlexenaSeryosong nakatingin sa akin ang singkit nitong mata.Ano na naman kaya ang problema nito?Napalunok ako.Pasimple akong tumingin sa paligid at nakitang kami na lamang palang dalawa ang walang kapareha at kulang sa mga naroon na nagsasayaw sa tabi ng apoy.Nabalik ang tingin ko rito noong ilahad nito ang kamay sa tapat ko.Kinabahan akong bigla at napalunok pa ako ng ilang beses. Kumurap rin ako upang malaman kung totoo ba ang lahat ng ito.Pero ako ba talaga ang niyayaya nito? Magsasayaw din kami?Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kamay nito na nakalahad pa rin at sa mukha nitong seryoso lang. Is he asking me to dance with him? Is he really serious about this?Nagtatalo ang isip, katawan at puso ko kung tatanggapin ko ba ang alok nito. Gusto ko na ayoko. Fck. Naguguluhan na ako. Ano ang gagawin ko?Pero mukhang kahit na ano pa ang piliin ko, magkakaroon at magkakaroon sigurado ng epekto ang magiging desisyon ko sa aming dalawa.Nanatili akong tahimik habang nakatingala rit
Read more
KABANATA 65
AlexenaTumayo ako at balak na lagpasan na lang sana ito ngunit hinagip nito ang braso ko nang mapatapat ako rito kaya napahinto ako. Gigil ang hitsura nito pati na ang pagkakahawak sa akin."Bitawan mo ang braso ko, Lucy. Papasok na ako upang mamahinga," malumanay na turan ko.Tiningnan lamang ako nito mula ulo hanggang paa sa halip na sundin ang sinabi ko. "Bitch. Hindi naman kagandahan."Kaagad na nag-init ang ulo ko sa narinig.Sa totoo lang ay wala akong panahon sa mga katulad nito.Ngunit sa halip na sumagot at magpadala sa inis na nadarama ko ay ako na ang pilit na nagtanggal ng kamay nito na mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko, halos bumaon na ang mahahaba nitong kuko sa balat ko.Ang sama ng ugali nito.Nakakahinayang lang dahil binabalak ko pa namang manghingi rito ng tawad pero parang gusto nang magbago ng isip ko dahil sa mga sinasabi nito at nakikita ko rito.Mataray ako nitong tiningnan. "Akala mo kung sinong mahinhin. Pero tingnan mo naman ngayon, nasa loob pala ang k
Read more
KABANATA 66
AlexenaNakatulala lamang ako sa dilim at hindi gaanong nakatulog dahil sa nangyari. Hindi ako hinayaan ni Cloud na manahimik lang, bagkus ay pinilit ako nitong magkuwento kung ano ba ang nangyari sa pagitan namin ni Lucy na humantong sa pagkahulog ko sa pool. Dahil sa sakit ng loob na nadarama ay sinabi ko rito ang totoo. Tila ba para akong bumalik sa pagkabata, para akong nakakita ng kakampi at nagsumbong ako rito. Inilabas ko ang mga sama ng loob ko dahil sobrang bigat na. Inalo naman ako ni Cloud. Inalis ko ang hiya ko at umiyak sa balikat nito halos buong magdamag, ayaw maampat ng luha ko, pinipigilan ko naman pero ayaw talagang tumigil. Nakinig ito sa lahat ng drama ko. Nang matapos na akong magkuwento ay singhot at hikbi na lang ang pumuno sa silid namin. Hinayaan ako nito at sa pagod siguro ay hindi ko na namalayan pa na nakatulog ako, nagising na lang ako na komportableng nakahiga sa kama ko. Gising na ako kanina pa pero hindi ako kumikilos o gumagalaw man lang.Ramdam ko
Read more
KABANATA 67
AlexenaNapaprenong bigla si Cloud pero nang nakahuma ay agad na iginilid nito ang sasakyan. "W-What did you say?"Kinagat ko ang labi kong noong naguguluhan ako nitong hinarap."N-Namatay ang dapat ay may kakayahang bumuo sana sa amin, Cloud," mahinang ulit ko.Hindi nito nakuhang kumibo o gumalaw man lang, nanatiling nakatitig lamang ito sa akin."Kaya sabihin mo sa akin, may karapatan ba dapat akong sumaya? Paano pa ako sasaya?" may pait sa tinig kong tanong. Ikinurap-kurap nito ang mata, bakas sa mukha nito ang labis na kalituhan. "Who? What? Wait, hindi ako makasunod sa sinasabi mo. N-Namatay? Sino ang namatay na tinutukoy mo?" naguguluhang tanong nito.Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pumipintig ang lahat ng parte ng katawan ko sa nerbiyos sa pagsisiwalat ng sikreto ko.Lumunok ako dahil sa ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, nanginginig ang labi na sumagot ako. "M-My... no, our baby."Napatanga ito sa narinig at napakurap ng ilang beses k
Read more
KABANATA 68
AlexenaSimula noong nakauwi kami ni Cloud, madalas ay nasa kuwarto lamang ako at paulit-ulit na lang ang ginagawa... matutulog, gigising, nakatulala o 'di kaya ay nakapikit at pinipilit na ipahinga ang isip at umidlip kahit na hirap na hirap akong matulog. Lumalabas lamang ako kapag kinatok na ako ni Zelle para kumain. Hindi ko man masabi rito pero sobra ang pasasalamat ko dahil nandito ito, kahit na ang tagal din naming hindi nagkasama pero hindi pa rin ito nagbabago, kahit na nga nasaang lupalop man ito ay umuwi kaagad ito noong pinatawagan ko ito kay Cloud bago kami bumiyahe, hindi pa rin ako nito kayang tiisin at pabayaan. Hindi ako nito iniiwan at nandito pa rin ito para samahan ako kahit pa nga madalas ay parang wala itong kasama dahil tahimik lang ako at halos puro tango lang ang isinasagot ko kapag may itinatanong ito sa akin. She's worried about me. Kita ko rin at ramdam na gusto ako nitong tulungan. Pero sa ngayon, ang gusto ko ay ang mapag-isa at mag-isip to sort things
Read more
KABANATA 69
AlexenaKumurap-kurap ako upang mawala ang panlalabo ng mata ko at dali-daling kumilos pabalik papunta sa kuwarto noong marinig ko ang mga yabag ng pinsan ko.Hindi dapat ako nito makita.Habol ang hininga ko noong makapasok sa kuwarto at isinarado nang magaan ang pinto. Sumandal ako sandali roon at nang mangawit ay kumilos ako upang umupo sa kama.Hindi ko naman sinisisi si Mikey sa muntikan ko nang pagkalunod, sa totoo lang hindi naman ito ang may kasalanan kung bakit ako nahulog, dahil hindi naman ito ang nagtulak sa akin kundi si Lucy. Though... may parte na ito ang dahilan kung bakit naging gano'n si Lucy at humantong nga sa pagkakahulog ko sa pool at kamuntikan nang pagkalunod.Huminga ako nang malalim para mapayapa ang nararamdaman ko. Pinahid ko rin ang pisngi ko na may bahid ng natuyong luha. Lumunok ako at naramdamang muli ang uhaw.Tumayo ako kapagkwan at pumunta sa CR upang maghilamos, hindi maaaring lumabas ako at makita ng pinsan ko na ganito ang hitsura ko. Ayokong mag-
Read more
KABANATA 70
AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status